Share

CHAPTER THREE

CALLIE

“Hoy, girl! Seryoso? Kada ba kakausapin kita, eh tinatangay ka ng imahinasyon mo?”

Napabuntong-hininga ako nang marinig ang sinabi ni Zoe. Sa sobrang okupado ko sa mga nangyari ay hindi ko namalayan na kinakausap niya pala ako. Hindi na rin bago sa kaniya ang mga ganitong senaryo, that’s for sure.

“Anong mayroon at parang kasama ka ni peter pan na lumilipad papuntang neverland?” pagbibiro niya pa habang nag-aasikaso ng hapunan naming dalawa na binili ko kanina.

“Wala,” simpleng sagot ko at saka muling naisip ang lalaki sa convenient store kanina. He’s using the same perfume as Zander at medyo may hawig din ito sa kaniya but it is definitely not him.

“Tingin mo naman ay maniniwala ako sa sinasabi mo?” Zoe said. “Seryoso, Callie, gusto ko ring malaman kung anong nangyayari sa ‘yo.”

I sighed. “I met a guy earlier…” I breathed, “he’s using the same perfume as Zander. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit but there’s something about him na nagbibigay pag-asa sa akin na baka bumalik na si Zander at handa na siya magpakita ulit…na baka nandito na siya ulit at hinahanap niya ako…na baka—” she cut me off.

“Kung ginagawa niya nga lahat ng naiisip mo, edi sana nahanap ka na niya ngayon,” Zoe said. She heaved a deep sigh. “Callie, hindi naman ata tama na ikinukulong mo sa nakaraan ang sarili para lang sa isang tao na minahal mo pero iniwan ka—”

“Gusto ko lang naman ng paliwanag, Zoe.” Agad akong napatingin sa taas nang maramdaman ko ang pagbabadya ng luha ko. “Gusto ko lang naman ng paliwanag kung bakit…Gusto ko rin naman na matapos na ‘tong kahibangan ko pero hindi ko maiwasang isipin na babalik siya kasi gano’n ang pakiramdam na ibinigay niya sa akin no’ng kami pa.”

“If he’s coming back, nasaan na siya?” Zoe asked. “Alam mo, sorry pero sasaktan na kita, kung talagang gusto niya na balikan ka, matagal na niyang ginawa ‘yon! His family’s wealthy enough to know na nagdusa kang mag-isa sa pagkawala ng pamilya mo!” Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Kusa na lang din na tumulo ang mga luha ko dahil kahit anong pagdedeny ang gawin ko, may punto si Zoe. “He’s not coming back, Callie. Huwag mo na hayaan na sirain ka ulit niya sa pangalawang pagkakataon. You’ve had enough.”

Naging tahimik kami nang magsimula na kaming kumain. Medyo kumalma na rin ako kaya pansin na pansin ko ang palihim na pagsulyap ni Zoe sa akin. I am sure she’s worried about me. Ako na ang nagboluntaryo sa paghuhugas ng mga nagamit namin but she stayed there. Kahit pa nakatalikod ako sa gawi niya ay ramdam na ramdam ko ang bawat tingin na ibinibigay nito sa akin.

“May job opening sa café na pinapasukan ko,” she said. “Kapag ready ka na na magsimula ulit, sabihan mo ako at irerekomenda kita sa manager namin.”

Humarap ako sa gawi niya at nakita kong nasa akto na ito ng pag-alis. “Zoe,” pagtawag ko sa kaniya. Agad naman siyang lumingon at naghintay ng sasabihin ko. “Thank you…for everything. Salamat kasi…kahit nakakapagod na akong pakisamahan, nandiyan ka pa rin.”

I heard her hissed. “Hindi mo kailangang magpasalamat sa akin,” aniya. “Ginagawa ko ‘to kasi kaibigan kita. Isa pa, gusto ko ring makita na bibigyan mo ng panibagong chance ang sarili mo. Hindi mo deserve ang ipinaramdam sa ‘yo ni Zander.” Bahagya naman akong ngumiti. “Alam mo kung nando’n lang ako sa kasal mo at magkaibigan na tayo no’n, tatanggalan ko ng kinabukasan ‘yong lalaking ‘yon!”

Natawa naman ako dahil sa halatang pagkairita niya kay Zander. Sanay na rin naman ako sa ganitong reaksyon niya sa lalaking minahal ko. Noong una ngang marinig niya ang kwento namin ni Zander ay mas sobra pa sa ganyan ang naging reaksyon niya.

Nang magpaalam ito na magpapahinga na ay hinayaan ko na rin siya. Alam ko naman din kasi na napagod din siya sa shift niya sa café kanina. Nang masiguro ko na malinis na ang kusina ay pumasok na rin ako sa kwarto ko at naglinis ng katawan bago nahiga sa kama ko. Muli na namang pumasok sa isip ko ang tungkol sa lalaki kanina. Maybe coincidence lang na magkapareho sila ni Zander ng customized perfume na gamit. Tama si Zoe, hindi ko na kailangan pang isipin ulit ang gano’ng bagay.

Maaga akong nagising kinabukasan dahil ako ang nakatoka sa pagluluto ng agahan namin. Ginising ko na rin agad si Zoe dahil maaga ang shift niya ngayon and while she prepared herself ay ako naman ang nag-asikaso ng mesa. Nang makaupo na ito sa mesa kasama ko ay roon na ako humugot ng lakas ng loob para sa sinabi niya kahapon.

“Iyong sa job opening pala na sinasabi mo—” Dali-dali akong napatayo nang mabilaukan si Zoe. Sinalinan ko ng tubig ang baso nito at agad niya namang ininom ang laman no’n. “Sorry.”

“Nakakaloka ka!” aniya. “Sana naman may paintro muna bago ang pasabog, ‘di ba? Mhie, ayokong mamaalam sa mundo na ‘to nang virgin ako.”

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi nito. “Ano ba ‘yan, Zoe. Ang aga-aga!”

She chuckled. “Sa true lang tayo, Callie. Nga pala, what about the job opening? Interesado ka?” she asked, and I nodded. “Weh? Hindi nga?!”

“I think…oras na rin para magstart ako ulit,” halos pabulong na sinabi ko. “I honestly don’t know where to start after everything, but I realized na hindi ko talaga malalaman kung saan ako magsisimula kung wala akong gagawin para malaman ‘yon. After all, a small start is a good start.”

“And our miss universe is…Callie!” aniya at saka pumalakpak pa. Natatawa naman akong napapailing sa ginawa niya. “Naku! Hindi mo pagsisihan na ginugusto mo na na magsimula ulit at kapag umangat ka na, masasabi mo na kay Zander na ikaw ang sinayang niya o ‘di kaya naman ay maging presidente ka ng samahan ng mga iniwan, nasaktan, dinurog pero muling bumangon ganern!”

Pabiro ko siyang binato ng tinapay na hawak ko at saka sinabihan na magmadali na lang siya sa pagkain kesa unahin pa ang kalokohan niya. Pinapasunod na lang din niya ako sa coffee shop dahil mas maganda raw kung maaga akong mag-aapply. Marami rin daw kasing gustong-gusto magpart time sa mga ganitong klase ng trabaho.

Inasikaso ko muna ang bahay nang makaalis na si Zoe. Sinigurado ko munang malinis ang lahat maliban sa kwarto ni Zoe na private space na niya and knowing her, alam kong hindi rin siya pabaya sa kwarto niya so there’s nothing to clean. Nang masiguro ko na na nasa ayos na ang lahat ay sarili ko naman ang inasikaso ko. Hindi ko naman maitago ang kaba sa bawat kilos na ginagawa ko.

It’s been a year. Nakakapanibago na nag-aapply na ako ulit ng trabaho, nakakapanibago na ginugusto ko na ulit magsimula. Hindi ako sigurado sa kalalabasan ng lahat but no matter what…a small start is a good start, ‘yon na lang ang tatandaan ko.

Simpleng skinny jeans at white shirt na pinatungan ko lang ng khaki-colored notched coat ang sinuot ko. Nilinisan ko rin ang bronze-colored kitten heel na nakatago lang sa ilalim ng kama ko. Hindi ko na matandaan ang huling araw na nagawa kong magsuot ng heels. Ni hindi ko na rin kasi ginusto na lumakad papunta sa kung saan-saan matapos ang lahat ng nangyari sa pamilya ko. Having fun is least of my priority. Hinayaan ko na lang din na nakawagwag ang maalon kong kulay tsokolate na buhok. Ilang buntong-hininga pa ang pinakawalan ko sa harap ng salamin bago ako tuluyang lumabas ng pinto ng apartment namin dala-dala ang resume ko.

Dahil wala akong sariling sasakyan ay tanging taxi na lang ang sinakyan ko papunta sa coffee shop na pinapasukan ni Zoe. Nang makita niya ako mula sa counter ay nginitian niya naman ako at saka sinenyasan na lumapit sa kaniya na agad ko namang ginawa.

“Good thing that you’re here,” aniya. “Inaantay ka na ng manager namin sa office niya.”

Mas lumakas naman ang kabog ng dibdib ko dahil sa sinabi nito. Pakiramdam ko ay bibigay ako anytime dahil sa kaba na nararamdaman ko.

“Hey, kaya mo ‘yan,” ani Zoe. Mukhang napansin nito na nanginginig na ako sa kinatatayuan ko. Nginitian ko naman siya at magkasabay kaming naglakad papunta sa office ng manager nila. She cheered me up bago niya ako tuluyang pinapasok sa loob.

“Take your seat and let’s begin with your interview,” ani noong manager nina Zoe. Isang malalim na paghinga pa ang ginawa ko bago ako naupo sa upuang nasa harapan niya. This is it…

Makalipas ang halos sampung minute ay kagat-labi akong lumabas ng opisina ng manager ng coffee shop na ‘yon. Dali-dali namang tumakbo si Zoe sa gawi ko at saka ako hinawakan sa magkabilang balikat ko. “Kumusta?” she asked. Umiling naman ako nang paulit-ulit kaya nawala ang ngiti sa labi niya. “Hindi ka raw tanggap?”

“Hindi…Hindi ako makapaniwala na natanggap ako…” sabi ko. “Aw!” d***g ko matapos akong hampasin ni Zoe sa balikat ko.

“Akala ko naman hindi ka natanggap! Imbyerna ka!” ani nito. “Pero I am happy for you! Sabi ko na sa ‘yo kaya mo ‘yan, eh!”

I thanked her because of how she encourages me—hindi lang ngayon kundi maging sa ibang bagay. Zoe’s a breather for me. She’s been helping me since the day we met, and God knows how thankful I am that I have her. Kung hindi siguro ako nailigtas ni Zoe, hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin dito sa Canada.

Si Zoe na rin ang naatasan ng manager nila—namin rather, na alalayan ako sa trabaho. Hindi pa ngayon ang official na pagsisimula ko but to prepare me for my work ay mas ginusto ko na rin lang na magstay pa.

Ako ang pinagsusulat ni Zoe ng pangalan ng mga customer sa mga basong nandoon. She’s also reminding me to maintain a good smile and posture dahil iyon ang bumubungad sa mga customer namin. I followed her instructions and as time goes by na nagagamay ko na ang ginagawa ko ay napapangiti ako lalo. Tinuruan din ako ni Zoe sa ibang mga basic na timpla ng kape, smoothies at tea na counter na ang gumagawa. Kapag mga special drinks of the day ang order ay ipapasa ko raw iyon sa barista na nasa likuran lang ng kinaroroonan namin.

“Take over ka muna sandali, Cal. Kailangan ko lang pumunta ng banyo,” pabulong na paalam sa akin ni Zoe. Tinanguan ko naman siya at inayos na ang sarili ko para sa mga darating na customer habang wala si Zoe. Nang ilang sandali na ang nakalilipas ay wala pa ring bagong customer ay itinago ko na muna ang sarili ko sa counter table at dali-daling nag-ayos ng buhok ko na lumalabas na sa hairnet na gamit ko. Mas lalo ko pang binilisan ang pagkilos nang marinig ko ang pamilyar na bell na alam kong hudyat na mayroong kakapasok lang na tao.

“Good day—ikaw?!”

Natigilan ako sa lalaking kaharap ko ngayon. It is him. The guy at the convenient store is here right in front of me.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status