LOGINHindi ko na mabilang kung ilang pekeng ngiti ang ibinigay ko sa mga taong ipinakikilala sa akin ni Kaito. Kahit pilit kong itinutuon ang aking isipan sa mga potensyal na proyekto, patuloy na bumabalik sa aking alaala ang madilim na titig ni Carter mula sa malayo. At pakiramdam ko ay unti-unti akong nasasakal sa loob ng event na ito.“Kaito, pupunta lang ako sandali sa veranda,” bulong ko sa aking kaibigan matapos umalis ng huling kliyenteng kausap namin. “Kailangan ko lang ng kaunting sariwang hangin.”“Sige, Adelina. Huwag kang magtatagal, ha? Susunod ako kapag may nakita pa akong interesadong investor,” paalala ni Kaito na may kasamang marahang patapik sa aking balikat.Tumango ako at dahan-dahang naglakad palabas. Nilagpasan ko ang maingay na karamihan at tinahak ang tahimik na pasilyo patungo sa bukas na veranda ng hotel.Malamig ang hangin sa labas, isang malaking kaibahan sa mainit at nakakasakal na atmospera sa loob ng ballroom. Humawak ako sa malamig na bakal ng railings at tu
Nang sumapit ang charity gala, hindi na nagtigil ang kabang nararamdaman ko. Isang marangyang emerald green na gown na gawa sa makinis na sutla ang napili kong isuot. Ang kulay nito ay perpektong nagpatingkad sa aking morenang balat, na nagbigay ng natural na liwanag at karangyaan sa aking buong hitsura. Ang bawat tahi ay tila sadyang ginawa para yakapin ang kurba ng aking katawan. Simple lang ang aking hairstyle—isang malinis na low bun na naglantad sa aking leeg at balikat, na pinalalamutian ng manipis na brilyanteng kuwintas na ipinahiram ng agency ni Kaito. Walang saplot ang bahagi ng aking likod kaya lantad na lantad ito. Katambal nito ang aking itim na heels na nagpadagdag sa aking tangkad, at isang maliit na itim na clutch bag na lubos na bumagay sa aking suot. Habang nakatitig ako sa salamin, nakita ko ang isang sopistikadong babae—malayo sa mahinang Adelina na kinawawa nila sa limang taon ang nakalipas. Ito na ngayon ang sikat na mukha na nakikita ng buong Maynila sa m
Natigil ang kamay ko sa pagpupunas ng mukha sa sinabi ni Kaito. Isang malalim na pagtataka ang gumulo sa aking isipan. Kung totoo ang sinasabi ni Kaito, bakit ganoon ang naging reaksyon ni Carter noon? Totoo ba ang sinabi nito nang malasing siya? Totoo bang nahuhulog na ito sa akin noon? Pero kung totoo ngang nahulog siya sa akin, bakit nakuha niya akong babuyin noon? Bakit kailangan niyang gawin ang mga bagay-bagay na hindi naman dapat gawin ng isang nagmamahal? At isa pa, kung talagang nahulog ang kanyang loob sa akin nang tuluyan, bakit hindi niya ako sinubukang hanapin? Hindi ba’t may pera at makapangyarihan na siya ngayon? Marahil ang mana na pilit niyang ginagawan ng paraan upang makuha niya noon ay nakuha na niya kaya ngayon. At ngayong makapangyarihan na siya, bakit hindi ako nito hinahanap ngayon? Bakit hindi pa rin siya nagpapakita sa akin? O baka hindi naman talaga siya nahulog sa akin. Baka palabas niya lang iyon para magpatuloy pa rin ako sa kontrata namin. Baka
Nanatili ang katahimikan sa pagitan naming tatlo matapos kong magsalita. Bahagyang ginalaw ni Reed ang kanyang panga, tila ba naghahanap ng tamang salita na isasagot sa akin habang si Kaito naman ay alertong nakatayo sa aking tabi.“You look… different, Adelina,” basag ni Reed sa katahimikan. Ibinalik niya ang kanyang mga shades sa kanyang bulsa at pinagkurus ang kanyang mga braso. “I mean, walang balita kung nasaan ka. No one knew where you went. Hindi ko inaasahang nandito ka lang pala sa Sta. Ana. Dito lang pala kita makikita.”“Bakit, Reed? Eksklusibo ba ang Sta. Ana para sa mga taong tulad ninyo?” malamig kong ganti. Hindi ko tinanggal ang matigas kong titig sa kanyang mga mata.Bahagyang natawa si Reed, pero bakas ang pagkailang dito. “Of course not. Nagulat lang ako. Carter is actually—”“Reed!”Sumigaw si Kaito para makuha ang atensyon ni Reed, dahil bago pa matapos ni Reed ang kanyang sasabihin, biglang bumukas ang pinto ng bahay ni Auntie Lottie.Lumabas si Tiffany na may da
Maaga akong nagising dahil sa banayad na sinag ng araw na tumatama sa aking mukha at sa ingay ng mga ibon sa labas. Pagkabangon ko, dahan-dahan kong tiningnan si Calista na mahimbing pa ring natutulog sa tabi ko. May maliit na ngiti sa kanyang mga labi na tila ba maganda ang kanyang panaginip. Bumangon ako at lumapit sa bintanang nakabukas kaya malayang pumapasok ang sariwang hangin sa aming kuwarto. Napangiti ako nang makita ang banayad na paghampas ng mga alon sa dalampasigan. Sa loob ng limang taon, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong uri ng katahimikan sa aking paggising. Walang iniisip na abalang schedule. Walang iniisip kung anong uunahin sa dami kong hinaharap na mga patalastas. At ngayon, hinihiling kong sana ganito na lang lagi ang aking umaga, kahit na alam ko namang imposible. Nang magising si Calista at nakapag-almusal na kami, nagpasya akong maglakad-lakad kami sa dalampasigan. Bitbit ang aking tsinelas, hinayaan kong lumubog ang aking mga paa sa malambot at medy
Bumagal ang takbo ng van hanggang sa tuluyan itong huminto sa tapat ng isang pamilyar na gate. Pagkababa ko ng bintana, sinalubong ako ng sariwang hangin na may amoy ng dagat. Ang Sta. Ana ay kilala sa pagiging malapit nito sa beach, at ang tunog ng mga alon mula sa malayo ay tila nagbigay sa akin ng panandaliang kapayapaan na matagal kong hinahangad. Malayo sa maingay at mausok na sentro ng Maynila, at abalang buhay ko sa America, ang lugar na ito ang tanging alaala ko sa aking namayapang ina. Nang bumukas ang pinto ng van, agad kong nakita si Auntie Lottie na naglalakad palabas ng bahay. Medyo bumagal ang kanyang mga hakbang, dahil na rin sa katandaan, ngunit ang mga mata niya ay nananatiling puno ng pagmamahal. “Adelina…” nangangatal ang boses ni Auntie Lottie habang papalapit sa amin. “Auntie,” mabilis akong bumaba ng sasakyan at sinalubong siya ng isang mahigpit na yakap. Inilabas ko ang pangungulila ko sa kanya loob ng limang taon na pananatili ko sa ibang bansa sa pa
Nanatiling nakataas ang kilay ni Carter habang nakatitig sa akin, tila ba naghihintay na pumalag ako sa mga huling salitang binitawan niya. Pero nanatili akong tahimik. Nilunok ko ang lahat ng dumi at sakit na ipinukol niya sa aking pagkatao. Wala akong pakialam kung anong sabihin niya sa akin. W
Matapos ihatid ni Carter si Kaito sa sofa, naiwan akong nakatayo sa tabi ni Fatima na hanggang ngayon ay nakadapa pa rin sa malamig na sahig at mahinang dumadaing. Hindi ko kayang makita siyang ganoon. At kahit pa napakasakit ng mga sinabi niya sa akin kanina, tao pa rin siya. Dahan-dahan akong lu
“Kargador?”Bago pa man ako tuluyang mailubog ng sarili kong kahihiyan, naramdaman ko ang biglang pagbaba ng temperatura sa tabi ko.Humakbang si Kaito sa gitna ng sala, hinarap ang kanyang pinsan nang may matigas at malamig na mukha. Nawala ang lahat ng bakas ng pagiging bakla niya; ngayon ay mukh
Nanigas ang buong katawan ko nang dahan-dahang dinilaan ni Carter ang sarili niyang mga daliri na basa pa ng aking likido, habang ang kanyang matatalas na mata ay nakatitig nang diretso sa akin. Ang bawat pagdila at sîpsîp niya ay tila hatol sa aking pagkatao. Isang paalala na sa larong ito, siya







