Share

kabanata 1

Author: MrSeñiorito
last update publish date: 2026-06-03 07:30:34

Xavielle Elyza Angeles Pov

Limang taon.

Limang taon na ang nakalipas mula noong gabing iyon, ngunit kahit kailan ay hindi nabura sa aking alaala ang bawat pangyayari, bawat salita, at bawat sakit na naramdaman ko. Para bang kahapon lang ang lahat. Para bang nandon pa rin ako, nakaluhod sa basang semento habang tumatangis, habang ang lalaking akala ko ay mahal ako at handang ipaglaban ako ay nakatayo sa harap ko, malamig at walang pakiramdam, na parang hindi kami ang parehong mga taong nagbahagi ng maraming alaala at pangako sa isa’t isa.

"Isa kang walang-wala, Xavielle. Wala kang maipagmamalaki. Walang yaman, walang pangalan, walang kapangyarihan. Akala mo ba hahayaan kong ipagpalit ang kinabukasan ng pamilya ko at ang imperyo namin dahil lang sa isang babaeng katulad mo? Nakakahiya ka. Isa kang malaking kasiraan sa pangalan ko."

Iyon ang mga salitang binitawan ni Alexander Dela Cruz bago siya tuluyang tumalikod at iniwan ako sa gitna ng dilim at ulan. Mga salitang parang matatalim na punyal na paulit-ulit na tumatarak sa aking puso, hanggang sa pakiramdam ko ay wala nang natira sa akin kundi mga pira-pirasong bahagi ng pagkatao ko na winasak niya.

Buong akala ko ay sapat ang pagmamahal namin. Buong akala ko ay kaya naming labanan ang lahat—ang pamilya niya, ang mga patakaran ng lipunan, ang pagkakaiba ng aming estado sa buhay. Buong akala ko, kapag mahal mo ang isang tao, handa kang suwagin ang lahat ng hadlang at magsakripisyo para lang makapiling siya. Pero mali ako. Napakalaki ng pagkakamali ko. Dahil sa huli, napatunayan kong para kay Alexander, mas matimbang ang yaman, ang pangalan, at ang kapangyarihan kaysa sa pagmamahal na ipinagmalaki naming dalawa.

"Alexander, parang awa mo na... huwag mong gawin ito sakin!" sigaw ko noon, habang buong lakas na nakakapit ako sa braso niya, ayaw siyang pakawalan. "Wag mo kong iwan... alam kong mahal mo ako. Alam kong hindi mo gusto ang pagpapakasal sa iba na ipinipilit nila sa'yo! Pwede naman tayong umalis, ‘di ba? Magtatago tayo, magsisimula tayo sa bago kahit saan—basta magkasama tayo!"

Ngunit tinanggal lang niya ang mga kamay ko mula sa kanya, marahas at walang lambing, at tinitigan ako nang may halong pandidiri, na parang ako ay isang bagay na marumi at ayaw niyang mahawakan.

"Mahal? Huwag kang magpakalunod sa imahinasyon mo, Xavielle. Laro lang ang lahat ng ito para sa akin. libangan lang kita habang hinihintay ko ang babaeng talagang nararapat para sa akin. At ang babaeng iyon... ay hindi ikaw. Huwag ka nang umasa pa. Wala kang halaga sa akin."

At iyon na. Tumalikod siya, sumakay sa kanyang itim at mamahaling sasakyan, at iniwan akong umiiyak at wasak sa gitna ng kalsada. Ang sasakyang iyon ay dala siya palayo—palayo sa akin, palayo sa aming nakaraan, palayo sa mga pangakong binitawan niya. Habang ako naman ay naiwan doon, nakaluhod sa sementong binasa ng ulan at ng sarili kong mga luha, pakiramdam ko ay gumuho ang buong mundo ko.

Sa mga oras na iyon, akala ko ay katapusan ko na. Akala ko ay wala na akong matatakbuhan, wala nang kakampi, at wala nang dahilan para ipagpatuloy ang buhay. Pakiramdam ko ay iniwan na ako ng buong mundo, at ang tanging taong akala ko ay mananatili sa aking tabi hanggang sa huli ay siya pang naging dahilan ng pagkawasak ko.

Pero habang nakayuko ako, nanginginig sa lamig at sa sakit ng damdamin, habang humahagulgol ako nang walang boses dahil sa sobrang hapdi ng aking nararamdaman... may isang pares ng sapatos na dahan-dahang pumasok sa aking paningin.

Hindi si Alexander. Hindi ang sasakyan niya. Kundi isang pares ng mamahaling sapatos na balat, malinis at makintab, na tila hindi bagay sa maruming kalsada na kinalalagyan ko.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin, at sa gitna ng ulan at dilim, nakita ko siya.

Matangkad, may maamong mukha ngunit puno ng awtoridad at karangalan ang tindig. Ang kanyang buhok ay may bahid na ng puti sa mga dulo, tanda ng pagtanda, ngunit kitang-kita pa rin ang tatag at ganda ng kanyang pangangatawan. Ang kanyang mga mata... Diyos ko, ang mga mata niya ay kasing-kulay at kasing-hugis ng mga mata ko. Doon ko nakita ang sarili ko. Doon ko nakita ang pamilya ko.

Nakatayo siya roon, nakasilip mula sa ilalim ng itim na payong, at sa kanyang mga mata ay nakita ko ang halo-halong emosyon—lungkot, pagsisisi, awa, at higit sa lahat... pagmamahal.

Siya si Donato V. Angeles.

Ang tunay kong ama. Ang lalaking matagal nang nawala sa buhay namin ng aking ina. Ang lalaking iniwan kami noon bago pa man ako isilang, ang lalaking tumakas at nagtungo sa ibang bansa upang doon yumaman, magkaroon ng pangalan, at magtayo ng sariling imperyo habang kami naman ay naiwan dito sa Pilipinas na naghihikahos, nagugutom, at namumuhay sa hirap.

Matagal ko na siyang hinahanap sa isip ko. Matagal ko na siyang pinapangarap makita, kahit sa larawan lang, kahit sa pangarap lang. Ngunit noong mga panahong lumalaki ako, akala ko ay kinalimutan na niya kami habambuhay. Akala ko ay wala na siyang pakialam kung buhay pa ba kami o hindi. Akala ko, para sa kanya, ay isa lamang kaming pagkakamali ng nakaraan na gusto na niyang burahin.

Pero narito siya ngayon. Sa gabing ito. Sa gabing iniwan ako ng lalaking akala ko ay buhay ko. Narito siya, nakatayo sa harap ko, at kitang-kita kong nakita niya ang lahat. Nakita niya kung paano ako itinaboy ni Alexander. Nakita niya kung paano ako hiniya at sinaktan nito sa harap ng maraming tao. Nakita niya ang bawat luha na pumatak mula sa aking mga mata.

"Elyza..."

Ang tawag niya sa akin ay malambing, garalgal, at puno ng sakit. Ang pangalang iyon—ang pangalang itinawag sa akin ng Nanay ko—ang pangalang alam niyang akin.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang payong at lumapit sa akin, kahit na nababasa na siya ng malakas na ulan. Yumuko siya at inabot ang kamay niya sa akin, kamay na matigas dahil sa trabaho at pamumuno, ngunit mainit at malambot ang haplos.

"Tatay..." bulong ko, halos hindi lumalabas sa aking lalamunan dahil sa pagkabigla at pagod. "T-Tatay... ikaw ba 'yan?"

Sa loob ng mahabang panahon, ito ang pangalang laman ng isip ko kapag iniisip ko siya. Tatay. Kahit hindi ko pa siya nakikita noon, kahit hindi ko pa siya nakakausap, alam kong siya ang Tatay ko. At sa sandaling iyon, nang marinig niya ang tawag kong iyon, nakita ko kung paano umagos ang luha mula sa kanyang mga mata, na humahalo na sa ulang tumutulo sa kanyang mukha.

"Oo, anak... ako ito. Ang Tatay mo," sagot niya, at nanginginig ang kanyang boses habang nagsasalita. "Patawad... patawad kung ngayon lang ako nagpakita. Patawad kung hinayaan kitang lumaki nang wala ako. Patawad kung hinayaan kitang magdusa nang mag-isa, at patawad kung nakita ko pa kayong nasasaktan at hinahayaan ko lang."

Tinulungan niya akong makatayo. Nanghina ang mga tuhod ko at muntik na akong bumagsak ulit, pero agad niya akong niyakap nang mahigpit, inalalayan ako, at ibinuhat ang buong bigat ng pagkatao ko. Sa yakap na iyon, naramdaman ko ang bagay na matagal ko nang inaasam—ang pakiramdam na ligtas, ang pakiramdam na mayroon akong kakampi, at ang pakiramdam na hindi ako nag-iisa.

Noong una, gusto ko siyang sigawan. Gusto ko siyang sumbatan. Gusto kong itanong kung bakit siya ngayon lang dumating? Bakit ngayong wasak na wasak na ako at halos wala nang matira sa akin? Bakit ngayong dumating na ang oras na tinalikuran na ako ng taong akala ko ay mamahalin ako habambuhay?

Pero nang tignan ko siya nang maigi, nakita ko ang totoong pagsisisi sa kanyang mga mata. Nakita ko ang sakit na nararamdaman niya dahil sa nakikita niyang kalagayan ko. At sa gitna ng lahat ng gulo at sakit na nararamdaman ko, isang katotohanan ang biglang sumagi sa isip ko—isang katotohanang magbabago sa takbo ng buhay ko habambuhay.

Buntis ako.

Buntis ako sa anak ni Alexander.

Noong gabing iyon, noong iniiwan niya ako at sinasabing wala akong halaga sa kanya, bitbit ko na sa aking sinapupunan ang bunga ng aming pagmamahal at kasawian. Wala pang nakakaalam nito. Wala si Alexander, dahil umalis na siya bago ko pa man ito masabi. Wala ang Nanay ko, dahil matagal na siyang pumanaw. At wala rin si Tatay... dahil kahit siya, sa gabing iyon, ay hindi pa alam ang tungkol sa bata.

Kung nalaman lang sana ni Alexander... kung nalaman lang sana niyang may dinadala ako... magbabago kaya ang isip niya? Tatanggapin niya kaya ako? O mas lalo niya lang akong hahatawan ng panghuhusga dahil sa isip niya, dadagdagan ko lang ang kahihiyan na idinudulot ko sa pangalan nila?

Hindi. Alam kong kahit malaman pa niya, wala ring magbabago. Para sa kanya, isa lang akong sagabal, isang bagay na dapat itapon at kalimutan. At higit sa lahat, alam kong kapag nalaman nila ang tungkol sa bata, gagawin ng mga Dela Cruz ang lahat—gagamitin nila ang anak ko laban sa akin, kukunin nila ito dahil mayaman sila at makapangyarihan sila, at sisiguraduhin nilang hinding-hindi kami magkakasama.

Kaya noong gabing iyon, habang yakap ako ni Tatay at pinapatahan ang aking pag-iyak, nagpasya ako. Hindi ko sasabihin sa kanya agad ang tungkol sa bata. Hindi ko sasabihin hangga't hindi ako nakakasiguro, hangga't hindi ako nakakalayo sa panganib.

"Sumama ka sa akin, Elyza," pakiusap ni Tatay habang hinahaplos niya ang buhok ko, tinatakpan ako ng kanyang payong upang hindi na ako masyadong mabasa. "Huwag mo nang hayaang manatili ka pa rito. Huwag mo nang hayaang makita ka pa nila o malaman nila kung nasaan ka. Sila ang sumira sa'yo, at sisiguraduhin kong hindi nila magagawang saktan ka pa lalo o gahasain ang dangal mo. Sumama ka... itago natin kayo. Aalagaan ko kayo. Ito ang tanging paraan para makabawi ako sa lahat ng taon na nawala ako sa buhay mo at ng Nanay mo."

Tinitigan ko siya. Ang lalaking matagal ko nang inaasam na makita, ang lalaking pinagmulan ko, ang lalaking akala ko ay kinalimutan na kami. At narito siya ngayon, inaalok ang lahat ng bagay na kailangan ko—tirahan, proteksyon, pagmamahal, at karangyaan.

Wala na akong ibang matatakbuhan. Wala na akong ibang kakampi. At higit sa lahat, kailangan ko ng ligtas na lugar para ipanganak at palakihin ang batang nasa sinapupunan ko.

"Pangako ba 'yan, Tatay?" nanginginig kong tanong habang nakakapit sa kanyang damit. "Pangako ba ninyong hinding-hindi niyo ako iiwan? Hinding-hindi niyo ako tatalikuran kahit anong mangyari?"

Tumingin siya sa akin nang diretso sa mata, puno ng katapatan at panata. "Pangako, anak. Mula ngayon, hindi na kita pakakawalan pa. Hinding-hindi na kita iiwan. Bubawi ako. Bubawi ako sa lahat ng lungkot at hirap na dinanas mo nang mag-isa."

At dahil doon, tinanggap ko ang kamay niya. Tinanggap ko ang alok niya. At mula sa gabing iyon, tuluyan nang nawala si Xavielle Elyza Angeles sa mundong ginagalawan nina Alexander at ng mga taong nakakakilala sa akin.

Sumama ako kay Tatay. Dinala niya ako palayo sa siyudad, palayo sa ingay, palayo sa mga taong gustong manlamang at manakit. Dinala niya ako sa isang tahimik at liblib na probinsya, malayo sa kabihasnan, malayo sa mga mata ng publiko, at higit sa lahat—malayo sa mga Dela Cruz.

Dito niya ako itinago. Dito niya kami pinatira sa isang malaki, maganda, at maayos na bahay na nakatayo sa gitna ng malawak na lupain na pag-aari niya. Dito niya ako inalagaan, pinakain, at binigay ang lahat ng pangangailangan ko.

Noong mga unang buwan, inilihim ko pa rin kay Tatay ang tungkol sa dinadala ko. Takot akong sabihin. Takot akong husgahan niya rin ako. Takot akong isipin niyang katulad lang din ako ng Nanay ko—na nabuntis at iniwan, na nagkamali sa pagpili ng lalaki. Pero noong unti-unting lumaki ang aking tiyan at hindi na maitago, doon ko na lang napilitang aminin ang katotohanan.

Inasahan kong magagalit siya. Inasahan kong sisigawan niya ako o sumbatan dahil sa nangyari. Pero laking gulat ko... hindi niya ginawa iyon. Sa halip na magalit, niyakap niya lang ako nang mahigpit at sinabing, "Bahala na ang Diyos sa mga masasamang tao, Elyza. Ang mahalaga, nandito ka na sa akin. Nandito na tayo. At poprotektahan natin ang batang ito, anuman ang mangyari."

Doon ko napatunayan na magkaiba sila ng ugali ni Alexander. Si Alexander, na mayaman at makapangyarihan din, pero puno ng pagmamataas at kawalan ng puso. Si Tatay, na mayaman at makapangyarihan rin, ngunit nananatiling mapagkumbaba, maunawain, at puno ng pagmamahal sa pamilya.

Lumipas ang mga buwan, at sa wakas, isinilang ko siya. Ang bunga ng aming pagmamahal at kasawian ni Alexander. Isang malusog at napakagandang sanggol na babae.

Binigyan ko siya ng pangalang Axielle Yzabelle Angeles.

Ang letrang A ay para kay Alexander, at ang X ay para sa akin—kay Xavielle. Pinagsama ko kami sa pangalan niya, kahit na sa totoong buhay ay pinaghiwalay kami ng tadhana at ng sarili niyang ama. Angeles pa rin ang apelyido niya. Ibinigay ko sa kanya ang apelyidong ito dahil dito kami kumalinga, dito kami nagtago, at dito kami nakahanap ng tunay na pamilya at proteksyon kasama si Tatay.

Wala, at hinding-hindi ko ibibigay ang apelyidong Dela Cruz. Wala silang karapatan. Wala siyang karapatan. Siya ang nag-iwan, siya ang tumanggi, siya ang nagsabing wala kaming halaga. Kaya kaming tatlo—ako, ang anak ko, at si Tatay—ang magmamay-ari kay Axielle habambuhay.

Limang taon na ang nakalipas mula noon.

Limang taon na rin mula noong umalis kami at nagkubli dito. Sa loob ng mahabang panahon, tahimik at payapa ang aming pamumuhay. Dito kami ligtas. Dito kami malaya.

Bumukas ang malaking pinto ng bahay at mula doon ay lumabas ang batang matagal ko nang itinuturing na buhay ko.

"Nanay! Lolo! Tignan niyo po ang nakuha ko sa hardin!"

Napangiti ako nang malawak habang pinagmamasdan ko siyang tumatakbo palapit sa amin. Si Axielle. Limang taong gulang na siya ngayon. Lumaki siyang matalino, masiyahin, mabait, at napakaganda.

Pero sa tuwing tinitignan ko siya, lalo na ang kanyang mga mata... parang sinasaksak ako ng katotohanan. Ang mga mata niya ay kasing-kulay, kasing-hugis, at kasing-kislap ng mga mata ni Alexander. Ang ilong, ang hugis ng mukha, ang tindig, ang paraan ng pagngiti... lahat ay pamana mula sa ama niya.

Kahit anong gawin ko, kahit gaano ko pa siya kamahal, hindi ko maikakaila na dugo at laman siya ng lalaking sumira sa akin.

Lumapit si Tatay sa bata at dahan-dahang pinalo-palo ang ulo nito, puno ng pagmamahal at pagmamalaki ang mga mata. Ang dating matigas at seryosong mukha ng ama ko ay lumalambot tuwing nakikita niya ang apo niya. Siya ang tumatayong lolo, ama, at tagapagtanggol sa aming dalawa. Siya ang bumawi sa lahat ng pagkukulang niya noon, at siya ang nagbigay sa amin ng buhay na payapa at ligtas na hindi ko inakalang mararanasan ko pa.

"Ang ganda naman ng apo ko," malambing na sabi ni Tatay sabay tingin sa akin. May lungkot pa rin minsan sa mga mata niya kapag tinitignan niya ako—lungkot na dulot ng pagkakasala niya sa nakaraan—ngunit laging may kasamang pangako ng proteksyon. "Parang ikaw noong bata ka pa, Elyza. Ang ganda at ang talino."

Lumapit ako sa kanila at yumakap kay Tatay nang mahigpit bilang pasasalamat. Kung hindi dahil sa kanya noong gabing iyon... hindi ko alam kung saan kami hahantong ng anak ko. Kung hindi dahil sa kanya, baka napariwara ako o napahamak din si Axielle dahil sa kahinaan ko.

Dito kami nanirahan nang limang taon. Dito kami nagtago.

Lahat ng pangangailangan namin ay ibinibigay ni Tatay. Siya ang nagturo sa akin ng mga bagay na dapat kong malaman tungkol sa pamumuhay at pagpapatakbo ng negosyo, siya ang nagpalakas ng loob ko, at siya ang nagsabing hinding-hindi na niya ako muling pababayaan.

Tungkol kay Alexander... hindi ko na siya inisip pa. Sa loob ng limang taon, tinanggal ko na siya sa sistema at puso ko. Ang alam ko lang, ayon sa mga nababalitaan ko nang palihim mula sa mga dyaryo at balita na ipinapabasa sa akin ni Tatay, ay nagpatuloy siya sa buhay niya. Yumaman lalo, naging mas makapangyarihan, at ayon sa sabi-sabi... ikakasal na o ikinasal na sa babaeng pinagpilian ng pamilya niya noon pa man. Ang babaeng mayaman, makapangyarihan, at kauri niya. Ang babaeng nararapat daw para sa kanya, hindi katulad ko.

Hayaan siya. Masaya na siya sa akala niya. Akala niya ay kinalimutan ko na siya. Akala niya ay wala na akong bahid sa buhay niya. At higit sa lahat, akala niya ay wala kaming naiwan na alaala o bahagi ng kanyang pagkatao.

Ang hindi niya alam, ang lihim na itinatago namin dito kasama ni Tatay... ay nabubuhay at lumalaki sa piling ko. Ang anak niya. Ang bunga ng pagmamahal namin. Ang batang babae na taglay ang lahat ng katangian niya, ngunit lumalaki nang malayo sa kanya, malayo sa impluwensya niya, at malayo sa sakit na dulot niya.

Hinding-hindi niya malalaman. Hinding-hindi niya makikilala. At hinding-hindi niya maaangkin.

"Halika na, Axielle," tawag ko sa anak ko habang inaabot ang kamay niya. "Tulungan natin si Lolo sa pag-aayos ng mga halaman sa likod-bahay."

Tumakbo siya palapit sa akin at mahigpit na yumakap sa bewang ko. Sa yakap na iyon, naramdaman ko ang lakas ko.

Dito kami mananatili. Dito kami magtatago. At habang nandiyan si Tatay para protektahan kami, sisiguraduhin kong mananatiling lihim ang katotohanan habambuhay. Si Alexander Dela Cruz ay mananatiling estranghero para sa anak namin. At ang anak namin ay mananatiling kayamanan na hinding-hindi niya kailanman makukuha.

Wala siyang alam. At sana... hinding-hindi na lang niya malaman pa.

Dito kami nasa ilalim ng pangangalaga ni Tatay, ligtas at payapa, habang ang lalaking nag-iwan sa amin ay naglalakad sa mundong akala niyang perpekto at walang bahid, na hindi alam na sa isang liblib na probinsya, may isang maliit na batang babae na nagtataglay ng kanyang mukha, kanyang dugo, at kanyang pangalan... na itinago at inilayo sa kanya dahil sa kanyang sariling kasakiman at kawalan ng pusoj

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Ceo's Hidden Child   Kabanata 4

    Xavielle Elyza Angeles POVLumipas pa ang ilang buwan, at tila huminto na ang ikot ng oras dito sa aming tahimik na paraiso. Sa loob ng malawak na lupain na ito, napapaligiran ng matatayog na puno at malalagong halaman, malayo sa ingay at gulo ng siyudad, patuloy kaming namumuhay nang payapa at ligtas. Limang taon na ang nakalilipas mula noong dinala ako rito ni Tatay, at tila bawat araw ay nagiging mas masagana at mas mapayapa kaysa sa nakaraan.Dito, sa ilalim ng pangangalaga ni Donato V. Angeles—ang aking ama—natutunan kong muli ang kahulugan ng pagtitiwala at pagmamahal. Dati, ang aking mundo ay puno ng takot, panghuhusga, at sakit dulot ng mga salitang parang patalim. Ngunit ngayon, bawat sulok ng bahay na ito ay puno ng init, kalinga, at kapayapaan. Ang bawat hangin na humahampas sa aking mukha ay nagpapaalala sa akin kung gaano ako kapalad na nakatakas sa mundong minsan nang sumira at tumalikod sa akin.Nasa silid-aklatan ako ngayon, nakaupo sa tabi ng malaking bintana habang

  • The Ceo's Hidden Child   KABANATA 3

    Xavielle Elyza Angeles POVLumipas pa ang ilang buwan, at tila naging ganap na bahagi na ng aming araw-araw na pamumuhay si Kian Riego. Kung dati ay kaming tatlo lang ni Tatay at ni Axielle ang laging magkakasama, ngayon ay laging kasama na namin siya saan man kami magpunta sa loob ng malawak na lupain na ito.Dito, sa liblib na probinsyang ito, malayo sa siyudad, malayo sa ingay, at higit sa lahat—malayo sa mga taong naging bahagi ng nakaraan ko, patuloy kaming namumuhay nang payapa at ligtas. Ang bawat araw ay pare-pareho ngunit puno ng kulay at kahulugan. Walang gulo, walang panghuhusga, walang sakit na dulot ng mga salitang parang patalim. Ang tanging naririnig ko lang ay ang tawanan ni Axielle, ang malumanay na boses ni Tatay, at ang mahinahong pakikipagkwentuhan ni Kian.Sa loob ng bahay na ito, tila nabura na ang pangalang Alexander Dela Cruz. Tila wala na siyang bahagi sa mundo ko. Sinadya kong huwag na siyang isipin pa. Sinadya kong burahin siya sa bawat sulok ng alaala ko,

  • The Ceo's Hidden Child   Kabanata 2

    Xavielle Elyza Angeles POVLimang taon na ang lumipas mula noong dinala ako ni Tatay dito, sa tahimik at liblib na probinsyang ito. Limang taon na rin mula noong nagsimula kaming mamuhay nang payapa, ligtas, at malayo sa ingay at kasinungalingan ng mundo na kinalakihan ko noon. Dito, sa malaki at maaliwalas na bahay na pag-aari ni Tatay, dito ko muling natutunang ngumiti, dito ko muling nabawi ang lakas ng loob ko, at dito ko pinalaki si Axielle nang puno ng pagmamahal at kalinga.Si Tatay—si Donato V. Angeles—ay naging lahat sa amin. Siya ang ama na hindi ko naranasan noong bata pa ako, siya ang lolo na puno ng pagmamahal sa aking anak, at siya ang tagapagtanggol na handang gawin ang lahat para hindi kami masaktan o malapitan ng sinumang mula sa nakaraan ko.Dahil sa kanya, hindi kami nagkulang sa anuman. Ibinigay niya ang lahat ng pangangailangan namin—pagkain, tirahan, damit, edukasyon, at proteksyon. Ngunit sa kabila ng lahat ng yaman at karangyaan na nasa paligid namin, tinuruan

  • The Ceo's Hidden Child   kabanata 1

    Xavielle Elyza Angeles PovLimang taon.Limang taon na ang nakalipas mula noong gabing iyon, ngunit kahit kailan ay hindi nabura sa aking alaala ang bawat pangyayari, bawat salita, at bawat sakit na naramdaman ko. Para bang kahapon lang ang lahat. Para bang nandon pa rin ako, nakaluhod sa basang semento habang tumatangis, habang ang lalaking akala ko ay mahal ako at handang ipaglaban ako ay nakatayo sa harap ko, malamig at walang pakiramdam, na parang hindi kami ang parehong mga taong nagbahagi ng maraming alaala at pangako sa isa’t isa."Isa kang walang-wala, Xavielle. Wala kang maipagmamalaki. Walang yaman, walang pangalan, walang kapangyarihan. Akala mo ba hahayaan kong ipagpalit ang kinabukasan ng pamilya ko at ang imperyo namin dahil lang sa isang babaeng katulad mo? Nakakahiya ka. Isa kang malaking kasiraan sa pangalan ko."Iyon ang mga salitang binitawan ni Alexander Dela Cruz bago siya tuluyang tumalikod at iniwan ako sa gitna ng dilim at ulan. Mga salitang parang matatalim na

  • The Ceo's Hidden Child   Prologo

    Xavielle Elyza Angeles POV"Alexander, parang awa mo na... huwag mong gawin ito sakin!"Buong lakas kong hinawakan ang kanyang braso, nakakapit na parang ito na lang ang tanging bagay na nagpapatatag sa akin habang parang gumuguho ang buong mundo ko. walang tigil sa pag patak ang aking mga luha at, basang- basa na ang aking pisnge ng luha, ngunit tila wala itong epekto sa kanya. Nakatayo lang siya doon, malamig at walang emosyon, tila ba hindi kami ang parehong mga taong nagmahalan nang buong puso noon."Wag mo kong iwan, Alexander... alam kong mahal mo ako. Alam kong hindi mo gusto ang pagpapakasal sa iba. Kaya huwag mong isuko ang lahat ng meron tayo dahil lang sa gusto ng pamilya mo... dahil lang sa negosyo niyo," pagmamakaawa ko pa habang garalgal na ang boses. "Pwede naman tayong umalis, ‘di ba? Magtatago tayo. Magtatayo tayo ng sariling buhay kahit saan—kahit sa lugar na walang nakakakilala sa atin. Basta magkasama tayo, kaya nating harapin ang lahat. Mahal kita... at alam kong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status