Share

Independence

Lingid sa kaalaman ng mga magulang ay pinagtiyagaan na ihanda ni Noelle ang sarili sa balak na pagtakas ng mansion. Nagpaalam s'ya na susundo sa anak kasama ang body guards ng ama. Subalit ay hindi na ito nakabalik. Ganun na lamang ang pagka-taranta ng mga nandoon. Kabilin-bilinan ng Don na huwag hayaan na mawala sa kanilang tabi ang anak.

"Pauwi na ba kayo?" bungad na tanong ng Don.

Tinawagan ito ng isa sa mga tauhan. Pilit na itinatago ang nginig sa kanilang amo na inaasahan nila na hindi masisiyahan sa kanilang ibabalita.

"Eh Boss, ano kasi," panimula ng body guard.

"Ano? Ituwid mo iyang dila mo. Ano ba ang sasabihin mo? Huwag mong sinasayang ang oras ko," inis na bwelta ng amo.

Hindi pa ito nakauwi galing sa business meetings nito. Subalit kailangan nito malaman ang nangyayari.

"Si Senyorita Noelle po at ang apo ninyo ay nawawala," pagbabalita ng lalaki.

"Ano? Ang magbantay na nga lang ang trabaho ninyo at hindi pa ninyo magawa. Halughugin ang bawat lugar na maari nilang punta
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status