LOGINKung may medalya para sa domestic survival, dapat akin na ‘yung gold. Kasi ngayon, harap-harapan akong nakikipaglaban sa kaaway kong hindi ko alam kung roommate ba o reincarnation ni Marie Kondo.
Literal na giyera ang loob ng closet ni Callisto. Kalahati ng damit ko nagbagsakan na sa sahig, habang ‘yung ibang dresses ko nakikipagsiksikan sa mga coat niya. May scarf pa akong nakalaylay sa gitna, parang white flag na sumu-surrender. “You realize you’re invading my space, right?” boses ni Callisto, galing sa hallway. Kalmado, pero may warning shot vibes. “Invading?” tinaasan ko ng kilay habang hawak ‘yung blouse na muntik nang mapigtas sa hanger. “Excuse me, last time I checked, ikaw ang nagyaya na lumipat ako rito. Shared apartment, ‘di ba? Eh ‘di syempre may gamit akong kasama. Hindi naman ako multo na nawawala bigla pagpasok ng pinto.” Lumabas siya sa doorway, naka-cross arms, serious pa rin. “‘Shared, huh? From where I’m standing, mukhang may deposition na nagaganap. ‘Yung mga sapatos mo, tinakeover na ‘yung rack ko.” “Uy grabe,” sabi ko, sabay turo sa mga heels. “Hindi ‘yan takeover. Exploration ‘yan. They’re just… exploring. Mapping new territory, ganon.” Tumingin siya sa akin na parang may nalabag akong batas sa physics. “And the mugs in the kitchen? Five in total. Three are yours. Explain.” “Because one can never have too many mugs,” sagot ko, matter-of-fact. “Isa para sa kape, isa sa tubig, isa para sa existential breakdown.” “Right,” he said, dry as sandpaper. “Water and coffee, one mug each. The rest are yours for… emotional support.” “Fine,” I muttered, tumatawa na rin kahit pilit. “Don’t come crying when your only mug’s in the dishwasher.” He leaned sa doorway, half-smile on his lips. “I’ll survive. Probably.” Ayun na naman. ‘Yung “probably” niya. Parang every sentence niya may kasamang challenge. For someone who kept saying he liked peace, ang dami niyang sinasabi kung saan dapat nakalagay ‘yung peace na ‘yon. -- Sa bathroom, round two ng space war. Actually, mas intense ‘yung laban doon. “Callisto, ‘yung toothpaste placement mo nakakabaliw,” sabi ko, nakapamewang habang tinitingnan ‘yung toothbrush namin na black and blue, magkadikit, parang couple goals yung mga bristles. “They’re touching. Unhygienic ‘yan.” “They’re not,” sagot niya, kalmado pa rin. “They are!” Ginamit ko ‘yung daliri ko para itulak ang mga ito para magkalayo. “At ‘yung shaving cream mo? Disaster waiting to happen. Chaos incarnate.” Umangat ‘yung isang kilay niya. “Sabi ng taong naglipat ang razor ko kahapon. Do you know how disturbing that was?” “It was about to fall sa sink! Paano kung nahulog yun at nasugatan ang paa ko. Gusto mo bang maging madugo itong tiles ng banyo mo?” Ngumiti siya, ‘yung tipid na ngiti na parang fine, you win but not really. “Fine,” he said. “Pero toothbrushes stay. Black for me, blue for you.” “You actually have a color system for toothbrushes?” “Of course. Hygiene requires order.” “Of course it does,” I muttered, sabay iwas ng tingin. Sa isip ko, nagtatally na ‘ko: Three minor arguments. Zero actual wins. May weird siyang talent, ‘yung manalo nang hindi mo namamalayan na natalo ka na pala. -- Later, sa kitchen. A.K.A. The Next War Zone. Nag-aayos kami ng groceries. ‘Yung kanya, nakalabel na parang exhibit sa museum. ‘Yung akin, well… free-spirited. May character. May personality. May konting kaguluhan, pero may charm. “I don’t know why you insist on keeping condiments out,” sabi niya habang tinitingnan ‘yung jar ko ng peanut butter na parang kalaban sa aesthetic niya. “They belong in the pantry.” “They’re accessible,” sagot ko agad. “Efficient. Kung gusto ko ng flavor, andiyan lang. Hindi ko kailangang mag expedition pa sa pantry mo.” “Efficiency and clutter aren’t the same,” sagot niya, calm pa rin, like he’s teaching me a TED Talk on kitchen minimalism. “I value aesthetics.” “Ayan ka na naman,” sabi ko. “Minimalist kingdom mo versus essential chaos ko. Balance ‘yan, Callisto. Yin and yang.” Sinimulan niyang i-line up ‘yung mga jars in perfect formation. Seryoso. Parang magkaka-medal siya sa grocery arrangement. “Proud ka dyan?” tanong ko. “Of course. Small victories count.” “Wow,” I said. “You really act like I’m some kind of intruder with five mugs and mismatched socks ha.” “If by invader you mean organized chaos with a hint of charm,” sagot niya, “then yes.” Hanep, bakit parang compliment ‘yon? I looked away, kunwari busy sa paglipat ng hot sauce. Pero ramdam ko ‘yung ngiti sa sulok ng labi ko. Hindi ko alam kung inis o aliw ba to. Maybe both. -- A few nights later, round four. Fridge edition. Binuksan ko ‘yung ref at muntik akong mapahiyaw. He rearranged everything. As in everything. My snacks? Na-exile sa likod. His containers? Nakapila parang soldiers in perfect symmetry. At ‘yung pinaka insulto sa lahat? May isang sticky note sa shelf: “DO NOT TOUCH.” “Seriously?” sabi ko. Sinadya kong lakasan yung boses ko para marinig talaga nya. Nasa likod ko na siya, siyempre. Laging tama sa timing. “I let you keep your coffee mugs. That’s enough compromise for one day.” I turned to him, arms crossed. “Coffee mugs? Yun na ‘yung bragging rights mo?” “I’m proud of small victories,” sagot niya, nonchalant. “Besides, this setup is more… orderly.” “Orderly,” ulit ko. “Ah yes, your favorite synonym for control.” He smirked, ‘yung dila niya saglit lumabas as if fighting a grin. “Control is a strong word, Alex. Let’s call it organization.” “Sure,” sabi ko, sinara ‘yung fridge. “Next thing I know, lalagyan mo na label yogurt ko.” “Not my style,” sagot niya, ‘yung boses niya mababa, relaxed. “I prefer subtle victories.” Nagkatinginan kami. At ayun na naman ‘yung tingin niya, hindi naman intense, pero may kung anong something. Yung tipong hindi mo ma-decipher pero ramdam mo. Nakakainis. “Okay,” sabi ko, sabay close ng fridge. “Pero wag mong i-try i-label ‘yung toothpaste ha. May limit din yang control mo.” He smirked, leaning a bit closer. “Noted. Pero baka gawin ko pa rin. Just to be safe.” Gustohin ko mang pigilan, pero natawa parin ako. “You are seriously impossible.” “And you’re entertaining,” sagot niya, calm pero may tono. “Mostly because you think you can win.” “Keep telling yourself that,” sabi ko, sabay kuha ng snack at lakad palayo. Pero bago ako makalayo, nagtagpo ulit ‘yung tingin namin. Walang halong romantic drama, walang tension, komportable lang. Comfortable silence na hindi naman awkward. That night, habang nagliligpit ako ng kalat ko sa kwarto, napaisip ako. I’ve lived alone for so long. Nasasanay akong may sarili kong space, sariling mundo, sariling kalat. Pero ngayon, sa gitna ng minimalist chaos niya at toothpaste wars namin… This felt closer to home. And maybe that’s the weirdest part. Because for the first time, Sharing space doesn’t feel like losing mine.Buong umaga, paulit-ulit lang sa utak ko yung sinabi ni Tessa.“Meet new people. You’re not married for real, right?”Tama.Pero habang binibigkas ko ‘yun sa isip ko, parang unti-unti siyang nagiging kasinungalingan.Nasa harap ako ng salamin, sinusuklay ang buhok kong kulot sa dulo. Yung mga hibla, parang may sariling isip—hinahaplos ang balat ko, parang pinapaalala yung gabing ayokong maalala.Yung halik.Yung init.Yung tibok ng puso ko na parang tumatakbo sa marathon na hindi ko alam kung gusto kong matapos.Dapat wala ‘yun.Dapat parte lang ng usapan.Pero hindi na siya mukhang kasunduan.Parang totoo na.Huminga ako nang malalim, pilit nilulunok yung memorya. Brunch lang naman ‘to. Walang special. Casual jeans, soft blouse, light makeup—normal girl, normal day. Safe.Pero kahit ready na ako, nakatayo pa rin ako sa tabi ng pinto, parang may hinihintay.O baka may gustong pigilan.Tahimik ang penthouse.Si Callisto, nandun sa counter, sleeves rolled, may hawak na tablet na sumisin
Amoy ng kape ‘yung unang bumungad sa’kin pagkagising.‘Yung sumunod, ‘yung mahina pero malinaw na tunog ng mga galaw sa kusina.At para akong nasampal ng maalala ko ‘yung mga nangyari kagabi. Yung dinner, ‘yung whiskey, at ‘yung halik na hanggang ngayon, ayaw pa ring umalis sa isip ko.That stupid, unexpected, perfect kiss.Napahinga ako nang malalim, sinubsob pa ang sarili sa unan. “Get it together, Alex,” bulong ko sa sarili ko.Pagharap ko sa salamin, halos mapangiwi ako. Magulo ‘yung buhok, medyo namumula pa ‘yung labi, at ‘yung mata ko parang may tinatagong kwento. Para akong taong may kasalanan, sobrang guilty ng itsura ko.Binasa ko nang paulit-ulit ‘yung mukha ko sa tubig, hoping mabura ‘yung traces ng gabi."Ako si Alexandra Reign Sy. Lawyer. Rational. Calm.Hindi ‘yung babae na nakipaghalikan sa fake husband niya dahil lang sa whiskey at isang gabing sobrang tahimik." sabi ko sa sarili ko.Pero kahit anong pilit kong kalimutan yun, ‘yung amoy ng kape galing kusina… parang na
Ang tahimik ng biyahe pauwi.Walang tugtog, walang salita. Tanging ilaw lang ng headlights na humahati sa dilim, at ‘yung tunog ng gulong na parang mahinang bulong sa kalsada. Walang nang nagsalita sa amin ni Callisto mula nang umalis kami sa bahay ng mga magulang niya. Mabigat pa rin ‘yung hangin, puno ng mga bagay na hindi nasabi.Pagdating namin sa penthouse, pagbukas pa lang ng elevator, dumiretso na siya sa bar. Tinanggal niya ‘yung tie nya, niluwagan ang kwelyo ng polo, at kinuha ang bote ng whiskey. "I need a drink.” eto ang unang beses na nagsalita siya simula kanina.Nilapag ko ang clutch sa counter. “Understandable.”Lumingon siya, may konting ngiti sa mata. “You joining me or going to bed, love?”Ayan na naman.Hindi dapat ako kinikilig, pero may kung anong humaplos sa dibdib ko.Nagdalawang-isip ako saglit bago ako lumapit. “Pour me one.”Hindi siya ngumiti nang buo, pero may bahagyang kurba sa labi niya habang nagbubuhos ng alak sa dalawang baso.Umupo ako sa stool, siy
Kung titingnan mo si Callisto ngayon, parang wala lang sa kanya yung mga nangyari. As if the storm hadn’t happened. As if ‘yung mga pulgada ng tension between us were just… static. Walang meaning. Parang hindi kami muntik na… ‘Okay, stop. Hindi ko iisipin ‘yon.’ Maybe it didn’t mean anything to him. Maybe ako lang ‘tong nagre-replay sa utak ko kung gaano kainit ng yakap niya. Pero dahil nagmamagaling ako ngayon. Sasabayan ko sya. Acting normal and pretending to be calm. Ignoring the way my heart skips whenever he walks too close. And the fact na every time he says love, tumitigil yung utak ko sa pag function. “Another storm today,” bulong ko, habang sinusubukang kalmahin ‘yung sarili ko. “Hm?” tanong niya, hindi man lang lumilingon. “Dinner with your parents,” sagot ko. “That’s the storm.” Ngumiti lang siya nang konti, nakakainis kasi ang gwapo pero nakakagalit parin. “Just follow my lead, love. You’ll be fine.” Huminga ako nang malalim. “Right. Fine.”
Umaga na. Mapusyaw ‘yung liwanag, parang nagdadalawang-isip kung sisikat ba talaga o mananatiling kulay-abo. Tahimik, wala akong ibang naririnig maliban sa ambon at mahinang ugong ng mga sasakyan sa labas.Saglit akong nagising nang hindi sigurado kung nasaan ako. Hanggang sa maramdaman kong may kamay na nakayakap sakin.Hindi ‘yung tipong casual lang o aksidenteng napadikit. Buong yakap.‘Yung braso ni Callisto, mahigpit na nakapulupot sa bewang ko at yung dibdib niya, nakasandal sa likod ko, mainit kahit malamig pa ‘yung hangin sa loob ng condo.At sa pagitan ng mga segundo, maririnig mo ‘yung hinga niya. Mabagal, malalim at masyadong… intentional.Natigilan ako. Kasi sure ako, gising ‘to.Walang tulog na ganito kaingat huminga.Walang tulog na ganito kabagal humaplos.Kasi ‘yung mga daliri niya at hinahaplos nang marahan sa tagiliran ko, ‘yung klase ng dampi na halos hindi mo maramdaman. Maingat ang paraan ng paghaplos nya, hindi siya nagmamadali.Parang may gusto lang siyang p
Bigla na lang bumuhos ang ulan. Walang warning, walang paalala — parang may sariling trip ‘yung langit. Ang lakas ng kulog, tapos ‘yung hangin, parang galit na galit. Umaalog ‘yung bintana ng condo namin na parang gusto na ring sumuko. Nasa couch ako noon, kunwari nagbabasa pero to be honest, kalahati ng utak ko nasa ulan, kalahati nasa sarili kong overthinking. Tahimik lang sana, hanggang sa BANG! — biglang bumukas ‘yung bintana sa kwarto ko, nasira yun. Basang-basa agad ‘yung sahig, pati ‘yung carpet. “Perfect,” bulong ko, tinapon ‘yung libro sa gilid. “Sobrang perfect.” Tumakbo ako, kumuha ng tuwalya, at sinubukang pigilan ‘yung mini swimming pool sa sahig. Lumapat ‘yung tuhod ko sa malamig na tiles, ‘yung buhok kong nakatali kanina ngayon nakadikit na sa mukha ko. Para akong contestant sa “PBB: Typhoon Edition.” Habang si Callisto. Nakatayo lang sa may pinto, tuyo, maayos, at nakakainis pa rin ang pagiging composed niya. “You need help?” tanong niya, ka







