Teilen

CHAPTER 4

last update Veröffentlichungsdatum: 12.11.2026 09:27:15

THIRD PERSON POV

5:00 A.M.

Tahimik pa ang buong paligid nang huminto ang itim na luxury car sa harap ng Lantojah Medical Center. Bumaba mula roon si Dr. Ysander Vierell Lantojah, suot ang kaniyang perfectly tailored black suit, puting polo, at mamahaling wristwatch. Sobrang aga maging ang mga security guards na nakatalaga sa entrance ay napatingin sa kaniya.

"Good morning, Doctor!"

"Morning." Maikli niyang sagot bago tuluyang pumasok sa building. Pagdating niya sa lobby, halos mapahinto ang isang nurse na kasalukuyang nag-aayos ng mga documents.

"Doctor Lantojah?"

Tumingin siya.

"Yes?"

"Good morning po, Sir."

"Morning." Nang makaalis ang doktor, agad na lumingon ang nurse sa kasamahan nito.

"Girl!"

"What?"

"Five in the morning!"

"So?"

"So, si Doctor Ysander! Five A.M.!"

"Alam ko."

"May nangyari ba? May emergency? May apocalypse?" Napailing ang kasama niya.

"Malay ko sa'yo. Baka hindi nakatulog."

"Impossible! Hindi natutulog ang taong 'yon. Nagpapalit lang siguro ng battery!" Samantala, dire-diretsong naglakad si Ysander patungo sa kaniyang private office.

Pagpasok niya ay agad niyang inilapag ang briefcase sa mesa at binuksan ang laptop. He had a scheduled consultation at seven in the morning. Pero sa halip na dumating sa oras na iyon, alas-singko pa lang ay nasa ospital na siya.

Why?

Hindi rin niya alam well, technically, alam niya. Gusto lamang niyang masigurong maayos ang magiging takbo ng araw niya at wala nang iba.

"Ridiculous," bulong niya sa sarili habang binubuksan ang medical records.

Makalipas ang ilang minuto, isa-isang dumating ang mga doktor at nurses. At halos lahat sila ay may iisang tanong bakit napakaaga ni Doctor Ysander?

"Good morning, Sir."

"Morning."

"You're early today, Doctor."

"I know."

"Is there an emergency?"

"No."

"Special meeting?"

"No."

"Then—"

"Do you have work to do, Doctor?" Agad na napayuko ang lalaking nagtatanong.

"Yes, Sir."

"Then do it." Napailing ang ibang staff wala talaga silang mapapala sa lalaking iyon.

6:08 A.M.

Mabilis na naglakad si Vraile Kisses De Santos papasok sa Lantojah Medical Center. Suot niya ang malinis na intern uniform, maayos ang buhok, at nakasabit sa leeg ang kaniyang identification card.

"Good morning, beautiful people!" Masayang bati niya sa mga staff na nadaanan.

"Good morning, Vraile!"

"Good morning, Ate Bianca!"

"Uy! Maaga ka ngayon ah!" bati ni Bianca nang makita siya.

"Of course! Responsible citizen po tayo."

"Talaga? Akala ko may special reason."

"Wala. Gusto ko lang mabuhay nang matagal." Natawa si Bianca.

"Come on. Let's go to the department."

"Wait lang, Girl. Mag-aayos lang ako ng gamit." Ngunit bago pa man siya makalakad patungo sa corridor, biglang tumunog ang kaniyang cellphone may bagong message.

From: Dr. Ysander Lantojah.

Report to my office. NOW, nanlaki ang mga mata niya.

"Girl."

"What?"

"May summon ako."

"From whom?" Vraile slowly turned her phone toward Bianca napatakip agad ito sa bibig.

"OH MY GOD!"

"Girl, hinaan mo! Baka marinig ng may-ari ng freezer!"

"Good luck!"

"Pray for me." Mabilis na naglakad si Vraile patungo sa private office ng kaniyang supervising physician kumatok siya nang tatlong beses.

"Come in." Pagbukas niya ng p***o ay nakita niyang nakaupo si Ysander sa likod ng malaking office desk nito. Nakatutok ang mga mata sa laptop habang may hawak na pen.

"Good morning, Doctor!" Hindi man lamang siya nilingon nito.

"You're late again, Miss De Santos." Napakurap si Vraile. Ha? Agad siyang tumingin sa kaniyang wristwatch. 6:08 A.M, muli siyang tumingin sa doktor.

"Doctor?"

"What?"

"Six-oh-eight pa lang po."

"I can see the time."

"Then why are you saying I'm late?" Dahan-dahang ibinaba ni Ysander ang hawak na pen.

"Your report time is six-thirty."

"Exactly! May twenty-two minutes pa po ako!"

"You're supposed to be here before your assigned time." Napanganga ang dalaga.

"Doctor, may time travel po ba dito sa hospital? Kasi kung meron, paki-enroll naman po ako. Para makabalik ako sa bahay bago mag-six!" Hindi umimik si Ysander.

"Miss De Santos, this is a hospital, not a comedy club."

"Yes, Doctor. Pero bakit parang ako lang po ang audience sa joke n'yo?"Tumaas ang isang kilay ng lalaki.

"Excuse me?"

"Wala po!" Huminga nang malalim si Ysander.

"Since you're early, you can review these patient records." Inabot niya ang isang makapal na folder. Napatingin si Vraile sa folder, pagkatapos ay sa doktor.

"All of these, Sir?"

"Do you see anyone else in this room?" Napalingon siya sa paligid.

"Actually, Doctor, may tatlong upuan po rito. Baka gusto n'yo pong tawagin ang mga upuan para may katulong ako."

"Miss De Santos."

"Yes, Sir. Working na po." Kinuha niya ang folder at naupo sa bakanteng upuan. Habang nagbabasa siya ay tahimik lamang na nagtatrabaho si Ysander.

Paminsan-minsan ay napapatingin ito sa dalaga. Hindi niya alam kung bakit, pero nakakatawang pagmasdan ang ekspresyon nito tuwing may nakikitang komplikadong medical term ilang minuto ang lumipas.

"Doctor?"

"What?"

"May question po ako."

"Go ahead."

"What's the difference between placenta previa and placental abruption?" Agad namang isinara ni Ysander ang laptop.

"Placenta previa occurs when the placenta partially or completely covers the cervix. Placental abruption is the premature separation of the placenta from the uterine wall before delivery." Tumango si Vraile.

"So, one is about the location, and the other is about separation?"

"Correct."

"Wow! Ang galing n'yo talaga, Doctor."

"It's basic obstetric knowledge."

"Basic sa inyo. Sa akin, parang advanced magic." Napailing si Ysander.

"Keep reading."

"Yes, Professor!"

"Doctor."

"Yes, Doctor Professor!" Napapikit siya good Lord. 6:25 A.M, natapos ni Vraile ang pagbabasa ng unang set ng patient records inilapag niya ang folder sa mesa at tumayo.

"Doctor, done na po." Kinuha ni Ysander ang folder at mabilis na sinuri ang mga sagot niya.

"Your assessment is incomplete." Agad na napayuko si Vraile.

"Which part po?"

"This one. You failed to mention the importance of monitoring maternal vital signs and fetal well-being."

"Ah, yes po. Sorry, Doctor."

"Don't just memorize. Understand what you're reading." Tumango siya.

"Okay po. I'll review it again." Saglit na napatingin si Ysander sa kaniya. Walang reklamo, Walang pagdadahilan. At kahit na madaldal ito, marunong naman itong tumanggap ng correction.

"Good." Napangiti si Vraile.

"Thank you, Doctor!"

"Don't smile yet. There's another folder." Unti-unting nawala ang ngiti niya.

"Doctor..."

"What?"

"May galit po ba kayo sa mga puno? Bakit parang gusto n'yo akong gawing papel ang buhay ko?"

Hindi napigilan ni Ysander na bahagyang mapailing.

"Sit down."

"Yes, Sir." Muli siyang naupo ngunit ilang segundo pa lamang ay bigla siyang bumahing.

"Ah-choo!" Napatingin si Ysander.

"Are you sick?"

"Maybe po, Allergic yata ako sa sobrang daming paperwork."

"That's not funny."

"Sa inyo po talaga hindi." Napabuntong-hininga ang doktor. Kinuha niya ang isang bottled water mula sa kaniyang mini refrigerator at inilapag iyon sa harap ng dalaga.

"Drink." Napatingin si Vraile sa bote then at him.

"Para sa akin po?"

"Do you see another intern here?" Dahan-dahan niyang kinuha ang tubig.

"Thank you, Doctor."

"Drink it before you continue." Ngumiti siya nang malaki.

"Yes, Sir!" Tahimik siyang uminom habang palihim na pinagmamasdan ang doktor.

Napakasuwerte naman ng bottled water may sariling refrigerator. May air-conditioned office at higit sa lahat, may personal na atensiyon mula kay Doctor Ysander. Kung tubig lang siya, matagal na siyang nag-evaporate sa sobrang kilig. 6:30 A.M, Tumayo si Ysander at inayos ang kaniyang coat.

"Let's go. We have patients to attend to." Agad namang tumayo si Vraile.

"Yes, Doctor!" Paglabas nila ng office ay halos sabay-sabay na napatingin ang ilang nurses.

Hindi dahil magkasama silang lumabas kundi dahil may hawak na bottled water si Vraile na halatang galing sa private office ng doktor napangiti si Bianca nang makita sila.

"Good morning, Doctor!"

"Morning."

"Vraile, come here later. We have something to discuss."

"Okay, Ate Bianca!" Nang makalayo nang kaunti si Ysander, agad siyang nilapitan ni Bianca.

"Girl!"

"What?"

"Why are you holding that water?"

"Water po ito, Girl. Hindi diamond."

"From whom?"

"From our beloved freezer." Napahawak sa dibdib si Bianca.

"OH MY GOD!"

"Shhh! Baka marinig tayo!"

"Girl, personal bottled water!"

"Bianca, tubig lang 'yan. Huwag kang gumawa ng teleserye."

"Ikaw ang teleserye!" Napatawa si Vraile ngunit bago pa sila makapagpatuloy sa kanilang usapan, narinig nila ang malamig na boses mula sa likuran.

"Miss De Santos." Sabay silang napalingon nakatayo si Ysander, hawak ang medical chart.

"Are you done with your conversation?" Agad na tumuwid si Vraile.

"Yes, Doctor!"

"Good, Come with me."

"Yes, Sir!" Mabilis siyang sumunod pagkaliko nila sa corridor ay bahagyang yumuko si Vraile upang bumulong.

"Doctor?"

"What?"

"Thank you po sa water."

"You're welcome." Napahinto siya sa paglalakad wait, Ano raw? Dahan-dahan siyang tumingala sa doktor.

"Sorry, Doctor. Can you repeat that?" Ysander stopped walking.

"What?"

"Yung sinabi n'yo po."

"I said you're welcome." Napahawak si Vraile sa dibdib.

"OH MY GOD."

"Miss De Santos!"

"Sorry po! First time ko lang makarinig ng dalawang consecutive polite words mula sa inyo!" Tiningnan siya ni Ysander nang masama.

"Do you want me to take the water back?" Agad niyang niyakap ang bote.

"NO, SIR! PROPERTY KO NA PO ITO!" For the first time that morning, Ysander almost smiled.

Ngunit mabilis niyang itinago ang ekspresiyon at muling naglakad. Hindi niya alam kung bakit ang simpleng presensiya ng intern na iyon ay tila kayang guluhin ang dati niyang tahimik at organisadong mundo. At lalong hindi niya alam kung bakit, sa kabila ng lahat ng reklamo niya, hindi niya naman talaga gustong patahimikin ito nang tuluyan. Samantala, nakasunod sa kaniya si Vraile habang nakangiting hawak ang bottled water. Sa isip niya, iisa lamang ang kaniyang conclusion.

MISSION: MAKE THE ICE MAN SMILE.

One point for Vraile Kisses De Santos, Zero points for the freezer. At hindi pa niya alam na mas magiging mahirap ang susunod niyang challenge. Dahil sa kabilang dulo ng hallway, may isang lalaking matagal nang naghihintay upang makausap si Ysander. At nang makita nito ang dalagang sumusunod sa doktor, bahagya itong napakunot-noo.

"Who's that girl with Dr. Lantojah?"

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

  • The Doctor's Dirty Secret    CHAPTER 4

    THIRD PERSON POV 5:00 A.M.Tahimik pa ang buong paligid nang huminto ang itim na luxury car sa harap ng Lantojah Medical Center. Bumaba mula roon si Dr. Ysander Vierell Lantojah, suot ang kaniyang perfectly tailored black suit, puting polo, at mamahaling wristwatch. Sobrang aga maging ang mga security guards na nakatalaga sa entrance ay napatingin sa kaniya."Good morning, Doctor!""Morning." Maikli niyang sagot bago tuluyang pumasok sa building. Pagdating niya sa lobby, halos mapahinto ang isang nurse na kasalukuyang nag-aayos ng mga documents."Doctor Lantojah?"Tumingin siya."Yes?""Good morning po, Sir.""Morning." Nang makaalis ang doktor, agad na lumingon ang nurse sa kasamahan nito."Girl!""What?""Five in the morning!""So?""So, si Doctor Ysander! Five A.M.!""Alam ko.""May nangyari ba? May emergency? May apocalypse?" Napailing ang kasama niya."Malay ko sa'yo. Baka hindi nakatulog.""Impossible! Hindi natutulog ang taong 'yon. Nagpapalit lang siguro ng battery!" Samantal

  • The Doctor's Dirty Secret    CHAPTER 3

    THIRD PERSON POVPagkarating sa mansion ng pamilya Lantojah ay agad na bumukas ang malaking gate. Dahan-dahang pumasok ang itim na luxury car ni Ysander sa driveway bago tuluyang huminto sa harap ng mansion. Pagbaba niya ay sinalubong agad siya ng isang matangkad na binata na nakasuot ng simpleng black shirt at jogging pants."Dad! How's your work?"Si Brent Vierell Lantojah, twenty-four years old, ang nag-iisang anak ni Ysander. Isa rin itong binatang may angking talino, good looks, at confidence. Hindi rin maitatangging namana nito ang matangos na ilong at matalim na mga mata ng ama."Fine," tipid na sagot ni Ysander habang inaabot sa driver ang kaniyang briefcase."That's it? Fine?" Tumingin sa kaniya si Ysander."What do you expect me to say?""At least, a little conversation, Dad. You know, like a normal father and son?""You're twenty-four, Brent. You don't need a daily report about my day." Napakamot sa batok ang binata."See? That's exactly what I'm talking about." Hindi na su

  • The Doctor's Dirty Secret    CHAPTER 2

    STILL THIRD PERSON POVMaya-maya, may dumating na babaeng nakasuot ng eleganteng cream dress. Mahaba ang buhok nito, maganda ang mukha, at halatang mula sa isang prominenteng pamilya. Ngunit hindi maitago ng maamong mukha ang pamumula ng mga mata nito diretso itong lumapit kay Ysander."KUYA!"Napalingon ang doktor. "Vreya? What are you doing here?" Hindi agad sumagot ang babae. Sa halip, bigla itong yumakap sa kapatid."Kuya, ayoko na! Ayoko na talaga!" Napakunot-noo si Ysander. "What happened?""Iniwan niya ako!"Saglit na natahimik ang paligid."Who?""Si Adrian! Ang boyfriend ko!" Napapikit si Ysander at marahang huminga. "Vreya, you're twenty-eight. You should know how to handle your relationship problems without running to the hospital.""Wow! Gano'n ka na ba talaga, Kuya? Brokenhearted na nga ang kapatid mo, lecture pa ang natanggap!""Because you're making a scene.""At least ako may love life. Ikaw? Forty years old ka na, pero ang pinakamamahal mo pa rin ay medical records!"

  • The Doctor's Dirty Secret    CHAPTER 1

    THIRD PERSON POV"Miss De Santos! Are you planning to work here or mag-audition bilang beauty queen sa hallway?"Napahinto si Vraile Kisses De Santos sa paglalakad. Agad siyang napalingon sa babaeng nurse na nakakunot-noo sa kaniya."Both po, Ma'am. Sayang naman po kasi ang beauty ko kung hindi magagamit," nakangiting sagot niya.Napailing ang nurse. "Goodness! First day mo pa lang, ang dami mo nang sinasabi. Come on. Ipapakilala kita sa head doctor ng OB-GYN department.""Head doctor po? Mabait naman po siguro?""Good luck.""Ha? Bakit parang may kaba sa boses n'yo?" Hindi na siya sinagot ng nurse, Welcome to Lantojah Medical Center!Isa ito sa pinakamalaki at pinakaprestihiyosong ospital sa bansa. Pag-aari ito ng pamilyang Lantojah, na kilala hindi lamang sa medical industry kundi pati na rin sa international luxury hotels at private resorts. At ang pinakakinatatakutang tao sa buong establishment?Walang iba kundi si Dr. Ysander Vierell Lantojah. Forty years old, A renowned OB-GYN,

  • The Doctor's Dirty Secret    PROLOGUE

    ‼️WARNING ALERT:‼️ ANG KUWENTONG ITO AY NAGLALAMAN NG MGA SENSITIBO AT MASIDHING EKSENANG PAMPAG-IBIG. THIS STORY CONTAINS MATURE, PASSIONATE, AND SENSITIVE ROMANTIC SCENES EXCLUSIVELY FOR ADULT READERS SEEKING INTENSE EMOTIONAL AND INTIMATE EXPERIENCES. 🥵🥵🥵🥵🥵🥵🥵 ENJOY READING... PROLOGUE: Hindi nagtagal, ang kanilang mga paghinga ay naging mas mabigat. Ang bawat halik ay nagiging mas madamdamin, mas mainit. Wala na silang ibang iniisip kundi ang kanilang pagmamahalan. Tila bumagsak ang mga hadlang sa paligid nila. Hinubad ni Ysander ang suot ni Vraile, hanggang sa panty na lamang ang natira. "Can I?" tanong ni Ysander, na may ngiti sa labi. Tumango si Vraile, at sinimulan ni Ysander ang pagkain sa kanyang pagkababae. "Ohh... god... ang sarap niyan, sige pa, ituloy mo pa... ohh... sh*t... f*ck..." Hindi mapigilan ni Vraile ang pag-ung*l habang nilalaro ni Ysander ang kanyang tingg*l at paglabas-masok ng mahabang daliri. Ang bawat galaw ni Ysander ay nagdadala ng kakaib

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status