MasukELENA POV
Hindi ako kumurap habang nakatingin sa lalaking nasa harap ko. Ang tubig na tumutulo mula sa aking basang buhok ay humahalo sa dugo sa aking noo, ngunit hindi ko iyon pinansin. Ang hangin sa islang ito ay tila tumigil sa pag-ihip, naghihintay kung sino sa amin ang unang gagawa ng hakbang.
Ang lalaki ay dahan-dahang lumakad palapit. Bawat yabag niya sa tuyong dahon ay tunog ng babala. Matangkad siya, mas matangkad pa kay Marcus, at ang kanyang tindig ay nagpapakita ng awtoridad na hindi nabibili ng pera. Nakasuot siya ng simpleng itim na polo na bahagyang nakabukas ang mga butones sa itaas, sapat para makita ang isang pilat sa kanyang leeg.
"Sino ka?" tanong ko. Paos ang aking boses, halos gasgas dahil sa alat ng dagat na nainom ko kanina.
Hindi siya sumagot. Sa halip, tumigil siya sa layong tatlong metro mula sa akin. Sinuri niya ako mula ulo hanggang paa—ang aking punit-punit na damit, ang aking mga sugat, at ang aking kamay na hanggang ngayon ay nakatakip pa rin sa aking tiyan. Doon tumigil ang kanyang tingin.
"Wala nang ibang tao rito kundi ako," sa wakas ay sabi niya. Malalim ang kanyang boses, parang dagundong ng malayo na kulog. Walang awa o pag-aalala sa kanyang tono, kundi isang purong pagtatanong.
"Wala akong pakialam," sagot ko habang pilit na itinataas ang aking baba. "Kailangan ko lang ng tubig. Pagkatapos ay aalis na ako."
Isang tipid na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi, pero hindi ito umabot sa kanyang mga mata. "Aalis? Paano? Lalanguyin mo ang limampung kilometro pabalik sa sibilisasyon? O hihintayin mo ang asawa mong nag-iwan sa iyo sa gitna ng dagat?"
Nanigas ang buong katawan ko. Paano niya nalaman? Nanatili akong tahimik, pilit na hinahanap ang anumang bakas ng pananakot sa kanyang mukha. "Paano mo nalaman ang tungkol sa yate?"
Kinuha niya ang isang maliit na radyo mula sa kanyang bulsa at ipinakita ito sa akin. "Narinig ko ang distress call. Nakita ko rin ang pagsabog mula sa balcony ng bahay ko sa kabilang bahagi ng isla. At nakita ko ang isang lifeboat na mabilis na lumayo patungo sa hilaga, habang ang agos ay nagdadala ng mga labi ng yate rito sa pampang ko."
Lumapit pa siya ng isang hakbang. Sa pagkakataong ito, naramdaman ko ang init ng kanyang presensya. "Hinintay kitang sumuko sa dagat, Elena. Pero mukhang matigas ang loob mo."
"Kilala mo ako?" Halos mapatras ako sa gulat.
"Kilala ko ang asawa mo. Si Marcus Valerius. Ang lalaking akala ay nabili na ang buong mundo," sabi niya habang inilalahad ang kanyang kamay sa akin. "At kung asawa ka niya, alam kong marami kang dahilan para gustong mamatay ngayon. Pero narito ka, nakatayo pa rin."
Hindi ko tinanggap ang kanyang kamay. Sa halip, ginamit ko ang huling lakas ko para humakbang palampas sa kanya. Ngunit bago pa ako makalayo, nakaramdam ako ng matinding pag-ikot ng paligid. Ang lupa ay tila nawala sa ilalim ng aking mga paa. Bago pa tumama ang mukha ko sa lupa, naramdaman ko ang isang pares ng matitigas na braso na sumalo sa akin.
"Huwag mong pilitin," bulong niya malapit sa aking tainga. "Kailangan mong magpahinga para sa anak mo."
Binuhat niya ako na parang wala akong bigat. Isinandal ko ang aking ulo sa kanyang dibdib, hindi dahil gusto ko, kundi dahil wala na akong lakas para lumaban. Sa bawat hakbang niya paakyat sa isang mabatong daan, naririnig ko ang regular na tibok ng kanyang puso. Iba ito sa mabilis at madayang tibok ng puso ni Marcus. Ito ay kalmado. Ito ay sigurado.
Dinala niya ako sa isang modernong bahay na nakatago sa gitna ng kagubatan. Malaki ang mga bintanang gawa sa salamin na nakaharap sa dagat. Inilapag niya ako sa isang malambot na sofa. Agad siyang kumuha ng isang basong tubig at isang malinis na tela.
"Inumin mo ito," utos niya.
Ininom ko ang tubig nang mabilis, halos mabulunan ako. Nang matapos ako, kinuha niya ang tela at dahan-dahang pinunasan ang dugo sa aking noo. Nanatili akong nakatitig sa kanya. Sa malapit, mas nakita ko ang talim ng kanyang mga mata—kulay abo, parang dagat bago ang isang malakas na bagyo.
"Bakit mo ako tinutulungan?" tanong ko habang nililinis niya ang aking mga sugat. "Anong kailangan mo sa akin?"
Tumigil siya at tiningnan ako nang diretso. "Ang kaaway ng aking kaaway ay aking kaibigan, Elena. Gusto ni Marcus ang lupang kinatatayuan ko ngayon. Gusto niyang wasakin ang lahat ng pinaghirapan ko para lang sa kanyang ambisyon."
Inilapag niya ang tela at tumayo. Lumakad siya patungo sa malaking bintana at tumingin sa labas, kung nasaan ang madilim na karagatan.
"Iniisip ng mundo na patay ka na. Ang balita sa radyo ay nagsasabing lumubog ang yate at walang nakaligtas maliban kay Marcus at sa isa pang babae," pagpapatuloy niya. Lumingon siya sa akin, ang kanyang mukha ay seryoso at walang bahid ng biro. "Maaari kang manatili rito. Maaari kang magtago habang buhay."
Umiling ako. Ang poot na kanina pa kumukulo sa dibdib ko ay muling nag-alab. "Hindi ako magtatago."
Tumango siya, tila inaasahan na niya ang aking sagot. "Kung ganoon, kailangan nating baguhin ang lahat sa iyo. Mula sa pangalan mo hanggang sa mukha mo. Paglabas mo sa islang ito, hindi ka na si Elena Valerius."
Lumapit siya sa akin at ibinigay ang isang itim na folder. Sa loob nito ay may mga dokumento at litrato ng mga negosyo ni Marcus.
"Ako si Alexander Thorne," pagpapakilala niya. "At tutulungan kitang bawiin ang lahat ng kinuha niya sa iyo, kasama na ang dangal mo."
Tiningnan ko ang mga dokumento sa aking kandungan. Ang pangalang Alexander Thorne ay kilala sa mundo ng negosyo bilang ang "Ghost of Wall Street"—isang lalaking hindi kailanman nagpapakita sa publiko pero kayang magpabagsak ng mga kumpanya sa loob ng isang gabi.
Tumingala ako sa kanya. Ang liwanag ng buwan na pumapasok sa bintana ay nagbibigay ng kakaibang anino sa kanyang mukha. Inabot ko ang aking kamay, hindi na bilang isang biktima, kundi bilang isang katuwang.
Tinanggap niya ang aking kamay. Ang kanyang pagkakahawak ay mahigpit, isang pangako ng isang alyansa na sinelyuhan ng dugo at paghihiganti.
"Magsimula na tayo," sabi niya.
Kinuha niya ang folder at inilagay ito sa isang safe sa pader. Lumabas siya ng silid para kumuha ng pagkain, iniwan akong nakatingin sa sarili kong repleksyon sa madilim na salamin ng bintana. Ang babaeng nakikita ko ay hindi ko na kilala. Ang mga mata niya ay wala nang bakas ng luha, tanging ang malamig na apoy ng isang babaeng wala nang balak lumingon sa nakaraan.
ELENA POVNatapos ang question and answer portion pagkalipas ng isang oras. Dahan-dahang nagtayuan ang mga foreign delegates para lumapit sa buffet area sa kabilang bahagi ng bulwagan, habang ang mga mamamahayag naman ay abala sa pag-upload ng kanilang mga huling ulat at video clips sa kani-kanilang mga news desk.Inalalayan ako ni Alexander na makatayo mula sa panel chair. Ramdam ko ang kaunting panginginig ng mga binti ko dahil sa tagal ng pagkakaupo, kaya mas lalo kong hinawakan ang braso niya. "Ayos ka lang ba? Gusto mo nang lumipat sa holding room?" mababang boses na tanong ni Alexander, puno ng pag-aalaga."Gusto ko munang makita ang reaksyon ng mga nasa VIP booth, Alexander," sagot ko habang inaayos ang aking puting blazer sa tapat ng aking tiyan. "Gusto kong siguraduhin na naintindihan nila ang bawat salitang binitawan ko sa harap ng mga camera."Tumango si Alexander at senenyasan si Karen na bantayan ang aming mga gamit sa lamesa. Naglakad kami p
ELENA POVNakatayo ako sa gilid ng backstage habang pinapanood mula sa screen ang dahan-dahang pagpuno ng mga upuan sa grand ballroom. Ang ingay ng mga sapatos, ang flash ng mga camera ng media, at ang pormal na bulungan ng mga foreign investors ay nagsasama-sama, lumilikha ng kakaibang ingay na nagpapakaba pero nagpapasabik din sa akin.Tumingin ako sa direksyon ng VIP holding booth sa dulo at itaas na bahagi ng ballroom. Medyo may kadiliman doon dahil tinted ang salamin, pero alam kong nandoon na sina Marcus at Sabrina. Nandoon sila sa loob, nakakulong habang napapaligiran ng mga security guards ni Alexander, naghihintay kung ano ang mangyayari. Napahawak ako sa tiyan ko nang mahigpit. Ito na 'yun. Ang sandali na ilang buwan kong pinaghandaan habang nagpapalakas ako sa mansyon ng mga Thorne sa Alabang. Noong mga unang linggo matapos ang nangyari sa yate, kapag naiisip ko ang mukha ni Marcus habang itinutulak ako sa tubig, ang akala ko talaga ay tuluyan nang natapos a
ELENA POVAlas-singko pa lang ng umaga, gising na ako. Nakatingin ako sa bintana ng kwarto ko habang dahan-dahang nagpapalit ng kulay ang langit mula sa madilim na asul patungong liwanag. Martes na. Ito na ang araw ng grand press conference sa BGC. Humarap ako sa salamin at tinitigan ang aking suot. Pinili ko ang isang pormal na navy blue wrap dress na kumportable para sa aking limang buwang tiyan, at pinatungan ko ito ng isang puting structured blazer.Habang inaayos ko ang aking hikaw, napansin ko ang bahagyang panginginig ng mga daliri ko. Pero hindi ito dahil sa takot. Ito 'yung klase ng panginginig na may kasamang matinding excitement at gigil. Sa loob ng maraming buwan, nagtago ako, nagpalit ng mukha, at nagtiis na makita si Marcus na nagpapakasasa sa perang dapat ay sa pamilya ko. Ngayong umaga, sa harap ng lahat ng malalaking tao sa negosyo, tatapusin ko ang maruming laro niya. Hinaplos ko ang tiyan ko nang marahan. Ramdam ko ang kaunting pitik sa loob, na tila
ELENA POVLunes ng umaga. Masakit ang likod ko paggising ko, kaya medyo matagal akong naupo sa gilid ng kama para i-stretch ang katawan ko. Tiningnan ko ang malaking bintana kung saan dahan-dahang sumisikat ang araw. Bukas na ang Martes. Bukas na ang araw na nakatakda para sa press conference sa BGC.Habang inilalagay ko ang aking mga kamay sa aking limang buwang tiyan, naalala ko ang sinabi ni Alexander kagabi tungkol sa pagpapanatili ng distansya muna ng mga dating kasosyo ni Marcus. Kitang-kita ko sa mga mata ni Alexander ang matinding pag-aalala, hindi lang para sa transaksyon kundi para sa kaligtasan naming mag-ina. Noong una, akala ko talaga ay purely business lang ang dahilan kung bakit niya ako tinutulungan. Iniisip ko pa nga na baka investment lang ang tingin niya sa akin para makuha ang North hub. Pero sa bawat utos niya kay Mang Tomas na doblehin ang bantay sa tapat ng kwarto ko, at sa paraan ng pagpigil niya sa akin na bumiyahe ngayon para hindi ako mapagod
ALEXANDER POVInilapag ko ang cordless phone sa ibabaw ng lamesa sa sala pagkatapos ng tawag ni Atty. Santos. Linggo ng gabi. Mula sa kinalalagyan ko, tanaw ko si Elena sa dining room na dahan-dahang humihigop ng kanyang gatas bago umakyat para matulog.Kung titingnan ko ang takbo ng mga nakaraang araw—mula noong serves natin ang asset freeze hanggang sa tangkang pagmamasid nina Marcus sa labas ng gate gamit ang pulang sedan—mas lalo kong nakikita kung paano nababago ang takbo ng laro. Noong una ko siyang dinala rito, plano ko lang talaga siyang gamiting kasangkapan para pabagsakin ang pamilya Valerius. Pero habang tumatagal, habang pinapanood ko siyang hawakan ang tiyan niya at harapin ang mga banta nang may kakaibang tapang, nerealize ko na hindi na lang ito tungkol sa interes ng Thorne Group. May iba nang bigat. Sa tuwing nakikita ko siyang nasasaktan o napapagod, may kung anong protektibong instinct na gumigising sa akin bilang lalaki. Hindi ko pwedeng
ELENA POVSabado ng hapon. Napakabagal ng takbo ng oras dito sa mansyon. Nakaupo ako sa tapat ng vanity mirror sa kwarto ko habang dahan-dahang sinusuklay ang buhok ko. Suot ko ang isang malambot na gray sweater at cotton shorts. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Medyo nagbago na talaga ang hulma ng mukha ko, mas may laman na ngayon kumpara noong mga unang buwan na halos hindi ako makakain dahil sa trauma at grabeng morning sickness.Napahawak ako sa pisngi ko. Dalawang araw na lang, grand press conference na sa BGC. Sa totoo lang, kahit anong pilit kong magpakatatag, may kaunting kaba pa ring gumagapang sa dibdib ko. Hindi dahil natatakot ako kina Marcus at Sabrina, kundi dahil ito na ang unang beses na haharap ako sa buong business community bilang ang bagong may-ari ng kumpanya ng pamilya ko. Paano kung may makakilala sa akin mula sa mga lumang kliyente ni Papa? Paano kung magdulot ng malaking iskandalo ang biglang paglitaw ko bilang Alana Herrera? Pero kapag naiisip ko ang gi
ELENA POVAng Manila Hotel ay punong-puno ng mga taong ang tanging libangan ay ang magpakitang-gilas ng kanilang yaman. Sa labas, mahaba ang pila ng mga mamahaling sasakyan, habang sa loob ay umaalingawngaw ang tugtog ng mga biyolin at ang kalantog ng mga basong kristal. Isang charity gala ito, pero
ELENA POVIsang buwan ang mabilis na lumipas sa loob ng mansyon ni Alexander. Ang bawat umaga ko ay nagsisimula sa tunog ng mga alon na humahampas sa mga bato sa ibaba ng bangin, at bawat gabi ay nagtatapos sa pag-aaral ng mga papeles na ibinibigay ni Alexander sa akin. Ang aking mga sugat sa labas
ELENA POVMaalat ang lasa ng dagat sa aking bibig. Sa bawat pagbuka ng mga mata ko, tanging kadiliman at ang malamig na yakap ng tubig ang sumasalubong sa akin. Pakiramdam ko ay hinihila ang aking mga binti pababa, tila may mga kamay na ayaw akong hayaang makaahon. Ngunit may isang pintig sa loob ko
ELENA POVMalamig ang hanging humahampas sa deck ng yate, pero mas masakit ang panlalamig na dahan-dahang gumagapang sa buong katawan ko habang nakikinig sa boses ni Marcus. Nakatayo ako sa labas ng cabin, nanginginig ang mga kamay habang hawak ang isang maliit na puting stick. Dalawang pulang guhit







