LOGINMabilis siyang nag-ayos ng sarili at bumalik sa kwarto ng ospital.
Agad namang napansin ni Meriam ang kakaibang ikinikilos ng kanyang anak. Kaya nakapag-pasya muna siyang pauwiin ang kanyang asawa bago lumapit kay Portia.
Nang lumapit si Meriam mahina siyang nagtanong, "Anak, nag-away ba kayo ni Larey?"
Yumuko si Portia at umiling nang may pagsisisi, "Mom, ayos lang naman kami."
Pagkatapos magsalita ni Portia, nagulat siya nang sabay na pumasok sa kwarto ang kanyang ama kasama si Larey.
Nang makita ni Meriam si Larey napangiti siya at sinabi, "Larey, ang dami mong ginagawa sa trabaho, hindi ka na dapat nag-abalang pumunta pa rito."
Ibinaba ni Larey ang mga bitbit niyang gamot at bitamina, "Ahh, nga pala ma, nakahanap na ako ng isa sa pinakamagaling na doktor sa puso para sa inyo. Magpapakumpleto rin tayo ng inyong buong kalusugan bago kayo umuwi mula sa ospital.” sagot niya.
Tiningnan ni Pablo ang kanyang manugang na may halong paghanga: "Napakabait talaga ni Larey ou. Sobrang malaki ang pasasalamat namin sa'yo sa loob ng maraming taon."
Lumapit si Larey sa kama, at nahulog ang kanyang tingin sa mga mata ni Portia na halatang namumula at namamaga, "Pa, pamilya naman po tayo. Huwag na po kayong maging masyadong magalang sa akin.”
Tumayo si Portia para bigyan siya ng puwang, ngunit pinaupo siya nito sa gilid ng kama. "Ayos lang naman kahit nakatayo lang."
Naupo si Portia sa gilid ng kama, habang pinapanood sina Larey at ang kanyang mga magulang na masayang nagkukuwentuhan, hanggang sa hindi na niya nakayanan at tumingin na lang sa ibang direksyon.
Tatlong taon na ang nakalilipas, nalugi ang pamilyang Novales at nagkaroon ng napakalaking utang.
Sa kabila ng matinding panggigipit mula sa labas, hindi lamang tinulungan ni Larey ang pamilya niya na bayaran ang lahat ng utang at alagaan ang kanyang mga magulang, kundi pinag-aral din nito ang kanyang nakababatang kapatid sa prestihiyosong paaralan, at tinupad ang kanilang kasunduan sa pamamagitan ng pagpapakasal sa kanya.
Noon, inakala niyang walang muwang na may pagtingin din sa kanya si Larey.
Ngunit matapos silang ikasal, hindi sinasadyang narinig niya ang pakikipag-usap nito sa kanyang ama at doon lamang niya naintindihan na pinili siya ni Larey matapos timbangin ang lahat ng pakinabang at kawalan.
Sinabi ni Larey sa kanyang ama na sa negosyo, ang katapatan at mabuting pag-uugali ang laging nauuna.
Sabi niya, dahil masama ang kalagayan ng pamilyang Novales ngayon, makakakuha siya ng parehong dangal at kapakinabangan kung tutulungan niya sila.
Napakatalas daw ng paningin niya.
Matapos siyang pakasalan, ang kanyang mabuting reputasyon ang naging pinakamagandang patalastas para sa pamilyang Novales.
Doon lamang niya napagtanto na hindi pa rin makalaya si Larey sa alaala ng babaeng minamahal niya noon.
Pinakasalan lang siya bilang pangalawang pagpipilian, dahil lamang sa kinakailangan, at bilang isang pagsuko.
Kaya nang makabalik ang minamahal niya sa bansa, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at muling sinimulan ang kanilang relasyon.
Tuwang-tuwa siya nang magkaroon sila ng anak na lalaki, at tuluyan nang nakalimot na may asawa na pala siyang naghihintay sa kanya sa bahay.
Sobrang putla at pangit na ng itsura ni Portia.
Nakaramdam ng awa si Pablo sa kanyang anak, kaya pinauwi niya muna si Larey para makapag-pahinga narin ito.
Lumabas silang dalawa ng kwarto, ngunit walang ni isa ang nagsasalita sa kanila.
Naglakad sila nang tahimik patungo sa elevator, nang bigla siyang pigilan ng lalaki, "Bakit ang putla-putla mo? Hindi ka ba nakatulog kagabi?"
Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa labi ni Portia.
Nakipagsama siya sa kanyang minamahal at sa kanilang anak, habang nakakalimutan ang kanilang ikatlong anibersaryo ng kasal.
Mukhang masama ang kanyang pakiramdam, at akala niya ay hindi lang ito nakatulog nang maayos.
Lumalabas na kung mahal ka ba ng isang tao o hindi, makikita na sa maliliit na bagay.
Nagpapakumbaba lang siya sa sarili niya.
Mahinahong binawi ni Portia ang kanyang kamay: "Magtrabaho ka na lang. Maglilibang-libang lang ako saglit, gusto kong magpag-isa." aniya.
Bumukas ang p***o ng elevator, ngunit tumungo si Portia sa kabilang elevator. Hinawakan ni Larey ang braso niya at hinila siya papasok: "Nagpa-reserba ako sa paborito mong restawran para sa hapunan.” mariing sabi nito.
Tumango lang si Portia bilang tugon, ngunit bakas parin sa kanyang mga mata ang kawalan ng gana.
Sunod-sunod na pumasok ang mga tao sa elevator, kaya hinila siya ni Larey palapit sa kanya.
Tinitigan niya ang tahimik na babae sa kanyang bisig, at hindi mapigilang makunot ang kanyang noo.
Mula nang makilala niya si Portia ang babaeng ito ay laging masigla at mapilit na lumalapit sa kanya.
Tuwing nakikita siya, iba't ibang paraan ang ginagawa niya para mapalapit, at hindi tumitigil sa pagtawag sa kanya ng "Larey."
Ngunit ngayon, tahimik na siya, parang manikang inalisan ng kaluluwa.
Paglabas nila ng elevator, tinanggihan ni Portia ang alok ni Larey na ihatid siya.
Nang maghiwalay sila, pumunta siya sa isang tanggapan ng abogado.
Sa halagang dalawang daang piso bawat oras, gumawa siya ng kasunduan ng diborsyo.
Napakalaki talaga ng pagkakaiba kapag mahal ka ng isang tao at kapag hindi.Kumagat si Portia sa matcha truffle.Pagkapasok pa lamang nito sa kanyang bibig, agad niyang nalasahan ang mapait na lasa. Hindi iyon masarap, sa halip, halos hindi niya kayang sikmurain.Kumunot ang kanyang noo, ngunit pinilit pa rin niyang lunukin iyon.Katulad ng nararamdaman niya sa sandaling iyon, puno ng kapaitan, ngunit wala siyang mapaglagyan at mapagsabihan ng lahat ng sakit na kinikimkim niya.Wala na siyang ganang magsalita. Para bang wax na lamang ang lasa ng pagkaing nasa kanyang bibig, walang lasa at walang anumang sarap.Gaya ng dati, hindi mahilig magsalita si Larey habang kumakain. Maayos at elegante ang bawat kilos niya, tila walang anumang nakagugulo sa kanyang katahimikan.Tuluyan nang nanahimik ang dalawa. Paminsan-minsan, tanging kalansing ng mga kubyertos ang maririnig sa pagitan nila, lalo lamang pinaiigting ang mabigat na katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa.Hindi maipaliwanag
Alas-siyete na ng gabi, dumating si Portia sa restawran.Inalalayan siya ni Larey na umupo sa upuan.Naupo si Portia, at tahimik na pinanood si Larey habang abala sa pag-oorder ng pagkain.Nakasuot siya ng itim na pormal na kasuotan ngayon, na kapares ng itim na kamisadento, ngunit hindi ito mukhang malungkot. Sa halip, lalo nitong pinatingkad ang kanyang marangal at tahimik na pagkatao.Si Larey ay pinalaki ng pamilya Deluna mula pagkabata bilang kanilang tagapagmana. Maganda ang kanyang pinagmulan, mataas ang pinag-aralan, marunong ng sining ng pakikipaglaban, napakatalino at magalang.Dalawampu't limang taon na niyang kilala si Larey, at kailanma’y hindi niya pa ito narinig na magmura o magalit.Kahit sa mga serbidor, napakabait at magalang pa rin siya.Parang lahat ay nasa ilalim ng kanyang kontrol.Napakahusay nga naman ng lalaki.Ang ganito kahanga-hangang lalaki ay nagpakasal sa babaeng hindi naman niya mahal.Ang diborsyo ay hindi maiiwasan.Habang naghihintay ng pagkain, kinu
Mabilis siyang nag-ayos ng sarili at bumalik sa kwarto ng ospital.Agad namang napansin ni Meriam ang kakaibang ikinikilos ng kanyang anak. Kaya nakapag-pasya muna siyang pauwiin ang kanyang asawa bago lumapit kay Portia.Nang lumapit si Meriam mahina siyang nagtanong, "Anak, nag-away ba kayo ni Larey?"Yumuko si Portia at umiling nang may pagsisisi, "Mom, ayos lang naman kami."Pagkatapos magsalita ni Portia, nagulat siya nang sabay na pumasok sa kwarto ang kanyang ama kasama si Larey.Nang makita ni Meriam si Larey napangiti siya at sinabi, "Larey, ang dami mong ginagawa sa trabaho, hindi ka na dapat nag-abalang pumunta pa rito."Ibinaba ni Larey ang mga bitbit niyang gamot at bitamina, "Ahh, nga pala ma, nakahanap na ako ng isa sa pinakamagaling na doktor sa puso para sa inyo. Magpapakumpleto rin tayo ng inyong buong kalusugan bago kayo umuwi mula sa ospital.” sagot niya.Tiningnan ni Pablo ang kanyang manugang na may halong paghanga: "Napakabait talaga ni Larey ou. Sobrang malaki
“Bakit parang ang pangit ng itsura niya?”Sumulyap si Larey sa natanggap na mensahe, saka tumingin kay Portia.Nang makitang wala itong balak sumagot, mabilis siyang nag-reply sa mensahe bago tuluyang pinatay ang screen ng kanyang cellphone.Halatang wala sa sarili si Larey.“Matulog ka na.” sabi niya. Pero hindi makatulog si Portia. Sa tuwing ipinipikit niya ang kanyang mga mata, iyon at iyon pa rin ang nakikita niya sa isip, ang masayang larawan ni Larey na karga ang anak niya sa isang braso, habang ang kabilang braso naman ay nakayakap sa babaeng pinakamamahal niya.Para bang sinasabi ng galit niya sa kanya na kunin agad ang cellphone ni Larey, tingnan ang lahat ng laman nito, at komprontahin siya.Pero pinapaalala naman ng isip niya na kakapa-opera lang sa puso ng kanyang ina at nasa ospital pa rin ito. Hindi pa siya puwedeng makipagdiborsiyo sa ngayon.Alas-tres ng madaling-araw, muling umilaw ang screen ng cellphone ni Larey.Makalipas ang mahigit sampung minuto, umalis si Lare
Alam na alam ng isip niya kung ano ang dapat niyang gawin. Pero hindi niya kayang utusan ang puso niyang tumigil sa pagsakit. Sobrang sakit na halos hindi na siya makahinga.Ganito pala kasakit ang pakiramdam na kailangan mong bitawan ang taong mahal mo pa.Ang sakit-sakit.Nang gabing iyon, hindi pa rin umuwi si Larey.Sa sumunod na tatlong araw, nanatili si Portia sa ospital para alagaan ang kanyang ina.Sa buong panahong iyon, ni isang tawag o mensahe man lang ay hindi siya nakatanggap mula kay Larey.Nang maging maayos na ang kalagayan ng kanyang ina, sinabihan siya ng kanyang ama na umuwi muna at magpahinga.Nang maka-uwi siya, gabi na nang marinig ni Portia ang mahinang pagbukas ng pinto ng kanilang kuwarto.Ilang sandali lang, narinig niya ang pagbuhos ng tubig mula sa banyo.Makalipas ang ilang sandali, naramdaman niyang lumubog ang kutson sa kanyang tabi. Kasabay nito, naamoy niya ang preskong amoy ng panligo ng lalaki, na unti-unting nagbalik sa kanyang ulirat.Bago pa siya
Anim na taon na ang nakalipas mula nang tuluyang maghiwalay si Larey, Deluna at nang kanyang unang kasintahan.Ngunit ngayon, bigla itong nagbalik sa lungsod ng Saint. Jude nang hindi nag-iisa. Kasama nito ang isang limang taong gulang na batang lalaki na sinasabing anak nila.Mula nang malaman ni Larey ang pagbalik nito, tila nagbago ang lahat. Ginamit niya ang isang business trip bilang dahilan upang hindi umuwi, at isang buwan na siyang wala sa kanilang tahanan.Ngunit ngayong araw, ay ang Ikatatlong anibersaryo ng kanilang kasal ni Portia.Naghanda siya ng candlelight dinner at isang regalo para sa kanyang asawa, saka siya nagpadala rito ng mensahe.Pagsapit ng alas-nuwebe ng gabi, hindi pa rin umuuwi si Larey. Sa halip, tumawag sa kanya ang kanyang hipag na si Maritha, Deluna.Ipinaalala sa kanya na tingnan ang mensaheng ipinadala nito.Nang ibaba ni Portia ang tawag, agad niyang binuksan ang mensahe ni Maritha.Isang tingin pa lang niya sa mensahe, agad na nanigas ang ngiti sa k







