Mag-log inHEIDIAno bang pakiramdam ito? Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Para akong kinakabahan na ewan. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Haist! Nasobrahan na yata ako sa pag-inom ng kape, kaya nagpapa-palpitate na ang puso ko. Babawasan ko na nga ang pag-inom.Pumasok sa loob ng bahay ang isang kasambahay na matanda nila Penelope. May dalang tray ng pagkain. Napangiti ako dahil natakam ako sa amoy ng pagkain.“Thank you, Manang. Mukhang masarap ito. Amoy palang nakakalaway na.” Sinamyo ko ang usok ng sopas. Napatingin sa bandang leeg ko ang matanda. Nangunot ang noo niya. Kaya nagtataka akong tiningnan siya. Nakaramdam ako ng takot. Sumagi sa isip ko ang kwento ng lola ko noong bata pa ako tungkol sa bampira.“B-bakit po?” Napaatras ako. Hindi kaya bampira itong matanda? Sisipsipin niya ang leeg ko pagkatapos niyang iiwan ako wala walang dugo. Napahawak ako sa bandang leeg ko na parang pinoprotektahan ko iyon. Natawa ang matanda sa inasal ko.“Pasensya ka na, hija , hindi naman ako ba
HEIDI“Bakit ka nagpadalos-dalos ng desisyon? Hindi mo muna pinag-isipan ’yan.” Pagsesermon ni Penelope sa akin. Kahit na na-realize kong wala naman dapat ikagalit kay Chinsansu, ginawa ko pa ring lumayo.“Nahihiya kasi ako kay Zacch. Hindi ako nararapat sa pagmamahal niya. Hindi ako nagtiwala sa kanya, bagkus sinumbatan ko pa siya at sinabihan ng kung ano-ano.” Napayuko ako. Tinabihan ako ni Penelope.“Maiintindihan ka naman siguro ni beho este ni Zacch. Mahal ka niya.”“Kahit nakakahiya pa rin. Gusto ko siyang matahimik at lumigaya. Kapag kasi magkasama kami, palaging may hindi magandang nangyayari. Malas yata ako sa buhay ni Zacch. Mas maigi na itong ginawa kong paglayo. Hindi naman niya siguro ako masusundan dito. Unless sabihin ni Zandro. Naku, patay sa akin ang asawa mo!” Itinaas ang kamao ko sa ere. Napairap si Penelope sa ginawa ko.“Paano ka kaya minahal ni Zacch? Mas mukha ka pang lalaki kung umasta ka sa kanya, eh?” Pagbibiro ni Penelope.“Kung hindi niya ako gusto sa kung
ZACCHAEUS“Kailangan mo munang manatili dito sa bahay ko. Huwag ka munang magpapakita sa kanila. Mas lalo lang manganganib ang buhay mo. Huwag kang mag-aalala, pinamanmanan ko ang bahay ni Heidi. Wala naman kahinahinalang naganap doon. Magpagaling ka muna upang makabawi ka ng lakas,” sabi ni Kuya Melchor. Napangiti ako. Nagpapasalamat ako dahil meron akong kaibigang maaasahan. Tinuring ko na siyang kuya ko.“Hindi ko lang maintindihan kung bakit nila ginagawa ito sa akin. Sa buong buhay ko, lahat ng gusto nila ay sinunod ko. Ako ang umako sa lahat ng dapat sa mga nakatatandang kapatid ko. Ginawa ko ang lahat para maiangat ang negosyo namin. Nagtagumpay naman ako, pero wala akong nakuha ni katiting na kabutihan sa kanila o bigyan man lang ako ng reward. Ang natanggap ko ay puro sisi at pagpapahirap sa damdamin ko. Ang gusto ko lang naman ay tanggapin nila kung sino ang mahal ko. Hindi iyong ipipilit nila ako sa babaeng —ni hindi ko minahal.” Sobrang bigat ng nararamdaman ko. Iyong tip
HEIDI“Ang tahimik mo naman, Heidi. Hindi ako sanay na ganyan ka. Nagpunta ka ba dito para lang matulala at nakatitig sa kawalan?” sabi ni Penelope. Napahinga ako nang malalim.“Wala na kami ni Beho.” Biglang sabi ko. Nangunot ang noo ni Penelope sa sinabi ko.“Huh? Sino si beho?” Napamake-face ako sa kanya. Ang hina ng pickup ng kaibigan ko na ito.“Si Zacchaeus, siya ang beho na sinasabi ko. Wala na kami. Tinapos ko na ang relasyon namin. Nagsinungaling siya sa akin. Sabi niya, annulled na daw sila ni Kim, beha, pero hindi pa pala. Ano ang tawag mo doon, hindi ba panloloko? Niloko niya ako! Para siyang kalahi niya mga fake!” Inis na sabi ko.“Nagpaliwanag ba siya sa iyo? Kung oo, bakit hindi mo bigyan ng isa pang chance?” Nanlaki ang mata ko sa sagot ni Penelope. Anong chance? Wala nang chance sa katulad niyang sinungaling! Hindi pwedeng ganoon na lang! Matapos niya akong gawing tanga. Pinaikot niya ako sa kanyang mga palad! Pare-pareho sila ng nanay niyang beha!“Oo, nagpaliwanag s
HEIDINagulat na lang ako nang pumunta sa bakeshop ko ang ex ni Zacchaeus na si Kim. Ano’ng kailangan kaya ng babaeng ito sa akin? Huwag niyang sabihing aagawin niya si Zacch sa akin.“Anong kailangan mo?” tanong ko.“Gusto kong mag-usap tayo,” sabi niya sa seryosong tinig.Nangunot ang noo ko. Di ba wala na sila ni Zacch? Ano pa ba ang pag-uusapan namin?“Ano ang pag-uusapan natin? Ayoko ng paligoy-ligoy. Sabihin mo na kung ano ang pakay mo. Madami pa akong gagawin sa bakeshop ko.” Pagtataray ko sa kanya.Natawa si Kim sa sinabi ko. Yun bang tawang beha. Inirapan ko siya. Kaya mas lalo akong nainis, samahan pa ng nakakabwisit na tingin; akala mo, ang laki ng mata niya. Ang sarap lang tungkuran ng palito ang mata niyang singkit.“Easy ka lang, masyado ka namang atat. Doon din ang punta natin. By the way, I am just here to inform you na kukunin ko na ang akin. Well, hinayaan ko lang kayong magpakasaya. Mabait pa nga ako sa lagay na iyon. Kahit ako naman ang may karapatan kay Zacchaeus.
HEIDINapatingin ako sa nakayakap sa akin. Napangiti ako. Hindi ko akalaing magkatabi kami ni Zacch sa pagtulog. Kahit inis ako sa beho na ito, mahal ko naman siya. Hinaplos ko ang kanyang pisngi.Nagmulat ng mata si Zacch. Sumilay sa kanya ang ngiti sa labi na parang nanalo sa Lotto.“Ang guwapo ko, no? Huwag mo na akong titigan; natutunaw ako. Alam ko namang guwapo ako.” Pagyayabang niya. Napangiwi ako. Itinulak ko ang mukha niya.“Hindi ka rin mayabang, no?” sabi ko.Bumangon na ako para magluto ng agahan. Sinuklay ko ang buhok gamit ang daliri ko.“Wala ba akong good morning kiss?” Aniya at ngumuso.“Ito ang gusto mo?” Inambaan ko siya ng kamao. “May pakiss-kiss ka pang nalalaman diyan.” Natatawang sabi ko. Sumimangot siya.“Ang sweet naman ng baby ko. May free suntok pa,” sarkastikong sabi niya.“Magdusa ka dahil ako ang minahal mo. Kilala mo naman ako, hindi ba? Hindi ako sweet na tao at mas lalong hindi ako mahinhin. Kaya magtiis ka , ako ang minahal mo,” sabi ko. Natatawang in
HEIDI“Pupunta ako sa kasal ni Penelope. Ako pa, mawawala sa kasal ng best friend ko. Basta huwag mong sasabihing pupunta ako sa weekend,” sabi ko sa pinsan kong si Kuya Rafael na taga-Ilocos Norte.“O, siya, sige para mapaghandaan ka namin ng makakain mo. Matakaw ka pa naman.” Pagbibirong sabi ni
ZACCHAEUSSobrang saya ko dahil hinayaan na ako ni Heidi na pumunta sa bahay niya. Doon pa nga ako kumain. Balak ko sanang doon matulog, pero nagbago ang isip ko. Masyado naman yata akong umaabuso.Ayokong magalit sa akin si Heidi. Mas okay ang ganito. Paunti-unti, makukuha ko rin ang loob niya. Ka
HEIDINakatulugan ko na ang pag-iyak dahil sa ginawang pananamantala sa akin ni Zacchaeus. Nasusuklam ako sa kanya. Bakit kailangan niyang gawin iyon sa akin? Wala naman siyang magagawa kung gusto ng magulang niyang ipakasal siya sa babaeng iyon. Mas lalo lang niyang pinapalala ang sitwasyon. Ayoko
ZACCHAEUSNapaatras ako nang makita ko si Mommy. Anong ginawa niya sa boarding house ni Heidi? Bigla akong kinabahan. Hinintay ko munang umalis si Mommy bago puntahan si Heidi.Nagmadali akong pumasok sa boarding house niya. Napahinga ako nang maluwag nang makita ko siya. May inaayos sa lamesa kaya







