Share

Seeking for forgiveness

Isang linggo ang nakalipas simula nang naglayas ang mag-ina. Walang lead ang mga tauhan ni Don Arnulfo sa dalawa at maging si Xian ay nagsimula na rin mag-alala. Halos hindi s'ya makatulog at makakain ng maayos. Madalas ay naiinip na s'ya at nakaka-ubos ng pasensya. Bukas ay araw ng sabado at wala na naman s'yang maisip gawin. Pinili n'yang tumulong sa paghahanap. Handa n'yang igugol ang weekend sa paghahanap.

"Boss, wala pa talaga," pagbabalita sa kanya ng kakilala ni Mando.

Bagsak ang balikat na bumalik s'ya sa kanyang bahay.

"Ano na kaya ang nangyari sa kanila? Hindi kaya itinatago s'ya ng mga Mondragon upang muling mailayo sa iyo?" hula ni Mando.

Napaisip si Xian sa sinabi nito.

"Possible ang sinabi mo. Kaya nilang magkunwari at saktan ang kahit na sino kabilang na roon ang kanilang anak para sa pansarili nila," pahayag ni Xian.

"Saan tayo pupunta bukas?" tanong ng kaibigan na driver.

"Sa mansion ng mga Mondragon. Ngunit iniisip ko na baka magiging sagabal pa ito sa paghahanap
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status