Home / Romance / The Devil’s Wife / CHAPTER 6 - The Devil’s Truth

Share

CHAPTER 6 - The Devil’s Truth

Author: Youku Written
last update Last Updated: 2026-01-10 22:17:25

Tahimik si Christian. Hindi kumurap. “Bakit may litrato ako doon?” unti-unti nang nanginginig ang boses ni Stasia. “Bakit may files na parang… kilala mo na ako noon pa? Sino ka ba sa buhay ko—bago pa ako napasama sa mundong ‘to?!” Dumilim ang mata ni Christian. Umiling. “You won’t understand.” “Then make me understand!”

Hinarap niya ito. Bumuhos ang luha sa mata niya. “Mahal mo ba ako… o minamanmanan lang?” At doon… pumikit si Christian. Para bang may pader na tuluyang bumigay sa loob niya. Lumapit siya kay Stasia. Hinawakan ang mukha nito. “I watched you even before I knew your name.” Huminga siya nang malalim. “I thought… you were the only thing left in this world… that wasn’t dirty.”

Dumilat si Christian — at sa unang pagkakataon… hindi maangas, hindi malamig, hindi mabangis ang tingin niya. Kundi pagod. At totoo. “You were my peace… before you became my wife.” Tumulo ang luha ni Stasia. Ngunit sa gitna ng lahat… may tumatak sa isip niya. Kung siya ang kapayapaan ni Christian…

…bakit pakiramdam niya kailangan pa rin niyang tumakbo?

Habang pinipigilan ni Christian ang pag-iyak ni Stasia…

may isang tao sa labas ng pinto. Nakatingin. Felix Ward. At mahina niyang sinabi sa sarili: “Stasia… you don’t know it yet… pero hindi lang iisang lalaki ang nagmamasid sa’yo.”

Umalingawngaw sa dibdib ni Stasia ang malakas na pintig ng puso niya habang natigilan siya sa harap ng monitor. Ang cursor ay nakahinto sa ibabaw ng folder na ilang segundo pa lang niyang nabubuksan—pero sapat na para magbago ang mundo niya.

Dozens of photos.

All of her.

Taken before they met.

May kuhang naglalakad siya papasok sa campus. May kuhang nasa library, habang nakayuko sa libro. May kuhang kasama ang papa niya, habang hawak ang malaking kahon ng grocery. Lahat iyon—mga sandaling ordinaryo, pribado, walang dapat nakakakita. Pero naroon ang mga larawan. Sa laptop ni Christian. Sa sarili nitong opisina. May malamig na kilabot na gumapang sa batok niya. “Stasia?” Napatigil siya.

Ang tinig ng lalaki—mababa, pamilyar, at ngayon ay nakakapanghina sa takot. Dahan-dahan siyang lumingon. Sa pinto, nakatayo si Christian. Basa pa ang buhok nito; halatang kagagaling lang sa ulan. At ang mga mata nito—ang mga mata ng lalaking asawa niya, ang lalaking inakala niyang nagsisimula nang magmahal sa kanya—ay hindi niya mabasa. Tulad ng dati. “Anong ginagawa mo dito?” tanong nito, mabagal, parang sinusukat ang bawat galaw niya.

Hindi makapagsalita si Stasia. Hindi niya alam kung dapat bang magpaliwanag, o tumakbo. O… huminga. Kasi pakiramdam niya, nalulunod siya sa bigat ng sitwasyon. “Christian…” halos paos na sabi niya, “…ano ‘to?” Hindi sumagot ang lalaki. Tumingin ito sa monitor, sa bukas na folder, sa nakalutang na litrato niya na kinunan mula sa malayo—naka-pony tail, may hawak na kape, nakangiti sa kaibigan. Isang ngiti na… hindi para sa kanya. Humigpit ang panga ni Christian. “You weren’t supposed to see that,” sabi nito sa wakas.

Hindi niya mawari kung warning ba iyon o pag-amin. “Illegally mo ba akong pina-follow?” pabulong niyang tanong, pilit nilalabanan ang nanginginig na tinig. “Ni hindi pa tayo magkakilala no’n. Bakit—” “Because I had to.”

Sagot ni Christian. Diretso. Walang pag-iwas. “I had to know everything about you.” Mas lalo siyang napatras. He took a step forward. She took another back. Hanggang sa maramdaman niya ang gilid ng mesa sa likod. “Tingnan mo ako, Stasia,” bulong ng lalaki. Ayaw niya. Pero tumingin siya.

At doon niya nakita—hindi galit. Hindi takot. Hindi siya kayang ipaliwanag. Pero hindi iyon pag-ibig. Hindi pa. O baka… hindi na niya alam. “Hindi kita minamanman,” mahinang sabi ni Christian. “I was… protecting you.” “Protecting me?” Nanginginig ang tawa niya. “From what? Naniwala akong mabait ka. Na… may puso ka. Pero ano ‘to? Mga litrato ko sa computer mo! Ngayon, sasabihin mo sa’kin na—” “Your father owed the mafia more than money.” Natigilan siya.

Mas malala pa iyon kaysa inaasahan niya. Lumapit si Christian, mabagal, parang may tinatawid na pader na siya rin ang gumawa. “Stasia… someone wanted to use you. To take you. To hurt your father by hurting you.” Lumalim ang tono nito. “The night I first saw you… hindi dahil aksidente. I went there because there was a hit placed on you.”

Parang nabingi siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Devil’s Wife   CHAPTER 9 - Blood Debt

    Bumilis ang tibok ng puso ni Stasia sa sandaling nagbanggaan ang tingin nina Christian at Felix. Parang may dalawang bagyong papalapit, parehong delikado, parehong pamilyar sa kanya sa magkaibang paraan. But only one was her husband.Ang hangin sa opisina ay parang nabibigatan, naghihintay ng unang paputok.“Get out,” malamig na sabi ni Christian kay Felix. “Hindi mo siya dadalhin kahit saan.” Si Felix, kahit may dugo pa sa gilid ng mukha, hindi natinag. “I wasn’t asking for permission.” Nag-init ang pakiramdam ni Stasia.Hindi ito ordinaryong pagtatalo.Hindi ito tungkol sa order.Hindi ito tungkol sa trabaho.Ito ay— tungkol sa kanya.“Both of you—stop,” sabay sigaw ni Stasia, hindi na napigilan ang panginginig ng boses. “Ano ba talagang nangyayari?” Nilingon siya ni Felix una. May awa sa mga mata. May takot.At may isang bagay na hindi niya mabasa—pero alam niyang hindi dapat ikatuwa ni Christian. “Stasia, someone is after you. Ngayon. Hindi bukas, hindi next week—ngayon.” Nilapit

  • The Devil’s Wife   CHAPTER 8 - New Bodyguard

    “You weren’t supposed to see that.” Parang sinampal siya ng linya na iyon. “Hindi ako dapat makakita?” paulit niyang bulong, may punit sa tinig. “Pictures of me? Christian, months before we even met—” “I know.” “Bakit?!” sumabog sa bibig niya. Parang napako sa sahig ang lalaki. Tanging ang paghinga niya ang lumalim. “Because someone else was watching you too.” Natigilan si Stasia. Hindi niya inexpect iyon.But Christian continued, voice lower… softer… masakit. “At hindi ko hahayaang mauna sila.” Lumapit ang lalaki, mabagal, halos parang natatakot na baka umurong siya. “She wanted to hurt you,” bulong ni Christian. “Your father’s enemy. Someone who wanted revenge. I knew if she got to you… you wouldn’t survive.” Hinila niya ang braso niya palayo, pero hinawakan iyon ni Christian—mahigpit pero hindi marahas. Para siyang hawak ng taong natatakot mawalay.“Huwag mo ‘kong hawakan,” mahina niyang sabi. At sa unang pagkakataon… napakawalan niya siya. Ang lalaking kayang mag-utos sa daan-daan

  • The Devil’s Wife   CHAPTER 7 – Heart of the Crossfire

    “Hit?” ulit niya, halos di makapaniwala. “Bakit—” “Because your father wasn’t just in debt. He was being punished.” Nalaglag ang mundo niya. At bago pa siya tuluyang mabasag, hinawakan ni Christian ang magkabilang braso niya—hindi para sakalin, kundi para pigilan siyang matumba. “I stopped it,” sabi nito, mababa. “I stopped them from touching you. I made sure they couldn’t. That’s why I had your photos. Your routes. Your routines. I had to know where you were, every day, to keep you alive.”Ibang klase ang katahimikang sumunod. Hindi iyon kaginhawaan. Hindi rin galit. Isa itong bangin na wala siyang alam kung paano tatawirin. “Bakit… ako?” bulong niya. “Because you were innocent.” Sa unang pagkakataon, nakita niyang bumagsak ang guardiya ng lalaki. Parang sandaling nagpakita si Christian hindi bilang The Devil’s Verdict, kundi bilang isang taong… may pinipigilang sabihin. “Then why the contract marriage?” tanong niya. Huminga nang malalim ang lalaki. Parang pinipili ang salita.“Becau

  • The Devil’s Wife   CHAPTER 6 - The Devil’s Truth

    Tahimik si Christian. Hindi kumurap. “Bakit may litrato ako doon?” unti-unti nang nanginginig ang boses ni Stasia. “Bakit may files na parang… kilala mo na ako noon pa? Sino ka ba sa buhay ko—bago pa ako napasama sa mundong ‘to?!” Dumilim ang mata ni Christian. Umiling. “You won’t understand.” “Then make me understand!”Hinarap niya ito. Bumuhos ang luha sa mata niya. “Mahal mo ba ako… o minamanmanan lang?” At doon… pumikit si Christian. Para bang may pader na tuluyang bumigay sa loob niya. Lumapit siya kay Stasia. Hinawakan ang mukha nito. “I watched you even before I knew your name.” Huminga siya nang malalim. “I thought… you were the only thing left in this world… that wasn’t dirty.”Dumilat si Christian — at sa unang pagkakataon… hindi maangas, hindi malamig, hindi mabangis ang tingin niya. Kundi pagod. At totoo. “You were my peace… before you became my wife.” Tumulo ang luha ni Stasia. Ngunit sa gitna ng lahat… may tumatak sa isip niya. Kung siya ang kapayapaan ni Christian……bak

  • The Devil’s Wife   CHAPTER 5 - The Hidden Folder

    Dumadagundong ang langit sa labas ng Montclair Mansion. Malakas ang ulan, kumikidlat, at sa bawat pagsabog ng liwanag, lumilinaw ang katotohanan na hindi lahat ng unos ay nangyayari sa labas — minsan, nanggagaling ito sa loob ng puso. At ngayong gabi… nakahanda na si Stasia para sa unos na ‘di niya inaasahan.Pagkatapos ng dinner, hindi pa rin umuuwi si Christian. Ayon kay Olivia, may emergency surgery raw sa ospital. Habang naririnig ang kulog sa labas, naramdaman ni Stasia ang unease sa dibdib niya — ang pakiramdam na hindi normal ang gabi. Naglakad siya sa hallway. Tahimik. Nakabukas ang bintana, pumapasok ang malamig na hangin. At sa dulo… isang pinto ang bahagyang nakabukas.Private Office ni Christian Montclair.Bawal iyon sa kahit kanino. Kahit kay Olivia. Kahit sa kahit sinong tao sa mansion. Pero sa gabing iyon… parang may humila sa kanya papasok.“Kailangan ko lang umupo…” bulong niya sa sarili. “Sandali lang.”Pumasok siya. Madilim. Amoy tabako at mamahaling cologne. May mg

  • The Devil’s Wife   CHAPTER 4 – Someone Is Watching

    Tahimik ang gabi sa Montclair Mansion. Ang buong paligid ay tila humihinga sa katahimikan — pero para kay Stasia, parang may ibang ingay na umuugong sa likod nito. Hindi tunog ng hangin, o yabag ng mga tauhan… kundi pakiramdam ng mga matang nakatutok sa kanya.At doon nagsimula ang hindi mapakali niyang gabi. Unang gabi na assigned si Felix Ward bilang personal bodyguard niya. Hindi siya masalita; hindi rin siya ngumingiti. Laging naka-black suit, laging parang may iniisip… at laging nasa tabi niya — masyadong malapit.“Hindi mo kailangang sumama sa loob,” sabi ni Stasia matapos nilang dumating sa study room para magbasa ng notes. “Kaya kong mag-isa.” Pero tahimik lang si Felix. Umupo ito sa may pintuan — walang imik, walang reaksyon. Parang statue. Parang anino. At kahit hindi tumitingin si Stasia, ramdam niya. May nagbabantay. May nakamasid.Habang nagbabasa siya, hindi mapigilan ng dibdib niya ang kumabog nang mas malakas. Hindi dahil kay Felix… kundi sa isang bagay na hindi niya m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status