分享

Chapter 8

作者: Olivia Thrive
last update publish date: 2026-05-28 17:04:43

Simula nang kantiyawan siya ni Sheila sa canteen, parang biglang naging aware si Leila sa bawat kilos ni Dylan.

Dati, hindi naman niya masyadong pinapansin kapag nahuhuli niya itong nakatingin.

Pero ngayon?

Parang bawat sulyap nito, napapansin na niya agad.

At mas lalong nakakailang iyon.

Kaya hangga’t maaari, iniiwasan niyang mapag-isa silang dalawa.

Kapag may ipapapirma itong documents, mabilis niyang iniiwan sa mesa at agad lumalabas ng opisina.

Kapag may kailangang i-discuss, profess
在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP
已鎖定章節

最新章節

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 64

    Pagod ngunit masaya ang tatlo habang naglalakad palabas ng amusement park.Nagsisimula nang lumamlam ang liwanag ng hapon. Ang dating maingay na paligid ay unti-unti nang humuhupa habang isa-isang umuuwi ang mga pamilya.Sa gitna nila, masayang-masaya si Oliver.Hawak nito ang kamay ni Leila sa isang tabi at ang kamay naman ni Dylan sa kabila.Parang wala itong balak pakawalan ang dalawa.At sa totoo lang, wala ring gustong bumitaw.Hindi lang nila inaamin."Best day ever!" masayang anunsyo ni Oliver.Napatawa si Dylan."Pang-ilang best day ever mo na 'yan?""Top three.""Top three lang?""Opo.""Ano yung number one?""Nung natuto akong mag-bike."Napangiti si Dylan."Fair.""Tapos number two yung birthday ko.""Tama.""Tapos ito."Napailing si Leila."Mabuti naman at pasok tayo sa ranking."Ngumisi si Oliver."Siyempre."Ilang sandali silang naglakad nang tahimik.Komportable.Magaan.Parang matagal nang magkakilala.Hanggang sa biglang nagsalita si Dylan.Hindi niya iyon pinag-isipa

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 63

    Sa wakas ay natupad din ang pinakamatagal nang proyekto ni Oliver.At sa isip ng bata, napakadali lang naman ng lahat.Kailangan lang niyang yayain si Sir.Kailangan lang niyang kumbinsihin si Mommy.At kapag pumayag na ang dalawa, tapos na ang problema.Hindi niya alam na para kina Dylan at Leila, mas komplikado nang kaunti ang sitwasyon.Isang linggo niyang kinulit ang dalawa.Halos araw-araw."Mommy, promise.""Oliver...""Please.""Baby.""Please."At sa kabilang panig naman ay ganoon din ang ginagawa niya kay Dylan."Sir.""Hm?""Libre ka ba sa Saturday?""Bakit?""Secret."Ayaw niyang sabihin ang buong plano.Dahil ayon sa kanya, mas masaya kapag surprise.At dahil parehong hindi marunong tumanggi sa kanya sina Dylan at Leila, pareho silang napapayag nang hindi alam ang buong detalye.***Dumating ang Sabado.Masayang-masaya si Oliver.Alas nuwebe pa lamang ng umaga ay bihis na bihis na siya.May suot na paborito niyang shirt.May maliit na backpack.At tila sampung beses nang n

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 62

    Kung may isang bagay na hindi dapat minamaliit, iyon ay ang determinasyon ng isang batang may plano.At sa kaso ni Oliver, mayroon siyang napakalaking plano.Sa loob ng ilang linggo, paulit-ulit niyang naririnig ang Sir sa bahay.Minsan ay hindi sinasadya.Minsan ay dahil siya mismo ang nagbabanggit.At sa opisina naman, base sa mga kuwento ni Sir, alam niyang madalas din nitong marinig ang tungkol sa mommy niya.Kaya para kay Oliver, may isang malaking tanong.Kung pareho naman nilang kilala ang pangalan ng isa't isa...bakit hindi pa rin sila nagkikita?Hindi niya talaga maintindihan.At kapag may bagay na hindi maintindihan si Oliver, ginagawa niya itong proyekto.Kaya isang Sabado ng umaga, habang umiinom ng gatas sa mesa, bigla niyang inilapag ang baso at tumingin kay Leila.Sobrang seryoso ng mukha.Tipong parang may board meeting."Mommy.""Hm?""Dapat may meeting tayo."Napahinto si Leila sa paghihiwa ng sibuyas."Ano?""Meeting.""Bakit parang manager ka?""Important po."Nap

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 61

    Tatlong araw na ang lumipas mula noong mahaba nilang tawag ni Leila.Tatlong araw na rin mula noong una siyang nakatulog nang mahimbing matapos ang ilang linggong bangungot at matinding sakit ng ulo.At doon nagsimulang mapansin ni Dylan ang isang bagay.Hindi agad.Hindi malinaw.Ngunit habang tumatagal ay mas nagiging imposible itong balewalain.Kapag kausap niya si Leila, kumakalma siya.Kapag nasa paligid niya si Leila, humuhupa ang sakit ng ulo niya.At higit sa lahat...mas malinaw mag-isip ang utak niya.Nakakainis.Dahil wala iyong lohikal na paliwanag.Ilang beses niya nang sinubukang kumbinsihin ang sarili na nagkataon lamang ang lahat.Stress.Pagod.Lack of sleep.Anumang dahilan maliban kay Leila.Ngunit habang tumatagal ay tila mas lalo lamang pinapatunayan ng katawan niya ang kabaligtaran.Katulad ngayong umaga.Mabigat na naman ang pakiramdam niya pagpasok sa opisina.May bahagyang kirot sa sentido.At parang may kung anong bumabalot na ulap sa isip niya.Ngunit nang m

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 60

    Alas diyes na ng gabi ngunit gising pa rin si Dylan.Nakatayo siya sa harap ng bintana ng condo habang nakatanaw sa ilaw ng lungsod.Tahimik ang paligid.Ngunit hindi ang isip niya.Muling bumalik ang mga panaginip.Muling bumalik ang mukha ni Leila.At gaya ng mga nakaraang gabi, paggising niya ay may kasama na namang matinding sakit ng ulo.Napahilot siya sa sentido.Nakakapagod na.Pakiramdam niya ay may bahagi ng isip niya na pilit bumubukas ngunit ayaw pa ring magpakita nang buo.Naglakad siya pabalik sa sala at muling binuksan ang laptop.May isang project proposal na kailangan niyang i-review bago ang meeting kinabukasan.Nang tingnan niya ang mga files, napansin niyang may kulang na detalye sa isang section.Agad siyang napakunot-noo.Kailangan niya ng clarification.At ang taong may hawak ng bahaging iyon ay si Leila.Napatingin siya sa oras.10:17 PM.Masyadong gabi na.Ngunit urgent din naman.Ilang segundo siyang nag-atubili bago tuluyang kunin ang cellphone.Tinawagan niy

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 59

    Maagang dumating si Leila sa opisina kinabukasan.Hindi naman iyon kakaiba para sa kanya. Sanay siyang dumating nang mas maaga kaysa sa karamihan upang maayos ang mga reports at emails bago magsimula ang magulong bahagi ng araw.Ngunit sa pagkakataong iyon, may isa pang dahilan kung bakit tila hindi siya mapakali.Pagpasok pa lamang niya sa floor ay agad siyang napatingin sa opisina ni Dylan.Sarado pa ang pinto.Wala pa ang boss niya.Hindi niya alam kung bakit niya iyon agad hinanap.Marahil dahil sa nangyari sa elevator.Marahil dahil sa paraan ng pag-alis nito kahapon.O marahil dahil hindi niya pa rin makalimutan ang itsura nito nang hawakan nito ang sentido habang tila pinipigilan ang sakit na nararamdaman.Napabuntong-hininga siya."Hindi mo problema iyon, Leila."Mahina niyang sabi sa sarili.At tama naman.Boss niya si Dylan.Wala nang higit pa roon.Kaya dapat ay wala siyang dahilan para mag-alala nang ganito.Ngunit kahit anong sabihin niya sa sarili, hindi niya mapigilan a

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status