LOGINBeatrice
“Kanino niya naman po iyan narinig–”
“Sa mga katulong ng madrasta mo.”
“Naku po, nagpapaniwala kayo sa kanila,” sabi ko at bago pa lumalim ang tanungan nila nagpaalam na ako.
“O siya sige na po, mauuna na ho ako. Hiindi po ako nagpaalam kanina kay Lolo Ingko, baka nag-aalala na po siya,” tuloy-tuloy kong sabi at tumayo na ako.
Bumaling ako kay Noah tska ko tinapakan ang paa niya. Tumingala naman siya sa akin. Sinenyasan ko naman siya na ihatid ako.
Nag-aalinlangan niya akong tiningnan kaya pinanlakihan ko siya ng mata.
“Hatid na kita, mamaya pa naman kami babalik sa paanan ng bundok," wika niya rin sa huli.
Kailangan makaalis ako rito agad.
“Totoo ba talaga?” tanong ni Noah habang naglalakad kami patungo sa kanyang sasakyan.
“Ang alin?” pabalik kong tanong.
“Na nakapag-asawa ka na?"
Tinignan ko siya. “Wala na kasi akong masyadong update sa buhay mo, nagMIA ka eh. HIndi ko na nga tanda kung kailan ang huli nating pag-uusap. Tanging source ka na lang din ay yung mga naririnig ko tungkol sa iyo.”
Pagkatapos ko ng high school dito, pinagdorm na ako nila Dad at nag-aral sa Ramilla. Tsaka lang ako nakabalik noong nakapasa ako sa bar exam pero pinakasal naman ako kaagad kaya bumalik din ako sa Ramilla at namalagi ako sa Villa Maginoo.
“Bea,” kulit sa akin ni Noah.
“Oo, kasal na ako.”
“Then, your husband is him?”
Tinaasan ko siya ng kilay, “Naging usisero ka na rin no.”
“I’m just asking–”
“Dali na sir, kumilos ka na.”
Napalingon kami ni Noah nang marinig namin ang ingay sa likod namin. Kumunot ang noo ko ng pilit na tinutulak ni Kio si Lucien patungo sa amin.
“Honey,” tawag sa akin ni Lucien nang tuluyang makalapit sila sa amin.
Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko at gulat ko siyang tiningnan.
Honey?
Or Hani?
Ang lokong ‘to, Beatrice ang pangalan ko.
“Hindi–”
“Are you going somewhere?” tanong niya na ikinatigil ko.
Lumapit siya at hinawakan ang kamay ko, nahila ko kaagad ito dahil nakaramdam ako ng daloy ng kuryente sa palad namin.
Pero hinuli niya ang kamay ko at tuluyan niyang pinagsugpong ang mga palad namin.
Tigagal ko naman syang tiningan nang magsalita pa siya ulit.
“Are you acquainted with my wife, perhaps?” tanong niya kay Noah.
“Ah, yes, sir, she’s my high school friend,” nagkamot ng ulo si Noah.
“Oh really, that’s new to me."
Masamang tingin ang pinukol ko sa kanya habang nag-initiate pa siya ng usapan kay Noah.
“Ah kase, ngayon na lang kami nagkita, sir," sagot ni Noah.
“Huwag mo na akong tawagin na sir. You’re my wife’s friend. Be comfortable with me.”
I gritted my teeth, watching him talk so eloquently—parang walang bahid ng hiya o alinlangan.
“Ah nga pala, may pupuntahan ba kayo ng asawa ko?”
“Excuse me–”sabat ko pero humigpit ang hawak niya sa palad ko.
“Ihahatid ko sana siya, ang akala ko wala siyang kasama,” walang pagkukubling sagot naman ni Noah. Mukhang naramdaman niya rin naman ang tensyon sa pagitan namin ni Lucien,
“That’s understandable. Honestly, we keep our marriage private. At hindi kami nagpapakilala bilang mag-asawa kapag nasa publiko.”
Napatango si Noah na parang nauunawaan niya ang gustong ipahayag ni hudas. “Huwag kayong mag-alala, hindi ko ipagsasabi at kakausapin ko rin ang mga kasamahan ko.”
“Salamat,”wika ni Lucien.
I scoffed in disbelief.
Lucien Don Maginoo, what a shameless man you are!
“Just call me if you need more aid.”
“Sige, salamat din,” sagot ni Noah tsaka niya ako tiningnan–
“Sasabay na sa akin ang asawa ko. Ikaw na lang ang bahalang magpaliwanag sa kanila,” wika ni Lucien at hinila na niya ako palayo.
“Bitiwan mo ako,” mahina kong utos pero mariin.
“Keep quiet and just tag along with me,” he ordered coldly.
Mabilis ang mga paa niya kaya ramdam ko ang galit niya.
Ganito siya kawalang-hiya, siya pa ang may ganang magalit.
Nang makarating kami sa isang nakaparadang sasakyan, marahas niyang binuksan ang pinto at basta na lang niya akong tinulak paloob.
“What the–” harap ko sa kanya, nagpupuyos ang dibdib ko sa galit.
“So you’re really my wife,” asik niya kaagad naman sa akin.
“Anong katangahan ang meron sa iyo, umeksena ka na hindi ka sigurado kung asawa mo talaga ako,” maanghang kong saad sa kanya.
“Huwag mo akong pagsasalitaan ng ganya, wala kang respeto–”
“Bakit? May respeto ka ba sa akin?” bwelta ko agad.
Saglit siyang natigil, linuwagan niya ang suot niyang kurbata at bumuga ng hangin. Humarap siya daan at ilang ulit siyang nagpakawalan ng malalim na hininga bago niya binalik ang atensyon niya sa akin.
“Why are you here? Shouldn’t you be in the guest house?”
He asked as if I were a prisoner who escaped from a cage he didn’t even remember existed.
“I’m not obliged to stay in the guest house for 24 hours.”
“Then of all places, bakit dito ka pa nagpunta?” usisa niya, halatang nagdududa siya.
“Oh, let me guess — pinapunta ka ba ng tatay mo? Ikaw ba ang ginagamit niya para maghugas ng kamay?”
Matapang kong sinalubong ang mapang-insulto niyang tingin.
“No one asked me to come here. I came on my own–guiltless. Ikaw? Naparito ka ba para i-manage ang sitwasyon dito at alisin ang pangalan mo sa nangyari?”
Umismid siya, “Ang galing mong sumagot pero hindi ako tatablan niyan.”
“Okay lang, atleast alam mo na magaling akong sumagot,” ani ko.
Tumalim ang tingin niya sa akin, hindi naman ako nagpatinag.
“Sir-Ma’am, saan na ba tayo pupunta? Nakaparada pa rin ang sasakyan, at minamatyagan nila tayo.”
“Sa bahay namin,” sagot ko. “Since tinaboy ng magaling mong amo ang kaibigan kong maghahatid sa akin."
Pagak siyang tumawa. “Kaibigan.”
“Bakit? May problema ka?” masungit kong tanong sa kanya.
Tinaasan niya ako ng kilay tsaka niya binalik ulit ang mga mata niya sa harapan.
“Drop her off, then we’ll go back to Ramillia now.”
“Okay, sir,” sagot kaagad ni Kio at pinaandar na ang sasakyan.
Iyan ang inaakala niyo, matitikman niyo ngayon ang ganti ko.
Maayos kong tinuro ang direksyon ng bahay namin. Habang kinokontrol ko ang sarili kong humalakhak sa binabalak kong gawin sa kanilang dalawa.
Dalawang taon ko itong hinintay para makapaghiganti sa mag-among ito, ngayon malalasap na nila.
Hindi ko naman sila ipapa-salvage. Sisiguraduhin ko lang na sabog silang babalik sa Ramillia.
“Iyang blue gate, diyan kami,” sabi ko ng makita ko na ang bahay namin.
Saktong itinigil ni Kio ang sasakyan sa harap ng gate namin.
Binuksan ko naman na ang pinto, at bumaba na.
“Close the door,” utos niya.
“Lo! Tita! Tito! San kayo?” sigaw ko at linuwangan ko na ang pagkakabukas ko sa pinto.
Nanlaki ang mga mata niya sa akin, “What are you doing?” kabado na niyang tanong.
“My husband is here!” Sigaw ko pa at nginisian ko siya.
“Hey, crazy woman!”
Dali-dali siyang umabante at sinubukan niyang hinila ang pinto ng sasakyan pero sinasalag ko naman ang kamay niya.
“Close the door–”
“Lo, gusto raw kayong kamustahin ng asawa ko!”
Sa lakas ng boses ko hindi lang kamag-anak ko ang lumabas kundi mga kapitbahay na rin. Sila Tita at Tito ang naunang lumapit sa amin at walang nagawa si Lucien kundi bumaba, sumunod na bumaba si Kio mula sa driver seat.
BeatriceSa paglipas lang ng mga segundo at sa bawat sugpong, unti-unting walang natitira sa mga kasuotan namin. Hanggang sa tuluyan akong hubo’t hubad na sa ilalim niya. Tumitindi ang kagustuhan ko na ialay ang sarili ko sa kanya at hayaan na sakupin niya ako.Nasa loob kami ng Gran Aria, ang kumpanyang pareho naming pinagtatrabahuan pero wala na akong pake kahit sumingaw pa ang init ng katawan ko sa buong gusali.Lalasapin ko ang bawat suyod ng labi niya sa akin.Umungol ako ng sipsipin niya ang tuktok ng dibdib ko tsaka niya ito sinubo ng buo at sinipsip. Habang minasahe niya, piniga ng piniga ang kambal nito.Lumipat siya, sinubo at walang humpay niyang sinipsip.“Oh…” Bawat sipsip, umaarko ang likod ko.Sinabunot ko ang kamay ko sa buhok niya at pinasubo ko sa kanya lalo ang dibdib ko.Sa kanya ko lang naramdaman ang sensasyong ito. Siya lang ang lalakeng kayang pasukuin ako.“Ummm..” halinghing ko ng maramdaman ko ang daliri niya sa pagkababae ko.Kumibot ito. Kanina pang bas
Beatrice“I see,” nasambit ko. Natigil siya.Hinablot ko sa kanya ang lalagyan.Pinahiran ko ng ointment ang knuckles niya.“Good thing, I learned you have a fair share with women.”“Huh?” maang niyang tanong, dinin ko ang daliri ko sa kamay niya.Tinitigan niya ako hanggang sa naintindihan niya yata ang kinikilos ko, “Nagkoconclude ka,” sabi niyaMalakas kong sinara ang lalagyan. “Base sa mga sagot mo ang konklusyon ko,” magaspang kong sagot sa kanya dahil bigla akong napipikon talaga.Nagbabaga ang kalooban ko habang iniisip ko na may kasama siyang babae sa kwarto niyang iyon!Binalik ko sa kanya ang ointment tsaka ako tumayo.“Saan ka pupunta?”“Babalik na sa opisina.”“Hindi ka pa kumakain ng lunch.”“Sa cafeteria na ako–”Tumayo siya sa harapan ko.Kinunutan ko siya ng noo nang sumilay ang nanunutil niyang ngiti.“Nginingiti mo diyan,” inis kong sabi.Pero nagulat na lang ako ng linapit niya ang mukha niya sa akin at mabilis akong hinalikan.Umurong ako.“Lucien.”“Paano ako mak
Beatrice“Hindi pa ba kayo tapos?”Hindi ko siya sinagot.Naglakad ako palapit sa trash bin, inapakan ko ito at binasura ang pagkaing dala niya.“Bea!” gulat niyang tawag sa akin.Hinarap ko siya, hindi siya makapaniwala sa ginawa ko.“Hindi ko alam kung anong nagtulak sa iyo na kumilos ng ganito pero may limitasyon ang lahat ng bagay, Gino.”“Sinasabi mo ba ito dahil sa boss natin. He’s a married man.”“I know,” sagot ko sa kanya.“You know, yet you’re allowing yourself to stay in his office?” galit niyang tanong.“I’m an employee here, I’m here because of work,” pagsisinungaling ko–“Naririnig mo ba ang sarili mo, Beatrice? Gusto mong pag-usapan ka.”“And that’s my problem. At wala ka sa lugar na diktahan ako,” matigas ko pa rin na sabi sa kanya.Linapitan niya ako. “Paanong hindi kita pagsasabihan kung linalagay mo sa alangin ang sarili mo?” nag-aalala niyang tanong sa akin.“I can manage myself, Gino.”Umiling siya at hinawakan ang braso ko. “Halika na, bumalik na tayo sa opisina
BeatriceBumibilis ang tibok ng puso ko sa bawat segundong lumilipas habang magkarugtong ang malalim na titig namin sa isa’t-isa.Parang libo-libong salita ang nasa mga mata niya—Umiwas siya ng tingin at tumikhim siya.“Pag-usapan na lang natin ang ibang bagay,” pag-iiba na niya sa usapan. “This is more important,” dagdag pa niya.Lumukot ang labi ko. Habang tumatagal, mas lalo lang akong naguguluhan sa kanya.He listens, he stays — yet he draws a line, like this marriage is nothing but a peaceful arrangement.But why is he acting like this? He looks jealous.Tumayo siya at tinungo na ang sofa. Bumuntong-hininga ako at sumunod na lang sa kanya.Umupo ako sa sofa na nasa kabila niya. Umurong siya at pininid ang sarili sa kabilang armrest ng kina-uupuan niya.Muntik na akong mapatawa sa hangin. Iba talaga magalit ang lalakeng ito.“Noah is not responding to my calls anymore,” wika niya.Naituon ko naman na ang pansin ko sa sinabi niya.“Nagriring pero hindi sinasagot. At nagtataka ak
BeatriceNagtataka kong tiningnan sina Aika at Gary nang mapansin kong sinisilip nila ang mukha ko habang naglalakad kami patungo sa cafeteria.“Bakit?” tanong ko sa kanila.“Ate ko,” nag-aalalang tawag sa akin ni Gary.“Ano?” kunot kong tanong ulit.“Tulala ka na naman.”“Ako?” tanong ko sabay hikab.Nag-isang linya ang labi ni Aika.“Stress na stress ka na, bwisit kase iyang Naomi na iyan–”“Ano ka ba, walang kinalaman si Ma’am Naomi rito,” putol ko kay Gary pero umiling siya.Hindi naman iyon ang dahilan kung bakit lumilipad ang utak ko na naman.Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Lucien sa baywalk ng Montelara, naging maayos ang pakikitungo namin sa isa’t-isa.Nitong mga nakaraang araw, Panay labas kami sa gabi, kumakain sa mga tagong restaurant. Masaya naman, pero ewan ko — minsan parang kaswal lang kami. Parang gusto kong hanapin ang mga tingin niya sa akin na dati ay ayaw kong pansinin.Pinag-uusapan nga lang namin ang mga bagay-bagay. Kapag natutulog nga kami, nasa iisang kama p
Beatrice“Kuya! Ate!” kaway ni Venice.“I told her not to catch attention,” wika ni Lucien at mabilis siyang naglakad palapit sa pinsan niya.Nang malapitan niya si Venice, piningot niya kaagad ang taenga nito.Now I realized, Lucien had his ways to take care of his cousins. Sa pinakita niya sa aking data noon, updated siya sa ganap ni Vivien habang sinusuportahan naman niya si Venice sa hilig nito.Umangat ang sulok ng labi ko. “Maalaga pala ang asawa ko–”Natampal ko ang bibig ko nang maisatinig ko ito.Beatrice! Kumalma ka, girl! Kanina ka pa!Inayos ko ang sarili ko at lumapit na ako sa kanila. Iginaya kami ni Venice na umupo sa mesa na nasa harap ng store niya.“Relax muna kayo diyan, ihahanda ko na ang meryenda niyo,” wika ni Venice tsaka siya bumalik sa counter niya. Hindi ko mapigilang ngumiti nang makita ko ang kislap sa mga mata niya habang hinahanda niya ang kakainin namin.Ilang sandali lang bumalik din siya, bitbit na ang meryenda namin. Natuwa naman ako ng makita ko ang







