Share

Ang Tatlong Magkakapatid

Author: RuruLouella
last update publish date: 2026-02-13 15:02:53

Hindi na mapakali si Amaris habang sinusuyod ng tingin ang paligid. Paglabas kasi niya galing banyo ay hindi niya nakita ang anak na si Kyrelle. Mahaba kasi ang pila sa loob ng banyo kaya naman, nagtagal siya roon. Paglabas niya ay sina Nevan at Silas lamang ang nakita.

"Mommy!" anang boses ng anak na papalapit na sa kanila.

Bilang isang nanay ay ang kaligtasan kaagad ng anak ang unang pumapasok sa kanyang isipan. Kaya naman, una niyang inalam kung may masama bang nangyari sa anak. She chec
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Divorced Wife Returns: Four Beautiful Mistakes   Embarassment

    Aalis na sana si Amaria nang bigla na lang may grupo ng mga lalaki na pumasok. Nagtatawanan ang mga ito at pawang mga nakasuot ng suit at puting longsleeve. Nagtataka naman siyang napaatras papunta sa may gilid upang padaanin ang mga ito. "Sorry, we're late," anang lalaki na may mahabang buhok. "Bakit parang wala ka yata sa mood, Dee?" tanong naman ng isang lalaki, ang nag-iisang nakaputing longsleeve. Napahinga naman ng malalim si Amaris at akmang tatalikod na nang maghiyawan ang mga bagong dating na mga lalaki. Kasunod noon ay ang mga pagsipol ng mga ito. "Brother, hindi mo naman sinabi na may maganda kang bisita?" anang lalaking naka-longsleeve. Nasa kanya na ngayon ang buong atensyon ng mga ito at hindi niya alam kung ano ang gagawin. Nakaupo na ang mga ito at matiim na nakatitig sa kanya. "Wala ka pa ring kupas, Dee. Magaling ka pa ring pumili. Bukod sa maganda ay sexy pa," ani naman ng lalaking naka-blue na suit. Napaiwas naman ng tingin si Amaris habang nahihiyang

  • The Divorced Wife Returns: Four Beautiful Mistakes   Coincidence again....

    Habang naghihintay ng mga pagkain ay hindi maiwasan ni Amaris na mag-isip ng kung anu-ano. Nahalata naman iyon ni Nelia na tumayo mula sa inuupuan nito upang tabihan siya. "Anong problema?" tanong nito. Napailing naman siya."Hindi lang maalis sa isip ko ang tungkol sa divorce at sa lalaking pilit na umiiwas sa akin." "John Leonardo, ang pinakamayaman na negosyante dito sa lungsod? Tama ba ako?" anito. Napakibit-balikat naman siya. "Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay disabled sya at John Leonardo ang pangalan." "Kung ang asawa na tinutukoy mo ay ang kilala kong John Leonardo ay tiyak kong siya nga ang pinakamayamang negosyante dito. Matapos siyang pagtangkaang itakwil sa kanilang pamilya, siraan, at kung anu-ano pa, siya pa rin ang nagmana ng lahat ng yaman ng mga Leonardo. Naging usap-usapan ang bagay na iyan dito sa buong lungsod noon," mahabang litanya nito. Napahinga naman siya ng malalim. "Siya nga siguro iyon. Siya nga raw ang bastardo sa pamilya Leonardo sabi nang matandan

  • The Divorced Wife Returns: Four Beautiful Mistakes   Luxury Hotel

    "Are we going home na po ba after eating?" tanong ni Silas. Sasagot na sana si Amaris nang pinigilan siya ni Nelia. Hinawakan nito ang braso niya habang umiiling. "No, babies. Hindi pa tayo tapos. I booked a room sa taas. Susulitin na natin itong pagkakataon na ito," saad nito. Napakunot naman ang noo niya. "Kasama pa rin ba iyon sa event?" "No. It's on me. No worries. Sagot ko lahat," tugon nito. Napailing naman siya. "Nelia, napakamahal ng hotel na ito. Isa pa ay nakakain naman na tayo rito. Okay na kami ng mga bata." "Hayaan mo na akong gawin ito, Amaris. Kailangan kong bumawi sa inyo. Ipaparamdam at ipapaintindi ko sa utak mo na wala kang dapat alalahanin. Kahit ano pa iyang dinadala mong problema, handa akong makinig at tumulong. Gagawin ko ito para sa tuwing magdedesisyon ka na magtago ng anomang bagay sa akin ay makokonsensya ka," mahabang litanya nito. Napahawak naman si Amaris sa noo niya. Marahan niyang hinilot ang kanyang sentido habang napapailing. Pagkatapos

  • The Divorced Wife Returns: Four Beautiful Mistakes   Event

    Sakay ng isang taxi ay nagpunta sila sa Diamond Hotel. Nasa harapan si Nelia samantalang sa likod naman sila nakaupo na mag-iina. Bakas sa mukha ng kanyang mga anak ang pananabik at saya. Kaya naman, hindi na rin maiwasan ni Amaris na mapangiti habang nakatitig sa tatlo. "The event is exclusive and private at the same time," anang Nelia na nakasilip na mula samay passenger seat. "Upang hindi mahiya ang mga bisita na kumain, magpo-provide sila ng mga mask sa may entrance. Isn't it exciting?" Napatawa naman siya. "Napaka-thoughtfull naman nila." "I know, right? So, no worries! Kakainin natin lahat ng pagkain doon. 'Di, ba, kids? Magpapakabusog tayo," anito. "Yes, Ninang!" sabay-sabay na anas ng tatlo. Napailing na lamang siya tsaka siya sumandal at tumanaw sa labas ng bintana. Kailan nga ba ulit noong dumalo siya sa isang event? Hindi na niya maalala. O maaari rin naman na hindi pa siya talaga nakakapunta. Dahil sikreto lang ang arrage marriage nila ng asawa ay wala ni-isa siy

  • The Divorced Wife Returns: Four Beautiful Mistakes   Cute or Handsome?

    Simula nang ipakilala ni Amaris ang mga anak sa matalik na kaibigan ay halos hindi na ito umuwi. Araw-araw na rin itong pumupunta sa kanila upang dalawin ang mga bata at pasalubungan ng kung anu-ano."Nelia, baka naman masanay ang mga bata dahil diyan sa mga binibili at pasalubong mo," saway niya rito.Napanguso naman ito sa kanya. "No. Wala pa nga ito sa kalahati, ehh. I need to bawi sa kanila sa mga panahong di ko sila nakita at nakasama. Who's fault is that? Sa iyo so, hayaan mo na lang ako.""Nelly," sambit niya.Pero hindi na siya pinansin pa ng kaibigan bagkus ay masaya na itong nakikipagkulitan sa kanyang tatlong mga anak. Napahinga na lamang siya ng malalim tsaka siya naupo sa may silya at inabala ang sarili sa kanyang cellphone.Dahil hindi sinasagot ng mayordoma ang mga tawag niya ay sa text messages naman siya bumawi. Halos oras-oras siyang nagpapadala ng mensahe upang ipaalala rito ang tungkol sa divorce. Pero kahit isa ay wala siyang natanggap na reply."So, how's the div

  • The Divorced Wife Returns: Four Beautiful Mistakes   Friendship Never Ends

    Gustong maiyak ni Amaris nang muling makita ang matalik niyang kaibigan na si Nelia. Palagi silang magkasama at nagtutulungan noon hanggang sa magkalayo sila nang magkaroon siya ng problema. "Nelia," sambit niya. Mataray naman na naupo ang isang babae sa katapat niyang upuan. Makalipas ng anim na taon ay ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob upang kontakin ang kaibigan. Kaya naman, naiintindihan niya kung galit ito sa kanya. "I-I'm sorry," pabulong na anas niya. Napatikhim naman ang babae. "Alam kong may matindi kang rason kaya mo nagawa ang mga bagay na iyon, Amaris. Pero sana naman ay nagparamdam ka kahit simpleng text o tawag man lang kahit once a month." "Sorry. Ipapaliwanag ko sayo lahat. Pakinggan mo sana ako," anas niya. Napatango naman si Nelia. "Aba, dapat lang! Hindi tayo tatayo at aalis sa cafe na ito hangga't hindi mo nasasabi sa akin ang lahat." "O-Okay. Sorry ulit, Nelia," tugon niya. Nilagay ng kaibigan ang mga kamay at braso nito sa may dibdib nit

  • The Divorced Wife Returns: Four Beautiful Mistakes   Ang Muling Pagbabalik

    Six Years later. Isa-isang bumabalik sa isipan ni Amaris ang mga ala-ala na akala niya ay naibaon na niya sa limot. Nang makababa siya ng tren ay kaagad siyang sinalubong ng mga pamanuring tingin ng mga tao. Sa simpleng puting kamiseta at kupas na pantalon ay litaw na litaw pa rin ang kagandahan

  • The Divorced Wife Returns: Four Beautiful Mistakes   Ang Pagpapalayas

    Sabi nga ng iba ay nasa huli ang pagsisisi. Hindi maiwasan ni Amaris na magsisi habang nililigpit at nilalagay isa-isa ang kanyang mga gamit sa mga maleta. Kung sana ay hindi siya pumayag sa arranged marriage na pinipilit sa kanya ng mga magulang niya ay wala sana siya sa sitwasyon na ito ngayon. S

  • The Divorced Wife Returns: Four Beautiful Mistakes   Cheating

    Nahampas ni Deacon ang kanyang lamesa gamit ang sarili niyang kamay dahil sa galit. Kausap nito sa telepono ang mayordoma ng mansion. Kakamustahin lang sana nito ang asawa ngunit hindi niya alam na siya pala ang dapat kumustahin. “Boss, may problema po ba?” nag-aalalang anas ni Henry na mabilis na

  • The Divorced Wife Returns: Four Beautiful Mistakes   Divorce Paper

    Hindi pa sana babangon si Amaris sa kanyang pagkakahiga sa kama pero dahil sa ingay at komusyon sa labas ng silid niya ay napabangon na siya. Bitbit ang suklay ay dahan-dahan siyang naglakad palapit sa may pintuan. Nilapat niya ang kanyang kanang tainga sa pinto upang pakinggan ang ingay sa labas.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status