Mag-log in“Sa ospital ko siya nakilala… hindi bilang Mafia Boss, kundi bilang taong marunong magmahal.” Maagang nagising si Stasia. Nang buksan niya ang kurtina, bumungad ang tanawing hindi niya inaasahan—malawak na hardin, mga punong umiihip sa hangin, at katahimikang para bang ibang mundo ang mansyon ni Christian. Ibang-iba sa buhay niya noon.
Paglabas niya sa hallway, naroon na si Felix—tahimik, alerto, hindi ngumungu-nguso gaya ng ibang bodyguard. Para itong anino sa tuwing naglalakad siya. “Good morning,” mahina niyang bati. Tumango lang ito. “May instructions si Mr. Montclair. Sasama ka raw sa ospital ngayon.” “O-Ospital?” gulat niyang tanong. “Bakit? May sakit ba ako?” “He’s working,” sagot ni Felix. “And he wants you there.” Hindi na siya nakapagsalita. Sa sasakyan, habang papunta sa Montclair Medical Center, hindi mapakali si Stasia. Ngayon niya makikita ang mundo ni Christian—ang totoong mundo nito… hindi ang delikadong parte, kundi ang buhay na pinili nitong ipakita sa iba. Pagbaba niya ng sasakyan, tumigil ang usapan ng mga nurse at doctor sa lobby. Lumingon sila kay Stasia. May bulungan. May kilig. May takot. “Siya ba ‘yon? Si Mrs. Montclair?” “Ang ganda niya… bagay sila!” “Pero bakit parang tahimik lang siya? Hindi mukhang sanay sa mundo ni Christian.” Hindi niya alam kung matutuwa ba siya. O maiilang. Hanggang sa lumabas mula sa elevator si Christian. Naka-white coat. Serious. Professional. Pero nang makita siya… nag-iba ang tingin. At nang maglakad ito papunta sa kanya, lahat ng tao sa paligid ay umatras. Parang may hari na dumaan. “You’re here,” mahina nitong sabi. Hindi utos. Hindi tanong. Para bang… natutuwa. “M-Medyo kinakabahan ako,” amin ni Stasia. Tumigil si Christian sa harap niya, bahagyang yumuko, at bumulong… “Don’t worry. Takot sila sa akin—hindi sayo.” “Hindi naman nakakatulong ‘yan,” natatawa niyang sagot. Ngumiti si Christian. At kahit natatakpan ng mask ang kalahati ng mukha niya, ramdam ni Stasia ang ngiti sa mga mata nito. Sa operating room, nakita ni Stasia ang ibang Christian. Iba ang aura—matapang pero kalmado. Tahimik pero kontrolado. Isang maling galaw ng kahit sinong doctor at sisigaw ito ng “Again!” o “Focus!” na parang tumatagos sa kaluluwa. Pero… hindi puro takot. Nakita niya kung paano ito maingat humawak sa pasyente. Kung paano nito pinapahinga ng mabuti ang nurse na nanginginig habang hawak ang scalpel. Kung paano nito tinakpan ng kumot ang pasyenteng nanginginig sa lamig. At nang matapos ang operasyon… huminto ito. Tumayo sa tabi ng kama ng pasyente at mahinahong sinabi: “You’re safe now.” Doon siya unang kinilabutan—hindi sa takot… kundi sa paghanga. Paglabas nila ng ospital ay gabing-gabi na. Wala nang tao sa lobby. Tahimik na silang naglakad palabas. Tahimik si Christian. Tahimik si Stasia. Pero hindi mabigat ang katahimikan. Parang may musika kahit walang tunog. “You were watching me,” sabi ni Christian habang naglalakad. “Observing,” sagot ni Stasia. “Bago ka kasi sa mata ko.” “And what did you see?” Matagal bago siya sumagot. “A man who keeps people alive… pero mukhang matagal nang patay sa loob.” Natigil si Christian. Nilingon siya. Hindi galit. Hindi rin tuwa. Parang nagulat. “One day,” sabi niya. “You’ll see why.” May kirot sa boses niya na hindi niya alam kung paano tatapalan. Tumingin si Stasia sa kanya… at sa pagkakataong iyon, hindi niya napigilan ang sarili. “Christian?” tawag niya. “Yes?” “Kung may sugat ka… kaya ko namang hawakan. Hindi lahat kailangang gamutin mag-isa.” Hindi kumibo ang lalaki. Pero nakita niya—unti-unting kumirot ang panga nito. Hindi sanay sa mga salitang ganun. Hindi sanay na may nag-aalala. Nagsalita lang ulit si Christian nang makarating sila sa sasakyan. “Next time… wag mong sabihing bago ako sa mata mo.” Tumigil. Tumingin sa kanya. “Mas matagal mo na akong kilala… kaysa sa alam mo.” At doon… unti-unting bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi sa takot. Hindi sa kaba. Kundi sa pangalang—Christian Montclair. At sa gabing iyon, isang bagay ang malinaw: Hindi lang siya asawa sa kasunduan. Hindi lang siya babae sa mansion.Siya ang unang taong nakarinig sa tibok… ng pusong akala ng lahat ay patay na.Bumilis ang tibok ng puso ni Stasia sa sandaling nagbanggaan ang tingin nina Christian at Felix. Parang may dalawang bagyong papalapit, parehong delikado, parehong pamilyar sa kanya sa magkaibang paraan. But only one was her husband.Ang hangin sa opisina ay parang nabibigatan, naghihintay ng unang paputok.“Get out,” malamig na sabi ni Christian kay Felix. “Hindi mo siya dadalhin kahit saan.” Si Felix, kahit may dugo pa sa gilid ng mukha, hindi natinag. “I wasn’t asking for permission.” Nag-init ang pakiramdam ni Stasia.Hindi ito ordinaryong pagtatalo.Hindi ito tungkol sa order.Hindi ito tungkol sa trabaho.Ito ay— tungkol sa kanya.“Both of you—stop,” sabay sigaw ni Stasia, hindi na napigilan ang panginginig ng boses. “Ano ba talagang nangyayari?” Nilingon siya ni Felix una. May awa sa mga mata. May takot.At may isang bagay na hindi niya mabasa—pero alam niyang hindi dapat ikatuwa ni Christian. “Stasia, someone is after you. Ngayon. Hindi bukas, hindi next week—ngayon.” Nilapit
“You weren’t supposed to see that.” Parang sinampal siya ng linya na iyon. “Hindi ako dapat makakita?” paulit niyang bulong, may punit sa tinig. “Pictures of me? Christian, months before we even met—” “I know.” “Bakit?!” sumabog sa bibig niya. Parang napako sa sahig ang lalaki. Tanging ang paghinga niya ang lumalim. “Because someone else was watching you too.” Natigilan si Stasia. Hindi niya inexpect iyon.But Christian continued, voice lower… softer… masakit. “At hindi ko hahayaang mauna sila.” Lumapit ang lalaki, mabagal, halos parang natatakot na baka umurong siya. “She wanted to hurt you,” bulong ni Christian. “Your father’s enemy. Someone who wanted revenge. I knew if she got to you… you wouldn’t survive.” Hinila niya ang braso niya palayo, pero hinawakan iyon ni Christian—mahigpit pero hindi marahas. Para siyang hawak ng taong natatakot mawalay.“Huwag mo ‘kong hawakan,” mahina niyang sabi. At sa unang pagkakataon… napakawalan niya siya. Ang lalaking kayang mag-utos sa daan-daan
“Hit?” ulit niya, halos di makapaniwala. “Bakit—” “Because your father wasn’t just in debt. He was being punished.” Nalaglag ang mundo niya. At bago pa siya tuluyang mabasag, hinawakan ni Christian ang magkabilang braso niya—hindi para sakalin, kundi para pigilan siyang matumba. “I stopped it,” sabi nito, mababa. “I stopped them from touching you. I made sure they couldn’t. That’s why I had your photos. Your routes. Your routines. I had to know where you were, every day, to keep you alive.”Ibang klase ang katahimikang sumunod. Hindi iyon kaginhawaan. Hindi rin galit. Isa itong bangin na wala siyang alam kung paano tatawirin. “Bakit… ako?” bulong niya. “Because you were innocent.” Sa unang pagkakataon, nakita niyang bumagsak ang guardiya ng lalaki. Parang sandaling nagpakita si Christian hindi bilang The Devil’s Verdict, kundi bilang isang taong… may pinipigilang sabihin. “Then why the contract marriage?” tanong niya. Huminga nang malalim ang lalaki. Parang pinipili ang salita.“Becau
Tahimik si Christian. Hindi kumurap. “Bakit may litrato ako doon?” unti-unti nang nanginginig ang boses ni Stasia. “Bakit may files na parang… kilala mo na ako noon pa? Sino ka ba sa buhay ko—bago pa ako napasama sa mundong ‘to?!” Dumilim ang mata ni Christian. Umiling. “You won’t understand.” “Then make me understand!”Hinarap niya ito. Bumuhos ang luha sa mata niya. “Mahal mo ba ako… o minamanmanan lang?” At doon… pumikit si Christian. Para bang may pader na tuluyang bumigay sa loob niya. Lumapit siya kay Stasia. Hinawakan ang mukha nito. “I watched you even before I knew your name.” Huminga siya nang malalim. “I thought… you were the only thing left in this world… that wasn’t dirty.”Dumilat si Christian — at sa unang pagkakataon… hindi maangas, hindi malamig, hindi mabangis ang tingin niya. Kundi pagod. At totoo. “You were my peace… before you became my wife.” Tumulo ang luha ni Stasia. Ngunit sa gitna ng lahat… may tumatak sa isip niya. Kung siya ang kapayapaan ni Christian……bak
Dumadagundong ang langit sa labas ng Montclair Mansion. Malakas ang ulan, kumikidlat, at sa bawat pagsabog ng liwanag, lumilinaw ang katotohanan na hindi lahat ng unos ay nangyayari sa labas — minsan, nanggagaling ito sa loob ng puso. At ngayong gabi… nakahanda na si Stasia para sa unos na ‘di niya inaasahan.Pagkatapos ng dinner, hindi pa rin umuuwi si Christian. Ayon kay Olivia, may emergency surgery raw sa ospital. Habang naririnig ang kulog sa labas, naramdaman ni Stasia ang unease sa dibdib niya — ang pakiramdam na hindi normal ang gabi. Naglakad siya sa hallway. Tahimik. Nakabukas ang bintana, pumapasok ang malamig na hangin. At sa dulo… isang pinto ang bahagyang nakabukas.Private Office ni Christian Montclair.Bawal iyon sa kahit kanino. Kahit kay Olivia. Kahit sa kahit sinong tao sa mansion. Pero sa gabing iyon… parang may humila sa kanya papasok.“Kailangan ko lang umupo…” bulong niya sa sarili. “Sandali lang.”Pumasok siya. Madilim. Amoy tabako at mamahaling cologne. May mg
Tahimik ang gabi sa Montclair Mansion. Ang buong paligid ay tila humihinga sa katahimikan — pero para kay Stasia, parang may ibang ingay na umuugong sa likod nito. Hindi tunog ng hangin, o yabag ng mga tauhan… kundi pakiramdam ng mga matang nakatutok sa kanya.At doon nagsimula ang hindi mapakali niyang gabi. Unang gabi na assigned si Felix Ward bilang personal bodyguard niya. Hindi siya masalita; hindi rin siya ngumingiti. Laging naka-black suit, laging parang may iniisip… at laging nasa tabi niya — masyadong malapit.“Hindi mo kailangang sumama sa loob,” sabi ni Stasia matapos nilang dumating sa study room para magbasa ng notes. “Kaya kong mag-isa.” Pero tahimik lang si Felix. Umupo ito sa may pintuan — walang imik, walang reaksyon. Parang statue. Parang anino. At kahit hindi tumitingin si Stasia, ramdam niya. May nagbabantay. May nakamasid.Habang nagbabasa siya, hindi mapigilan ng dibdib niya ang kumabog nang mas malakas. Hindi dahil kay Felix… kundi sa isang bagay na hindi niya m







