แชร์

Chapter 4:

ผู้เขียน: Kulalaiii
last update วันที่เผยแพร่: 2026-05-25 16:13:06

Nang sumapit ang araw ng operasyon ni Mama, binalot ng amoy ng antiseptiko at alkohol ang aking umaga.

Nakaupo ako sa matigas na silya sa labas ng operating room, habang ang pulang ilaw sa itaas ng pinto ay nagsisilbing paalala na hawak ng mga doktor ang buhay ng aking ina. Walang tigil ang paggalaw ng aking mga daliri, paulit-ulit na pinipisa ang panyo na basang-basa na ng aking pawis.

‘Kaya mo ’yan, Mama,’ paulit-ulit kong dasal sa aking isipan. ‘Ibinigay ko na ang lahat, kaya huwag mo akong iwan.’

“Adelina,” isang pamilyar na boses ang pumutol sa aking pag-iisip.

Napaangat ako ng tingin at nakita si Auntie Lottie na naglalakad patungo sa akin. Kulay ginto ang suot niyang blusa ngayon, at mabilis na nag-iwan ng tunog ang kanyang takong sa tahimik na koridor ng ospital. Walang bakas ng pag-aalala sa kanyang mukha, kundi purong kyuryosidad.

“O, kumusta? Nagsimula na ba ang operasyon?” tanong niya sabay upo sa tabi ko, binabalewala ang signboard na “Silence, Please.”

“Opo, Auntie. Kaninang alas-siyete pa po pumasok ang mga doktor,” mahina kong sagot.

Tumingin si Auntie sa akin, naniningkit ang mga mata habang sinusuri ang aking mukha. “Mabuti naman. At least, hindi nasayang ang… ‘sakripisyo’ mo. Sabi ko naman sa iyo, isang gabi lang, may magkakapera ka na. Kung nakinig ka lang sa akin noon pa, baka hindi umabot sa ganito kalala ang sakit ng Mama mo.”

Napaigtad ako sa sinabi niya. Masakit na katotohanan na nanggaling pa sa taong tumulong sa akin na mahulog sa kumunoy.

“Una’t huling beses na ’yon, Auntie. Huwag na po nating pag-usapan.”

“Sabi mo, eh,” kibit-balikat niyang sabi sabay kuha ng salamin sa kanyang bag upang mag-retouch ng lipstick. “Pero alam mo, may balita ako sa bar kagabi. Nagtanong-tanong si Sir Carter sa ibang manager kung nasaan ka. Mukhang hinahanap ka ng bilyonaryo, Adelina.”

Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko sa narinig ko. Lumamig ang aking mga kamay at biglang nagbalik sa aking isipan ang mabibigat na paghinga ni Carter, ang mariin niyang hawak sa aking mga hita, at ang malamig niyang mga mata habang binabayaran ang aking dangal.

“A-Anong sabi ng manager?” nauutal kong tanong, pilit na itinatago ang takot na namumuo sa aking dibdib.

“Ano pa nga ba? Edi sinabing hindi ka naman regular doon at nagkataon lang ang gabing iyon,” sagot ni Auntie habang naglalagay ng pulang kulay sa kanyang mga labi. “Pero kilala ko ang mga lalaking tulad ni Sir Carter, Adelina. Sanay silang nakukuha ang lahat ng gusto nila. At sa hitsura niya kagabi, mukhang hindi pa siya tapos sa iyo.”

Bago pa ako makasagot, biglang bumukas ang pinto ng operating room. Lumabas ang doktor na may seryosong mukha, kaya mabilis akong tumayo, panandaliang nakalimutan ang abala ni Auntie tungkol kay Carter.

“Doktor, kumusta po ang Mama ko?”

“Naging tagumpay ang operasyon ng Mama mo. Pero kailangan niyo pa ring manatili rito sa ospital upang ma-monitor ang kanyang kalagayan, Adelina. Ipapayo ko rin na iwasang magulat o ma-stress ang pasyente dahil sensitibo pa ang kanyang puso at ang bagong implant na ICD. Kapag nakaranas siya ng matinding emosyon na hindi kaya ng kanyang puso, maaari itong mag-trigger ng shock mula sa ICD o maging sanhi ng komplikasyon na maaari niyang ikamatay. Kaya mag-iingat kayo sa mga ibabalita o sasabihin ninyo sa kanya.”

“Maraming salamat po, Doc.”

“Maiwan na kita, Adelina. Ililipat na rin sa pribadong kuwarto ang Mama mo. At kung mayroon ka pang mga katanungan tungkol sa kalagayan niya, huwag kang mahiyang lumapit sa akin.”

Nang maiwan muli kaming dalawa ni Auntie Lottie, humarap ako sa kanya. Nakatayo na rin ito at handa nang umalis kahit pa hindi niya pa nakikita ang kanyang kapatid.

“Auntie…”

Napatigil si Auntie sa pag-alis nang tawagin ko siya. Nang tumingin ito sa akin, kitang-kita ko ang kislap ng kanyang mga mata na tila ba may ibabalita akong maganda sa kanya.

“Huwag po sanang makarating kay Mama ang ginawa ko noong isang gabi. Sensitibo ang kalagayan ni Mama, at ayokong may mabalitaan siyang hindi maganda na magiging sanhi ng pagkawala ng kanyang buhay.”

“Hindi ko naman sasabihin—”

Mabilis kong pinutol ang sasabihin ni Auntie Lottie.

“At tungkol naman po kay Sir Carter, wala na po akong pakialam sa kanya. Kaya sana, huwag na ninyong sabihin sa akin kung may balita kayo sa kanya. Huwag ninyo rin po sana sabihin ang tunay kong pagkakakilanlan kung magtanong siya sa inyo para lang sa pera.”

“Aba! Anong akala mo sa akin, Adelina, walang puso?” umuusok na ilong na sagot ni Auntie dahil sa narinig sa akin. “Hoy! Kung hindi dahil sa akin ay hindi madurugdungan ang buhay ng iyong Mama! Walang utang na loob ito. Pinagmumukha mo pa sa akin na mukha akong pera!”

“Auntie, huwag na po tayong magplastikan. Kaya ninyo sinabi ito ngayon sa akin ay para magbalik ako roon at makipagsiping muli kay Carter. Dahil malaki ang ibinibigay niya, malaki rin ang komisyon ninyo, kaya nagbabakasali ka sa akin ngayon.”

“Hoy, Adelina! Ayusin mo ang mga sinasabi mo!” Lumakas ang boses ni Auntie Lottie.

Napabuntong-hininga ako.

“Ang sa akin lang, Auntie, tigilan ninyo na ang pagpilit sa akin na bumalik doon dahil wala na akong balik pa roon. At ang sabi ninyo ay sanay si Sir Carter na nakukuha ang lahat ng gusto niya? Pero kung mananahimik kayo, Auntie, imposible niya akong mahanap.”

“Mananahimik ako! Mananahimik ako para sa ‘dignidad’ mo, Adelina. Para rin maging mabait at mapagmahal akong Auntie sa paningin mo.”

“Maraming salamat kung ganoon, Auntie. Pero kapag nalaman ni Sir Carter ang tungkol sa akin, ikaw ang unang sisisihin ko dahil ikaw lang ang nakakaalam sa pagkakakilanlan ko.”

“Oo na! Oo na, Adelina! Ang bobo mo talaga. Hindi ko alam kung saan ka nagmana. Palay na ang lumalapit sa iyo, tutuka ka na lang, ayaw mo pa!” may halong pait na wika ni Auntie.

Pero kahit may halong pait ang boses ni Auntie Lottie, alam kong mayroon siyang isang salita.

“Dadalaw ako sa iyong Mama pero hindi ko pa alam kung kailan. Ikaw muna ang bahala sa kanya dahil kailangan kong maghanap ng mga babae na kasing-halaga mo para naman hindi ako maghinayang sa iyo.”

Nang iwan ako ni Auntie, ay siya namang paglabas ni Mama mula sa operating room. Natutulog ito nang ilipat siya sa kanyang kuwarto.

Tila nabunutan ako ng tinik habang pinagmamasdan ko si Mama nang kami na lang sa kanyang kuwarto. Ang kanyang payapang paghinga at mahinahong mukha ay nagsasabing maaari ko pa siyang makasama. Ang Mama ko ay magiging maayos na ang kalagayan kahit papaano.

Lumipas ang mga araw na puno ng pag-asa. Unti-unting sumisigla si Mama, at tuwing nakikita ko ang bawat dahan-dahang pagtaas-baba ng kanyang dibdib, sinasabi ko sa aking sarili na sulit ang lahat ng sakripisyo ko.

Kahit magmukha akong marumi sa sarili kong mga mata, buhay naman ang kaisa-isang taong nagbibigay sa akin ng rason para huminga.

Naging maayos nga ang kalagayan ni Mama makalipas ang isang linggo ng kanyang operasyon. Hindi ito mabilis hingalin, at malayo-layo na rin ang nalalakad niya.

Kakapasok ko pa lang din muli sa aking trabaho bilang janitress at iniwan ko muna si Mama sa ospital dahil bukas pa ang labas niya. Tumawag din sa akin si Auntie Lottie kanina at sinabi nito na dadalaw siya kay Mama ngayon. Naging masaya naman si Mama nang ibinalita kong dadalaw ang kaisa-isa niyang kapatid.

Ngunit ang pagdalaw niyang iyon ay magiging sanhi pala ng aking matinding kalungkutan.

“A-Adelina, si Ate Madel… wala na,” umiiyak na bungad sa akin ni Auntie Lottie nang sagutin ko ang tawag niya. “Kinulit niya kasi ako kung saan mo nakuha ang malaking perang ipinag-opera sa kanya kaya sinabi ko ang totoo. Hindi ko naman akalain na magdudulot iyon sa kanya ng lubhang pagkagulat na magiging dahilan ng kanyang kamatayan.”

Nanginig ang buong katawan ko, at kasabay ng marahas na pagpito ng hangin sa aking tainga, nabitawan ko ang hawak kong mop. Napaupo ako sa sahig, at ang mga luha ko ay mabilis na humagos sa aking mga pisngi.

Sinakripisyo ko ang dangal at puri ko upang ipagamot si Mama, pero ang sakripisyong kong akala ko ay magliligtas sa kanya, ang kaalamang iyon din pala ang kikitil sa kanyang buhay.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • The Contract: Beginning of His Obsession    Chapter 4:

    Nang sumapit ang araw ng operasyon ni Mama, binalot ng amoy ng antiseptiko at alkohol ang aking umaga. Nakaupo ako sa matigas na silya sa labas ng operating room, habang ang pulang ilaw sa itaas ng pinto ay nagsisilbing paalala na hawak ng mga doktor ang buhay ng aking ina. Walang tigil ang paggalaw ng aking mga daliri, paulit-ulit na pinipisa ang panyo na basang-basa na ng aking pawis.‘Kaya mo ’yan, Mama,’ paulit-ulit kong dasal sa aking isipan. ‘Ibinigay ko na ang lahat, kaya huwag mo akong iwan.’“Adelina,” isang pamilyar na boses ang pumutol sa aking pag-iisip.Napaangat ako ng tingin at nakita si Auntie Lottie na naglalakad patungo sa akin. Kulay ginto ang suot niyang blusa ngayon, at mabilis na nag-iwan ng tunog ang kanyang takong sa tahimik na koridor ng ospital. Walang bakas ng pag-aalala sa kanyang mukha, kundi purong kyuryosidad.“O, kumusta? Nagsimula na ba ang operasyon?” tanong niya sabay upo sa tabi ko, binabalewala ang signboard na “Silence, Please.”“Opo, Auntie. Kan

  • The Contract: Beginning of His Obsession    Chapter 3:

    Sinalubong ako ng malamig na hangin ng madaling-araw pagkalabas ko sa eksklusibong bar na iyon. Mahigpit kong yakap-yakap ang aking bag, kung saan nakatago ang tsekeng nagkakahalaga ng isang milyong piso. Isang milyong piso kapalit ng aking dangal.Pakiramdam ko ay napakadumi ko, at kahit anong ligo ang gawin ko ay hindi na muling maibabalik ang dating Adelina. Nanginginig ang aking mga daliri habang nakakapit sa strap ng bag. Pero tuwing hihaplusin ko ang piraso ng papel sa loob nito, napapalitan ng tapang ang aking panghihina. “Para kay Mama,” mahinang bulong ko sa aking sarili.“Adelina!”Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang pamilyar na boses mula sa isang madilim na sulok ng parking lot. Lumabas doon si Auntie Lottie, na may hawak na manipis na jacket at tila kanina pa ako nito hinihintay habang humihithit ng sigarilyo. Bumuga siya ng usok bago nagmamadaling lumapit sa akin.Agad niya akong tinitigan mula ulo hanggang paa, at mabilis na hinila ang aking braso paupo sa

  • The Contract: Beginning of His Obsession    Chapter 2:

    Hindi pa man ganap na nakakabawi ang aking hininga ay naramdaman ko na ang mabigat na bulto ng kanyang walang saplot na katawan sa ibabaw ko. Ang mabangong amoy ng mamahaling pabango niya na may kasamang kakaibang anghang ng alak ay tuluyang lumamon sa aking sistema. Mas lalo akong napakapit sa lukot-lukot na takip ng kama nang maramdaman ko ang matigas na bahagi ng kanyang pagkalalaki na pilit sumisiksik sa aking hita. “Look at me, honey. Don’t you dare close your eyes,” bulong niya, ang boses ay tila kulog na nagpadala ng panginginig sa aking gulugod. Gusto kong umiyak. Gusto kong sumigaw at sabihing ayoko na. Pero sa tuwing bubuka ang aking bibig, ang mukha ni Mama na nakaratay sa ospital ang tanging nakikita ko. Para kay Mama, Adelina. Kayang-kaya mo ito. “Sir Carter…” nanginginig kong usal, sinusubukang hanapin ang natitira kong tapang sa likod ng maskarang suot ko. “Pakiusap… dahan-dahan lang.” Isang mapait na tawa ang kumawala sa kanyang mga labi. Walang babala niya

  • The Contract: Beginning of His Obsession    Chapter 1:

    Ang bawat tunog ng takong ko habang naglalakad ako at tila walang katapusang pasilyo ay sumasabay sa marahas na kabog ng dibdib ko. Ang maikli kong damit—na halos litaw na ang buong katawan ko—ay tila sumasakal sa akin, isang matinding nagpapaalala na kailangan kong sikmurin ang gagawin ko ngayong gabi. “Tandaan mo, Adelina, kailangan mo ng pera kaya kahit anong sabihin ng customer ay gawin mo.” Umalingawngaw ang boses ni Auntie Lottie sa tainga ko habang patuloy pa rin ako sa paglalakad. Oo, kailangan ko ng pera. At ang pumasok agad sa isip ko ay si Auntie Lottie na nagtatrabaho bilang manager sa eksklusibong bar. Nagpabugaw ako sa kanya kahit wala pa akong karanasan dahil kailangan na ni Mama na magpalagay ng ICD o Implantable Cardioverter-Defibrillator. Lumulubha na ang sakit sa puso ni Mama at kailangan niya ng malagyan kaagad ng ICD upang kahit papaano ay may magmonitor sa puso niya kapag bumibilis o bumabagal ang pagtibok nito. “Tama ang desisyon mong lumapit sa akin

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status