Sa sinabing iyon ni Manang Tasing ay namuo ang kalungkutan sa kaibuturan ni Dalton. Ewan niya ba at nararamdaman niya iyon gayung ito naman ang kagustuhan niya. Pinagmasdan ni Manang Tasing ang lalaki na kaharap at bahagyang napailing. Gusto man niyang baliwalain ngunit hindi niya maiwasan na pagalitan ito sa isip dahil sa mga pinaggagawa nito sa labas. Kaya hindi niya rin masisisi si Amelia sa ginawa nito. Marahil ay kung siya rin ang nasa posisyon nito ay gagawin rin niya ang ganitong bagay. Baka ay hindi pa umabot ng pitong taon ay aalis na siya at hihiwalayan na niya ito, may anak man o wala. Malamig na bumugtong-hininga si Dalton at umakyat na sa ikalawang palapag ng bahlay. Hindi na nagtaka si Dalton na wala na rin si Monica dahil nasa divorce agreement rin naman nila na ang kustudiya ng bata ay ibinigay niya kay Amelia. "Bakit ba siya nagmamadali? She just signed the divorce papers at heto siya nakaalis na," kausap niya sa kan'yang sarili ngunit napahinto rin nang
Nang makita ang ngiting iyon ni Amelia ay nakaramdam ng kaba si Dalton. Pakiramdam niya'y may importanteng mawalala sa kan'ya ngunit hindi niya mawari kung ano. "Bakit? Akala mo ba nagbibiro ako?" Ngising tanong ni Amelia. Hinanap ng mata niya si Ronald at nakita niya itong may hawak na dokumento kaya sinenyasan niya itong lumapit.Napaingos siyang mapatunayan na divorce papers nga iyon. Hindi na pala niya kailangan na maghintay dahil palagi iyon nakahanda para permahan niya. Malamig na tinignan niya si Dalton. Walang pag-aalinlangan na pinirmahan niya ang papeles at agad na ibinigay iyon kay Dalton. "Masaya ka na?" Walang emosyon na nakatingin si Amelia kay Dalton. "She really did signed it, sweetheart!" Pagbubunyi ni Grace nang makita niya ang pirma ni Amelia roon. Hindi makapaniwalang nakatitig si Dalton sa hawak na Divorce Agreement. Nagulat talaga siya dahil hindi niya akalain na talagang totohanin ni Amelia ang sinabi nito.Nang makita niya ang sulat pirma nito ay nakaram
Ngumisi ang tiyuhin niya at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak kay Grace. "Hahayaan mo nalang bang saktan at tapak-tapakan ka ng mga ito Amelia? Ako na ang gumawa ng paraan para makapaghiganti ka. Aba, hindi pwedeng susuko ka lang na walang ginagawa. Dahil sa babaeng 'to kaya kayo nagkagulo ni Dalton."Humigpit ang pagkakahawak ni Franco sa hawak niyang maliit na kutsilyo at itinapat iyon sa mukha ni Grace. "Anong gusto mo? Sirain ang mukha ng babaeng 'to?" Napatili si Grace nang bahagyang diniin ni Franco ang kutsilyo sa kan'yang mukha. Pati si Dalton ay napasigaw na rin sa takot. Kahit galit ay tumingin si Dalton kay Amelia para humingi ng tulong. "Gagawin ko ang lahat Amelia, just don't let him hurt Grace. Anything!""Kahit ano, I will do everything. Just say what you want!" Halos pasigaw na sabi ni Dalton sa kan'ya ngunit sa mga oras na iyon ay parang bingi at walang naririnig si Amelia.Madilim ang mukha ni Dalton at bakas sa mata nito ang takot at galit. Nag-isip ito agad
"What's wrong sweetheart? Nasaan ka?" Kinakabahang tanong ni Dalton kay Grace. "Dalton, dahil dito sa kabit mo kaya nasira ang relasyon niyo ng pamangkin ko. Hindi ko mapapatawad itong babaeng 'to kasi dahil sa kan'ya kaya kayo maghihiwalay ni Amelia. " Narinig niyag sabi ng isang lalaki sa kabilang linya. Pamilyar ang boses na iyon at kung hindi siya nakakamali ay iyon si Franco, ang tiyuhin ni Amelia. "H'wag mong sasaktan si Grace, ano bang kailangan mo? If you ever tried to hurt her I will never let you off!" Sigaw ni Dalton at kahit nanginginig na sa takot ay pilit pa ring pinapatapang ni Dalton ang sarili. Akala ni Dalton at wala siyang kinatatakutan at alam din niya sa sarili na hambig siya at arogante, ngunit pagdating kay Grace ay malaki ang apekto nito sakan'ya. Narinig naman si Dalton ang paghagalpak ng tawa ni Franco. "Bueno, kung gusto mong iligtas itong kabit mo pumunta ka dito. H'wag kang magdadala ng pulis dahil kung gagawin mo iyan ay baka bangkay nalang ang maabu
Nanigas si Amelia sa kan'yang kinatatayuan. Hindi siya nasaktan sa nalaman, bagkos ay nabuo lamang ang matinding pagkamuho at pagdismaya kay Dalton. Nagawa nitong magsaya kasama ang babae nito habang ang anak niya ay nasa bingit ng kamatayan. At isa pa, nagawa pa talaga nitong mag-propose samantalang hindi pa naman sila nitong legal na nagkahiwalay. "Dalton, napakawalang puso mo talaga!" Bulong niya sa sarili. Hindi na mabilang ni Amelia kung ilang beses na niyang pinatay si Dalton sa isipan. Napakawalang puso talaga nito, nang dahil sa kan'yang ginawa ay hindi niya makuha ang bangkay ng anak sa hospital. Isang milyon din ang bills ni Monica, hindi man nito alam ang nangyari pero nakakainis pa rin. Milyonis din ang singsing ni Grace, sa milyon na iyon mababayaran na sana niya ang hospital. Naiyukom niya ang palad at nagngitngit ang kan'yang ngipin sa galit. Bigla namang lumitaw ang mukha ni Monica sa isipan niya at hindi niya mapigilan na muling mapaluha. Hanggang ngayon ay
Subalit, sa kabila ng pagsusumamo ni Amelia sa Diyos ay kinuha pa rin nito ang kan'yang anak. Halos wala pang dalawang oras ay lumabas na ang doctor at ibinalita sa kan'ya na hindi na nakayanan ni Monica ang operasyon at sumuko na ito. Hindi makagalaw si Amelia sa gulat at parang pilit niyang itinatanggi ang katotohanan. Nanatili siyang walang imik at hindi na rin makakita ng maayos dahil sa nagkukumpulang luha sa kan'yang mga mata. Nag-alala naman ang doctor at nurses na naroon at agad na tinulungan si Amelia. Mayamaya pa ay naghuhumiyaw na si Amelia at hinahanap si Monica. Hinayaan nila itong makita ang anak saglit bilang pagrespeto na rin sa ina na nagluluksa. "Baby, anak ko. I'm sorry at ako pa ang naging ina mo. Sana hindi ako nagpakatanga. Kahit hindi mo man siya nakilala, at least hindi ka nasaktan at umasa. I'm sorry at hindi kita nabigyan ng isang masaya at kompletong pamilya," Umiiyak niyag saad sa bata na nakaratay at wala ng buhay. Napakabilis talaga ng pangyayari. K