Masuk"Hey, you, ugly, old lady! How dare you hurt my brother!" sigaw ni Kyrelle.
Naabutan nito ang babaeng nanakit kay Silas. Akmang lalapit na sa kotse ang artista nang mabilis na tumakbo si Kyrelle upang harangan ito. "At sino ka namang bata ka?!" singhal ni Nova. Dinuro naman ito ng paslit. "Ugly and old lady. Why did you hurt my brother?!" Napanganga naman si Nova nang marinig ang mga salitamg binitiwan ng bata. Hindi nito matanggap na tinawag siya ng paslit na panget at matanda. Pero dahil nasa loob ng kotse ang lalaking matagal na nitong hinahangaan ay pinilit pa rin ni Nova na hindi magalit. Yumuko ito upang kausapin ang bata. "Umalis ka na ngayon din. Kapag hindi ka pa umalis sa harapan ko ay masasaktan ka rin kagaya ng kapatid mo!" Pero sa halip na umalis si Kyrelle ay mas ininis pa nito ang artista. Nilabas nito ang dila at nang-asar pa lalo habang nagawa ng mga nakakainis na ekspresyon sa mukha. "Ikaw, paslit ka!" bulalas naman ni Nova. "Panget ka! Matanda! Masama ang ugali!" sigaw naman ni Kyrelle. Akmang hahawakan na sana ni Nova ang bata nang umiwas ito at tumakbo. Sinadya naman na tumigil si Kyrelle upang mang-asar para habulin siya ng artista. Naghabulan sila paikot ng mamahaling kotse hanggang sa tumigil ang bata at maglabas ng isang maliit na patalim. Mula iyon sa suot nito na kwintas na may malaking pendant na parang espada. "Anong gagawin mo?!" tanong ni Nova. "Panget na matandang babae na may masamang ugali!" sigaw ni Kyrelle. Napatawa naman ang babae. "Sinusubukan mo talaga pasensya ko. Bitawan mo yan, kumag ka?!" Pero hindi nakinig si Kyrelle bagkus ay mas inasar pa niya ang babae. Kaya naman, muli silang naghabulan paikot ng sasakyan. Pero sa pagkakataon na ito ay pinupunterya ng bata ang mga gulong ng kotse. Samantalang sa loob ng kotse ay tahimik lang na nanonood si Deacon John Leonardo. Nagpunta siya sa train station upang sunduin si Nova. Pero hindi naman nito akalain na makikita niya ang artista na nakikipaghabulan sa isang paslit. "Awatin mo na sila, Henry. May mas importante pa akong gagawin kaysa sa panoorin sila at maghintay matapos sa paglalaro," matabang na anas ni Deacon. Napatango naman ang assistant. "Yes, Boss." Pero hindi pa man nahahawakan ni Henry ang pintuan ng sasakyan ay apat na magkakasunod na pagsabog ang gumulat sa kanila mula sa labas. Kasunod nito ang pag-galaw at pag-gewang ng sasakyan. Pagkatapos ay bigla na lang nahulog at lumapat sa sahig ang mamahalin nitong kotse. "What the hell?!" bulalas ni Deacon. Dahil sa gulat ay mabilis na lumabas ng sasakyan si Deacon. Nanlaki naman ang mga mata nito nang makita na flat na ang lahat ng mga gulong ng mamahalin nitong sasakyan. "Who did this to my car?!" bulalas nito. Napatakbo naman si Nova palapit sa lalaki. "Honey." Hindi naman nito pinansin ang babae bagkus ay napalingon ito sa batang naglalakad na palayo. Malalaki naman ang kanyang mga hakbang na hinabol ang paslit. "W-What? Put me down!" sigaw ni Kyrelle. Hinawakan ni Deacon ang kwelyo at likurang bahagi ng suot na damit ng bata tsaka nito iyon tinaas sa ere. Inikot pa nito ang kamay para maiharap nito sa kanya ang paslit. "Who the f*ck are you? Why did you do that to my car?" matabang na anas ni Deacon. Pero balewala kay Kyrelle ang nakakatakot na aura ni Deacon. Sa halip na takot ang maramdaman nito ay pagkagulat at pagtataka ang namuo sa loob nito. Natigilan ito habang masusing tinititigan ang mukha ng lalaking kaharap. Hindi siya maaaring magkamali. Tila ba ang kaharap niya ay ang grown-up version nilang tatlong magkakapatid. "Where are your parents?" tanong pa ni Deacon. Mula sa makapal nitong kilay, matangos na ilong, malantik at mahabang mga pilikmata, at ang hulma ng buo nitong mukha, ay parehong pareho sa hilatsya ng mukha nilang tatlong magkakapatid. Pero ang sabi ng ina sa kanila ay patay na raw ang kanilang ama. Kaya naman, bakit nakikita niya ang sarili sa lalaking kaharap. "Are you deaf?" anas ni Deacon. "Are you mute? I am asking you about your parents. Where are they?" Napailing naman si Kyrelle. "You may look like my dad, but you don't have any right to do this to me! Put me down." Habang tumatagal ang pagtitig ni Kyrelle sa lalaki ay mas lalong tumitindi ang kanyang kutob na ito ang kanilang ama. Pero ayaw naman niyang maniwala dahil may tiwala siya kay Amaris. Isa pa ay ayaw niyang maging tatay ang isang masungit at mayabang na lalaki. "Where are your parents? Did you know how much my car costs? Do you even have enough money to pay the damage you've caused?" matalas na singhal ni Deacon. Hindi naman pwede na walang managot sa nangyari sa mamahalin niyang sasakyan. Kung hindi niya pwedeng panagutin ang bata ay babawi naman siya sa mga magulang nito. Gusto rin niyang malaman kung anong klaseng magulang ang mayroon ang paslit at lumaki itong walang modo. "Tell me where your parents are. I will talk to them. Or maybe I will take them to jail," pananakot pa ni Deacon. "No. Put me down!" sigaw naman ni Kyrelle. Hindi mapigilan ni Deacon na hindi mamangha sa kinikilos ng bata. Nasanay na kasi siya na nilalayuan at kinatatakutan ng ibang tao at lalo na ng mga bata. Pero ang iba ang paslit na nasa kanyang harapan ngayon. Hindi lang ito natatakot sa kanya bagkus ay lumalaban pa. "Henry, investigate what happened and look for the culprit's parents. They need to pay for my car," utos niya. Tumango naman ang assistant na kanina pa nakatayo sa may tabi niya. "Yes, boss." "Put me down! That ugly and old lady provoked me first!" singhal ni Kyrelle. Mabilis naman na lumapit si Nova. "No. Don't listen to that little guy." "She hurt my brother!" dagdag pa ng bata. Napailing naman ang artista. "No. Bakit naman ako mananakit ng bata? Hindi totoo ang sinasabi ng batang iyan!" "You're not just ugly and old but you are also a big liar!" asik ni Kyrelle. Sumama naman ang tingin ni Nova sa paslit. Hindi na nito kaya pang tanggapin ang paulit-ulit na pagtawag ng bata na panget at matanda sa kanya. "Come on, honey. Drop that kid. Let's get another car," aniya. "Henry, call his parents," anas ni Deacon. "No! My Mommy is busy. You should call my father instead," biglang saad naman ng bata. Napatango naman si Deacon. Mas mabuti pa nga siguro kung ang tatay ng paslit ang makakausap niya dahil ayaw niya na makipag-usap sa nanay nito. Hindi siya komportable sa mga babae. "Okay. Where's your dad?" tanong niya. Napangiti naman sa kanya si Kyrelle. "My dad? He is in the eighteenth level of hell. You must go and find him now." Napaawang naman ang mga labi ni Deacon. Hindi makapaniwala sa narinig mula sa bata. Hinawakan naman ni Nova ang kabilang braso nito. "Just drop that kid. He is cursing you to go to hell! Ano bang klase ng magulang mayroon ka at ganyan ang ugali mo?!" bulalas nito. "This is all your fault, you ugly, old lady!" sigaw ni Kyrelle. "I am only twenty-eight!" sigaw naman ni Nova. "Ohh, akala ko, eighty-eight!" balik naman ng paslit. Hahawakan na sana ni Nova ang bata nang sumipa ito sa ere sabay taas ng mga maliliit na kamay. Then, he successfully slid off his coat. "Sa inyo na ang jacket ko. Ba-bye!" ani nito sabay takbo palayo."Hey, you, ugly, old lady! How dare you hurt my brother!" sigaw ni Kyrelle. Naabutan nito ang babaeng nanakit kay Silas. Akmang lalapit na sa kotse ang artista nang mabilis na tumakbo si Kyrelle upang harangan ito. "At sino ka namang bata ka?!" singhal ni Nova. Dinuro naman ito ng paslit. "Ugly and old lady. Why did you hurt my brother?!" Napanganga naman si Nova nang marinig ang mga salitamg binitiwan ng bata. Hindi nito matanggap na tinawag siya ng paslit na panget at matanda. Pero dahil nasa loob ng kotse ang lalaking matagal na nitong hinahangaan ay pinilit pa rin ni Nova na hindi magalit. Yumuko ito upang kausapin ang bata. "Umalis ka na ngayon din. Kapag hindi ka pa umalis sa harapan ko ay masasaktan ka rin kagaya ng kapatid mo!" Pero sa halip na umalis si Kyrelle ay mas ininis pa nito ang artista. Nilabas nito ang dila at nang-asar pa lalo habang nagawa ng mga nakakainis na ekspresyon sa mukha. "Ikaw, paslit ka!" bulalas naman ni Nova. "Panget ka! Matanda! Masam
Six Years later. Isa-isang bumabalik sa isipan ni Amaris ang mga ala-ala na akala niya ay naibaon na niya sa limot. Nang makababa siya ng tren ay kaagad siyang sinalubong ng mga pamanuring tingin ng mga tao. Sa simpleng puting kamiseta at kupas na pantalon ay litaw na litaw pa rin ang kagandahan nito. At ang mas nakakaagaw pansin pa rito ay ang tatlong batang lalaki na kasama niya. Malulusog ang mga ito, mapuputi at makikinis ang mga balat. At higit sa lahat ay sa kabila ng suot na facemask ng mga ito ay litaw pa rin ang angking kagwapuhan ng mga paslit. Hindi naman na pinansin pa ni Amaris ang mga tingin ng mga tao sa paligid nila. Sa dami nang hirap ang kanyang naranasan ay balewala na lamang sa kanya ang mga mapanuring tingin ng mga ito. Kung sana ay natuloy lamang siya sa pag-a-abroad ay hindi na sana siya babalik pa sa lugar na iyon. Nang magpa-medical kasi siya ay nalaman niyang buntis siya. At dahil hinihingi ng agency ang resulta ng medical ay hindi siya nakalusot. Hindi r
Sabi nga ng iba ay nasa huli ang pagsisisi. Hindi maiwasan ni Amaris na magsisi habang nililigpit at nilalagay isa-isa ang kanyang mga gamit sa mga maleta. Kung sana ay hindi siya pumayag sa arranged marriage na pinipilit sa kanya ng mga magulang niya ay wala sana siya sa sitwasyon na ito ngayon. Sana ay lumaban siya at nangatwiran noong pinasa sa kanya ng kanyang stepsister ang pagpapakasal sa walang pusong si John Leonardo. Bagamat naging maganda ang pakikitungo ng lola ng asawa sa kanya ay balewala ang lahat ng iyon sa nangyayari sa kanya ngayon. Ang lola ng lalaki ay ang matandang niligtas niya noong minsang muntik na itong masagasaan.“Ma'am Maris, nasa labas na po ang sasakyan,” anang mayordoma.Napatango naman siya. “Salamat.”Tinulungan siya ng mga katulong na bitbitin ang kanyang mga gamit papunta sa ibaba. Isa-isa rin nilang sinakay ang mga iyon sa sasakyan kasabay nang pagpasok na rin niya sa loob ng kotse.Maaga pa lamang ay natanggap na niya ang sulat mula kay Attorney Lo
Nahampas ni Deacon ang kanyang lamesa gamit ang sarili niyang kamay dahil sa galit. Kausap nito sa telepono ang mayordoma ng mansion. Kakamustahin lang sana nito ang asawa ngunit hindi niya alam na siya pala ang dapat kumustahin. “Boss, may problema po ba?” nag-aalalang anas ni Miguel na mabilis na pumasok ng opisina nang makarinig ng ingay mula sa loob. “How dare she do that to me? Matapos niyang magpakasasa sa lahat ng yaman at benefits bilang isang Leonardo ay ganito ang gagawin niya?!” galit na anas niya. Napakamot naman sa ulo nito ang assistant. “Hindi ko po kayo maintindihan.” “That f*cking b*tch is cheating behind my back,” singhal niya. “Baka naman po nagkakamali lang kayo. Mukha naman pong disente at mabait si Ma'am Maris. Hindi naman po yata nito magagawa iyon sa inyo,” tugon ni Miguel. “All the maids in the mansion told me the same news. Maris is cheating with another man,” saad naman niya. Napahinga naman ng malalim ang assistant na pinagsasalin na siya ng alak sa
Hindi pa sana babangon si Amaris sa kanyang pagkakahiga sa kama pero dahil sa ingay at komusyon sa labas ng silid niya ay napabangon na siya. Bitbit ang suklay ay dahan-dahan siyang naglakad palapit sa may pintuan. Nilapat niya ang kanyang kanang tainga sa pinto upang pakinggan ang ingay sa labas. “Talaga ba? Akala ko ay disenteng babae si Ma'am Maris, may tinatago palang kasamaan,” anang boses ng babae. “Korek ka dyan! Aba, ano pa ba ang mahihiling niya, ehh halos nasa kanya na lahat, ‘di, ba?” pagsang-ayon naman ng isa pa. Dismayado naman siyang napalayo sa may pintuan nang malaman na siya pala ang pinag-uusapan ng mga ito. Hindi niya alam kung tungkol saan ang bagay na iyon pero tiyak niya na dahil iyon sa itsura niya nang umuwi siya kahapon. Hindi alam ni Amaris kung paano pa siya nakauwi kahapon. Wala siya sa sarili at natauhan na lamang siya nang alugin siya ng mayordoma ng mansion. Tinanong siya nito kung ano ang nangyari at kung nagkita ba raw sila asawa. Hindi naman siy
Malinis ang hallway at walang laman ang elevator nang dumating si Deacon sa Leofield Corporation na pagmamay-ari nito. Kilala siya bilang istrikto, masungit, at matapang na CEO. Pagkababa pa lang nito ng mamahalin nitong sasakyan ay ramdam na kaagad ng lahat ng empleyado ng kompanya na mainit ang ulo nito. Kaya naman, lahat sila ay umiiwas na makasalubong o makita man lang ang kanilang CEO. Malayo ang tanaw ni Deacon habang nakatayo malapit sa bubog na pader ng kanyang opisina. Mula roon ay kitang-kita niya ang buong lungsod sa ibaba. Hawak niya ang isang baso ng alak habang malalim ang iniisip. “Naayos mo na ba ang divorce paper, Miguel?” matabang na anas nito nang bumukas ang pintuan at pumasok ang kanyang assistant. Napatango naman ito sa kanya habang naglalakad palapit bitbit ang isang brown envelope. “Opo, boss.” “Nagawa mo na ba ang pinapagawa ko sayo?” masungit na tanong niya. “Inaalam ko pa po kung sino ang naglagay ng drugs sa inumin nyo. Pina-paimbestigahan ko na po ang







