LOGIN“Kontrata lang ba ako… o asawa talaga?”
Tahimik ang loob ng sasakyan. Malakas ang ulan sa labas ngunit mas malakas ang tibok ng puso ni Stasia habang papalapit sila sa malawak na mansyon ng Montclair. Kanina lang siya isang normal na estudyante. Ngayon… asawa na siya ng pinakakilalang Mafia Boss sa bansa. Mrs. Anastasia Montclair. Hindi pa rin niya matanggap. Pagbukas ng pinto, bumungad sa kanya ang engrandeng mansyon—mga chandelier na kumikislap, marmol na sahig, at mga tauhang naka-itim na agad yumuko nang dumaan si Christian. Isang tingin ng lalaki—mapanganib, malamig—at tila lahat ay nag-ingat sa bawat kilos. Pero nang tumingin ito kay Stasia… tila lumambot ang titig niya. “Welcome home,” aniya. Walang ngiti, pero sapat na iyon para kumalma nang kaunti ang loob ni Stasia. Sa unang gabi nila bilang mag-asawa, inihatid siya ni Christian sa silid na nakalaan para sa kanya. “Dito ka titira,” sabi niya. “Kapag may kailangan ka… sabihin mo lang.” “I-Ito ba… separate room?” tanong ni Stasia, mahina ngunit puno ng kaba. He looked at her. Matagal. “We do things at our own pace,” sabi nito. “Hindi kita pipilitin sa kahit ano.” Marahan siyang napabuntong-hininga. Hindi niya inaasahang iyon ang isasagot ng lalaki… at mas lalong hindi niya inasahan na may comfort sa boses nitong akala niya ay puro utos lamang. Pagpasok niya sa silid, napansin niyang personal ang mga pinili nitong gamit—ang kulay ng bedsheet ay eksaktong kulay na gusto niya, may shelf ng mga librong pareho sa binabasa niya, kahit ang scent diffuser ay amoy lavender… na paborito niya. Paano nito nalaman? Bago pa siya makapag-isip, may kumatok. Pagbukas niya ng pinto, si Olivia Hart—assistant ni Christian. Maganda. Matapang ang aura. Parang sanay mag-utos. “I’m Olivia,” tipid na sabi nito. “I oversee everything in this mansion. Kung may problema ka, dumaan ka muna sakin… bago kay Christian.” Nagulat si Stasia sa tono. Hindi ito bastos—pero may bahid ng babala. Ngumiti si Stasia nang magalang. “Salamat. I’ll remember that.” Bahagyang tumingin si Olivia sa silid, napansin ang mga personal na bagay. “Mukhang pinaghandaan ka niya,” anito. “I didn’t expect that.” “Pinaghandaan?” bulong ni Stasia. May sinimulang sabihin si Olivia pero… biglang may dumaan na lalaki sa hallway. Si Felix—bodyguard na ngayon ay nakatalaga kay Stasia. Tahimik, seryoso, mabigat ang paglakad. At sa isang iglap… tinawag siya ni Christian. “Stasia.” Lumingon siya. Si Christian—nakatayo sa dulo ng hallway, nakasuot ng dark coat. Basang-basa ng ulan dahil kagagaling lang sa labas. Nakakunot ang noo niya. “Nag-abala ba sila sayo?” tanong ng lalaki kay Stasia… pero ang tingin niya ay matalim na nakatuon kay Olivia at Felix. Umiling si Stasia agad. “No—okay lang ako.” Tumango si Christian at humarap sa mga tauhan. “Walang lalapit sa kanya para kumumusta lang,” malamig na utos niya. “Kung may kailangan siyang tulong, ako ang lalapitan niya. Malinaw?” Sabay-sabay silang tumango. Pero sa gilid… nakita ni Stasia ang expression ni Olivia. May lungkot. May galit. May inggit. Pagkalipas ng ilang oras— Tahimik ang buong mansion. Natutulog na ang lahat. Si Christian lang ang gising, nag-aayos ng mga dokumento sa kanyang study. Hindi siya sana lalabas… pero hindi siya makatulog. Kaya dahan-dahan siyang naglakad papunta sa mesa kung saan may nakahaing gatas at cookies. Pero pagdating niya—nandun si Christian. Nakaupo. Nakatingin lang sa basang ulap sa labas ng bintana. “Hindi ka natutulog,” bulong niya. “It’s easier to stay awake,” sagot nito. “You learn to avoid dreams… when you have too many nightmares.” Hindi siya nakapagsalita. Tumingin sa kanya si Christian. “And you? Why are you awake?” Mahinang ngumiti si Stasia. “Hindi ako sanay… sa ganitong katahimik.” Tumingin siya sa paligid. “Sanay kasi akong may ingay sa labas ng bintana. Tricycle. Bata. Sigawan ng kapitbahay.” Nagtagpo ang kanilang mga mata. At sa unang pagkakataon… nakita niyang ngumiti si Christian. Totoo. Hindi lihim. “I can arrange that,” biro niya. Pero ramdam ni Stasia—seryoso siya. Kung gugustuhin niya, kaya niyang pasigawin ang buong siyudad… para lang makatulog si Stasia. Natawa siya nang mahina. “Pwede namang electric fan lang.” Ngumiti ang lalaki. Mas mahina. Pero mas totoo. Pagbalik ni Stasia sa kwarto… hindi na siya ganoon kabigat huminga. Hindi pa rin totoo ang lahat. Hindi niya pa rin alam saan siya lulugar. Kontrata lang ba siya? O asawa na talaga? Pero bago siya makatulog… may isang katotohanang hindi niya mapigilan. Mas takot siyang malaman ang sagot… kaysa manatiling walang kasiguraduhan. Dahil ngayong gabing ito… Hindi na lang takot ang naramdaman niya.bMay ibang kumatok sa dibdib niya. Hindi maingay. Hindi rin pilit. Pero buo—at buhay. Puso. At ito ang unang gabing hindi niya na kayang itanggi… Mrs. Montclair na siya.Bumilis ang tibok ng puso ni Stasia sa sandaling nagbanggaan ang tingin nina Christian at Felix. Parang may dalawang bagyong papalapit, parehong delikado, parehong pamilyar sa kanya sa magkaibang paraan. But only one was her husband.Ang hangin sa opisina ay parang nabibigatan, naghihintay ng unang paputok.“Get out,” malamig na sabi ni Christian kay Felix. “Hindi mo siya dadalhin kahit saan.” Si Felix, kahit may dugo pa sa gilid ng mukha, hindi natinag. “I wasn’t asking for permission.” Nag-init ang pakiramdam ni Stasia.Hindi ito ordinaryong pagtatalo.Hindi ito tungkol sa order.Hindi ito tungkol sa trabaho.Ito ay— tungkol sa kanya.“Both of you—stop,” sabay sigaw ni Stasia, hindi na napigilan ang panginginig ng boses. “Ano ba talagang nangyayari?” Nilingon siya ni Felix una. May awa sa mga mata. May takot.At may isang bagay na hindi niya mabasa—pero alam niyang hindi dapat ikatuwa ni Christian. “Stasia, someone is after you. Ngayon. Hindi bukas, hindi next week—ngayon.” Nilapit
“You weren’t supposed to see that.” Parang sinampal siya ng linya na iyon. “Hindi ako dapat makakita?” paulit niyang bulong, may punit sa tinig. “Pictures of me? Christian, months before we even met—” “I know.” “Bakit?!” sumabog sa bibig niya. Parang napako sa sahig ang lalaki. Tanging ang paghinga niya ang lumalim. “Because someone else was watching you too.” Natigilan si Stasia. Hindi niya inexpect iyon.But Christian continued, voice lower… softer… masakit. “At hindi ko hahayaang mauna sila.” Lumapit ang lalaki, mabagal, halos parang natatakot na baka umurong siya. “She wanted to hurt you,” bulong ni Christian. “Your father’s enemy. Someone who wanted revenge. I knew if she got to you… you wouldn’t survive.” Hinila niya ang braso niya palayo, pero hinawakan iyon ni Christian—mahigpit pero hindi marahas. Para siyang hawak ng taong natatakot mawalay.“Huwag mo ‘kong hawakan,” mahina niyang sabi. At sa unang pagkakataon… napakawalan niya siya. Ang lalaking kayang mag-utos sa daan-daan
“Hit?” ulit niya, halos di makapaniwala. “Bakit—” “Because your father wasn’t just in debt. He was being punished.” Nalaglag ang mundo niya. At bago pa siya tuluyang mabasag, hinawakan ni Christian ang magkabilang braso niya—hindi para sakalin, kundi para pigilan siyang matumba. “I stopped it,” sabi nito, mababa. “I stopped them from touching you. I made sure they couldn’t. That’s why I had your photos. Your routes. Your routines. I had to know where you were, every day, to keep you alive.”Ibang klase ang katahimikang sumunod. Hindi iyon kaginhawaan. Hindi rin galit. Isa itong bangin na wala siyang alam kung paano tatawirin. “Bakit… ako?” bulong niya. “Because you were innocent.” Sa unang pagkakataon, nakita niyang bumagsak ang guardiya ng lalaki. Parang sandaling nagpakita si Christian hindi bilang The Devil’s Verdict, kundi bilang isang taong… may pinipigilang sabihin. “Then why the contract marriage?” tanong niya. Huminga nang malalim ang lalaki. Parang pinipili ang salita.“Becau
Tahimik si Christian. Hindi kumurap. “Bakit may litrato ako doon?” unti-unti nang nanginginig ang boses ni Stasia. “Bakit may files na parang… kilala mo na ako noon pa? Sino ka ba sa buhay ko—bago pa ako napasama sa mundong ‘to?!” Dumilim ang mata ni Christian. Umiling. “You won’t understand.” “Then make me understand!”Hinarap niya ito. Bumuhos ang luha sa mata niya. “Mahal mo ba ako… o minamanmanan lang?” At doon… pumikit si Christian. Para bang may pader na tuluyang bumigay sa loob niya. Lumapit siya kay Stasia. Hinawakan ang mukha nito. “I watched you even before I knew your name.” Huminga siya nang malalim. “I thought… you were the only thing left in this world… that wasn’t dirty.”Dumilat si Christian — at sa unang pagkakataon… hindi maangas, hindi malamig, hindi mabangis ang tingin niya. Kundi pagod. At totoo. “You were my peace… before you became my wife.” Tumulo ang luha ni Stasia. Ngunit sa gitna ng lahat… may tumatak sa isip niya. Kung siya ang kapayapaan ni Christian……bak
Dumadagundong ang langit sa labas ng Montclair Mansion. Malakas ang ulan, kumikidlat, at sa bawat pagsabog ng liwanag, lumilinaw ang katotohanan na hindi lahat ng unos ay nangyayari sa labas — minsan, nanggagaling ito sa loob ng puso. At ngayong gabi… nakahanda na si Stasia para sa unos na ‘di niya inaasahan.Pagkatapos ng dinner, hindi pa rin umuuwi si Christian. Ayon kay Olivia, may emergency surgery raw sa ospital. Habang naririnig ang kulog sa labas, naramdaman ni Stasia ang unease sa dibdib niya — ang pakiramdam na hindi normal ang gabi. Naglakad siya sa hallway. Tahimik. Nakabukas ang bintana, pumapasok ang malamig na hangin. At sa dulo… isang pinto ang bahagyang nakabukas.Private Office ni Christian Montclair.Bawal iyon sa kahit kanino. Kahit kay Olivia. Kahit sa kahit sinong tao sa mansion. Pero sa gabing iyon… parang may humila sa kanya papasok.“Kailangan ko lang umupo…” bulong niya sa sarili. “Sandali lang.”Pumasok siya. Madilim. Amoy tabako at mamahaling cologne. May mg
Tahimik ang gabi sa Montclair Mansion. Ang buong paligid ay tila humihinga sa katahimikan — pero para kay Stasia, parang may ibang ingay na umuugong sa likod nito. Hindi tunog ng hangin, o yabag ng mga tauhan… kundi pakiramdam ng mga matang nakatutok sa kanya.At doon nagsimula ang hindi mapakali niyang gabi. Unang gabi na assigned si Felix Ward bilang personal bodyguard niya. Hindi siya masalita; hindi rin siya ngumingiti. Laging naka-black suit, laging parang may iniisip… at laging nasa tabi niya — masyadong malapit.“Hindi mo kailangang sumama sa loob,” sabi ni Stasia matapos nilang dumating sa study room para magbasa ng notes. “Kaya kong mag-isa.” Pero tahimik lang si Felix. Umupo ito sa may pintuan — walang imik, walang reaksyon. Parang statue. Parang anino. At kahit hindi tumitingin si Stasia, ramdam niya. May nagbabantay. May nakamasid.Habang nagbabasa siya, hindi mapigilan ng dibdib niya ang kumabog nang mas malakas. Hindi dahil kay Felix… kundi sa isang bagay na hindi niya m







