LOGINAVERY POV
Nabitawan ko ang hawak kong tinidor nung marinig ko ang marahang pagtunog ng buzzer mula sa pinto ng condo. Biglang tumahimik ang buong sala. Kahit si Gabriel na kanina lang ay tahimik na kumakain sa gilid ng counter ay napatigil, awtomatikong napahawak sa kaniyang baywang kung nasaan ang nakatagong lisensyadong baril niya. Tumingin ako kay Sandro. Nakita ko ang mabilis na pagbabago sa mukha niya—ang pilit na kalmado niyang ekspresyon nung dumating siya galing MaAVERY POV Napakatahimik ng unang gabi namin dito sa Lipa. Sanay ako sa ingay ng daan, sa busina ng mga sasakyan sa BGC, o kahit sa huni ng mga kuliglig sa Tagaytay na laging may kasamang kaba. Pero rito, iba ang katahimikan. Payapa. Nakaupo ako sa gilid ng kama habang pinapanood si Sandro na mahimbing na natutulog. Bahagyang nakataas ang kanang balikat niya na may arm sling, at paminsan-minsan ay napapaangil siya kapag naga-adjust ng pwesto. Dahan-dahan akong tumayo para ayusin ang kumot na medyo naitabig niya gamit ang kaliwa niyang kamay. Lumapit ako sa bintana at binuksan nang bahagya ang glass window para papasukin ang malamig na simoy ng hangin. Salamat at natapos din ang araw na 'to nang buo ka, bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kadiliman sa labas. Kung iisipin ang lahat ng nangyari mula nung iwan ko ang buhay ko sa Antipolo, para akong sumakay sa roller coaster na walang preno. Mula sa pagtatago, sa mga pananakot ni Mariana, hanggang sa barilan sa Makati—parang pa
AVERY POV Tahimik ang hapon dito sa bagong lupain namin sa Lipa. Nakaabang ako sa may balkonahe ng maliit na resthouse na nakatayo sa gitna ng taniman ng kape. Maganda ang lugar, presko ang hangin, at ramdam mo talaga 'yung katahimikan ng probinsya na matagal ko nang hinahanap. Pero kahit gaano kaganda ang paligid, hindi ko pa rin maialis ang paningin ko sa kalsada pababa ng burol. Hawak ko ang baso ng maligamgam na tubig, pabalik-balik ang lakad ko, at panay ang sulyap ko sa screen ng cellphone ko. Wala pa ring bagong text si Sandro simula nung huli kaming magkausap kagabi nung sabihin niyang papunta siya sa mansyon sa Forbes Park. Sandro, sana naging maayos ang pag-uusap niyo ni Tita Letty, pumasok agad sa isip ko ang matinding pag-aalala habang hinahaplos ko ang lumalaki kong tiyan. Alam ko kung gaano kabigat ang binuhat niya nung mga nakaraang araw. Ang malaman na ang mismong kamag-anak mo ang dahilan ng pagkawala ng kuya mo, sapat na 'yun para mawasak ang kahit sinong tao.
SANDRO POV "Huwag mong piliting bumangon, Sandro. May mga tahi ka pa sa balikat," seryosong saway sa akin ng doktor habang inaayos ang swero sa kaliwa kong kamay. "Ayos lang ako, Doc. Kailangan ko lang pirmahan ang mga huling waiver para makuha ni Ramos ang clearance sa opisina," sagot ko habang pilit kong itinutuwid ang likod ko rito sa hospital bed ng Makati Medical Center. Ang bawat bahagyang galaw ng kanang braso ko ay may kasamang matalas na kirot, pero wala 'to kumpara sa tindi ng ginhawang naramdaman ko nung marinig ko ang boses ni Avery sa telepono kaninang tanghali. Ligtas sila. Iyan lang naman ang tanging mahalaga sa akin ngayon. Nung lumabas ang doktor, naiwan akong mag-isa sa pribadong suite. Tumingin ako sa labas ng malaking bintana na nakaharap sa mga nagtataasang gusali ng Makati. Pitong taon kong binuhat ang bigat ng kumpanyang ito, iniisip na tinutupad ko ang pangarap ni Papa at tinatama ang mga pagkakamali ko nung gabing mamatay si Samuel. Pero ang totoo, pinalili
AVERY POV "Avery," salubong ng boses ni Sandro sa kabilang linya. Malalim pa rin ang kaniyang paghinga, at maririnig ang mahinang tunog ng mga medical monitor sa background, pero nandoon ang tindi ng ginhawa na matagal ko nang hindi naririnig sa kaniya. "Napanood mo ba ang balita? Hawak na nila si Santos." "Oo, Sandro. Kakapanood ko lang sa tablet ni Gabriel," sagot ko habang humihigpit ang hawak ko sa cellphone. Naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko. Ang bigat na dinala namin mula BGC hanggang Tagaytay, at ngayon dito sa Batangas, parang unt-unting natutunaw. "Sandro... ang sugat mo? Kamusta ka talaga dyan? Huwag kang magsisinungaling sa akin." Narinig ko ang mahina niyang pagtawa, kahit halatang nagingat siya dahil baka bumanat ang mga tahi sa kaniyang kanang balikat. "Masakit nang konti, pero kayang-kaya. Mas masakit ang ulo ko sa mga abogado rito na ayaw akong paalisin sa kama. Pero huwag kang mag-alala, Avery. Ligtas na ako. At ang mas mahalaga, ligtas kayo dyan ni baby. I
AVERY POV Pinalipas ko ang magdamag na nakatitig sa kisame nitong lumang kwarto sa bahay ng nanay ni Gabriel dito sa Batangas. Kahit ligtas kami sa loob ng mataas na bakod na bakal at napapaligiran ng mga puno ng mangga, hindi pa rin talaga ako mapakali. Paano ako kakalma kung ang asawa ko ay nasa isang kwarto sa Makati Medical Center, nagpapagaling mula sa tama ng bala habang ang mga kalaban namin ay parang mga sugatang hayop na nagtatago sa kung saan? Bumangon ako nang dahan-dahan para hindi magising si Salve na mahimbing na natutulog sa kabilang kama. Suot ko pa rin ang cardigan ko kagabi, at dahan-dahan akong lumabas patungo sa balkonahe ng ikalawang palapag. Malamig ang hangin ng madaling-araw sa probinsya, amoy basang damo at lupa, malayo sa mausok at maingay na condo namin sa BGC. .Kailan ba tayo makakahinga nang maluwag, Sandro? Hinaplos ko ang tiyan ko habang nakatingin sa unt-unting pagbubukas ng liwanag sa silangan. Naiisip ko si Tita Letty n
AVERY POV Mabilis kong isinara ang zipper ng canvas bag habang nanginginig ang mga kamay ko. Ramdam ko ang bawat laktaw ng pintig ng puso ko sa tindi ng kaba. Sinasabi ko sa sarili ko na kailangan kong magpakatatag, para sa baby, pero ang hirap kapag alam mong ang asawa mo ay kasalukuyang nasa ospital dahil sa tama ng bala at ang taong pumatay sa kuya niya ay pabalik na rito para ubusin kami. Sandro, sana ayos ka lang dyan, pakiusap ko sa hangin habang pinapahiran ang luhang kanina pa gustong pumatak sa mga pisngi ko. Ayaw kong mag-panic sa harap ni Salve dahil kitang-kita ko na takot na takot na rin siya habang bitbit ang maliit niyang backpack. Kung noon ay pera lang ang pinag-aawayan ng mga Tallano at Jimenez, ngayon ay buhay na ang nakataya. Ang tanga ko na umasa na magiging tahimik ang buhay namin dito sa Tagaytay kahit isang gabi lang. Walang ligtas na lugar para sa amin hangga't malaya ang mga hayop na 'yun. "Ma'am Avery, tara na po. Handa na an
AVERY POV Nagising ako dahil sa huni ng mga ibon sa labas ng bintana. Medyo matagal bago nag-sink in sa utak ko kung nasaan ako. Puti ang kisame, simple ang kwarto, at walang mabigat na atmospera na katulad ng sa mansyon. Nasa Antipolo nga pala kami. Tiningnan ko ang sahig sa
AVERY POV Napatayo ako sa gilid ng kama. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa phone ko habang nakikinig sa mabigat na paghinga ng lalaki sa kabilang linya. Sino 'to? Hindi ko boses si Sandro, at mas lalong hindi ito boses ng kuya niya. Medyo paos ang kaniyang pananalita, parang laging may kasamang
AVERY POVBiyernes. Ordinaryong araw lang sa labas—mainit ang sikat ng araw at abala ang mga tao sa kani-kanilang buhay. Pero sa loob ng opisina ng mayor sa Taguig, parang tumigil ang oras para sa akin.Nakatayo ako sa harap ng salamin sa maliit na lounge, tinitingnan ang sarili ko. Hindi ako naka-
AVERY POVMuntik na akong madapa sa silver heels na 'to pagbaba ko ng hagdan. Ang taas masyado, parang balak yata akong pilayin ni Sandro bago pa man kami makarating sa dinner. Hawak-hawak ko ang railings habang dahan-dahang bumababa, tinitiis ang hapdi sa likod ng sakong ko.Nasa baba ng hagdan si







