Share

The Devil I Merried
The Devil I Merried
Author: Anaeli

Chapter 1

Author: Anaeli
last update publish date: 2026-06-17 15:24:45

The Devil of Business World

Amara's POV

"Amara, gising na anak! Mahuhuli ka na naman!"

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang boses ni Nanay Rosa mula sa kusina.

Agad kong sinilip ang lumang alarm clock sa tabi ng higaan.

Alas-sais na.

"Naku po!"

Mabilis akong tumayo at nagmadaling mag-ayos.

Maliit lang ang bahay namin sa isang simpleng barangay sa Quezon Province. Yero ang bubong, kahoy ang ilan sa mga dingding, at kapag umuulan nang malakas, kailangan pa naming maglagay ng timba para salurin ang tumutulong tubig.

Pero kahit ganoon, mahal ko ang bahay na ito.

Dito ako lumaki.

Dito ako minahal.

Dito ko nakilala ang tunay na kahulugan ng pamilya.

Paglabas ko ng kwarto ay nadatnan ko sina Nanay Rosa at Tatay Ben na naghahanda ng almusal.

Ngumiti agad si Nanay.

"Good morning, anak."

Napangiti rin ako.

"Good morning, Nay."

Hindi kami mayaman.

Sa katunayan, hirap pa nga kaming makaraos minsan.

Pero kailanman ay hindi ko naramdamang kulang ako sa pagmamahal.

Simula bata pa lang ako, pinaramdam nila sa akin na ako ang pinakamahalagang bagay sa buhay nila.

Kaya nang makapagtapos ako ng kolehiyo bilang scholar, nangako akong gagawin ang lahat para maiahon sila sa hirap.

"May interview ka pa mamaya, 'di ba?" tanong ni Tatay.

Tumango ako.

"Oo po. Sana matanggap."

Mahina siyang ngumiti.

"Matatanggap ka. Magaling ang anak ko."

Napangiti ako.

Kung alam lang nila kung gaano sila kalaking inspirasyon sa buhay ko.

Pagkatapos mag-almusal ay agad akong bumiyahe papuntang Maynila.

Hindi ko alam na sa araw na ito...

Magbabago ang buong buhay ko.

Montenegro Business Tower.

Isa iyon sa pinakamalalaki at pinakasikat na kumpanya sa bansa.

Kaya nang makatanggap ako ng temporary office assignment doon mula sa agency na pinapasukan ko, halos hindi ako makapaniwala.

Pagpasok ko sa lobby ay agad akong namangha.

Napakalawak.

Napakaganda.

Napakalayo sa simpleng mundong kinalakihan ko.

Maraming empleyado ang nagkakagulo habang nagbubulungan.

Parang may hinihintay silang celebrity.

"Darating na raw siya."

"Sigurado?"

"Oo! Confirmed na."

"Sabi nila mas nakakatakot siya sa personal."

Napakunot-noo ako.

Lumapit ako sa isang babae.

"Sino ba ang darating?"

Napatingin siya sa akin na parang hindi makapaniwala.

"Hindi mo kilala?"

Umiling ako.

"Damien Montenegro."

Biglang nanlaki ang mga mata ng lahat ng nakarinig.

Parang pangalan pa lang niya ay sapat nang magdulot ng takot.

"Damien Montenegro?" ulit ko.

Tumango siya.

"The CEO."

Napaangat ang kilay ko.

Ah.

CEO pala.

Pero bakit parang takot na takot sila?

"Tinatawag siyang Devil of Business World."

Napatawa ako.

Medyo OA naman yata.

Pero ilang segundo lang ang lumipas...

Nawala ang ngiti ko.

Dahil bumukas ang malaking glass door ng lobby.

At pumasok siya.

Kasunod ang ilang bodyguards.

Biglang tumahimik ang buong paligid.

Parang huminto ang mundo.

Napatingin ako.

At sa unang pagkakataon...

Nakita ko si Damien Montenegro.

Matangkad.

Halos anim na talampakan ang taas.

Nakasuot ng mamahaling itim na suit.

Perpektong nakasuklay ang buhok.

Matalim ang panga.

At may mga matang kasinglamig ng yelo.

Hindi maikakailang gwapo siya.

Sobrang gwapo.

Pero may kakaiba.

May aura siyang parang kayang durugin ang isang tao sa isang tingin lang.

Malamig.

Mapanganib.

At dominante.

Habang naglalakad siya sa lobby, lahat ay awtomatikong tumatabi.

Walang gustong humarang sa daan niya.

Walang gustong tumingin nang diretso sa kanya.

Maliban sa akin.

At doon nagsimula ang problema.

Bigla siyang huminto.

Unti-unti siyang lumingon.

At diretsong tumama ang mga mata niya sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko.

Bakit siya nakatingin sa akin?

Ilang segundo kaming nagkatitigan.

At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan...

Parang may kakaibang emosyon na dumaan sa mukha niya.

Pagkagulat.

Pagkalito.

Parang may naalala siya.

Ngunit mabilis din iyong nawala.

Napalitan ng dati niyang malamig na ekspresyon.

Tumingin siya sa mga empleyado.

"Who hired these people?"

Napakunot-noo ako.

Tahimik ang lahat.

"Sir?" tanong ng assistant niya.

Malamig siyang tumingin sa paligid.

"Half of them look incompetent."

Biglang bumigat ang hangin.

Nainsulto ang lahat.

Kasama ako.

Excuse me?

Hindi pa nga niya kami kilala.

Napaka-arrogante naman.

At bago pa ako makapag-isip...

Nakapagsalita na ako.

"Maybe the problem isn't the employees."

Biglang napalingon ang lahat sa akin.

Nanlaki ang mga mata nila.

Parang gusto nilang takpan ang bibig ko.

Pero huli na.

Nakatitig na sa akin si Damien.

Malamig.

Mapanganib.

At nakakapanindig-balahibo.

"Excuse me?" malamig niyang tanong.

Huminga ako nang malalim.

"Kung manghuhusga ka ng tao, siguraduhin mong kilala mo muna sila."

Napasinghap ang mga tao.

Patay.

Sigurado akong patay na ako.

Ngunit imbes na magalit...

Bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya.

Parang naaliw.

"You have guts."

Napairap ako.

"At least meron."

Mas lalo siyang ngumiti.

At hindi ko alam kung bakit.

Pero parang may kakaibang saya sa mga mata niya.

Parang natagpuan niya ang isang bagay na matagal na niyang hinahanap.

Ngunit agad din iyong nawala.

"Interesting."

At pagkatapos noon ay tinalikuran niya ako.

Naglakad papunta sa elevator.

Parang walang nangyari.

Samantalang ako...

Ay halos kumukulo sa inis.

Napakayabang.

Napakaarogante.

At napakaimposibleng pakisamahan.

Ngunit hindi ko alam na iyon pa lang ang simula.

Damien's POV

Hindi ko maintindihan.

Habang nasa elevator ako, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mukha ng babaeng iyon.

Amara.

Hindi ko pa nga alam ang buong pangalan niya.

Pero hindi ko maalis sa isip ko.

Nakakainis.

Hindi ako ganito.

Hindi ako naaapektuhan ng kahit sino.

Hindi babae.

Hindi tao.

Hindi kahit ano.

Pero bakit noong makita ko siya...

Parang may kung anong tumigil sa loob ko?

Parang may matagal nang nawawalang bahagi ng buhay ko na biglang nagpakita.

"Sir?"

Napatingin ako sa assistant ko.

"Your meeting is ready."

Tumango ako.

Pero kahit pumasok ako sa conference room...

Kahit magsimula ang meeting...

Kahit nagsasalita ang mga executives sa harapan ko...

Isa lang ang nasa isip ko.

Ang babaeng sumagot sa akin sa lobby.

Ang babaeng hindi natakot sa akin.

Ang babaeng may mga matang puno ng buhay.

At sa unang pagkakataon matapos ang maraming taon...

Hindi ako makapag-focus.

Dahil hindi maalis sa isip ko ang mukha ni Amara.

At hindi ko pa alam...

Na ang simpleng pagkikitang iyon ang magiging simula ng pinakamagulong kabanata ng buhay naming dalawa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Devil I Merried    Chapter 85

    The Plate NumberDamien's POVHindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kahapon.Ilang segundo lang ang pagitan...At maaaring tuluyan ko nang mawala si Amara.Tahimik akong nakaupo sa conference room ng Montenegro Corporation habang nakatitig sa malaking monitor.Paulit-ulit na pinapatugtog ni Leo ang CCTV footage.Nandoon pa rin ang itim na SUV.At ang plate number na nagpabalik sa lahat ng alaala ng unang kidnapping."Leo.""May resulta na ba?"Tumango siya."Sir...""Natukoy na namin ang rehistradong may-ari ng sasakyan."Hindi ako nagsalita.Tahimik ko lang siyang tiningnan.Ngunit alam niyang hinihintay ko ang kasunod.Leo's POVInilapag ko sa mesa ang makapal na folder."Base sa Land Transportation records...""May rehistradong may-ari ang plaka."Binuksan ko ang unang pahina.Ngunit agad din akong napakunot-noo."May problema."Tumaas ang kilay ni Damien."Anong problema?"Huminga ako nang malalim."Sir...""Peke ang lahat."Nanahimik ang buong silid."Ang driver's license..

  • The Devil I Merried    Chapter 84

    Another Attack Damien's POV Hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kahapon. Habang palabas kami ni Amara ng Montenegro Corporation... Hindi ko namalayang may matang nakatingin sa amin. Si Celeste. Pagkababa niya ng sasakyan, nadatnan niya kaming magkahawak-kamay ni Amara. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha. Parang unti-unting nawala ang lahat ng kulay sa kanyang mga mata. Bago pa ako makalapit upang kausapin siya... Tahimik siyang tumalikod. Sumakay muli sa kanyang sasakyan. At mabilis na umalis. Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataong magsalita. Hanggang ngayon... Hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang lungkot na nakita ko sa kanyang mga mata. Pakiramdam ko... May mabigat siyang desisyong ginawa pagkatapos niyang umalis. Ngunit sa kabila ng lahat... Mas mahalaga ngayon ang kaligtasan ni Amara. Masyado nang maraming beses siyang naging target. Ang paglalason. Ang tangkang pagdukot. Ang misteryosong babaeng nakaitim. Ang sunod-sunod na p

  • The Devil I Merried    Chapter 83

    Broken TrustAmara's POVHindi ko maintindihan kung bakit...Sa kabila ng lahat ng nangyari nitong mga nakaraang araw...Mas lalo kaming nagiging malapit ni Damien.Pagkatapos ng mga nangyari sa charity gala...Halos hindi na niya ako iniiwang mag-isa.May bodyguards kahit saan ako magpunta.Tuwing kakain ako...Tinitiyak niyang nakakain din siya.At tuwing mapapansin niyang napapagod ako...Siya mismo ang nag-uutos na magpahinga ako.Noong una...Akala ko...Responsibilidad lang iyon bilang asawa sa kontrata.Pero habang tumatagal...Parang may nagbabago.Hindi lang sa kanya.Pati sa akin.Damien's POVTahimik kong pinagmamasdan si Amara habang abala siya sa pagbabasa ng ilang design proposals sa opisina.Nakakunot ang noo niya.Paminsan-minsan...Napapangiti siya kapag may nakikita siyang magandang ideya.Hindi ko namalayang...Matagal ko na pala siyang tinitingnan."May mali ba sa mukha ko?"Natatawa niyang tanong.Bahagya akong natauhan."Wala.""Iniisip ko lang...""Mas bagay sa'

  • The Devil I Merried    Chapter 82

    The DealCeleste's POVHindi ako mapakali buong gabi.Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nangyari sa lumang botanical garden.Kung hindi dahil sa makapal na usok at sprinkler system...Malamang nahuli na kami ni Damien.Naalala ko kung paano ako hinila ng misteryosong babae palayo sa greenhouse.Kung paano niya ako pinadaan sa isang lumang lagusan sa likod ng hardin.At kung paano kami tuluyang nakatakas bago pa makarating ang mga investigator.Hanggang ngayon...Hindi ko pa rin alam ang kanyang tunay na mukha.Hindi ko man lang narinig ang tunay niyang pangalan.Ang alam ko lang...Siya ang taong nagsasabing matutulungan niya akong maibalik si Damien.At sa totoo lang...Iyon lang ang gusto kong paniwalaan.Biglang tumunog ang cellphone ko.Unknown Number.Hindi na ako nagulat.Agad ko itong sinagot."Bukas.""Magtungo ka sa dating greenhouse.""Mahalaga ang pag-uusapan natin."Hindi na siya naghintay ng sagot.Agad niyang pinatay ang tawag.Napabuntong-hininga ako.Hindi ko ala

  • The Devil I Merried    Chapter 81

    Hidden DiaryDamien's POVHindi na kami nagsayang pa ng oras.Mula sa Alejandro Mansion...Diretso kaming nagtungo ni Don Ricardo Alejandro sa pribadong ospital.Paulit-ulit kong iniisip ang sinabi ng hospital director.May natagpuan daw silang isa pang lumang diary habang nililinis ang dating storage room ng ospital.Ang storage room...Kung saan inilalagay noon ang mga personal na gamit ng mga nurse.Kasama na ang mga gamit ni Nurse Elina.Kung totoo ang sinabi nila...Posibleng may naiwan pang ebidensyang makatutulong sa amin upang mabuo ang katotohanang dalawampu't dalawang taon nang nakatago.Pagdating namin sa ospital...Agad kaming sinalubong ng hospital director."Sir Damien.""Don Ricardo.""Nasa opisina ko na po ang diary."Tumango ako."Dalhin ninyo kami roon."Tahimik kaming naglakad.Habang papalapit kami sa opisina...Mas lalo kong nararamdamang papalapit na rin kami sa katotohanan.Third Person POVSa loob ng opisina...Maingat na nakapatong sa mesa ang isang lumang dia

  • The Devil I Merried    Chapter 80

    Unknown Woman Damien's POV Tahimik ang buong sasakyan habang pabalik kami mula sa lumang botanical garden. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari. Ilang minuto na lang sana... Mahuhuli na namin ang misteryosong babaeng kumokontrol kay Celeste. Pero muli na naman siyang nakatakas. Parang alam na alam niya ang bawat galaw namin. Parang may nakapagsasabi sa kanya ng lahat. Napabuntong-hininga ako. "Leo." Mahina kong tawag sa investigator. "Dalhin mo sa akin ang lahat ng kuha ng camera." "Yes, Sir." Ilang minuto lang ang lumipas, inilapag niya ang digital camera sa harap ko. Isa-isa kong sinuri ang mga larawan. Puro malalabong kuha. Mga puno. Mga anino. At ang babaeng nakasuot ng itim. Hindi pa rin makita ang kanyang mukha. Natatakpan ito ng malapad na sombrero at itim na belo. Parang sinadya niyang walang makakakilala sa kanya. Ngunit habang tinitingnan ko ang mga larawan... May isang detalye ang nakakuha ng pansin ko. "Wait..." Napahinto ako. "Palakihin m

  • The Devil I Merried    Chapter 4

    Desperate Choices Amara's POV Hindi ako nakatulog buong gabi. Paulit-ulit kong tinitingnan ang foreclosure notice na nasa harapan ko. Parang bawat salitang nakasulat doon ay unti-unting dumudurog sa puso ko. Ito ang bahay na kinalakihan ko. Ito ang tahanang puno ng masasayang alaala. Ang ba

  • The Devil I Merried    Chapter 3

    The Crazy ProposalAmara's POV"Marry me."Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang dalawang salitang iyon.Pakiramdam ko ay may sumabog sa loob ng opisina.Nanigas ako sa kinauupuan ko habang nakatitig kay Damien Montenegro.Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya.O tuluyan na siyang nabaliw."An

  • The Devil I Merried    Chapter 2

    The Unexpected SummonsAmara's POVBuong gabi akong hindi nakatulog.Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang lalaking iyon.Si Damien Montenegro.Ang lalaking tinatawag nilang Devil of Business World.Napairap ako habang naglalakad papunta sa opisina kinabukasan.Hindi ko alam kung bakit siya sikat

  • The Devil I Merried    Chapter 5

    One Year WifeAmara's POV"Have you changed your mind?"Buong gabi akong hindi nakatulog matapos ang tawag na iyon.Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang malamig na boses ni Damien Montenegro.Hindi niya ako pinilit.Hindi siya nagmakaawa.Hindi rin siya nagbanta.Pero may kakaiba sa paraan n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status