Inasahan na ni Kael ang maaring kahihinatnan pagkatapos ng kanilang pagpapakasal. Hindi naman s'ya bato upang hindi magdamdam ngunit nagagawa n'yang magpakatatag para sa binubuong pamilya. Dalawang buwan pa lang simula nang naikasal sila ngunit hindi na mabilang ang mga insidente kung saan ay sinasadya s'yang ipahiya ng mga ito sa ibang tao.
"I'm sorry about Dad, perfectionist lang talaga iyon!" saad ng kanyang asawa na ipinagtatanggol ang ama.
May ipinag-uutos kasi ito sa kanya na hindi n'ya agad naiintindihan at dahil doon ay pinag-initan s'ya at pinahiya sa harap ng mga kasambahay.
"Alam ko naman kung ano ang nais nila ipamukha sa akin. Okay lang dahil matitiis ko pa naman," malumanay na pahayag n'ya sa kanyang asawa.
"Ako ang nahihiya dahil ikaw ang nahihirapan," sabi ni Noelle.
Nakaupo silang mag-asawa sa loob ng kanilang silid. Sa mansion sila tumira pagkatapos ng kanilang kasal. Ayaw kasi pumayag ng mga magulang ni Noelle na mawalay sa kanila ang nag-iisang anak na babae.
"Ayaw mo ba talaga na bumukod tayo? Makakakuha ako ng sariling bahay para sa atin. Kahit iyong simple lang ngunit kumportable tayo pareho dahil may privacy at makagalaw tayo na ayon sa gusto natin," pangungumbinsi n'ya sa kanyang asawa.
"Gusto ko. Ngunit ayaw ko na maging dahilan pa ng kaguluhan sa pamilya. Sapat na sa akin na pumayag sila na magsama tayo, masaya na ako dahil doon." Nakangiti na saad ni Noelle.
Napabuntong hininga lamang si Kael dahil hindi n'ya magawang kumbinsihin ito.
"Gusto mo ba na ako ang magpaalam sa kanila? Gusto ko lang naman maipakita na kaya natin ang tumayo sa sarili nating mga paa. Kaya kitang panindigan, kayo ng magiging panganay natin," giit ni Manuel.
"Hindi ako sanay mamuhay na malayo sa mga magulang ko, sana maunawaan mo ako. Mahal ko kayo lahat, hindi ko kailangan mamili." Paliwanag ni Noelle sa asawa.
"Hindi kita pinapapili, ang gusto ko lang ang magkaroon tayo ng kalayaan bilang mag-asawa. Ayokong umaasa sa ibang tao lalo na sa mga magulang natin. Lalaki ako at sanay ako manindigan dahil pinalaki ako ng mga magulang ko na ganun," dagdag pa na sabi ni Kael.
"Hindi mo ako pinapapili pero pinipilit mo ako, ganun ba iyon?" inis na tanong ni Noelle sa kanya.
"Hindi sa ganun. Ipinapaliwanag ko lang naman ang nais ko," sagot n'ya.
"Naiintindihan ko ang gusto mo, okay? Pero hindi iyon ang gusto ko. Sana maintindihan mo iyon." Hindi na napigilan ni Noelle ang mainis.
"Okay, ikaw ang bahala. Ikaw naman ang masusunod eh. Kung iyan ang gusto mo, sige. Para wala ng gulo," saad ni Kael.
Hindi nakaimik si Noelle. Lumapit ito sa kanya upang yumakap at hinayaan n'ya lang ito.
"Sorry!" saad nito.
"Okay lang," masama ang loob na tugon n'ya.
Hindi n'ya alam kung hanggang kailan n'ya makakayanan ang pakisamahan ang lahat ng tao sa mansyon na walang ibang ginagawa kundi ang hamakin s'ya at ipamukha na hindi s'ya nababagay na manirahan sa mansyon. Wala s'yang ibang nakakausap ng matino maliban sa kanyang asawa dahil maging ang mga katulong ay umiiwas din sa kanya. Kaya madalas ay ayaw n'ya manatili sa malaking bahay buong araw lalo na kung wala ang asawa.
"Bakit ayaw mo pala magtrabaho sa kumpanya?" naalala itanong ni Noelle sa kanya.
"Masaya ako sa trabaho ko at iyon naman talaga ang passion ko noon pa. Alam mo naman lahat iyon," pahayag n'ya.
Huminga ito ng malalim saka naupo sa kanyang harapan.
"Alam ko pero di ba gusto mo rin naman na mapalapit sa Daddy ko, bakit hindi mo subukan ang magtrabaho sa kumpanya? Maliban sa mas malaki ang sweldo, mas madalas na magkikita at magkasama tayo. Magkakaroon pa kayo ni Daddy ng pagkakataon na makilala pa ang bawat isa. Malay mo, magustuhan n'ya ang trabaho mo at doon magsisimula na magkakasundo kayo," mahabang salaysay ni Noelle.
"Pag-iisipan ko," saad n'ya.
Hindi n'ya maiwasan ang sumama minsan ang loob sa asawa dahil mas priority nito na ma-please n'ya ang pamilya nito lalo na ang mga magulang. Insecure pa rin ito dahil batid nilang parehas na hanggang ngayon ay hindi pa rin boto ang matandang Mondragon sa kanya. Hindi napapansin ni Noelle na nasasagasaan at nasasaktan nito ang pride ni Kael sa mga ginagawa nitong pagiging sunod-sunuran sa magulang.
"Bakit? It's very clear why you should choose the company than your present job," patuloy na pangungumbinsi ng asawa.
"Let us see! Sa ngayon masaya pa ako sa trabaho ko at kumikita naman ako ng marangal," saad n'ya.
"Kumikita ng marangal? By juggling two jobs? You didn't even think na may asawa ka na naghihintay sa iyo. You went on overtime just like the usual, you are working all day without rest days. Is that it?" sabi ni Noelle.
Hindi makapaniwala si Kael na nanggaling mismo ito sa asawa. Dahil noon ang alam n'ya ay proud ito sa lahat ng ginagawa n'ya maging sa trabaho n'ya.
"Akala ko ba iyon ang nagustuhan mo sa akin, bakit ngayon parang ikinakahiya mo rin?" tanong n'ya sa asawa.
Pakiramdam n'ya ay nagbago na ito. Dala na rin marahil ng pressure mula sa kanilang paligid lalo na ng mga magulang nito kaya nag-iiba ang pananaw nito.
"Hindi ko ikinahihiya iyon. What I am saying is, be practical. Pinili mo ako na maging asawa mo so you should be practical enough sa mga desisyon mo. Kael, magkakaanak na tayo. Do you think you can afford what the child needs sa oras na lumabas s'ya? Ayoko umasa sa mga magulang ko. Kaya gusto ko na maghanap ka ng disente at mas magandang trabaho," giit ng asawa.
"I can afford to provide kung ano man ang kailangan ng pamilya ko. Hindi ako nanglilimos para sa pangangailangan ng pamilya ko lalo naman sa anak ko. Alam mo kung ano ang issue dito? It's your parents kaya ka nagkakaganyan, kaya nga gusto ko sana ay bumukod tayo. That's all!" mariing pahayag ni Kael.
"Huwag mong pagsasalitaan ng hindi maganda ang magulang ko. They just want the best for me and for us. Bakit ang hirap mo pakiusapan?" saad ng asawa.
"Huwag mo ako i-pressure sa paggawa ng desisyon para sa pamilya ko. Kaya lang naman magiging mahirap dahil sa mga magulang mo!" dagdag na sabi ni Kael.
Hindi n'ya napigilan ang sarili na magsalita at ilabas ang nararamdaman.
"What did you just say? Ang kapal ng mukha mo! Kung hindi dahil sa takot na magpakamatay ang anak ko, hindi ako papayag na maikasal s'ya sa iyo. Mahal ko ang anak ko at ginagawa lang namin ang responsibilidad namin bilang mga magulang n'ya. Palibhasa walang pakialam ang mga magulang mo sa iyo. Ano nga ba ang mawawala sa iyo? Eh wala ka maipagmalaki kaya walang mawawala sa iyo." Pang-iinsulto ng ina ni Noelle sa kanya.
Nakabukas ang pintuan ng kanilang silid kaya narinig nito ang kanilang pag-uusap at bigla na lamang ito sumugod.
"Mom!" pagpipigil ni Noelle sa ina.
"Tumigil ka, Noelle! Abusado itong asawa mo eh, akala mo hindi ko narinig ang pamimilit mo sa anak ko na umalis dito? Hindi s'ya aalis dito kahit na kailan! Tandaan mo iyan! Kung hindi lang masama ang pumatay ay pinatanggal ko na iyang sanggol sa tiyan n'ya at hindi na sana kayo naikasal pa." Pahayag ng Donya.
"Mom, tumigil ka na. Please!" pakiusap ni Noelle.
"Ano ang sabi ninyo?" tanong ni Kael.
"I have said it already and I will never say it again. You heard me right." Mataray na sabi ng Ginang.
Si Noelle naman ay napaiyak sa inasta ng ina.
"Tumigil ka na sa kakainarte mo! Nasunod na ang gusto mo, di ba? Kung ikaw susunod sa kagustuhan ng asawa mo, huwag mo ng alalahanin pa na may pamilya ka. Binigay na namin ang lahat sa iyo kaya huwag kang umasta na inaapi ka." Galit na sigaw ng Ginang.
"Kung aalis kami rito, hindi mo ba kami hahadlangan?" hamon ni Kael.
"Kael!" hintakutan na pigil ni Noelle sa sawa.
Hindi ito pinansin ni Kael. Patuloy pa rin s'ya sa pakikipagtalo sa ina nito.
"Subukan n'yo nang malaman nyo!" banta nito.
Lumabas na ang Ginang sa kanilang silid nang bigla na lamang pumasok ang Mister nito at sinuntok si Kael.
"Dad!" sigaw ni Noelle sabay awat sa ama.
"How dare you! Kaya ba gusto mo umalis dito? Upang maging malaya ka sa lahat ng galaw mo? You are son of a b*tch!" bulyaw ng matandang Mondragon.
Naguguluhan si Kael sa kung ano ang tinutukoy ni Don Arnulfo.
"Gusto lang naman namin na tumayo sa aming mga paa. Gusto ko lang naman panindigan ang responsibilidad ko sa asawa ko at sa magiging pamilya namin," pakiusap n'ya.
"You b*stard! Kailanman ay walang Mondragon na sinasaktan, inaalipusta at niloloko. Hinayaan ko na makasal ka sa anak ko, yet you betrayed her! You have betrayed all of us!" patuloy na sigaw ni Arnulfo.
"Wala akong nilolokong tao!" tanggi n'ya.
Hindi n'ya alam kung ano ang nangyari at bigla na lamang s'ya napagbintangan na manloloko.
"Sabihin mo iyan sa abogado mo, b*stard!" gigil na sabi ni Don Mondragon.
"Dad, ano ba ang pinagsasabi mo?" naguguluhan na tanong ni Noelle.
"Do you really wanna know what he's doing behind your back?" hamon ni Arnulfo sa anak.
Tumango si Noelle bilang sagot sa tanong ng ama. Itinapon nito ang mga litrato na hawak kaya kumalat ito sa sahig. Inisa-isa na pinulot ito ni Noelle upang tingnan. Tumutulo ang luha habang tinitigan nito ang mga litrato.
"Iyan ba ang lalaking ipinagmamalaki mo? Ang pilit na ipinagtatanggol mo kapalit ng magandang bukas kasama ang pamilya mo, ha?" patuloy na sermon ni Don Mondragon.
Namumula ito sa galit habang nakakuyom ang mga palad.
"Lumayas ka sa pamamahay ko! Walang lugar dito ang mga ahas!" sigaw ni Don Mondragon kay Kael.
Umiiling habang pinagmamasdan ni Kael ang mga litrato na pinasadahan ng tingin ng asawa. Bumubuhos ang emosyon ng babae at hindi magawang magsalita.
"Walang katotohanan ang mga ito! Hayaan mo ako magpaliwanag, Mahal!" pakiusap ni Kael.
Ngunit sarado ang mga tainga ng pusong nasasaktan.
"Umalis ka! Umalis ka! Traidor! Kaya ba gusto mo bumukod? Para mas malaya kang lokohin ako habang kayo ng babae mo ay nagpapakasaya? Ano pa ba ang kulang? Lahat naman inalay ko na, wala na akong itinira! Bakit mo ako niloko?" umiiyak na bulyaw ni Noelle sa asawa.
Tinutulak s'ya nito palabas ng kwarto. Nakita n'ya kung paano ito nasasaktan sa walang katuturan na bintang sa kanya.
"Kailanman ay hindi kita niloko. Hindi kita magawang lokohin. Sobrang mahal kita, wala kaming relasyon ni Myla! Hayaan mo muna ako magpaliwanag, please!" patuloy na pakiusap n'ya.
"No!" malakas na sigaw ni Noelle saka tumakbo palabas ng silid.
Walang nagawa si Kael kundi ang hayaan na lumamig ang sitwasyon. Iniwan n'ya ang kanyang mga damit at umalis ng mansion dala ang ilang personal na gamit. Saka lamang s'ya babalik kung kalmado na ang lahat. Walang tao nang s'ya ay lumabas. Iniiwasan s'ya ng lahat at isa iyon sa mga dahilan kaya hindi n'ya maatim na manirahan doon. Siguro tama na muna na umalis s'ya. Baka sakali sa pagbalik n'ya at sa susunod na makausap n'ya ang asawa ay magkaayos muli sila. Malinis ang kanyang konsensya at iyon lang ang tanging alam n'ya.
Dalawang linggo ang lumipas ngunit ayaw nang makipag-usap o makipagkita ng kanyang asawa. Bagamat isang sulat ang dumating sa kanya. Sulat na magpapabago sa takbo ng kanyang buhay. Nagsampa ng kaso ang pamilya ni Noelle laban sa kanya. Wala s'yang magawa kundi ang maiyak, ganun din ang kanyang mga magulang. Hindi s'ya nagkaroon ng pagkakataon na makausap ang asawa at maituwid ang maling bintang sa kanya. Gumana ang pera ng mga Mondragon at sa isang iglap lang ay nabuwag ang lahat ng mga pangarap n'ya.
Hindi man lang inabot ng buwan ay talagang nadiin si Kael sa kasalanan na kailanman ay hindi n'ya naisip na magagawa n'ya. Natagpuan n'ya ang sarili na himas ang malamig na rehas. Umiiyak s'ya sa panibugho dahil hindi ito ang buhay na pinangarap n'ya. Ang makasama ang taong mahal n'ya ang makapagpupuno sa lahat ng iyon. Subalit, ito pa mismo ang nagdala sa kanya sa kinasasadlakan n'ya ngayon. "Kahit ano pa ang gagawin mo. Iiyak ka man ng dugo ay walang makakarinig at magkakaroon ng pakialam sa iyo ang mga tao rito." Sabi ng boses ng isang lalaki.Buo at ma-awtoridad ang malaki at malamig na tinig nito. Sa unang tingin ay nakakatakot ang lalaki dahil bukod sa malaki ang katawan ay nakakatakot ang itsura nito. Marahil ay sa mga mata nito na akala mo ay tigre kung makatingin. "Ako si Mando. Matagal na ako rito. Labas pasok ako sa kulungan kaya kilala na ako rito ng mga pulis. Ikaw ano ang pangalan mo?" tanong ng lalaki.Alanganin man s'ya ay pinagbigyan n'ya ito sa pagnanais na makilala
Naging parusa ang bawat araw na nagdaan para kay Kael. Sanay s'ya sa hirap ng buhay simula pagkabata subalit ibang klase ng kalbaryo ang kanyang pinapasan. Nangayayat s'ya sa loob ng kulungan. Kulang sa pagkain at pahinga. Pag-asa at dasal na lamang ang naging panangga n'ya. Ang mga magulang at ang anak na hindi pa naisisilang ang inaalala n'ya kaya s'ya nanatiling malakas. Kahit pa na limitado ang natanggap n'yang balita tungkol sa tunay na estado ng kanyang asawa at anak. "Mukhang nakalimutan ka ng iyong pamilya ah, ilang buwan ka na rin na hindi ka na nila nagawang dalawin," ani ni Mando."Naiintindihan ko kung sadyang kakalimutan na nila ako. Pero sa pagkakakilala ko sa mga magulang ko, alam ko na gagawin nila ang kanilang makakaya upang tulungan ako. Siguro ay hirap sila sa buhay ngayon kaya hindi sila nakakadalaw. Maniwala ka isang araw ay susulpot na lang ang mga iyon dito," umaasam na saad ni Kael sa bagong kaibigan."Sa pagkakaalam ko ha, base sa karanasan ko at sa mga nakiki
Mabilis ang pagdaan ng maraming taon. Maraming pagbabago ang nangyari sa loob ng mahabang pananatili sa loob ng bilangguan. Maging ang kanyang pisikal na katangian ay malayo na rin sa dating Kael. Naging mas matipuno ang katawan, matapang at malalim ang kanyang mapang-arok na mga mata. Wala s'yang pinagkakatiwalaan sa loob ng kulungan maliban sa iisang tao lamang. Iyon ay si Mando na nanatiling malapit sa kanya. Naging sandigan n'ya ito habang nakabilanggo at ito ang madalas na nakakaalam sa kanyang mga hinaing."Siguro malaki na ang anak mo. Sa palagay mo alam n'ya ang tungkol sa iyo?" pagbubukas ng usapan."Hindi ko alam. Wala naman akong balita pa sa kanila." Wala sa loob na sabi n'ya.Nakaupo sila sa isang bench na nakaharap sa basketball court. Nanunuod sila sa mga naglalaro."Malaki ang tiwala ko na makakalaya ka rin," saad ni Mando sa kanya."Mabuti ka pa dahil ako ay hindi na umaasa. Balewala na sa akin ang halaga ng buhay. Kung mabibigyan siguro ako ng pagkakataon na isabuhay
Napakalaking pagbabago ang mga sumunod na mga araw para kay Kael."This is your space! Magiging kumportable ka rin. May mga makakasama ka naman dito na s'yang mag-aasikaso sa mga kailangan mo. Nandito rin naman ang mga magulang mo. Gusto mo bang sumilip sa kumpanya o mag-travel? Magsabi ka lang, pero kung ako ang masusunod mas maigi na take your time to heal, to travel saka ka sumabak sa negosyo. You have lost the chance to enjoy habang ikaw ay nasa kulungan," mahabang pahayag ng kanyang tiyuhin."Siguro po ay tama kayo. Magbakasyon na muna ako bago tingnan ang kumpanya. Pero hindi ba nakakailang? Ano ba naman ang pinag-aralan ko at mga naging karanasan ko sa pagtatrabaho sa kumpanya? Iniisip ko na mag-aaral ako," naisip sabihin ni Kael.Ayaw n'ya ipahiya ang kanyang tiyuhin na malaki ang naitulong sa kanya. Gusto n'ya ma-improve ang kanyang sarili. Marami s'yang nais gawin para maipagmalaki ng kanyang pamilya. Wala s'yang ibang iniisip kundi ang makabawi sa kanila."Magagawan natin ng
Naging masaya ang bakasyon nila ng pamilya. Lahat iyon ay dahil sa tulong ng kanyang tiyuhin na si Magno. Nakabalik na sila galing sa mahabang bakasyon kasama ang mga magulang na sina Esther at Joe, maging ang kapatid n'ya sa mag-asawa na si Xandro. Mas natuwa ito dahil mas mai-enjoy nito ang buhay lalo na ang pag-aaral na hindi naghihikahos. Sa Manila nito napiling mag-aral samantala si Kael na ngayon ay kinikilala sa pangalan na Xian ay nais mag-aral sa ibang bansa. Nais n'ya maging magaling sa larangan ng negosyo upang maipagmamalaki s'ya ng kanyang pamilya. Paalis na s'ya ng bansa at umaasa s'ya na sa kanyang pagbabalik ay ibang Kael na ang haharap sa ibang tao. Habang wala pa s'ya, ang kanyang Uncle Magno at mga pinsan muna ang s'yang mamamahala sa kumpanya. "Mag-ingat ka sa Europa! Iba ang kultura doon kumpara dito sa atin," paalala ni Magno sa kanya."Alam ko naman po iyon, Papa. Huwag kayong mag-alala dahil uuwi ako rito ng buo at gwapo," saad n'ya na may halong biro.Papa an
"Diyos ko naman! Bakit hindi ka nagpasabi na uuwi ka, anak? Sana naman ay nasundo ka sa airport at nakapagluto man lang kami ng paborito mo," bungad ng ina.Nakatulala ito habang nakatingin sa kanya. Halos hindi s'ya nito nakilala dahil mas gumanda ang kanyang pangangatawan at lalong gumanda ang kutis na s'yang nag-enhance pa lalo sa kanyang itsura at tindig. Nang nahimasmasan ay isang napakahigpit ng yakap nito at napalakas ang boses. Lumabas rin sa silid ang amain nang marinig ito. Kagaya ng ina ay niyapos rin s'ya ng lalaki. Mapapansin na matanda na nga ang dalawa subalit mas maaliwalas ang awra ng mga ito kumpara dati noong nasa kulungan s'ya at naghihirap ang kanyang pamilya."Okay lang po! Nakarating naman ako ng ligtas. Isa pa, gusto ko na ma-surpresa kayo," tugon n'ya."Sobra! Salamat naman at nandito ka na. Akala nga namin ay tuluyan mo ng iwan ang Pilipinas eh dahil masaya ka na sa buhay mo doon. Mas tahimik at walang makapanakit sa iyo," pahayag ni Esther."Hindi ko naman ha
Sa loob ng maiksing panahon ay naging effective na employer naman si Xian sa kanyang mga empleyado. Hindi maiwasan na may mga nagpapahiwatig sa kanya subalit umiiwas s'ya. Ayaw n'ya na magkaroon ng problema sa loob ng kanyang kumpanya lalo pa kung s'ya ang involve. Katatapos lang ng meeting n'ya kasama ang managers ng bawat departmento at masaya s'ya sa naging pag-usad ng kumpanya. Nadagdagan ang mga kliyente nila at marami sa kanyang mga empleyado ay masaya habang nagtatrabaho sa kanyang kumpanya."Boss, may tawag po para sa inyo!" saad ng kanyang sekretarya.Si Jasmin ay dati ng sekretarya ng mga naging boss sa kumpanya. Magaling ito at masayang kasama. Madalas ay ito ang ginagawang tagapagpadala ng mensahe at tulay ng mga gusto makalapit sa kanya. Makulit rin ito lalo na sa labas ng trabaho. "Sino daw sila?" tanong n'ya.Kababalik lang n'ya ng opisina."Si Boss Magno po," tugon ng babae.Bumalik na rin ito sa sarili n'yang station. Inatupag naman agad ni Xian ang nasabing tawag. X
Nag-enjoy sa mahabang bakasyon si Xian kasama ang kaibigan na si Michelle. Hinatid n'ya ito sa airport. Ito rin ang huling araw ng kanyang pahinga dahil babalik na rin s'ya sa kanyang trabaho. "I hope you enjoyed your stay," pahayag n'ya.Nakakapit sa kanyang bisig ang tila modelo na babaeng kaibigan. "Of course, I always do. Thanks for the company," malambing na sabi ni Michelle.Nag-iwan ito ng halik saka nag-check in kasabay ng kanyang luggage. Saka lamang umalis ng paliparan si Xian. Nasanay na s'ya ganung pangalan. Hindi na rin n'ya halos kilala ang dating katauhan ni Kael. "Where are you?" tanong ng kanyang Papa Magno.Isang tawag mula rito ang pumukaw sa kanyang isipan."Sorry, nawala sa isip ko. I'm on my way, hinatid ko lang sa airport ang isang kaibigan. How about you, Papa?" balik tanong n'ya."Almost there. I'll see you later," paalam nito.Mabilis na pinharurot n'ya ang dalang sasakyan. Patungo s'ya sa kulungan kung saan s'ya nanggaling. Araw ng paglaya ng kaibigan n'y