Beatrice
“Magandang araw ho,” bati ni Lucien sa mga kamag-anak ko.
“Magandang araw, iho,” sagot naman nila Tita. Nakipagkamay siya sa kanila.
“Kamusta naman pala kayo…ho? Nagkaroon ng landslide dito…ho.”
Naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko. Ano ka ngayon? Edi nagiging tuta ka.
“Mabuti kami, nasa evacuation center na kami nang naganap ang landslide. Maaga rin kaming umuwi dito at naglinis.”
Tumango-tango siya. “Kung may maitutulong ako, sabihin niyo lang sa akin.”
Kinuha ni Tita ang kamay niya at tinapik ito, “Naku iho, sapat na dumalaw ka sa amin. Alam mo, dalawang taon namin itong hinintay.”
Nawiwili ko siyang pinanood habang pilit na pilit ang pagiging magalang niya kina Tita.
“Halika sa loob, naghihintay ang tatay sa iyo.”
Nagpipigil naman akong natawa dahil hindi na maipinta ang kanyang hitsura. Wala siyang nagawa kundi magpatianod.
Nang lingunin niya ako, matalim na tingin ang pinukol niya sa akin.
Nang-aasar ko naman siyang binelatan.
Maamong tumingin sa akin si Kio ng bumaling ako sa kanya.
“Ready ka na?” tanong ko sa kanya.
“Ready saan po, ma’am?”
“You’ll see,” ngising sabi ko at sumunod na akong pumasok sa loob.
Halos nawalan ng kulay ang mukha ni Lucien ng makaharap niya si Lolo. Paano naman kase mapanuring tingin ang nakapukol sa kanya at mabibigat na katanungan ang ibinibigay sa kanya upang sagutin niya.
At habang tumatagal ang oras, nagdidilim ang paningin ni Lolo sa kanya. Kase wala siyang masagot.
Paano siya makakasagot eh hindi nga niya ako kilala ng personal, wala siyang alam tungkol sa akin.
“Ay naku Tay, tama na iyan, Pagod na sila sa kakatulong dito sa Ellagoro,” pagitna ni Tito.
“Sa lahat ng tinanong ko, ito na ang pinakamadaling tanong ko sa iyo. Ano ang paboritong pagkain ng apo ko?”
Tumaas ang sulok ng labi ko. Ano ka ngayon Mr. Lucien Don Maginoo? Kamusta naman ang pakiramdam na ikaw ang nagigisa?
Kulang pa iyan, dapat na maranasan mo rin na mapahiya sa tana ng buhay mo–
“Macaron po, lo,” sagot niya na ikinagulat ko.
“Macaron?” takang tanong ni Lolo.
“Pinagsasabi mo,” sabat ko.
Tinignan niya ako, “Hindi ba? Nakaka-ubos ka kaya ng isang box ng macaron kada linggo.”
Paano niya alam?
Sa sagot na iyon ni Lucien, natuwa na si Lolo sa kanya. Nagtataka ako kung paano niya alam at mas nagtataka ako na sa isang sagot niya lang, natutuwa na sa kanya si Lolo.
Inis na inis ko siyang pinapanood habang nakikipagkuwentuhan na kay Lolo.
“Lo, heto na po ang alak!” pasok ng pinsan ko sa salas.
Nagliwanag naman ang mukha ko ng makita ko ang limang boteng alak na bitbit ng pinsan ko.
Hindi pa tapos, Lucien. Hindi ka magwawagi dito.
“Umiinom ka ba, apo?” tanong ni Lolo matapos ilapag ng pinsan ko ang mga alak sa mesa.
“Opo kapag may okasyon, Lo.”
“Masasabi mo namang okasyon ito, apo, hindi ba. Ngayon lang tayo nagkita.”
“Oo naman po.”
Magaling siyang umakting na parang maamong lalake pero hindi niya ako mapapaniwala dito. Maghintay ka at ilalabas ko ang tunay mong ugali.
Binuksan ni Lolo ang isang bote.
“Alam mo apo gusto ko talagang malaman kung gaano mo kamahal ang apo ko. Kung pagbabasehan natin ang laman ng boteng ito, hanggang saan ang pagmamahal mo sa apo ko?”
Humalukipkip ako at interesante ko silang pinanood. High School ako noong nakita ko ang gawing ito ni Lolo. Tuwing may ikinakasal sa mga nakakatanda kong pinsan, ito ang ginagawa ni Lolo.
Now, how will the Great Lucien handle it?
“Hanggang sa huling patak po ng laman nito, Lo,” pamemekeng sagot niya.
Umismid naman ako.
You’ve just fallen into the trap, Lucien.
HAHAHAHAHAHA!
Kailangan mong inumin lahat ng ‘yan, tanga!
“Kung ganun, gusto kong makita apo. Ubusin mo ang laman ng boteng ito bilang patunay sa pagmamahal mo sa apo ko.”
“Po?”
Tumingin sa akin si Kio, nanghihingi na ng tulong para iligtas ko ang amo niya. Pero nagkibit-balikat ako.
“Hindi mo ba kaya, apo?”
“Kaya ko po,” matapang na sagot ni Lucien.
Lucien…Sinasabi ko sa iyo, talo ka sa larang na ito.
Tinungga na niya ang bote at sinimulan na niyang lumagok. Habang sila Lolo, Tito, at mga pinsan ko ay seryosong pinapanood siya.
Saglit siyang tumigil tsaka siya tumungga ulit.
Tumaas ang kilay ko ng makita kong plano niya talagang ubusin ito. Tarantang hinila ni Kio ang bote kay Lucien.
“Sir, tulungan na kita–”
“Bakit? Mahal mo rin ba ang asawa ko?”
“Hindi sir-”
Iwinaksi ni Lucien ang kamay ni Kio at tinuloy niyang inumin ang alak,
“Bi, wala ka bang balak patigilin ang asawa mo,” mahinang sabi sa akin ni Tita ng tabihan niya ako.
“Namumula na siya oh, hindi niya kaya ‘yan.”
Tumikhim ako. “Iyan ang kinagawian ni Lolo, alangan naman na babaliin ko ito.”
“Eh mga asawa ng mga pinsan mo, hindi naman nila talaga kinaya. Nakihati mga pinsan mo sa alak.”
Muli akong tumikhim, pagbabalewala ko. “Hindi ba’t ito rin ang pagkakataon mo na ipakita ang pagmamahal mo sa kanya,” saad pa rin ni Tita.
“Siya ang sumukat ng pagmamahal niya sa akin, dapat lang na patunayan niya ito,” sabi ko.
“Ang mabuti pa, pahiraman mo ako ng damit mo, Tita. Maliligo na lang muna ako dahil puno ng putik itong damit ko,” wika ko na rin ng makaiwas ako sa pag-uusisa sa akin ni Tita.
Nagtagpo ang kilay ko ng ngumiti sa akin si Tita. “Ikaw talaga, paraan mo rin.”
“Huh?”
“O siya sige na, kukuhanan kita ng damit,” wika ni Tita at kinindatan niya ako.
Luh, anong nangyari dun?
Napapa-iling na lang akong tinungo ang banyo. Ilang saglit lang kinatok na ako ni Tita.
“Isabit ko na lang dito sa sedura.”
“Sige Tita, salamat.”
Pagkatapos kong maligo at magpunas, binuksan ko konti ang pinto tsaka ko inabot na ang hanger.
Nangunot ang noo ko ng makita ko kung ganoo kaikli ang bestidang binigay niya sa akin.
“Tita! Wala ka bang ibang damit diyan?”
Ilang minuto ang lumipas pero wala akong narinig na respond ni Tita kaya wala na akong nagawa kundi isuot na lang ang binigay sa akin.
Mabuti na lang at nakasalubong ko kaagad si Tita paglabas ko sa banyo.
“Tita, bigyan mo ako ng ibang damit, masyadong maikli ito–”
“Iba ang asawa mo, naubos niya ang laman ng bote.”
“What? Pano?” gulat kong tanong.
“Anong pano? Edi siyempre ganun ka niya kamahal pero hilo na siya, nasa loob siya ng guest room. Puntahan mo na at bantayan mo na lang dahil hindi na niya makakayang paligayahin ka ngayong gabi.”
“What? Nasaan ba si Kio?”
“Ay iyong kasama niyo, ayun nakikipag-inuman na.”
Binigay sa akin ni Tita ang pitsel ng tubig at baso.
“Sige na, magdadala pa ako ng pulutan nila.”
Awang ang labi ko ng lagpasan na ako ni Tita.
Nakangiwi kong tiningnan ang hawak ko. Tsaka rin ako naglakad patungo sa guest room.
Pagpasok ko sa loob ng kwarto, “Oh My God!” muntik ko ng mabitiwan ang pitsel at baso.
Beatrice“Meeting adjourned. Return to your respective work—except the one handling QuarryTorre,” Lucien declared.It was direct, but far more chilling because of it.“Kaya mo yan.”“Fighting.”Mahinang pagpapalakas ng loob sa akin ng mga kasamahan ko habang sunod-sunod na silang lumalabas sa conference hall. May mga naaawa pa ngang tumitingin sa akin.Ganito sila dahil alam nilang lahat ang personalidad ni Lucien. Mabagsik siya kapag galit at kapag may hindi nagugustuhan sa trabaho. Sabi pa nga ng mga naka-experience na, isang buwan daw silang nababangungot dahil hindi nila makalimutan kung paano sila napagalitan ni Lucien.Pero gaano man katindi ang galit ni Lucien, hindi ako matatatakot sa kanya.“You too. Leave us,” utos niya kay Kio.“Sir–”“Get out,” mariin niyang utos ulit. Mabilis na tumalima si Kio.I swallowed hard as Lucien walked toward me.Kumabog ang dibdib ko ng tuluyan siyang makalapit sa akin.“Is meeting you here also a coincidence?” tanong niya, halata ang insulto s
BeatriceNaabutan ko siyang naghuhubad ng kanyang polo.Tumingin siya sa akin at natigil siya. Matagal niya akong tinitigan.Problema niya? Umiwas din siya ng tingin at tinuloy niyang tanggalin ang polo niya. Ipinatong niya ito sa kama at umupo siya.“Just put that on the bedside table, then go out.”I scoffed in disbelief. Siya pa ang may ganang magpalayas.“Iyon talaga ang gagawin ko,” asik ko sa kanya. Hindi siya kumibo.Naglakad ako palapit sa kama at pinatong nga ang pitsel sa bedsidetable. Pero tiningnan ko rin siya mula sa likod niya. Nakayuko siya.“Tsk,” sinalinan ko ng tubig ang baso tsaka ko siya linapitan.“Heto,” kibo ko.Umangat ang ulo niya at tumingin sa akin.“Uminom ka ng tubig, makakatulong para hindi ka madehydrate,” sabi ko pa.Lumipat ang tingin niya sa baso, kapagkuwan kinuha niya rin ito at uminom.Pagkatapos binigay niya rin sa akin ito, “Get me more,” utos niya.Nanggigil na lang talaga ako. Bukod sa masama pa ang ugali niya, bossy pa siya.Pero sinunod ko
Beatrice“Magandang araw ho,” bati ni Lucien sa mga kamag-anak ko.“Magandang araw, iho,” sagot naman nila Tita. Nakipagkamay siya sa kanila.“Kamusta naman pala kayo…ho? Nagkaroon ng landslide dito…ho.”Naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko. Ano ka ngayon? Edi nagiging tuta ka.“Mabuti kami, nasa evacuation center na kami nang naganap ang landslide. Maaga rin kaming umuwi dito at naglinis.”Tumango-tango siya. “Kung may maitutulong ako, sabihin niyo lang sa akin.”Kinuha ni Tita ang kamay niya at tinapik ito, “Naku iho, sapat na dumalaw ka sa amin. Alam mo, dalawang taon namin itong hinintay.”Nawiwili ko siyang pinanood habang pilit na pilit ang pagiging magalang niya kina Tita.“Halika sa loob, naghihintay ang tatay sa iyo.”Nagpipigil naman akong natawa dahil hindi na maipinta ang kanyang hitsura. Wala siyang nagawa kundi magpatianod.Nang lingunin niya ako, matalim na tingin ang pinukol niya sa akin.Nang-aasar ko naman siyang binelatan. Maamong tumingin sa akin si Kio ng bumalin
Beatrice“Kanino niya naman po iyan narinig–”“Sa mga katulong ng madrasta mo.”“Naku po, nagpapaniwala kayo sa kanila,” sabi ko at bago pa lumalim ang tanungan nila nagpaalam na ako.“O siya sige na po, mauuna na ho ako. Hiindi po ako nagpaalam kanina kay Lolo Ingko, baka nag-aalala na po siya,” tuloy-tuloy kong sabi at tumayo na ako.Bumaling ako kay Noah tska ko tinapakan ang paa niya. Tumingala naman siya sa akin. Sinenyasan ko naman siya na ihatid ako.Nag-aalinlangan niya akong tiningnan kaya pinanlakihan ko siya ng mata.“Hatid na kita, mamaya pa naman kami babalik sa paanan ng bundok," wika niya rin sa huli.Kailangan makaalis ako rito agad.“Totoo ba talaga?” tanong ni Noah habang naglalakad kami patungo sa kanyang sasakyan.“Ang alin?” pabalik kong tanong.“Nakapag-asawa ka na.”Tinignan ko siya. “Wala na kasi akong masyadong update sa buhay mo, nagMIA ka eh. HIndi ko na nga tanda kung kailan ang huli nating pag-uusap. Tanging source ka na lang din ay yung mga naririnig ko t
BeatriceFor a year, I endured everything.The cold stares. The silent treatment.I was never welcomed. Until I made a bold move.Linapitan ko si Donya Elviria—ang may lubos na kapangyarihan sa buong angkan ng Don Maginoo.I did not beg. I offered myself. Not as a daughter-in-law, but as an asset.I told her I’m a licensed lawyer, and she could use me as her weapon. I asked her to offer a partnership—one that’s too good to be true—between Gran Aria and my dad’s company. That way, we could take control of my own family from the inside.Donya Elviria accepted.She placed me in Gran Aria’s legal team. And I took charge of all the agreements between the corporation and Dad’s business. Walang nakakaalam na ako ang nasa likod ng mapanlinlang na kasunduan sa QuarryTorre Company.Dad’s company rose from the dead. They gained more. But at what cost?Gran Aria can now drain my dad’s company’s resources as much as they want, while I make sure we still control the operations. Sa papel, parang pa
BeatriceTinuro niya kami pareho na nanlalaki ang mga mata niya.“Nay, ako na po rito. Mauna na po kayong magmeryenda, dun,” mabilis na pagtataboy ni Kio sa ginang na nasa tabi namin.“Sigurado ka?”“Oo, nay, sige na po.”“O siya sige, mga iho-iha, tigil niyo na iyan at sumunod na rin kayo para makapagmeryenda na rin kayo.”Nang iwan na kami ng ginang, itinaas ko ang kamay kong hawak ni Lucien at tinignan si Kio, “If you mind.”Mabilis na tinanggal ni Kio ang kamay ni Lucien sa akin at hinila na niya ito palayo sa akin.Pinanood ko sila nang pinapagalitan na ni Lucien ang assistant niya.What are they even doing here? I can’t think of his reason.Knowing his personality, Lucien Don Maginoo—the proud and untouchable president of Gran Aria Corporation- wouldn’t care about what happened here in Ellagoro.Most likely, he’s behind closed doors, quietly strategizing his next move.The mysterious figure that the media praises. He's always a game-changer in the world of business.Tumaas ang