Mag-log in"..." Nawalan ng sasabihin si Celestine at pabalang na sumagot. "Sa tingin mo ba tama na manatili rito ang bata para panoorin ang mga magulang niyang nagsisigawan? Hahayaan mong matakot siya at bangungutin sa gabi dahil sa gulo niyo? Hindi ka ba naaawa sa anak mo?""..." Hindi inaasahan ni Leandro ang tanong kaya natahimik ito.Umirap si Celestine bago binuhat si Chloe at naunang umalis.Dahil malapit na rin ang oras ng hapunan at may kalayuan sila sa bahay, pumasok muna si Celestine sa McDonald's para mabilisan silang makakain ng bata.Pagkaupo pa lang niya, tumunog ang telepono niya.Si Sebastian.Hindi na niya kailangang hulaan kung ano iyon. Siguradong tatanungin nito kung tapos na ang trabaho niya dahil dinala na nito ang mga bata."Hello.""Tapos ka na ba sa trabaho?" At tama nga siya, diretsong tanong ng lalaki.Hawak ang phone sa isang kamay at nakaupo habang nakangiting pinapanood ang batang kumakain, sumagot si Celestine, "Pwede ring sabihing tapos na.""Anong ibig mong sabi
Umatras nang bahagya si Sebastian, ngunit nanatili siyang nakakulong sa harap nito. Madilim at salubong ang kanyang mga kilay habang nakatitig kay Celestine."Anong ibig sabihin nito?" seryoso niyang tanong.Sinalubong ni Celestine ang malalalim nitong mga mata. "Gusto mong halikan ang sarili mo, anong ibig sabihin nito?""Para kang tuod. Wala man lang reaksyon.""Kung nandidiri ka sa akin, eh 'di huwag mo akong hawakan."Paano naman siya magre-react? Napilitan lang naman siya sa simula pa lang. At lalong natatakot siyang kapag nag-respond siya, baka mas lalo itong ma-excite. Paano kung mauwi ito sa kung anong kababalaghan sa loob ng kotse? Tanghaling tapat at nasa kalsada sila! Ayaw niyang maging viral scandal sa internet!Nang makita ni Sebastian ang katigasan nito, imbes na magalit, natawa siya at mariing tumango, parang kinakalma ang sarili. "Sige... tatandaan ko 'to. At sisiguraduhin kong sisingilin kita nang malala balang araw!"Hindi na nangahas si Celestine na salubungin ang t
Lihim na nagulat si Celestine. "Ikaw mismo ang nag-deliver?"Bumalik ang pader sa isip niya. Siguradong may gagawin na naman itong kalokohan kaya nagkusa itong magdala."Huwag kang mag-isip nang kung ano-ano. May lunch meeting ako sa isang restaurant sa tapat ng studio niyo kaya nadaanan ko lang.""Sige, ipapababa ko na lang kay Floriece para kunin," mabilis niyang sagot, sadyang iniiwasan ang maitim nitong balak.Bahagyang ngumiti si Sebastian. "Ang tapang mo rin, ah? Gusto mo ba talagang ipaalam sa lahat? Ganyan na ba ka-obvious ang problema nilang mag-asawa kaya kahit outsider na tulad ko, may alam na?""..." May punto nga naman siya.Kahit alam ni Floriece na tinulungan niya ito kay Sebastian, hangga't hindi ito hayagan at harap-harapan sa iba, pwede pa ring maprotektahan ang kaunting dignidad ng kaibigan niya."Sige. Bababa na ako."Pagkababa ng tawag, napangisi si Sebastian.Ikaw na maliit na biik ka, ganyan lang ba kaliit ang utak mo? Sa tingin mo ba matatakasan mo ako?Makalip
Ngumiti nang magalang sina Yaya Belen at Floriece sabay tango sa isa't isa bilang pagbati.Alam ni Celestine kung anong inaalala ni Yaya Belen. Matapos mag-isip saglit, sinabi niya, "Yaya, dito na lang matulog si Nanny ngayong gabi. May bakante pa namang guest room. Ako na muna ang tatabi sa kambal.""Sige po. Pupunta po ako nang maaga bukas para dalhan kayo ng breakfast.""Sige po. Salamat, Yaya."Pagkaalis ni Yaya Belen, tinawag ni Celestine ang maternity nanny para maghugas na.Tuwang-tuwa si Floriece habang pinagmamasdan ang napaka-cute na kambal.Sa totoo lang, plano rin sana niyang sundan si Chloe kapag nag-kinder na ito sa susunod na taon. Pero hindi lang nasira ang plano niya—pati mismo ang kasal nila, hindi na maililigtas."Celestine, lalabas ako bukas para maghanap ng bahay. Kapag nakahanap ako, lilipat agad kami. Masyado na kaming nakakasikip dito." Kahit alam niyang hindi naman issue 'yun kay Celestine, sadyang marunong lang makiramdam si Floriece.Ngumiti nang napakatamis
Nawalan ng sasabihin si Celestine at bumwelta. "Sa tingin mo ba tama na manatili rito ang bata para panoorin ang mga magulang niyang nagsisigawan? Hahayaan mong matakot siya at bangungutin sa gabi dahil sa gulo niyo? Hindi ka ba naaawa sa anak mo?"Hindi inaasahan ni Leandro ang tanong kaya natahimik ito.Umirap si Celestine bago binuhat si Chloe at naunang umalis.Dahil malapit na rin ang oras ng hapunan at may kalayuan sila sa bahay, pumasok muna si Celestine sa McDonald's para mabilisan silang makakain ng bata.Pagkaupo pa lang niya, tumunog ang telepono niya.Si Sebastian.Hindi na niya kailangang hulaan kung ano iyon. Siguradong tatanungin nito kung tapos na ang trabaho niya dahil dinala na nito ang mga bata."Hello.""Tapos ka na ba sa trabaho?" At tama nga siya, diretsong tanong ng lalaki.Hawak ang phone sa isang kamay at nakaupo habang nakangiting pinapanood ang batang kumakain, sumagot si Celestine, "Pwede ring sabihing tapos na.""Anong ibig mong sabihin?""Tinutulungan ko
Nitong mga nakaraang araw, naging abala sina Tricia at Celestine sa paghahanap ng mga bagong empleyado para palakihin ang kanilang team.Nakapagdesisyon na silang makipag-partner sa Astra Media. Bago nila opisyal na pirmahan ang kontrata, gusto muna nilang ayusin at palakasin ang structure ng team nila para handa na sila.Kasama nila rito si Floriece. Dumadaan siya ngayon sa krisis ng kanyang kasal at alam niyang hindi siya mabubuhay kung wala siyang trabaho, kaya kusa siyang nag-alok ng tulong kina Celestine.Gusto talagang tulungan ni Celestine ang best friend niya. Matapos nilang mag-usap ni Tricia, pareho silang sumang-ayon na tanggapin si Floriece sa studio."Huwag kayong mag-alala, maaasahan niyo ako. Kung anong ipagawa niyo, susundin ko. Huwag kayong mahiya sa akin dahil lang magkakaibigan tayo." Dahil praktikal at diretsa si Floriece, nilinaw niya agad ito para iwas-gulo sa hinaharap.Masayang nag-announce si Tricia. "Ayan! Mula ngayon, tayo na ang sisterhood na 'Iron Triangle
Tahimik lang si Celestine, pero sa loob-loob niya, halos mahilo na siya sa dami ng iniisip. Hindi niya akalain na makikita niya si Sebastian Riego na nagpapa-humble. Kanina lang, nilalait nito ang mga sea turtle o balikbayan, pero ngayon, nakikipagkamay na ito nang nakangiti at naghahanap pa ng com
Sa unang araw ni Celestine sa trabaho, naging usap-usapan ang kaniyang pagdating sa planning department.Ang department manager nila na si Manager Albino ay isang lalaking nasa 30s, average lang ang itsura pero masyadong slick ang buhok at may kakaibang bilib sa sarili na medyo off ang vibe.Matapo
Tuwang-tuwa at halos hindi magkamayaw si Floriece nang malaman niyang makikipag-dinner si Sebastian Riego sa pamilya nila."Celestine, hindi pwedeng kayo ang taya rito! Kami dapat! Isang malaking karangalan na pinaunlakan kami ni Mr. Riego, totoo 'yan!" masayang wika ni Floriece sa kabilang linya.
Diretsahang tinanong ni Celestine si Sebastian, "Ikaw ba ang may gawa kung bakit tatanggalin si Leandro sa Bar Association?"Hindi man lang itinanggi ni Sebastian. Habang papalapit sa kaniya, mahinang sumagot ang lalaki, "Ganoon ba sila kabilis humingi ng tulong sa'yo?""Bakit ka ba ganyan? Bakit k







