Share

Chapter 6

Author: Kulalaiii
last update publish date: 2026-05-28 13:07:40

Napahawak ako sa gilid ng lababo habang walang tigil ang pagbugso ng pait mula sa kailaliman ng aking sikmura. Parang pinipiga ang aking bituka, at ang bawat dighay ko ay nag-iiwan ng nakapapasong hapdi sa aking lalamunan.

Sumasayaw ang paningin ko, at ang tunog ng malakas na ulan sa labas ay tila naging isang malayong ugong sa aking pandinig.

“Adelina! Diyos ko, ano’ng nangyayari sa iyo?”

Naramdaman ko ang mabilis na paglapit ni Auntie Lottie. Hinawakan niya ang aking buhok upang iangat ito habang marahang tinatapik ang aking likod. Ang dati’y masangsang na amoy ng kanyang pabango ay muling humampas sa aking ilong, dahilan upang muli akong mapaduwal nang walang mailabas kundi laway at asido.

“U-Umalis ka muna, Auntie… ang pabango mo,” nanghihina kong pakiusap habang binubuksan ang gripo para magmumog.

Mabilis na lumayo si Auntie Lottie, bakas ang pagtataka at matinding pag-aalala sa kanyang mukha. Kumuha siya ng baso ng tubig at maingat na inabot iyon sa akin nang makatayo ako nang maayos.

“Isang buwan ka nang ganyan, Adelina? Ngayon ko lang nakita na nagsuka ka nang ganyan kalala,” pambungad niya, habang ang kanyang mga mata ay unti-unting bumaba patungo sa aking tiyan.

Biglang gumuho ang lupa sa aking kinatatayuan. Ang malamig na tubig na iniinom ko ay parang naging yelo sa aking lalamunan. Isang buwan. Isang buwan na mula nang gabing iyon. Isang buwan na nang ibenta ko ang aking katawan at si Sir Carter ang nakauna sa akin. Isang buwan na akong nakatulala sa sala, ni hindi ko namamalayan ang paglipas ng mga araw, at lalong hindi ko binilang kung kailan ang huling buwanang dalaw ko.

‘Hindi… hindi maaari,’ bulong ng isang bahagi ng aking isip na pilit itinatanggi ang unti-unting nabubuong katotohanan.

“Adelina… kailan ang huling regla mo?” seryoso at mababa ang boses ni Auntie Lottie. Wala na ang gasgas at matalas niyang tono; purong seryosong tanong ng isang matandang babae ang narinig ko.

Hindi ko siya sinagot. Napasandal ako sa gilid ng lababo, unt-unting nangangatog ang aking mga tuhod. Ang takot na naramdaman ko noong mamatay si Mama ay nahaluan ng isang matinding kilabot.

“Diyos ko,” bulong ni Auntie Lottie nang mabasa ang katahimikan ko. Napasapo siya sa kanyang noo. “Kaya pala… kaya pala nangangayat ang katawan mo.”

“Huwag ngayon, Auntie. Pakiusap, huwag ngayon,” pakiusap ko habang lumuluha.

Pero dahil siya si Auntie Lottie, alam kong hindi tibigil ang pagbubunganga niya.

“Hindi ba kayo gumamit ng proteksyon?”

Tinignan ko si Auntie na may pagtataka sa aking mga mata. “H-Hindi po.”

Ni hindi ko nga alam na dapat palang gumamit ng ganoong proteksyon kapag pumasok ka sa pagbebenta ng katawan!

“Ang bobo mo talaga, Adelina! Pagbebenta ng katawan ang pinasukan mo, hindi pagiging ina!”

Nakita ko ang pagkataranta ni Auntie Lottie dahil sa posibleng pagbubuntis ko.

“Ang sabi ko, magpakapokpok ka at hindi magpabuntis!” pagpapatuloy ni Auntie Lottie kahit hindi pa naman kami sigurado na may buhay na nga sa sinapupunan ko.

“Auntie, h-hindi pa naman sigurado na buntis ako,” halos pabulong kong sagot kay Auntie.

Ang galit ko kanina ay biglang nawala dahil sa haka-haka ni Auntie. Samantalang si Auntie ay nawala ang pagiging malungkot sa kanyang mukha at napalitan ito ngayon ng pagkataranta at pag-aalala.

“Aalamin natin! Bibili ako ng pregnancy test!”

Kaya kahit na malakas ang ulan, lumabas si Auntie Lottie upang bumili ng pregnancy test. Kalaunan, nang bumalik siya ay may dala-dala nga itong limang pregnancy test. Iba-iba pa ang brand.

“Gamitin mo lahat ‘yan para sigurado tayo.”

Walang sabi-sabi, sinunod ko ang gusto ni Auntie. At habang inilalagay ko ang ihi ko sa mga pregnancy test, nanginginig ang mga kamay ko.

“Hindi pa ba tapos, Adelina?!”

Ang pagkalampag ni Auntie Lottie sa pinto ang siyang nagpakaba lalo sa akin. Hindi ako sumagot kay Auntie Lottie dahil hinihintay ko ang resulta ng limang pregnancy test na nasa harapan ko ngayon.

Hindi na nakatiis si Auntie Lottie at binuksan niya na ang pinto ng banyo. Hindi ako bumaling dito nang makalapit siya sa akin dahil hindi ko na magawang huminga nang maluwag habang tinitingnan ko ang mga pregnancy test.

Halos pigil ang aming hininga nang unti-unti ngang nagkaroon ng tig-isang linya ang bawat pregnancy test, at nang unti-unting lumitaw ang pangalawang guhit, hindi na napigilan ni Auntie ang eskandalosa niyang pagsinghap. Samantalang ako ay napapikit nang mariin.

“A-Auntie, anong gagawin ko?” halos pabulong kong tanong nang humarap ako kay Auntie Lottie.

“Ipalaglag mo, Adelina! May kilala akong marunong maglaglag ng bata.”

Napahawak ako sa aking tiyan dahil sa tinuran ni Auntie Lottie. May munting anghel na nabubuhay rito. Wala siyang kasalanan na nabuo siya, pero ang gusto ni Auntie Lottie ay ipalaglag ko siya? Gusto ni Auntie na ipalaglag ko ang anak ko?

Wala na si Mama. Si Auntie Lottie na lang ang pamilyang mayroon ako, at ang buhay sa tiyan ko… tila binibigyan ako nito ng pag-asa na magpatuloy kahit na ganito ang nangyayari sa buhay ko.

“A-Auntie, ayoko.”

Unti-unting muling bumuhos ang mga luha ko. Lumuluha ako ngayon hindi dahil sa pagsisisi at galit na may nabuo sa sinapupunan ko, kundi lumuluha ako dahil may isang anghel na ipinaparamdam na hindi ko kailangang mag-isa sa mundo dahil narito na siya.

“Ano?!” gulat na tanong ni Auntie. “At paano mo bubuhayin ang bata na iyan nang mag-isa?”

Pinunasan ko ang mga luha ko. “Magtatrabaho ako, Auntie.”

“Na buntis ka? At anong trabaho? Pagiging janitor ulit?”

“A-Auntie, gusto kong buhayin ang anak ko. Pakiusap, huwag ninyo na po akong kontrahin sa gusto ko.”

Napasabunot si Auntie sa kanyang sariling buhok sa sagot ko sa kanya.

“Ang bobo mo talaga, Adelina!” mariin na sambit ni Auntie sa akin. Ramdam ko ang pagkadismaya sa boses niya. “Sige, kung palalakhin mo ‘yan, sabihin natin kay Sir Carter.”

Nanlaki ang mga mata ko. Mabilis din akong umiling kay Auntie Lottie na siyang dahilan kung bakit kumunot ang noo niya.

“Bubuhayin ko nang mag-isa ang anak ko, Auntie.”

“Adelina, mag-isip ka—”

“Auntie, sa tingin ninyo ba ay tatanggapin ni Sir Carter ang anak ko? Mayaman siya, Auntie. Ang isang katulad ko na nagbenta ng katawan ay hindi niya paninindigan at pananagutan. Iisipin lang niya na sa loob ng isang buwan ay sino-sinong lalaki ang nakàtalîk ko, kaya hindi niya siya maniniwala na anak niya ang dinadala ko.”

Sandaling natigilan si Auntie sa sinabi ko. At nang magsalita ito ay napangiti na lang ako.

“Bahala ka na nga, Adelina! Gawin mo ang gusto mo dahil katawan mo naman iyan.”

Sa unang pagkakataon, niyakap ko nang mahigpit si Auntie Lottie. Bigla lang din nawala sa aking sistema ang amoy niyang nakakasuka nang yakapin ko siya. Nang maramdaman ko ang pagiging estatwa ni Auntie Lottie ay humiwalay ako ng yakap sa kanya.

“Siguraduhin mo munang mahigpit ang kapit ng anak mo sa matres mo kung gusto mong buhayin talaga ‘yan,” walang buhay na sabi ni Auntie bago siya lumabas ng banyo, pero nakita ko ang bahagyang paglambot ng kanyang mukha.

Sa tulong ni Auntie Lottie, pumunta kami sa ospital at nagpacheck-up. Hindi naman maselan ang pagbubuntis ko kaya maaari pa rin akong magtrabaho habang hindi pa malaki ang aking tiyan. Hinatid din ako ni Auntie Lottie sa dati kong pinagtatrabahuhan matapos naming magpacheck-up, at wala akong nakitang pagtutol sa mukha niya nang iwan ako nito.

Nilibot ko ang aking paningin sa paligid habang hawak ang aking lumang envelope. Alam kong mahihirapan akong makahanap ng trabaho sa kalagayan ko ngayon, pero kailangan kong magpakatatag para sa munting buhay sa aking sinapupunan.

“Adelina Sanchez? Pumasok po kayo sa opisina ni Sir Kaito,” sabi sa akin nang nasa information desk nang ipasa ko ang resume ko dahil sinubukan kong mag-apply bilang secretary.

Huminga ako nang malalim bago humakbang. Sinunod ko ang bilin sa akin at nang makarating ako sa opisina ni Sir Kaito, tatlong beses akong kumatok bago ako tuluyan pumasok.

Isang lalaki na nakaupo habang umiiyak ang nadatnan ko sa loob ng kwarto.

“Are you my new secretary?” umiiyak na tanong nito sa akin.

Kahit lito ay tumango ako.

“Please close the door,” malamig ang boses nito at malalim din.

Pero nang masara ko ang pinto, umalungong ang kanyang iyak at ang boses niya ay biglang naging boses babae.

“Porket bakla ako ay lolokohin niya lang ako?!” sambit nito sa kawalan, bago niya ako muling tinignan. “Come here. Kailangan ko ng makakausap.”

Dali-dali akong lumapit sa kanya. At habang pinapakinggan ko ang problema niya, unti-unting naging palagay ang loob namin sa isa’t isa, na siya palang magiging dahilan kung bakit magiging matalik ko siyang kaibigan sa mga daraan na taon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Contract: Beginning of His Obsession    Chapter 23:

    “What did you say?” galit at may pagbabantang usal ni Carter, ang kanyang boses ay tila kulog na nagbabadya ng bagyo.Ngunit hindi natinag si Kaito. Bagkus ay mas lalo pa nitong itinuwid ang kanyang pagkakaupo at sinalubong ang matalim na tingin ni Carter. “Narinig mo ako, Carter. Sabi ko, kukunin ko sa inyo si Adelina. Hindi siya laruan o gamit na pwede ninyong itapon at tratuhin na parang basura matapos ninyong pakinabangan.”Isang nakatatakot na ngisi ang gumuhit sa mga labi ni Carter, subalit walang kahit anong saya sa kanyang mga mata. Humakbang siya palapit sa counter—mabigat, mapanganib.“You must be losing your mind, Kaito,” mariing sabi ni Carter habang nakatitig kay Kaito. “Adelina is mine. And you cannot take her away from me.”Kumalabog ang puso ko sa sinabi ni Carter. Ganito ba niya kagustong makabuo ng tagapagmana? Ganito ba siya kadisperadong makuha ang kanyang mana?“You’re the one who is losing your mind here, Carter,” sagot ni Kaito. Matigas ang boses at walang baka

  • The Contract: Beginning of His Obsession    Chapter 22:

    Habang dahan-dahang kumukulo ang sarsa ng adobo sa kawali, unti-unting napuno ang amoy nito sa buong kusina. Nakapagsaing na rin ako kaya hihintayin ko na lang na maluto ang lahat bago ko ihanda ang mga dadalhin ko sa ospital.Nakatitig lang ako sa umuusok na kawali, pansamantalang nakakalimot sa bigat ng mundong dinadala ko dahil sa isiping makikita ko na naman si Eliana mamaya. Ang simpleng pag-isip sa ngiti ng anak ko ang nagbibigay sa akin ng lakas para tiisin ang lahat.Sa kalagitnaan ng panonood ko sa aking niluluto, biglang sumulpot ang magpinsan sa kusina. Umupo ang mga ito sa matataas na silya sa counter at sabay na sumalampak doon habang nakatitig sa niluluto ko.Magulo ang mga buhok nila. Hindi rin sila nagsasalita dahil tulala silang nakatitig sa niluluto kong adobo. Kaya naman nang matapos ako, pinagsandok ko sila ng kanin at ulam. At sa bawat kilos ng kamay ko, parang robot silang sumusunod ng tingin rito. Natigil lang sila sa panonood nang ilapag ko ang pinggan na may k

  • The Contract: Beginning of His Obsession    Chapter 21:

    Nanatiling nakataas ang kilay ni Carter habang nakatitig sa akin, tila ba naghihintay na pumalag ako sa mga huling salitang binitawan niya. Pero nanatili akong tahimik. Nilunok ko ang lahat ng dumi at sakit na ipinukol niya sa aking pagkatao. Wala akong pakialam kung anong sabihin niya sa akin. Wala akong pakialam kung gaano kasakit ang mga salitang ibabato niya sa akin. Hindi ko naman hawak ang utak niya para magpaliwanag sa kanya at pilitin na paniwalaan ako nito. Ang mahalaga ay bayaraan ako nito para sa pampagamot ni Eliana.“Prepare the bed in my room. Ililipat ko na sila,” malamig na utos niya bago lumapit kay Kaito upang buhatin ito. Agad akong sumunod nang walang kibo. Parang robot ang bawat galaw ng aking mga paa habang naglalakad patungo sa unang kwarto upang ihanda ang higaan ng magpinsan. Sa likod ko, nakasunod si Carter na akay si Kaito. Nang makarating kami sa kwarto ni Carter, ang pamilyar na amoy na madalas kong maamoy mula sa kanya sa tuwing malapit siya sa akin

  • The Contract: Beginning of His Obsession    Chapter 20:

    Matapos ihatid ni Carter si Kaito sa sofa, naiwan akong nakatayo sa tabi ni Fatima na hanggang ngayon ay nakadapa pa rin sa malamig na sahig at mahinang dumadaing. Hindi ko kayang makita siyang ganoon. At kahit pa napakasakit ng mga sinabi niya sa akin kanina, tao pa rin siya. Dahan-dahan akong lumuhod sa tabi niya at hinawakan ang kanyang balikat. “Ma’am Fatima… okay lang po ba kayo? Tutulungan ko na po kayong makatayo.” “B-Bitawan mo ako…” pautos ngunit halatang walang lakas na sabi niya. Pilit niyang itinulak ang kamay ko pero dahil sa kalasingan, bumalik lang siya sa pagkaksadlak. Inakay ko ang kanyang braso at ipinatong sa aking balikat. Mabigat siya, lalo na’t wala siyang balanse, ngunit pinilit kong tumayo gamit ang buong lakas ko. Nang lumingon ako patungo sa sala, nakita kong nakatayo si Carter at nakakunot ang kanyang noo. Nakapamulsa siya habang seryosong nakatitig sa ginagawa ko. Hindi ko alam kung kanina pa ba niya ako pinagmamasdan o ngayon lang. “I told you to g

  • The Contract: Beginning of His Obsession    Chapter 19:

    Nagising ako dahil sa tindi ng gutom. Pagtingin ko sa labas, madilim na pala ang paligid at tanging mga ilaw na lang ng siyudad ang natatanaw mula sa malaking bintana ng aking kwarto. Naalala ko ang huling utos ni Carter nang sumagi sa isip ko nang maayos na wala ako sa apartment namin nina Auntie—na bumaba ako para kumain pagkagising ko. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan habang hawak-hawak ang aking kumakalam na tiyan. Akala ko ay wala nang tao—wala na akong madadatnan sa aking pagbaba, ngunit nadatnan ko si Carter sa kusina. Nakasandal siya sa counter, may hawak na tasa ng kape habang seryosong nakatitig sa kanyang laptop. Wala na ang kanyang mga kaibigan, at wala rin si Fatima. Pero bakit narito pa rin siya? Hindi ba at sabi nilang mag-asawa na ako ang titira sa condominium na ito? Kasama ko rin ba sila? Hindi na ba sila uuwi sa mansyon nila?Napatigil ako sa paglalakad—sa mismong bungad ng kusina, nagdadalawang-isip kung itutuloy ko ba ang paghakbang. Ngunit bago pa ako mak

  • The Contract: Beginning of His Obsession    Chapter 18:

    Pagkatapos bitawan ni Carter ang mga nakapanlalamig na salitang iyon, iniwan niya akong nakatayo sa gitna ng sala at nagtungo siya sa kusina kung nasaan ang kanyang mga kaibigan. Samantalang ako, muling naupo sa sofa at doon lang tuluyang nanghina ang aking mga tuhod. Sumandal ako sa sofa at niyakap ang aking sarili. Ang malamig na boses ni Carter na may kalakip na pagbabanta ay talagang nanuot sa aking katawan, maging sa aking kalamnan. Iginala ko ang aking mga mata sa loob ng napakalaking condominium para kahit papaano ay maalis sa utak ko ang huling sinabi ni Carter. Napakalawak ng condominium na ito. Doble pa sa apartment na tinitirhan namin ni Auntie. Ngunit kahit gaano ito kalaki, para sa akin, isa itong marangyang kulungan.Dito ako titira habang ginagamit ni Carter ang katawan ko. Dito ako maglalagi habang binubuo sa sinapupunan ko ang bata na magiging tagapagmana ng pamilya nila. Hinawakan ko ang aking tiyan na patag pa rin hanggang ngayon. Kahit wala pang laman ito, t

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status