Se connecterMalamig ang simoy ng hangin mula sa bintana ng condo nang magising si Dylan kinabukasan.Mabigat pa rin ang kanyang katawan.Bahagya pa ring sumasakit ang ulo niya mula sa mga nakaraang araw, ngunit hindi na ito kasing lala ng dati. Marahil ay dahil sa matagal na rin siyang nakapagpahinga.Dahil sa isang batang nagngangalang Oliver.Napangiti siya nang hindi namamalayan.Naalala niya ang masayang mukha nito habang nagbibisikleta.Ang walang tigil na pagkukuwento.At ang paraan nitong tawagin siyang "Sir" na para bang siya ang pinakakahanga-hangang tao sa mundo.Hindi niya maintindihan kung bakit.Ngunit sa tuwing naaalala niya ang bata, tila gumagaan ang pakiramdam niya.Tila may nawawalang bahagi ng kanyang araw na unti-unting napupunan.Tumayo siya mula sa kama at nagtungo sa storage room ng condo.May hinahanap siyang lumang dokumento para sa isang meeting.Matagal na niyang hindi nabubuksan ang ilang kahon doon.Natabunan na ng alikabok ang mga ito.Isa-isa niya iyong binuksan.Mg
Halos isang linggo nang iisa ang laman ng mga kuwento ni Oliver.Si Sir.Habang naghahapunan sila isang gabi, hindi na naman mapigilan ng bata ang sarili.“Mommy, alam mo ba? Ang galing ni Sir mag-ayos ng bike.”Ngumiti si Leila.“Mabuti naman.”“Tapos alam mo, muntik ko nang mailagay nang baligtad yung gulong pero tinulungan niya ako.”“Mhm.”“Tapos sabi niya hindi daw masama magkamali.”“Mhm.”“Tapos—”Bigla siyang napahinto nang makita ang tingin ng kanyang ina.Nakakunot-noo ito habang nakasandal sa upuan.Napatawa si Oliver.“Mommy?”“Ano?”“Bakit parang galit ka?”“Hindi ako galit.”“Sige nga.”Napabuntong-hininga si Leila.Hindi naman talaga siya galit.Pero hindi niya maikakaila na nitong mga nakaraang araw, pakiramdam niya ay may kahati na siya sa atensyon ng anak.Mula paggising hanggang bago matulog, si Dylan ang laman ng kuwento nito.Minsan nga ay napapaisip siya kung siya pa ba ang paboritong tao ni Oliver.“Ako ba o si Sir?” tanong niya.Natawa ang bata.“Ha?”“Ako ba o
Pagkalabas ni Dylan sa bahay nina Oliver, tila mas mabigat pa ang katawan niya kaysa noong dumating siya roon.Mahina pa rin ang kanyang pakiramdam mula sa mga nagdaang araw. Kahit pinilit niyang magmukhang maayos sa harap ng bata, hindi niya maikakailang mabilis siyang hingalin. Nang makarating siya sa kanyang sasakyan, saglit muna siyang sumandal sa pinto bago tuluyang sumakay.Pumikit siya.Tahimik.Masyadong tahimik.Ngunit sa isip niya ay paulit-ulit na tumatakbo ang mga nangyari sa maghapon.Ang masayang mukha ni Oliver habang nagbibisikleta.Ang walang humpay nitong pagkukuwento.At ang kakaibang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag sa tuwing kasama niya ang bata.Hindi iyon simpleng awa.Hindi rin simpleng pagkagiliw.May kung anong malalim na koneksiyong tila kusang nabubuo kahit hindi niya maintindihan kung bakit.Napangiti siya nang maalala kung paano siya pinilit ni Oliver na sumabay sa karera ng bisikleta.“Sir, bilisan mo!”“Hindi naman karera ’to.”“Oo kaya!”Napailing
Hindi dapat siya lumabas ng condo. Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ng katawan ni Dylan mula pa nang magising siya kinabukasan. Mabigat pa rin ang ulo niya. At hindi pa rin tuluyang nawawala ang mga imaheng gumugulo sa isip niya. Sa tuwing ipipikit niya ang mga mata, nakikita niya si Leila. Minsan nakangiti. Minsan nakatingin lang sa kanya. Minsan napakalapit. Masyadong malapit. At sa tuwing mangyayari iyon, mas sumasakit ang ulo niya.In short, hindi sya ok. Kaya imbes na magpahinga, nagpasya siyang lumabas. Kailangan niyang mag-isip ng ibang bagay. Kailangan niyang ilayo ang isip niya sa mga tanong na wala siyang masagot. At doon niya naalala ang kanyang pangako kayOliver. Napabuntong-hininga siya. Sa lahat ng taong pwede niyang iwasan ngayon, ang bata lang yata ang kaya niyang harapin nang walang komplikasyon. At higit sa lahat... nangako siya. Hindi siya sanay mangako tapos hindi tutuparin. Kaya makalipas ang ilang oras ay nasa harap na siya ng address na ibin
Hindi agad nawala sa isip ni Leila ang nangyari sa elevator.Hanggang pag-upo niya sa desk, hanggang pagbukas ng laptop, hanggang sa pag-type ng unang email—nandun pa rin yung bigat ng eksena na pilit niyang binabalewala pero ayaw talagang mawala.Yung kamay ni Dylan.Yung bigla niyang pagkapit.Yung paraan ng paghinga nito na parang may kinakalaban na hindi niya nakikita.At higit sa lahat…yung sandaling sumandal ito sa kanya.Hindi niya alam kung bakit, pero kahit simpleng alaala lang, may init na agad na sumusunod sa dibdib niya.“Okay ka lang ba, Leila?” tanong ng katabi niyang staff.“Ha? Oo, okay lang.”Ngumiti siya agad, automatic, professional.Pero hindi siya okay.Kasi hindi lang siya yung naapektuhan.Napansin niya si Dylan.Pagkalabas nila ng elevator, iba na agad.Hindi ito dumiretso sa usual routine.Hindi rin ito nag-stay sa meetings.Diretso itong pumasok sa office niya at isinara ang pinto.Walang paliwanag.Walang kahit anong utos.At iyon ang unang beses na nakita
Pagkalabas ni Dylan sa elevator, hindi agad siya dumiretso sa opisina niya.Diretso lang ang lakad niya, pero parang hindi siya fully present sa katawan niya.Yung usual niyang composed na pagpasok sa office floor, wala.May mabigat sa ulo niya.At mas mabigat sa dibdib.“Sir, may 10AM meeting po kayo—”Hindi niya pinatapos yung si Leila.“Reschedule it,” mabilis niyang sabi, hindi tumitingin.“Po?”“Reschedule.”Then tuloy lang siya sa paglakad.Hindi niya maintindihan.Pero ramdam niya—something shifted.At ayaw niyang aminin kung ano yun.Pagpasok niya sa office, sinara niya agad yung pinto.Sandali lang.Pero enough para mawalan ng ingay sa labas.Tahimik.Too quiet.Parang doon mas lumakas yung nasa loob ng ulo niya.Umupo siya sa swivel chair.Pinikit ang mata.Pero imbes na kumalma…doon bumalik lahat.Yung elevator.Yung biglang pagdilim.Yung pagbagal ng oras.At higit sa lahat…yung boses niya.“Dylan…”Napadilat siya agad.Biglang bumigat ang hininga niya.Hindi dahil sa ta







