MasukInilibing namin si Mama nang tahimik ako. Sa buong burol niya ng isang linggo, walang narinig mula sa akin si Auntie Lottie. Dahil hindi ko kayang isumbat ang lahat sa kanya, gayong may kasalanan din ako.
Kasalanan ko rin naman dahil kung hindi ako pumasok sa trabaho ni Auntie, baka ngayon ay kasama ko pa rin siya. Baka hindi lang mahigit isang linggo ko lang siya kasama; baka umabot pa siya ng tatlong buwan katulad ng sinabi ng doktor niya. “Adelina, dinalhan kita ng pagkain.” Dire-diretso si Auntie Lottie sa kusina upang ilagay doon ang pagkain na dala niya. Isang buwan matapos ilibing ni Mama, tulala pa rin ako. Halos hindi na nga ako lumalabas sa tinutuluyan kong apartment. At sa loob ng isang buwan na iyon, walang palya ang pagdalaw sa akin ni Auntie Lottie. Sa umaga ay dinadalhan ako nito ng pagkain, sa gabi naman ay pinaglilinis niya ako. Samantalang ako, nakatulala lang habang nakaupo sa sala. Minsan lang ako gumagalaw—kapag kailangan lang kumain at maligo. “Kung nandito si Ate Madel, paniguradong hindi ka niya gugustuhin makitang ganyan, Adelina.” Napatingin ako kay Auntie habang nagwawalis ito sa sala. Tila wala itong pakialam kung magalit man ako sa kanya o kung palayasin ko siya ngayon dito. Ipinagpatuloy niya ang pagwawalis, ngunit sandali siyang huminto at tumingin sa akin nang may halo ng pait at pag-aalala. “Sising-sisi ako, Adelina. Araw-araw kong pinagsisisihan ang kadaldalan ko. Pero hindi ko na maibabalik ang buhay ng kapatid ko sa pamamagitan ng pagmumukmok mo riyan. Kailangan mong bumangon.” Hindi ko siya sinagot. Ibinalik ko ang aking tingin sa kawalan, ngunit ang mga luha na akala ko ay natuyo na sa nakalipas na isang buwan ay muling pumatak sa aking mga pisngi. Ang bawat sulok ng maliit na apartment na ito ay nagpapaalala sa akin kay Mama—ang kanyang mga pangarap na makabalik sa Sta. Ana, ang mga simpleng hiling niya na hindi ko na kailanman maibibigay. “Umalis ka na muna, Auntie,” sa wakas ay nahanap ko ang aking boses, kahit pa basag at halos pabulong na ito. “Adelina—” “Pakiusap, Auntie. Gusto ko muna mapag-isa,” pagputol ko sa kanyang sasabihin. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko matatago ang poot ko sa kanya, o ang galit ko sa aking sarili. Mas mabuting lumayo muna siya bago ako tuluyang mawasak sa harap niya. Bumuntong-hininga si Auntie Lottie. Ibinaba niya ang walis at marahang lumapit sa kanyang bag at may kinuha roon. Iniwan niya ang isang card sa ibabaw ng lamesa sa aking tabi. “Iyan ang natitirang pera mula sa isang milyon, naka-save pa rin ‘yan sa account mo para sa mga susunod na buwan. Mag-grocery ka naman, Adelina. At saka… tumawag muli ang manager ng bar kanina. May naghahanap pa rin sa iyo. Mag-isip-isip ka.” Nang isinara ni Auntie Lottie ang pinto, binalot muli ako ng nakakabinging katahimikan ang buong appartment. Tinitigan ko ang card na naglalaman ng pera kung saan nagsimula ang lahat ng sumpa. Ang perang naging dahilan ng pagkawala ng aking dangal, ngayon ay naging mitsa rin ng pagkawala ng aking mama. Tumayo ako nang dahan-dahan, lumapit sa bintana, at tumingin sa labas. Alas-dyes pa lang ng umaga pero madilim na ang langit, nagbabadya kasi ang isang malakas na bagyo—katulad na katulad ng bagyong unti-unting lumalamon sa aking pagkatao. Wala na si Mama. Wala na ang rason ko para lumaban ng marangal. At ang anino ng gabing iyon kay Sir Carter ay tila hindi na ako tatantanan. Tuluyan na nga bumagsak ang malakas na ulan, kasabay nito ang pagpasok muli ni Auntie na basa nang kaunti ang katawan. “Dito muna ako. Papatilain ko lang ang ulan.” Hindi ako sumagot. Pinagmasdan ko lang ang ulan habang inaalala ko ang masasayang alaala namin ni Mama. “Adelina, nakapag-isip ka na ba?” tanong ni Auntie habang nakaupo ito, pinupunasan ang braso niyang nabasa sa ulan. “Wala ka nang kasama sa buhay. Kailangan mo ng pagkakakitaan, at kung babalik ka sa pagiging janitress, hindi ka na tatanggapin doon dahil mahigit isang linggo ka nang hindi pumapasok.” Mariin kong ipinikit ang mga mata ko dahil unti-unti na akong naiinis kay Auntie Lottie. Magmula kasi nang mailibing si Mama, walang tigil ito sa pagbanggit sa paghahanap sa akin ni Carter. Wala itong tigil na ipaalala sa akin na mag-isa ako sa buhay. Isang buwan na akong nagluluksa sa pagkawala ni Mama, pero si Auntie Lottie, tila ba hindi nawalan ng kapatid. Oo at dinadalaw niya ako araw-araw. Akala ko nag-aalala talaga siya, nagsisisi nang dahil sa kadaldalan niya ay nauwi sa wala ang sakripisyo ko, pero nagkamali ako. Dahil ang pagdalaw niya sa akin sa araw-araw ay pagkumbinsi niya lang na pumasok ako sa nakakadiri niyang trabaho! “Auntie, hindi ninyo ako mapipilit na bumalik pa roon kahit sino pa ang naghahanap sa akin,” mahinahon kong sabi, taliwas sa nararamdaman kong inis sa katawan. “Pero, Adelina, malaking pera ang makukuha—” “Pera?!” naputol ang sasabihin dapat ni Auntie nang sumigaw ako. “Pera na lang ba lagi ang mahalaga sa iyo, Auntie?!” Napatayo si Auntie dahil sa pagsigaw ko. Hindi ko na napigilan na harapin ito dahil tuluyan nang sumabog ang kinikimkim ko sa nakalipas na buwan. “Auntie, nang dahil sa kadaldalan mo kay Mama ay namatay siya! Tapos ngayon, gusto mo akong bumalik sa nakakadiri mong trabaho dahil lang sa pera?! Wala na bang hiya sa katawan mo, Auntie?!” sambit ko na may kasamang pagsigaw dahil sa galit. “Aba! Dinadalaw kita rito sa loob ng isang buwan tapos ganyan lang ang ibabalik mo sa akin, Adelina?! Sino ang walang hiya sa ating dalawa?!” “Hindi ko hiniling na dalawin mo ako, Auntie! Dahil sa tuwing nakikita kita, naaalala kong ikaw ang dahilan kung bakit namatay si Mama!” Nagsimulang umagos ang mga luha ko sa aking mga mata. Natigilan naman si Auntie Lottie nang makita niya ang mga luha ko. Bumukas ang bibig nito, pero isinara niyang muli ito na tila ba pinipigilan niya ang kanyang sariling magsalita. “Sana ikaw na lang ang nakakuha ng sakit ni Mama! Dahil kung tutuusin, wala naman pong kwenta ang buhay mo, Auntie. Wala kayong asawa at anak. At ang mayroon ka lang ay si Mama, pero wala ka namang pakialam kung namatay siya. Ni hindi nga kita nakitang nagluksa nang nawala siya!” Mabilis kong pinunasan ang aking mga luha dahil lumalabo na ang aking paningin. At nang luminaw ang paningin ko, sa unang pagkakataon, nakita ko ang malungkot na mukha ni Auntie Lottie kahit puno ito ng kolorete. “Laging nasa isip mo lang ay pera, Auntie! At ngayon, gusto mo magaya ako sa pariwara mong buhay dahil mag-isa na lang ako? Gusto mong maging pûta rin ako na katulad mo? Wala ka bang konsensya kahit kaunti sa katawan, Auntie?” Katahimikan ang sumunod na namayani, tanging ang bagsak lang ng ulan sa bubong ang naririnig. Bumuntong-hininga si Auntie. At sa buntong-hininga niyang iyon, ramdam ko ang bigat. Lumapit siya sa akin at niyakap ako nito. Inasahan kong magmamatigas ako, ngunit ang init ng kanyang bisig ay biglang bumasag sa natitira kong lakas. Sa gitna ng aking galit, nangibabaw pa rin ang pangungulila ko sa isang inang wala na. Hindi nagtagal, Nakaramdam ako ng matinding pagkahilo nang maamoy ko ang pabango ni Auntie. Sumasayaw ang paningin ko at biglang umikot ang paligid ko. “Patawad, Adelina. Nag-aalala lang ako sa iyo. Alam kong kasalanan ko kung bakit namatay si Ate Madel. At ayoko lang ipakita sa iyo ang sakit at pagluluksa ko dahil gusto kong may masasandalan ka. Pasensya na rin kung pinipilit kitang pumasok sa trabaho, pero pangako, ito na ang huling beses na maririnig mo sa akin ito,” ramdam ko ang sinsiridad sa boses ni Auntie. Pero ang mga sinabi niya ay tila naging blanko sa aking isipan dahil sa naaamoy kong pabango mula sa kanya. Isang matamis at masangsang na amoy na biglang gumulo sa aking sikmura. Umakyat ang isang mariing pait sa aking lalamunan. At bago ko pa ito sabihin sa kanya, dali-dali akong humiwalay sa kanyang yakap para tumakbo patungo sa lababo upang doon magsuka.“What did you say?” galit at may pagbabantang usal ni Carter, ang kanyang boses ay tila kulog na nagbabadya ng bagyo.Ngunit hindi natinag si Kaito. Bagkus ay mas lalo pa nitong itinuwid ang kanyang pagkakaupo at sinalubong ang matalim na tingin ni Carter. “Narinig mo ako, Carter. Sabi ko, kukunin ko sa inyo si Adelina. Hindi siya laruan o gamit na pwede ninyong itapon at tratuhin na parang basura matapos ninyong pakinabangan.”Isang nakatatakot na ngisi ang gumuhit sa mga labi ni Carter, subalit walang kahit anong saya sa kanyang mga mata. Humakbang siya palapit sa counter—mabigat, mapanganib.“You must be losing your mind, Kaito,” mariing sabi ni Carter habang nakatitig kay Kaito. “Adelina is mine. And you cannot take her away from me.”Kumalabog ang puso ko sa sinabi ni Carter. Ganito ba niya kagustong makabuo ng tagapagmana? Ganito ba siya kadisperadong makuha ang kanyang mana?“You’re the one who is losing your mind here, Carter,” sagot ni Kaito. Matigas ang boses at walang baka
Habang dahan-dahang kumukulo ang sarsa ng adobo sa kawali, unti-unting napuno ang amoy nito sa buong kusina. Nakapagsaing na rin ako kaya hihintayin ko na lang na maluto ang lahat bago ko ihanda ang mga dadalhin ko sa ospital.Nakatitig lang ako sa umuusok na kawali, pansamantalang nakakalimot sa bigat ng mundong dinadala ko dahil sa isiping makikita ko na naman si Eliana mamaya. Ang simpleng pag-isip sa ngiti ng anak ko ang nagbibigay sa akin ng lakas para tiisin ang lahat.Sa kalagitnaan ng panonood ko sa aking niluluto, biglang sumulpot ang magpinsan sa kusina. Umupo ang mga ito sa matataas na silya sa counter at sabay na sumalampak doon habang nakatitig sa niluluto ko.Magulo ang mga buhok nila. Hindi rin sila nagsasalita dahil tulala silang nakatitig sa niluluto kong adobo. Kaya naman nang matapos ako, pinagsandok ko sila ng kanin at ulam. At sa bawat kilos ng kamay ko, parang robot silang sumusunod ng tingin rito. Natigil lang sila sa panonood nang ilapag ko ang pinggan na may k
Nanatiling nakataas ang kilay ni Carter habang nakatitig sa akin, tila ba naghihintay na pumalag ako sa mga huling salitang binitawan niya. Pero nanatili akong tahimik. Nilunok ko ang lahat ng dumi at sakit na ipinukol niya sa aking pagkatao. Wala akong pakialam kung anong sabihin niya sa akin. Wala akong pakialam kung gaano kasakit ang mga salitang ibabato niya sa akin. Hindi ko naman hawak ang utak niya para magpaliwanag sa kanya at pilitin na paniwalaan ako nito. Ang mahalaga ay bayaraan ako nito para sa pampagamot ni Eliana.“Prepare the bed in my room. Ililipat ko na sila,” malamig na utos niya bago lumapit kay Kaito upang buhatin ito. Agad akong sumunod nang walang kibo. Parang robot ang bawat galaw ng aking mga paa habang naglalakad patungo sa unang kwarto upang ihanda ang higaan ng magpinsan. Sa likod ko, nakasunod si Carter na akay si Kaito. Nang makarating kami sa kwarto ni Carter, ang pamilyar na amoy na madalas kong maamoy mula sa kanya sa tuwing malapit siya sa akin
Matapos ihatid ni Carter si Kaito sa sofa, naiwan akong nakatayo sa tabi ni Fatima na hanggang ngayon ay nakadapa pa rin sa malamig na sahig at mahinang dumadaing. Hindi ko kayang makita siyang ganoon. At kahit pa napakasakit ng mga sinabi niya sa akin kanina, tao pa rin siya. Dahan-dahan akong lumuhod sa tabi niya at hinawakan ang kanyang balikat. “Ma’am Fatima… okay lang po ba kayo? Tutulungan ko na po kayong makatayo.” “B-Bitawan mo ako…” pautos ngunit halatang walang lakas na sabi niya. Pilit niyang itinulak ang kamay ko pero dahil sa kalasingan, bumalik lang siya sa pagkaksadlak. Inakay ko ang kanyang braso at ipinatong sa aking balikat. Mabigat siya, lalo na’t wala siyang balanse, ngunit pinilit kong tumayo gamit ang buong lakas ko. Nang lumingon ako patungo sa sala, nakita kong nakatayo si Carter at nakakunot ang kanyang noo. Nakapamulsa siya habang seryosong nakatitig sa ginagawa ko. Hindi ko alam kung kanina pa ba niya ako pinagmamasdan o ngayon lang. “I told you to g
Nagising ako dahil sa tindi ng gutom. Pagtingin ko sa labas, madilim na pala ang paligid at tanging mga ilaw na lang ng siyudad ang natatanaw mula sa malaking bintana ng aking kwarto. Naalala ko ang huling utos ni Carter nang sumagi sa isip ko nang maayos na wala ako sa apartment namin nina Auntie—na bumaba ako para kumain pagkagising ko. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan habang hawak-hawak ang aking kumakalam na tiyan. Akala ko ay wala nang tao—wala na akong madadatnan sa aking pagbaba, ngunit nadatnan ko si Carter sa kusina. Nakasandal siya sa counter, may hawak na tasa ng kape habang seryosong nakatitig sa kanyang laptop. Wala na ang kanyang mga kaibigan, at wala rin si Fatima. Pero bakit narito pa rin siya? Hindi ba at sabi nilang mag-asawa na ako ang titira sa condominium na ito? Kasama ko rin ba sila? Hindi na ba sila uuwi sa mansyon nila?Napatigil ako sa paglalakad—sa mismong bungad ng kusina, nagdadalawang-isip kung itutuloy ko ba ang paghakbang. Ngunit bago pa ako mak
Pagkatapos bitawan ni Carter ang mga nakapanlalamig na salitang iyon, iniwan niya akong nakatayo sa gitna ng sala at nagtungo siya sa kusina kung nasaan ang kanyang mga kaibigan. Samantalang ako, muling naupo sa sofa at doon lang tuluyang nanghina ang aking mga tuhod. Sumandal ako sa sofa at niyakap ang aking sarili. Ang malamig na boses ni Carter na may kalakip na pagbabanta ay talagang nanuot sa aking katawan, maging sa aking kalamnan. Iginala ko ang aking mga mata sa loob ng napakalaking condominium para kahit papaano ay maalis sa utak ko ang huling sinabi ni Carter. Napakalawak ng condominium na ito. Doble pa sa apartment na tinitirhan namin ni Auntie. Ngunit kahit gaano ito kalaki, para sa akin, isa itong marangyang kulungan.Dito ako titira habang ginagamit ni Carter ang katawan ko. Dito ako maglalagi habang binubuo sa sinapupunan ko ang bata na magiging tagapagmana ng pamilya nila. Hinawakan ko ang aking tiyan na patag pa rin hanggang ngayon. Kahit wala pang laman ito, t







