แชร์

Chapter 3:

ผู้เขียน: Kulalaiii
last update วันที่เผยแพร่: 2026-05-25 15:54:05

Sinalubong ako ng malamig na hangin ng madaling-araw pagkalabas ko sa eksklusibong bar na iyon. Mahigpit kong yakap-yakap ang aking bag, kung saan nakatago ang tsekeng nagkakahalaga ng isang milyong piso. Isang milyong piso kapalit ng aking dangal.

Pakiramdam ko ay napakadumi ko, at kahit anong ligo ang gawin ko ay hindi na muling maibabalik ang dating Adelina. Nanginginig ang aking mga daliri habang nakakapit sa strap ng bag. Pero tuwing hihaplusin ko ang piraso ng papel sa loob nito, napapalitan ng tapang ang aking panghihina.

“Para kay Mama,” mahinang bulong ko sa aking sarili.

“Adelina!”

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang pamilyar na boses mula sa isang madilim na sulok ng parking lot. Lumabas doon si Auntie Lottie, na may hawak na manipis na jacket at tila kanina pa ako nito hinihintay habang humihithit ng sigarilyo. Bumuga siya ng usok bago nagmamadaling lumapit sa akin.

Agad niya akong tinitigan mula ulo hanggang paa, at mabilis na hinila ang aking braso paupo sa gilid.

“Anong nangyari? Bakit ngayon ka lang? At bakit… bakit parang umiyak ka riyan? Hindi ba naging maayos ang gabi niyo ni Sir Carter?” sunod-sunod niyang tanong, bakas ang kaba at interes sa kanyang mukha.

Hindi ko agad nagawang magsalita. Tumingin ako sa kanya, pilit na nilulunok ang bara sa aking lalamunan. “N-Nagawa ko na po, Auntie. Isinuko ko na ang pagkabirhen ko sa taong hindi ko mahal… para sa pera.”

Nanlaki ang mga mata ni Auntie Lottie at unti-unting sumilay ang isang malawak na ngiti sa kanyang mga labi.

Tinapik niya ako sa balikat nang ubod-lakas. “Sus! Hindi ka mabubuhay sa ’mahal na mahal’ na iyan, Adelina! Pero kayang-kaya mo naman pala, eh. O, nasaan ang bayad? Magkano ang ibinigay sa iyo?”

Dahan-dahan kong binuksan ang aking bag at inilabas ang tseke. Nang makita ni Auntie Lottie ang nakasulat na halaga, tila siya naging estatwa sa gulat. Halos lumuwa ang kanyang mga mata habang titig na titig sa tseke.

“Isang… isang milyon?!” bulalas niya sa mahinang boses ngunit puno ng matinding gulat. “Diyos ko, Adelina! Alam kong mayaman si Sir Carter pero hindi ko akalaing magtatapon siya ng ganito kalaking halaga para sa isang gabi!”

Agad na gumalaw ang kamay ni Auntie Lottie para hablutin ang tseke, pero sa pagkakataong ito, mabilis ko iyong inilayo at ibinalik sa loob ng aking bag. Doon ko naramdaman ang biglaang pagbabago ng timpla ng kanyang mukha. Nawala ang ngiti niya at napalitan ng talas ng tingin.

“Auntie, kailangan ko na pong pumunta sa ospital ngayon na. Hatiin na lang natin ang komisyon mo kapag naipasok ko na ang perang ito sa account para sa operasyon ni Mama,” matatag kong sabi, kahit pa nanginginig ang aking mga tuhod sa pagod at puyat.

“Aba, Adelina, huwag mong kalilimutan na kung hindi dahil sa akin ay hindi mo makikilala si Sir Carter—”

“Hindi ko po nakakalimutan, Auntie,” pagputol ko sa kanyang sasabihin. “Pero mamamatay na ang kapatid mo kung hindi ko pa ito ibabayad sa billing department ngayon. Pakiusap, maawa ka muna kay Mama.”

Natahimik si Auntie Lottie. Mukhang tinamaan din naman ng kaunting konsensya kaya bumuntonghininga siya nang malalim at itinapon ang upos ng kanyang sigarilyo sabay pisa nito gamit ang kanyang sapatos.

“O siya, sige! Sumabay ka na sa akin sa taxi. Dediretso tayo sa ospital. Pero pagkatapos na pagkatapos mong magbayad para sa operasyon ng Mama mo, kukuha ako ng tatlong daang libo riyan bilang komisyon ko.”

Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. Sumakay kami sa taxi na nag-aabang sa labas. Sa buong biyahe, habang nakatitig ako sa nagliliwanag na mga ilaw ng siyudad mula sa bintana, isang mukha lang ang patuloy na bumabagabag sa isip ko—ang mga mata ni Carter habang pinapanood akong masaktan sa ibabaw ng kanyang kama. Ramdam ko pa rin ang hapdi sa aking katawan, isang paalala ng gabing naging mitsa ng pagkawala ng aking matagal na iniingatan na puri.

“Auntie, madalas ba si Sir Carter sa eksklusibong bar na iyon?” tanong ko nang hindi mapigilan ang kyuryosidad.

Hindi ako humarap kay Auntie Lottie, pero ramdam ko ang pagbaling niya sa gawi ko. At nang hindi siya agad sumagot sa tanong ko, lumingon rin ako sa kanya. Sinalubong niya naman ako ng naniningkit na mga mata.

“Minsan lang pumunta si Sir Carter doon. At kung itatanong mo kung bakit, ‘yan ang hindi ko alam. Siguro naiinip o gusto lang magpalipas ng init ng katawan kaya siya pumupunta sa eksklusibong bar na iyon. Alam mo naman ang mga mayayaman, mahilig magwaldas ng pera lalo na kung bored sila.”

Hindi na ako nagtanong kay Auntie Lottie dahil baka ano pang isipin niya. Ang Auntie ko pa namang ito ay malisyoso. Binibigyan niya agad ng malisya ang kahit kaunting tanong lang.

Naghanap muna kami ng bukas na bangko at nag-withdraw muna kami ni Auntie ng paunang halaga. At habang nagbibilang kami ng pera, hindi naman siya naging madaldal o magaslaw nang makita ang perang ipanggagamot sa kanyang kapatid. Tila kahit papaano ay naramdaman din niya ang bigat ng sitwasyon naming mag-ina.

Nang hawak na namin ang pera, agad kaming pumunta sa ospital at nagbayad. Sinabi rin sa akin ng doktor na sa loob ng dalawang araw, maaari nang operahan si Mama at lagyan ng ICD. Nabawasan ng kaunti ang tinik sa aking dibdib sa balitang iyon.

“Ano? Huling beses mo na ba talaga iyon, Adelina? Maaari kitang ihanap ng iba kung babalik ka roon para may panggastos ka sa gamot ng Mama mo,” tanong ni Auntie sa akin pagkaabot ko sa kanya ng komisyon niya.

Mabilis akong umiling. “Hindi na ako babalik doon, Auntie. Isang beses ko lang po talaga gagawin iyon.”

“Mauubos ang perang hawak mo sa loob ng tatlong buwan dahil sa gamot ng Mama mo. O kung mas mahal pa ang ireresetang gamot niya, baka isa o dalawang buwan lang ay wala ka nang pera.”

“Magtatrabaho naman ako, Auntie.”

“Saan? Bilang janitress ulit?” may panliliit sa boses ni Auntie na tila ba nasa maayos siyang trabaho.

“Marangal na trabaho naman iyon.”

“Pero maliit ang sahod.”

Bumuntonghininga ako. Wala talagang panalo kapag sagutan ang labanan dito kay Auntie Lottie.

“Ayos na ‘yon, Auntie. Kaya ko naman bumili ng gamot at makapagbayad ng renta namin sa bahay sa sahod ko sa pagiging janitress. Kaya lang naman ako nakiusap sa iyo ng isang gabi ay dahil malaking halaga ang kailangan ko para sa ICD ni Mama.”

“Ay, ewan ko sa iyo, Adelina! Maganda ka nga pero hindi mo ginagamit ang utak mo. Mas gusto mo pa ang maliit na kikitain kaysa sa malaki. Bahala ka na! Aalis na ako at wala naman na akong mapapala sa iyo.”

“Sige po, Auntie. Ingat kayo. Marami pong salamat!”

Hindi ko alam kung narinig ba ako ni Auntie dahil nang magsalita ako ay naglalakad na ito, at ni hindi ako nito nilingunan.

Nang nawala na si Auntie sa paningin ko, nagtungo na ako sa kuwarto ni Mama upang bantayan siya. Sakto naman na pagbukas ko ng pinto ay siya namang paggising niya.

“Saan ka galing, Adelina?” bungad na tanong niya, nanghihina ang boses ngunit puno ng pag-aalala.

Lumapit ako sa kanya at nagmano. “Naghanap lang ng pera, Mama.”

“Naku, Adelina. ‘Di ba sinabi ko sa iyo na bumalik na tayo sa Sta. Ana. Ayoko na rito sa Maynila dahil ang mahal ng lahat. Sa probinsya na lang tayo. Mag dahon-dahon na lang ako doon at baka gumaling pa ako!”

Mabilis akong umiling bilang pagtutol. “Nakahanap na ako ng pera, ‘Ma.”

Nanliit ang mga mata sa akin ni Mama. At habang pinagmamasdan ko ang nanliliit nitong mga mata, parang nakikita ko si Auntie Lottie sa kanya.

“Huwag mong sabihin na pumasok ka sa trabaho ni Lottie?”

“Hindi po!” pagsisinungaling ko, pilit na iniiwas ang aking mga mata sa kanya. “May kaibigan po akong mayaman at pinahiram niya po ako ng pera para sa operasyon ninyo. At huwag po kayong mag-aalala at mabait iyon kaya walang problema kung matagalan akong makabayad sa kanya.”

“Sinasabi ko sa iyo, Adelina. ‘Di baleng mamatay na lang ako, huwag ka lang papasok sa trabaho ng iyong Auntie.”

“Hindi ako papasok doon, Mama,” muling pagsisinungaling ko, habang dahan-dahang hinahawakan ang kanyang nangangayayat na kamay.

Patawad, Mama. Kailangan kita sa buhay ko. Wala na akong kasama kaya ayokong mawala ka pa. Kaya kahit magsinungaling ako sa iyo, at ibenta ko nan ang katawan ko huwag ka lang mawala sa akin, gagawin ko.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • The Contract: Beginning of His Obsession    Chapter 4:

    Nang sumapit ang araw ng operasyon ni Mama, binalot ng amoy ng antiseptiko at alkohol ang aking umaga. Nakaupo ako sa matigas na silya sa labas ng operating room, habang ang pulang ilaw sa itaas ng pinto ay nagsisilbing paalala na hawak ng mga doktor ang buhay ng aking ina. Walang tigil ang paggalaw ng aking mga daliri, paulit-ulit na pinipisa ang panyo na basang-basa na ng aking pawis.‘Kaya mo ’yan, Mama,’ paulit-ulit kong dasal sa aking isipan. ‘Ibinigay ko na ang lahat, kaya huwag mo akong iwan.’“Adelina,” isang pamilyar na boses ang pumutol sa aking pag-iisip.Napaangat ako ng tingin at nakita si Auntie Lottie na naglalakad patungo sa akin. Kulay ginto ang suot niyang blusa ngayon, at mabilis na nag-iwan ng tunog ang kanyang takong sa tahimik na koridor ng ospital. Walang bakas ng pag-aalala sa kanyang mukha, kundi purong kyuryosidad.“O, kumusta? Nagsimula na ba ang operasyon?” tanong niya sabay upo sa tabi ko, binabalewala ang signboard na “Silence, Please.”“Opo, Auntie. Kan

  • The Contract: Beginning of His Obsession    Chapter 3:

    Sinalubong ako ng malamig na hangin ng madaling-araw pagkalabas ko sa eksklusibong bar na iyon. Mahigpit kong yakap-yakap ang aking bag, kung saan nakatago ang tsekeng nagkakahalaga ng isang milyong piso. Isang milyong piso kapalit ng aking dangal.Pakiramdam ko ay napakadumi ko, at kahit anong ligo ang gawin ko ay hindi na muling maibabalik ang dating Adelina. Nanginginig ang aking mga daliri habang nakakapit sa strap ng bag. Pero tuwing hihaplusin ko ang piraso ng papel sa loob nito, napapalitan ng tapang ang aking panghihina. “Para kay Mama,” mahinang bulong ko sa aking sarili.“Adelina!”Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang pamilyar na boses mula sa isang madilim na sulok ng parking lot. Lumabas doon si Auntie Lottie, na may hawak na manipis na jacket at tila kanina pa ako nito hinihintay habang humihithit ng sigarilyo. Bumuga siya ng usok bago nagmamadaling lumapit sa akin.Agad niya akong tinitigan mula ulo hanggang paa, at mabilis na hinila ang aking braso paupo sa

  • The Contract: Beginning of His Obsession    Chapter 2:

    Hindi pa man ganap na nakakabawi ang aking hininga ay naramdaman ko na ang mabigat na bulto ng kanyang walang saplot na katawan sa ibabaw ko. Ang mabangong amoy ng mamahaling pabango niya na may kasamang kakaibang anghang ng alak ay tuluyang lumamon sa aking sistema. Mas lalo akong napakapit sa lukot-lukot na takip ng kama nang maramdaman ko ang matigas na bahagi ng kanyang pagkalalaki na pilit sumisiksik sa aking hita. “Look at me, honey. Don’t you dare close your eyes,” bulong niya, ang boses ay tila kulog na nagpadala ng panginginig sa aking gulugod. Gusto kong umiyak. Gusto kong sumigaw at sabihing ayoko na. Pero sa tuwing bubuka ang aking bibig, ang mukha ni Mama na nakaratay sa ospital ang tanging nakikita ko. Para kay Mama, Adelina. Kayang-kaya mo ito. “Sir Carter…” nanginginig kong usal, sinusubukang hanapin ang natitira kong tapang sa likod ng maskarang suot ko. “Pakiusap… dahan-dahan lang.” Isang mapait na tawa ang kumawala sa kanyang mga labi. Walang babala niya

  • The Contract: Beginning of His Obsession    Chapter 1:

    Ang bawat tunog ng takong ko habang naglalakad ako at tila walang katapusang pasilyo ay sumasabay sa marahas na kabog ng dibdib ko. Ang maikli kong damit—na halos litaw na ang buong katawan ko—ay tila sumasakal sa akin, isang matinding nagpapaalala na kailangan kong sikmurin ang gagawin ko ngayong gabi. “Tandaan mo, Adelina, kailangan mo ng pera kaya kahit anong sabihin ng customer ay gawin mo.” Umalingawngaw ang boses ni Auntie Lottie sa tainga ko habang patuloy pa rin ako sa paglalakad. Oo, kailangan ko ng pera. At ang pumasok agad sa isip ko ay si Auntie Lottie na nagtatrabaho bilang manager sa eksklusibong bar. Nagpabugaw ako sa kanya kahit wala pa akong karanasan dahil kailangan na ni Mama na magpalagay ng ICD o Implantable Cardioverter-Defibrillator. Lumulubha na ang sakit sa puso ni Mama at kailangan niya ng malagyan kaagad ng ICD upang kahit papaano ay may magmonitor sa puso niya kapag bumibilis o bumabagal ang pagtibok nito. “Tama ang desisyon mong lumapit sa akin

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status