Share

He got everything

Sa loob ng maiksing panahon ay naging effective na employer naman si Xian sa kanyang mga empleyado. Hindi maiwasan na may mga nagpapahiwatig sa kanya subalit umiiwas s'ya. Ayaw n'ya na magkaroon ng problema sa loob ng kanyang kumpanya lalo pa kung s'ya ang involve. Katatapos lang ng meeting n'ya kasama ang managers ng bawat departmento at masaya s'ya sa naging pag-usad ng kumpanya. Nadagdagan ang mga kliyente nila at marami sa kanyang mga empleyado ay masaya habang nagtatrabaho sa kanyang kumpanya.

"Boss, may tawag po para sa inyo!" saad ng kanyang sekretarya.

Si Jasmin ay dati ng sekretarya ng mga naging boss sa kumpanya. Magaling ito at masayang kasama. Madalas ay ito ang ginagawang tagapagpadala ng mensahe at tulay ng mga gusto makalapit sa kanya. Makulit rin ito lalo na sa labas ng trabaho.

"Sino daw sila?" tanong n'ya.

Kababalik lang n'ya ng opisina.

"Si Boss Magno po," tugon ng babae.

Bumalik na rin ito sa sarili n'yang station. Inatupag naman agad ni Xian ang nasabing tawag. X
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status