MasukIlang araw na ring hindi mapakali si Dylan.At mas lalo niya iyong napansin nang minsang mahuli niya ang sarili niyang nakatitig na naman kay Leila habang abala itong nag-aayos ng documents sa labas ng opisina niya.Tahimik lang ang babae, nakayuko habang inaayos ang mga folders sa mesa ng secretary area. Paminsan-minsan ay may kinakausap itong employee at magalang na sumasagot.Normal lang naman.Walang kakaiba.Pero ewan ba ni Dylan kung bakit parang kusang hinahanap ng mga mata niya ang presensya nito.Parang automatic.At doon siya biglang natauhan.Napaatras siya mula sa glass wall ng opisina niya saka madiing napahilot sa noo.“This has to stop.”Hindi tama.Boss siya.At kahit wala naman siyang ginagawa technically, alam niyang hindi normal na maya’t maya ay hinahanap niya si Leila sa paningin niya.Mas lalong hindi tama yung pakiramdam na parang gumagaan ang araw niya kapag nakikita niya ito.Napabuntong-hininga siya bago pilit ibinalik ang attention sa laptop.Work.Focus on
Kinabukasan, masama ang gising ni Dylan.Hindi dahil kulang siya sa tulog. Kundi dahil pakiramdam niya, hindi talaga siya nagpahinga buong gabi.Pagmulat pa lang niya ng mata, bumalik agad sa isip niya ang panaginip.Yung apartment.Yung ulan.Yung paraan ng pagkakayakap niya kay Leila na parang matagal na niya itong mahal.Napapikit siya at marahang napamura sa ilalim ng hininga.“This is getting ridiculous.”Mabilis siyang bumangon sa kama at dumiretso sa banyo, umaasang mawawala rin iyon kapag naging busy na siya.Pero habang nagsisipilyo siya, biglang nag-flash sa isip niya yung eksena sa panaginip kung saan nakangiti si Leila habang may hawak na mug.Habang naliligo siya, naalala niya ulit yung lambing sa boses nito.Habang nagtitimpla siya ng kape, biglang sumingit yung alaala ng paghalik niya rito.“Damn it.”Madiin niyang ibinaba ang tasa sa counter.Hindi siya ganito.Hindi siya yung tipo ng lalaking nao-obsess sa isang babaeng halos hindi pa niya kilala.At lalong hindi siya
Kinagabihan, hindi sinasadyang ikwento ni Dylan si Leila.Nasa isang bar siya kasama si Marco, kaibigan niyang sanay nang makinig sa mga random biglang iniisip ni Dylan na biglang nagiging interesting.“May bago na naman ba tayong i-ooverthink ngayon?” agad na bungad ni Marco habang umiinom.Hindi sumagot si Dylan agad. Pinapaikot niya lang yung baso sa mesa.“Tingnan mo ‘to,” sabi niya sa wakas. “The new executive assistant."“Okay…”“Binasa ko file niya.”Napangisi si Marco. “Wow. Progress. Hindi ka lang pala boss, stalker ka na rin sa papel.”“That's not the point,” sabay tawa nang mahina ni Dylan, pero halatang hindi niya totally tinatanggihan.“Then?”“Wala naman dapat weird,” sabi niya. “Normal profile. Clean. Single.”Doon siya natigil ulit.Parang may sariling pause button yung utak niya tuwing naririnig niya yung salita na iyon.Single.“Single,” ulit ni Marco, tinatantya siya.“Hindi ko alam bakit ako… na-relieve,” deretsong sabi ni Dylan bago pa niya mapigilan.At doon na t
Kinabukasan, nakatayo si Leila sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ang mahimbing na tulog ng anak. Bahagyang nakaawang ang maliit nitong labi habang yakap ang paborito nitong maliit na unan. At gaya ng dati… hindi niya maiwasang mapatitig. “Hay naku…” mahina niyang bulong habang nakapamewang. “Parang photocopy talaga.” Mula sa bilugang mata nito na kahit nakapikit ay halatang expressive, hanggang sa matangos na ilong at mamula-mulang labi—sobrang hawig ng bata ang ama nito. Nakakainis na nakakakaba. Napailing siya agad, mabilis na iwinaksi ang iniisip. “No. Stop it, Leila,” kausap niya sa sarili habang naglalakad papunta sa cabinet. “Hindi pwedeng araw-araw ka na lang ganyan.” Pero kahit anong pilit niyang iwas, bumabalik pa rin sa isip niya ang nangyari kahapon. Ang mga tingin ni Dylan. Ang paraan ng pagtatanong nito. At higit sa lahat… Yung pagkawala ng alaala nito tungkol sa kanya. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya ma-gets. Paano mangyayaring may mga bagay itong naa
Nanatiling nakahawak si Dylan sa sentido habang pilit inaayos ang mabigat na pakiramdam sa ulo niya.Isang babae.Mainit na yakap.Masayang tawa.At isang pakiramdam na tila matagal na niyang hinahanap.Mariin siyang napapikit.What the hell was that?Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay habang pilit pinapakalma ang sarili. Hindi naman bago ang pagsakit ng ulo niya. Simula nang magising siya mula sa aksidente ilang taon na ang nakakalipas, paminsan-minsan ay nakakaranas siya ng mga kakaibang flashes na hindi niya maintindihan.Pero ngayon lang iyon naging ganoon kalinaw.At mas lalong hindi niya maintindihan kung bakit si Leila Ramirez ang dahilan.Unti-unti siyang nag-angat ng tingin.Nakatayo pa rin si Leila malapit sa pinto, ngunit halatang nanigas ito sa kinatatayuan.Parang natakot.Parang may bagay itong gustong takasan.Dylan narrowed his eyes.“Are you okay, Sir?” pilit nitong tanong, bagaman halata sa boses nitong may tensyon.Hindi agad nakasagot si Dylan.Pakiramdam niya ay
Fine,” bulong niya sa sarili habang pilit pinipigilan ang sakit sa dibdib. “If that’s how you want to play it…” Tahimik na nagsara ang pinto ng opisina sa likod niya. Ngunit pagkalabas na pagkalabas ni Leila sa executive floor, saka niya lang tuluyang nailabas ang mabigat na hininga na kanina pa niya pinipigil. Parang gusto niyang matawa. O umiyak. Hindi niya maintindihan. Tatlong taon. Tatlong taon siyang iniwang wasak ni Dylan nang walang paliwanag, pero ngayong muli silang nagkita… ito pa ang may ganang tratuhin siyang parang estranghero? Hindi niya alam kung nagkukunwari lang ba ito o sadyang ganoon talaga ang gusto nitong mangyari. At kung totoo mang hindi siya nito naaalala… Bakit parang siya pa ang nasasaktan? Mariin niyang kinuyom ang folder na hawak. Gusto niya itong komprontahin. Gustong-gusto niyang itanong: Bakit mo ‘ko iniwan? Ano bang nagawa ko? Madali lang ba para sa’yong mawala? Pero para saan pa? Anong mapapala niya? Natigilan si Leila nang biglang







