Share

Kabayaran

Masayang-masaya ang Don sa nagiging takbo ng lahat lalo na sa plano n'ya na makipagbati at ayusin ang pakikitungo sa anak ng kanyang namayapa na kaibigan. Lahat na nangyayari ay naayon sa kanyang plano. Ang dating iniisip n'ya na impossible na magkasundo sila ni Xian ay tuluyan ng nabura. Lalo na pumayag ito na magdagdag ng kanyang investment sa kumpanya kapalit ng kagustuhan nito para umano sa ikabubuti ni Gabriel na kanyang apo.

"Dad, ano ang kinalaman mo sa nangyayari sa mga negosyo ni Xian?" usisa ni Noelle.

Kagagaling lang nito sa naudlot na bakasyon kasama si Xian. Naging malaya na ito gawin ang nais basta ang kapalit naman ay ang kaginhawaan sa kanyang buhay lalo na ngayon na tumatanda s'ya. Dapat ay mas maging praktikal at matalino s'ya sa pagdesisyon.

"Ano ang sinasabi mo? Kita mo naman na magkasundo na kami ng tao tapos ako ngayon ang pagbibintangan mo? Hindi mo ba naisip na malaki rin ang mawawala sa akin sa oras na mawalan ng interes si Xian sa kumpanya dahil sa trahedya?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status