LOGINAlam na alam ng isip niya kung ano ang dapat niyang gawin. Pero hindi niya kayang utusan ang puso niyang tumigil sa pagsakit. Sobrang sakit na halos hindi na siya makahinga.
Ganito pala kasakit ang pakiramdam na kailangan mong bitawan ang taong mahal mo pa.
Ang sakit-sakit.
Nang gabing iyon, hindi pa rin umuwi si Larey.
Sa sumunod na tatlong araw, nanatili si Portia sa ospital para alagaan ang kanyang ina.
Sa buong panahong iyon, ni isang tawag o mensahe man lang ay hindi siya nakatanggap mula kay Larey.
Nang maging maayos na ang kalagayan ng kanyang ina, sinabihan siya ng kanyang ama na umuwi muna at magpahinga.
Nang maka-uwi siya, gabi na nang marinig ni Portia ang mahinang pagbukas ng p***o ng kanilang kuwarto.
Ilang sandali lang, narinig niya ang pagbuhos ng tubig mula sa banyo.
Makalipas ang ilang sandali, naramdaman niyang lumubog ang kutson sa kanyang tabi. Kasabay nito, naamoy niya ang preskong amoy ng panligo ng lalaki, na unti-unting nagbalik sa kanyang ulirat.
Bago pa siya makapag-react, nasa mga bisig na siya ni Larey.
Matapos ang mahigit isang buwan, sa wakas ay nagpasya na rin itong umuwi.
Siguradong naging masaya sila sa mga panahong iyon.
Nang mapansin ni Larey na naninigas ang katawan ni Portia, alam niya agad na hindi pa ito natutulog.
Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa baywang nito, saka siya marahang hinarap sa kanya.
Isang halik na puno ng pagnanasa ang dumapo sa sensitibong bahagi ng kanyang leeg. Sa ilalim ng kumot, marahang hinila ng kamay ni Larey ang strap ng kanyang pantulog pababa sa balikat.
Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, sa kama lamang niya ipinapakita kay Portia ang ganitong lambing at pagnanasa.
Sa tuwing nakikita niyang nawawala sa sarili si Larey kapag kasama siya, nagkakamali siyang isipin na mahal din siya nito.
Dahil sa likas na pag-iwas, agad niyang hinawakan ang malaking kamay ng lalaki na gumagala sa kanyang katawan.
At sa unang pagkakataon, sinabi niya rito nang buong tapang, “Huwag.”
Akala ni Larey, naaakit lang si Portia dahil sa paos nitong boses mula sa pag-iyak, kaya lalo pa niyang hinalikan ito nang walang pagpipigil.
Alam na alam ni Larey kung paano tumutugon ang katawan ni Portia, kaya sinadya niya itong tuksuhin. At sa pagkakataong iyon, hindi talaga kayang labanan ni Portia ang mga ginagawa niya.
Nang muntik nang tuluyang sumuko si Portia, biglang sumagi sa isip niya ang mga magaganda at romantikong alaala, mga dalampasigan, yate, paputok, mga rosas.
Pero kasabay ng mga iyon, nakita niya ang kamay ng kanyang asawa na may suot na singsing sa kasal, mahigpit na nakapulupot sa baywang ng ibang babae.
Ang mga sandaling iyon ay napuno ng pagmamahal.
Gayunpaman, bigla siyang nakaramdam ng matinding pagkahilo at pagduduwal. Itinulak ni Portia si Larey palayo at yumuko sa gilid ng kama, pilit na sumusuka kahit wala namang lumalabas.
Bumukas ang ilaw, at agad na nawala ang malabong tensiyon na bumabalot sa silid.
Bumaba si Larey mula sa kama at marahang hinaplos ang likod ni Portia.
“Masama ba ang pakiramdam mo?” marahang tanong niya.
Itinulak ni Portia si Larey palayo, saka bumangon sa kama at dumiretso sa banyo.
Wala naman siyang sakit, bigla lang talaga siyang nakaramdam ng pagkahilo at pagsuka.
Bahagyang kumunot ang noo ni Larey habang nakatingin sa papalayong likuran ni Portia. Maya-maya, bumaba siya para kumuha ng tubig para rito.
Hindi man lang nito napansin ang pamamaga ng mga mata ni Portia, ang pamamaos ng kanyang boses, o ang pilay niyang bukung-bukong.
Makalipas ang ilang minuto, bumalik si Larey sa kuwarto. Kakagaling lang ni Portia sa banyo at naghahanda na siyang matulog.
Iniabot ni Larey kay Portia ang isang baso ng tubig.
“Bukas, magpapa-reserve ako ng restaurant. Babawi tayo sa anibersaryo natin.” sabi nito.
Wala man lang paliwanag o pagsisisi sa tono niya. Para bang basta na lang niya itong ipinapaalam sa kanya.
Hindi pinansin ni Portia ang baso ng tubig na iniabot sa kanya ng lalaki. Humiga na lang siya sa kama at sinabi, “Hindi na kailangan.”
Naalala pa pala nito na ngayon ang ikatlong anibersaryo ng kasal nila.
Pero kahit naaalala nito ang araw na iyon, pinili parin nito na magpa-reserba sa isang buong dalampasigan at doon nagpalipas ng buong gabi kasama ang una nitong minahal at nang anak nila, habang masayang nagpapaputok.
Mula nang pakasalan niya si Larey, siya na mismo ang nag-aasikaso sa lahat ng pang-araw-araw nitong pangangailangan. Hindi niya kailanman hinayaang gumawa ito ng anumang gawaing bahay.
Pero para doon sa mag-ina, buong-puso pa nitong ibinaba ang sarili at siya pa mismo ang gumawa ng sweet cake para sa kanilang mag-ina.
Niloko na siya nito, at may limang taong gulang pa itong anak sa unang babaeng minahal niya. Pero nagagawa pa rin ni Larey na umasta na parang walang nangyari at gusto pa rin siyang makasama nang ganoon ka-intimo.
Nagagawa pa rin nitong tumayo sa harap niya nang may buong kumpiyansa at magsalita na para bang walang anumang bigat ang mga sinabi nito.
Sa unang pagkakataon, napagtanto ni Portia kung gaano pala kaplastikan ang asawa na minahal niya sa loob ng maraming taon.
Pareho silang natahimik, at lalo lamang bumigat ang tensiyon sa pagitan nila.
Sa sandaling iyon, biglang umilaw ang screen ng cellphone ni Larey.
Napakalaki talaga ng pagkakaiba kapag mahal ka ng isang tao at kapag hindi.Kumagat si Portia sa matcha truffle.Pagkapasok pa lamang nito sa kanyang bibig, agad niyang nalasahan ang mapait na lasa. Hindi iyon masarap, sa halip, halos hindi niya kayang sikmurain.Kumunot ang kanyang noo, ngunit pinilit pa rin niyang lunukin iyon.Katulad ng nararamdaman niya sa sandaling iyon, puno ng kapaitan, ngunit wala siyang mapaglagyan at mapagsabihan ng lahat ng sakit na kinikimkim niya.Wala na siyang ganang magsalita. Para bang wax na lamang ang lasa ng pagkaing nasa kanyang bibig, walang lasa at walang anumang sarap.Gaya ng dati, hindi mahilig magsalita si Larey habang kumakain. Maayos at elegante ang bawat kilos niya, tila walang anumang nakagugulo sa kanyang katahimikan.Tuluyan nang nanahimik ang dalawa. Paminsan-minsan, tanging kalansing ng mga kubyertos ang maririnig sa pagitan nila, lalo lamang pinaiigting ang mabigat na katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa.Hindi maipaliwanag
Alas-siyete na ng gabi, dumating si Portia sa restawran.Inalalayan siya ni Larey na umupo sa upuan.Naupo si Portia, at tahimik na pinanood si Larey habang abala sa pag-oorder ng pagkain.Nakasuot siya ng itim na pormal na kasuotan ngayon, na kapares ng itim na kamisadento, ngunit hindi ito mukhang malungkot. Sa halip, lalo nitong pinatingkad ang kanyang marangal at tahimik na pagkatao.Si Larey ay pinalaki ng pamilya Deluna mula pagkabata bilang kanilang tagapagmana. Maganda ang kanyang pinagmulan, mataas ang pinag-aralan, marunong ng sining ng pakikipaglaban, napakatalino at magalang.Dalawampu't limang taon na niyang kilala si Larey, at kailanma’y hindi niya pa ito narinig na magmura o magalit.Kahit sa mga serbidor, napakabait at magalang pa rin siya.Parang lahat ay nasa ilalim ng kanyang kontrol.Napakahusay nga naman ng lalaki.Ang ganito kahanga-hangang lalaki ay nagpakasal sa babaeng hindi naman niya mahal.Ang diborsyo ay hindi maiiwasan.Habang naghihintay ng pagkain, kinu
Mabilis siyang nag-ayos ng sarili at bumalik sa kwarto ng ospital.Agad namang napansin ni Meriam ang kakaibang ikinikilos ng kanyang anak. Kaya nakapag-pasya muna siyang pauwiin ang kanyang asawa bago lumapit kay Portia.Nang lumapit si Meriam mahina siyang nagtanong, "Anak, nag-away ba kayo ni Larey?"Yumuko si Portia at umiling nang may pagsisisi, "Mom, ayos lang naman kami."Pagkatapos magsalita ni Portia, nagulat siya nang sabay na pumasok sa kwarto ang kanyang ama kasama si Larey.Nang makita ni Meriam si Larey napangiti siya at sinabi, "Larey, ang dami mong ginagawa sa trabaho, hindi ka na dapat nag-abalang pumunta pa rito."Ibinaba ni Larey ang mga bitbit niyang gamot at bitamina, "Ahh, nga pala ma, nakahanap na ako ng isa sa pinakamagaling na doktor sa puso para sa inyo. Magpapakumpleto rin tayo ng inyong buong kalusugan bago kayo umuwi mula sa ospital.” sagot niya.Tiningnan ni Pablo ang kanyang manugang na may halong paghanga: "Napakabait talaga ni Larey ou. Sobrang malaki
“Bakit parang ang pangit ng itsura niya?”Sumulyap si Larey sa natanggap na mensahe, saka tumingin kay Portia.Nang makitang wala itong balak sumagot, mabilis siyang nag-reply sa mensahe bago tuluyang pinatay ang screen ng kanyang cellphone.Halatang wala sa sarili si Larey.“Matulog ka na.” sabi niya. Pero hindi makatulog si Portia. Sa tuwing ipinipikit niya ang kanyang mga mata, iyon at iyon pa rin ang nakikita niya sa isip, ang masayang larawan ni Larey na karga ang anak niya sa isang braso, habang ang kabilang braso naman ay nakayakap sa babaeng pinakamamahal niya.Para bang sinasabi ng galit niya sa kanya na kunin agad ang cellphone ni Larey, tingnan ang lahat ng laman nito, at komprontahin siya.Pero pinapaalala naman ng isip niya na kakapa-opera lang sa puso ng kanyang ina at nasa ospital pa rin ito. Hindi pa siya puwedeng makipagdiborsiyo sa ngayon.Alas-tres ng madaling-araw, muling umilaw ang screen ng cellphone ni Larey.Makalipas ang mahigit sampung minuto, umalis si Lare
Alam na alam ng isip niya kung ano ang dapat niyang gawin. Pero hindi niya kayang utusan ang puso niyang tumigil sa pagsakit. Sobrang sakit na halos hindi na siya makahinga.Ganito pala kasakit ang pakiramdam na kailangan mong bitawan ang taong mahal mo pa.Ang sakit-sakit.Nang gabing iyon, hindi pa rin umuwi si Larey.Sa sumunod na tatlong araw, nanatili si Portia sa ospital para alagaan ang kanyang ina.Sa buong panahong iyon, ni isang tawag o mensahe man lang ay hindi siya nakatanggap mula kay Larey.Nang maging maayos na ang kalagayan ng kanyang ina, sinabihan siya ng kanyang ama na umuwi muna at magpahinga.Nang maka-uwi siya, gabi na nang marinig ni Portia ang mahinang pagbukas ng pinto ng kanilang kuwarto.Ilang sandali lang, narinig niya ang pagbuhos ng tubig mula sa banyo.Makalipas ang ilang sandali, naramdaman niyang lumubog ang kutson sa kanyang tabi. Kasabay nito, naamoy niya ang preskong amoy ng panligo ng lalaki, na unti-unting nagbalik sa kanyang ulirat.Bago pa siya
Anim na taon na ang nakalipas mula nang tuluyang maghiwalay si Larey, Deluna at nang kanyang unang kasintahan.Ngunit ngayon, bigla itong nagbalik sa lungsod ng Saint. Jude nang hindi nag-iisa. Kasama nito ang isang limang taong gulang na batang lalaki na sinasabing anak nila.Mula nang malaman ni Larey ang pagbalik nito, tila nagbago ang lahat. Ginamit niya ang isang business trip bilang dahilan upang hindi umuwi, at isang buwan na siyang wala sa kanilang tahanan.Ngunit ngayong araw, ay ang Ikatatlong anibersaryo ng kanilang kasal ni Portia.Naghanda siya ng candlelight dinner at isang regalo para sa kanyang asawa, saka siya nagpadala rito ng mensahe.Pagsapit ng alas-nuwebe ng gabi, hindi pa rin umuuwi si Larey. Sa halip, tumawag sa kanya ang kanyang hipag na si Maritha, Deluna.Ipinaalala sa kanya na tingnan ang mensaheng ipinadala nito.Nang ibaba ni Portia ang tawag, agad niyang binuksan ang mensahe ni Maritha.Isang tingin pa lang niya sa mensahe, agad na nanigas ang ngiti sa k
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






