Home / Romance / The CEO'S Lethal Obsession / Kabanata 86 The Red Notice

Share

Kabanata 86 The Red Notice

Author: Docky
last update Last Updated: 2025-10-20 22:23:03

Wade's POV

Tahimik lang ang loob ng kotse habang binabagtas namin ang highway. Ilang ulit kong tiningnan ang relo, at saka muling ibinalik ang tingin sa labas. Sinadya kong iwanan si Lily sa opisina ko mismo pero hindi ako mapakali. Unti-unti akong nagkakaroon ng tiwala kay Lily pero may parte pa rin sa akin na may duda pa sa pakay niya. At iyon ang bumabagabag sa akin ngayon. Paano kung traydurin nga niya ako? What will I do?

Biglang nag vibrate ang phone ko na ibinigay ko kay Wayne para pagmasdan kung may darating na alerts. Isang mahinang beep ang sumunod mula sa maliit na device na nakakabit sa dashboard.

Beep. Beep. Beep.

Napatigil ako. Tumingin ako agad kay Wayne na agad ding napakunot ang noo.

“Master, that’s from the security system...the red notice,” sabi niya. Pinapakalma niya ang kaniyang tono. “May nag-trigger ng sensor sa office.”

Inabot ni Wayne sa akin ang cell phone ko at tinanggap ko ang device. Tiningnan ko agad ang screen.

LOCATION: SECRET ROOM SENSOR 2 – ACCESS
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 138 Wade's Anger (Part 2)

    Wade's POVLumingon muna ulit ako kay Lily bago ko muling tinapunan ng tingin si Wayne.“Y-Yes, master.” Bumuntong-hininga si Wayne. “Ang dalawang lalaking kasama sa abandonadong gusali ay nasa kamay na ng mga tauhan natin. At gaya rin ng inutos na ipadama ng mga tauhan natin sa kanila ang dinanas ni Miss Lily, nagawa na nila. Mabilis din naman silang umamin at hindi nila itinanggi na si Cecilia Vernjor ang nag-utos sa kanila na dakpin si Miss Lily. At sinabi rin nilang malaki ang in-offer ni Miss Vernjor na pera sa kanila para dukutin si Miss Lily. Nagbalik din po plaa sa abandunadong lugar na iyon ang ilan nating mga tauhan para maghanap pa ng mga ebidensiya laban kay Miss Vernjor – lalong-lalo na ang mga palitan nila ng mga text at tawag. Sinusubukan na rin po iyong i retrieve ng team natin. They are all doing their best kaya wala po na kayong poproblemahin.”Tumango ako, mabagal. “At si Cecilia?”“Master…” Nag-aalangan siyang tumingin sa akin. “Wala po tayong ipinadalang report sa

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 137 Wade's Anger (Part 1)

    Wade's POV Tahimik ang buong kwarto. Tanging mahinang tunog lang ng aircon ang maririnig sa buong silid. Nakaupo ako sa mahabang upuan kaharap ng kama ni Lily. Hindi ko alam kung ilang oras o minuto na akong nakaupo roon matapos siyang matulog ulit. Nakatingin lang ako sa kaniya — sa mukha niyang maputla na namamaga, sa labi niyang tuyot at putok, sa mga braso niyang puno ng pasa. Malayong – malayo sa hitsura niya nang una ko siyang nakita noon. Sa bawat pasa niya ay para bang may tumutusok sa dibdib ko. Para akong sinusunog sa loob. Hindi ko matanggap ang dinanas niya sa kamay ni Cecilia. How could she do this to her? Tumayo ako at lumapit sa kama niya. Dahan-dahan kong hinaplos ang buhok niya at sinuklay ko iyon gamit ang mga daliri ko. “She doesn’t deserve this,” mahina kong sabi, halos hindi ko na marinig ang sarili ko.“Hindi niya dapat naranasan ‘to.”Pinisil ko nang marahan ang kamay niya. Ilang oras na siyang tulog, pero sa tuwing napapatingin ako sa kaniya, parang ayoko

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 136 Gojng Against Her Plan (Part 2)

    LILY'S POV Marahan niyang hinawakan ulit ang kamay ko at masuyong hinalikan. Parang may gusto siyang sabihin, pero pinipili pa rin niyang idaan sa haplos. Dumulas ang hinlalaki niya sa likod ng palad ko, hanggang sa bumaba sa may pulsuhan ko.“Noong sinampal ka niya,” mahinahon pero mariin niyang sabi. “Kaya ko pa siyang patawarin. Pero ang ipadukot ka, itali ka, at saktan ka…” Napapikit siya, bahagyang pinisil ang kamay ko. “Hindi kapata-patawad ‘yon, Lily. So please, don’t ask me to be kind to her. Because I can’t promise you that. Hindi madadaan ng isang sorry lang ang nagawa niya. Paano kung hindi ka namin nahanap? O kaya ay nahuli kami ng dating? At kung saan nagtagumpay ang mga gagong iyon na saktan ka? Maibabalik ba ng sorry ni Cecilia ang lahat sa ayos? Kahit pa buong mundo ang makalaban ko ay ayos lang, basta maiganti lang kita sa obsessed na babaeng ‘yon.”Napatitig ako sa kaniya. Sa mga mata niyang puno ng galit, takot, at… pag-aalala. Hindi ko alam kung alin doon ang mas

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 135 Going Against Her Plan (Part 1)

    LILY'S POV Mabigat pa rin ang talukap ng mga mata ko. Para akong lumulutang. Hindi ko alam kung nasaan ako at kung gaano na katagal akong wala sa sarili. Ang unang naramdaman ko ay ang malamig na simoy ng hangin sa loob ng kuwarto kasunod ng mahinang tunog ng monitor sa tabi ko.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Puting kisame. Amoy alcohol. Ang alam ko lang ngayon ay nasa hospital ako – ligtas na ako mula sa kamay ni Cecilia. Nanumbalik sa akin ang kilabot. Nanlamig ang buong katawan ko sa kaba. Ang mga nakakadiring titig ng mga lalaki sa akin kanina. Iniisip ko pa lang na muntik na silang may gawin sa akin ay nasusuka na ako. “Lily?” narinig kong wika ng isang pamilyar na boses.Paglingon ko, naroon siya…si Wade. Nakasandal siya sa upuan, halata ring hindi pa siya natutulog. Magulo ang buhok niya at ang mga mata niya ay mapula, parang ilang oras na siyang gising. Medyo nangingitim na rin ang ilalim ng mata niya. “Wade…” namamaos kong sambit. “A-Anong… nangyari?” Sinubuka

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 134 Pain of Truth

    Cecilia's POVIsang putok ng baril ang bumasag sa katahimikan ng abandonadong gusali. Kasunod noon ay sunod-sunod na sigawan at mga yabag ng mga lalaking papalapit.Napatigil ako. Ang puso ko ay biglang kumabog. Bumilis nang bumilis ang tibok ng puso ko at bago ko pa maintindihan ang nangyayari, bumukas agad nang malakas ang pinto.“Drop your weapons!” sigaw ng isang lalaking naka-itim at armado.May mga kasunod pa siyang pumasok, lahat sila ay may suot na bulletproof vest at lahat sila ay mabibilis gumalaw. They are private security men. Sigurado ako roon at hindi sila basta-basta!Napaatras ako at napakapit sa gilid ng lamesa habang nakikita kong isa-isa nilang pinadapa ang mga tauhan ko. Ang dalawang lalaki kong kasama ay agad nilang piniringan at nilagyan ng posas.Nagkagulo.Lahat ng plano ko ay biglang naglaho sa isang iglap. “Anong…Anong nangyayari?” Halos hindi ako makahinga. “Sino ang nagpadala sa inyo?!”At saka ko siya nakita. Ang lalaking inaasam-asam kong mapangasawa.Si

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 133 Lily's Kidnapper (Part 2)

    Cecilia's POV Nakaupo si Lily sa isang lumang silya, nakatungo at halos hindi makagalaw. Ang buhok niya ay magulo at may bakas ng luha sa pisngi. Mahina siyang humihinga, parang sinisikap lang niyang manatiling gising.Naglakad ako papalapit sa kaniya. Hindi niya napansin ang presensiya ko kaya mas binigatan ko ang bawat hakbang ko para mas lumikha ng tunog. At nagtagumpay ako. Sa wakas ay nakuha ko rin ang atensyon niya. Nanlaki ang mga mata ni Lily nang makita niya ako kaya nginisihan ko siya. Bigla siyang yumuko kaya nakadama ako ng inis. “Look at me,” mahinahon kong sabi.Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. May takot sa mga mata niya. At sa halip na maawa ako sa kaniya ay lalo pa akong ngumiti. Nasisiyahan akong makitang natatakot siya sa presensiya ko. At dapat lang naman na katakutan niya ako dahil ipapadama ko sa kaniya ang bagsik ng galit ko, matapos niyang agawin ang lahat sa akin.“Alam mo ba kung bakit ka nandito?” tanong ko, sabay yuko ng kaunti para magtama ang mga m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status