Masuk
Napangiwi sa lamig si Mirella nang bumuhos sa mukha niya ang bagong biling kape. Tumulo ito pababa sa leeg, sa kwelyo ng puting blouse na suot niya, hanggang sa dulo ng kanyang palad.
“Are you stupid?!” singhal ni Mrs. Eleanora Zobel, ang kilalang modelo at CEO ng agency na pinapasukan ni Mirella. “Hot coffee, not iced! OMG, Mirella! Nakakaubos ka ng pasensya!” Ramdam niya ang lahat ng mga matang nakatingin sa kanya — mga staff, mga modelo, pati ‘yung bagong intern na natigilan sa paglalakad. Gusto na lang niyang lumubog sa kinatatayuan niya. “Pa-pasensya na po, Ma’am,” nauutal niyang sabi habang pinupunasan ang mukha ng panyo. “Pasensya? You think sorry can fix my mood? You’re so useless!” Napawahak ito sa sentido, mariing pinikit ang mga mata, parang sinusubukang pigilan ang sarili. “Bumalik ka doon sa coffee shop, Mirella,” malamig niyang utos. “At huwag na huwag kang babalik dito hangga’t hindi mo dala ang tamang kape na gusto ko.” “Opo, Ma’am,” sagot ni Mirella habang nakayuko pa rin. “Umalis ka na sa harapan ko! You’re ruining my energy!” sigaw pa ng modelo bago marahas na inayos ang line-up ng mga susunod na photoshoot. Ramdam ni Mirella ang mga titig ng staff. Iilan sa kanila ay naaawa, karamihan ay takot din kay Eleanora. Marahan siyang umatras, bitbit ang basang panyo at pinipigilang hindi umiyak. In the hallway, the scent of luxury perfumes filled the air, contrasting sharply with the sticky smell of coffee on her clothes. Paglabas niya ng building, sinalubong siya ng sikat ng araw, pero hindi nito naibsan ang bigat sa dibdib niya. Dumiretso si Mirella sa Café La Rue, paboritong kainan ni Mrs. Eleanora at kung saan kabisado na ng barista ang order nitong Extra hot oat milk latte, no sugar. Ngunit sa pagmamadali kanina, hindi niya napansin na iced pala ang nasabi niya imbes na hot. Habang naghihintay, napatitig siya sa repleksyon niya sa salamin. Basang basa pa rin ang damit niya sa ginawang pagbuhos kanina. Nakakaawa talaga ang itsura niya kung pagmamasdan sa salamin. Namumula ang pisngi sa natuyong kape, magulo ang buhok, at pagod na pagod ang mga mata. Kung tutuusin, wala naman na siyang dahilan para manatili rito. Wala nang magulang na naghihintay sa kaniya sa bahay, wala nang tinig na tatawag sa kaniya ng “anak.” They had both died when she was little, leaving her with broken dreams and mountains of debt. Lumaki siya sa poder ng tiyahin niyang mas matalim pa sa mga salitang binibitawan. Araw-araw, paulit-ulit niyang naririnig na pabigat lang daw siya, walang mararating, at dapat magpasalamat na may bubong pa siyang natutuluyan. Kapag minsan ay kulang ang perang naiuwi niya, sigaw at sampal ang kapalit. So even now, no matter how humiliating, no matter how painful, Mirella endured every insult from Eleanora. Kinuha niya ang kape nang iabot sa kanya ng barista, at dahan-dahan niyang hinigpitan ang hawak, parang kasama roon ang bigat ng buong araw niya. Napapikit siya sandali, pinigilan ang buntong-hininga. Pagmulat niya, natanaw niya mula sa kanto ang mataas na gusali ng Zobel Models PH. Kumikinang ang salamin ng building sa sikat ng araw. Ang bawat palapag, puno ng mga taong matayog mangarap—maganda, makintab, at laging nasa liwanag. At siya… siya ‘yung nasa labas lang, nakatingala. “Mabuti pa si Eleanora,” mahinang bulong niya. “Mayaman, maganda, kilala. Sana katulad din niya ako. Sana ganon din ang buhay na meron ako.” Napatawa siya nang mahina, hindi dahil masaya, kundi dahil alam niyang imposibleng mangyari ‘yon. Si Mirella Estelle Montelibano, isang assistant na parang alipin kung alipustahin, na tila iyon lang ang papel na nakalaan para sa kanya. “Ano pang tinutunganga mo riyan?” Biglang natigilan si Mirella nang marinig ang malamig na boses ni Mrs. Zobel mula sa loob ng dressing room. Suot ng modelo ang satin robe, habang inaayusan ng makeup artist. Nakaupo ito sa harap ng malaking salamin na may paikot na ilaw, at kahit sa liwanag na ‘yon, siya pa rin ang pinakamatingkad. “Uh, opo, Ma’am.” Agad lumapit si Mirella at inilapag ang kape sa maliit na lamesa. Maingat niyang inilapit iyon sa babae, pero hindi man lang siya tiningnan nito. Abala si Eleanora sa paglagay ng pulang lipstick, tinitingnan ang sarili na parang siya lang ang may karapatang huminga sa kwartong iyon. “Mamayang hapon, may pupuntahan tayong shoot,” sabi ni Eleanora habang naglalagay ng hikaw. “It’s urgent. Hindi pwedeng ma-move. Naghihintay na ‘yung designer sa Tagaytay.” “Po?” halos hindi mapigilan ni Mirella ang tanong. “Wala ang driver,” diretsong sagot ni Eleanora, saka tumingin sa kanya sa salamin. “So ikaw ang magmamaneho.” Parang natuyo ang lalamunan ni Mirella. “M-Miss. Eleanora, baka puwedeng ipa-resched na lang po? Delikado po ang daan ngayon… may bagyo raw sa bandang south.” Napailing si Eleanora, saka napangisi nang may halong inis. “Oh please, Mirella. It’s just rain. Don’t be dramatic. Kung hindi ako pupunta, mawawala ang kontrata. Alam mo bang ilang milyon ‘yon?” Mirella fell silent. She knew there was no point arguing. Eleanora never listened. “You have a license, don’t you?” tanong ni Eleanora habang inaayos ang buhok. “O–opo…” “Good. Then that’s settled.” Tumayo si Eleanora, kinuha ang mamahaling handbag, at nagsimulang maglakad palabas ng kwarto. “Meet me at the lobby in ten minutes. Make sure you don’t mess this up again.” Pagkalipas ng ilang minuto, bumaba na si Mirella sa lobby, tangan ang bag ni Eleanora at mga dokumentong kailangan para sa shoot. Sa labas ng building, rumaragasa na ang ulan. Malalaki ang bawat patak, at bawat hampas sa bubong ng sasakyan ay parang babala. Habang paparating si Eleanora Zobel, maingat niya itong pinagmamasdan suot ang beige trench coat, dark sunglasses, at isang eleganteng scarf na bumabalot sa leeg. Sa likod niya, abala ang stylist at manager sa pagsasakay ng mga gamit sa isang puting van. “Mauna na kami, Ma’am Eleanora,” sabi ng manager habang sinasara ang pinto ng van. “Magkita na lang tayo sa venue. Nakaayos na lahat, pati glam team.” Tumango lang si Eleanora. “Good. Don’t be late.” Paglingon niya, naroon si Mirella, tahimik, bitbit ang payong habang binubuksan ang pinto ng itim na Range Rover. “Let’s go,” malamig na sabi ng modelo. Tahimik silang sumakay. Sa unang mga minuto ng biyahe, tanging patak ng ulan at humuhuning makina lang ang maririnig. Mahigpit ang kapit ni Mirella sa manibela, bawat kurba ng daan ay tinutukan niya. Pero habang tumatagal, lumalakas ang ulan. Kumakapit sa mga gulong ang tubig, at ang windshield wiper ay halos hindi na makasabay. “M-Ma’am,” mahinang sabi ni Mirella, “baka po puwedeng maghintay tayo sa gas station hanggang humina ang ulan—” “God, Mirella,” putol ni Eleanora, tinitingnan siya mula sa passenger seat. “You’re not going to melt. Keep driving.” Ngunit nanginginig na talaga ang mga kamay ni Mirella. Lalo na nang umakyat sila sa paakyat na bahagi ng Tagaytay ridge. Makipot ang daan nito, madulas, at halos wala nang ibang sasakyang dumadaan. “Po—puwede po bang huminto muna sandali?” halos pabulong niyang sabi, pinipigilan ang takot. Umirap si Eleanora, napailing, saka napalakas ang boses. “Pull over. I can’t take this anymore. Kung hindi mo kaya, ako na!” Huminto si Mirella sa gilid ng kalsada, nanginginig pa rin. Hindi siya makagalaw. “Give me the keys,” utos ni Eleanora, inis na inis. “At saka ‘yang bag, ako na rin ang mag-aabot pagdating.” Tahimik lang si Mirella habang iniabot ang susi. Sa gitna ng kulog at ulan, nagpalit sila ng pwesto. Si Eleanora na ngayon ang nagmamaneho, mabilis, tiyak, matigas ang tingin. “See? That’s how you drive,” sabi niya, bahagyang may ngisi. Pero sa bawat liko, mas lumalakas ang ulan. Mabilis ang takbo ng sasakyan, at sa kabilang lane, sumulpot ang isang bus, mabilis, malakas ang ilaw, halos sabay sa ihip ng hangin. “ M-Miss E–Eleanora—!” halos pasigaw ni Mirella. Isang segundo lang ang pagitan, isang malakas na kalabog ang sumunod. Dumulas ang mga gulong sa basa at madulas na kalsada. Umikot ang sasakyan nang mabilis, parang nilamon ng hangin. At sa isang iglap, sumiklab ang puting liwanag bago tuluyang nagdilim ang lahat.Mirella’s POV “Ma’am, pinapapili po kayo ni Sir kung ano po ang susuotin niyong damit,” sabi ng personal assistant ni Cassian habang isa-isang inilalabas ang mga mamahaling designer clothes sa malaking luggage. Halos mabingi ako sa lagaslas ng tela at mga kalansing ng mga hanger. Ang mga damit ay puro branded, may Gucci, Dior at Chanel. Puro yata pang-mayaman at pang-modelo. “And requested din po ni Sir na ito po ang isusuot ninyong swimsuit,” dagdag pa niya habang maingat na inilapag sa kama ang isang kulay itim na two-piece na halos hindi ko mawari kung damit pa ba o piraso lang ng tela. Napataas ang kilay ko. “Talaga bang siya pa ang pumili nito?” tanong ko, pilit na pinipigilan ang tawa. “Yes, ma’am. Personal choice daw po ni Sir Cassian,” sagot niya, medyo nakangiti pero halatang naiilang din. Napailing ako habang pinagmamasdan ang mga kasuotang nakalatag sa kama. Fine, aaminin ko, may taste naman siya. Maganda ang mga pinili niyang kulay at style. Classic yet bold. Per
Mirella’s POV Pagmulat ng mata ko, malamig na hangin at pamilyar na amoy ng mansion ang bumungad sa akin. Nasa kwarto na pala ako. Dahan-dahan akong bumangon, pinisil ang tiyan kong kanina pa mahapdi, ramdam ko pa rin ang kirot mula sa suntok ni Liam. Hindi pa rin ako makapaniwala sa natuklasan ko. Dati palang prostitute si Eleanora. Kaya ba sa tuwing nakikita ako ni Cassian, parang lagi siyang may tingin na parang nandidiri? Sa paningin niya, isa akong bayarang babae? Pero… hindi naman ako si Eleanora. Hindi ako ‘yung babaeng ‘yon. Ginagawa ko nga ang lahat para baguhin ang mga kinikilos ko, para hindi ako katakutan ng mga tao, para hindi nila ako kamuhian. Pero habang mas marami akong natutuklasan tungkol sa kanya, mas nararamdaman kong nanganganib ako. Napaka-misteryo ni Eleanora at kabigla bigla ang mga nakaraan niya. Ano pa kaya ang matutuklasan ko sa babaeng iyon? “You’re awake,” Napalingon ako sa pinto nang marinig ang pamilyar na boses. Si Cassian. Nakatayo siya roon
Flashback… Cassian’s POVI watched from the top of the stairs, silent, as the same scene unfolded again. My mother’s voice breaking and my father’s tone like ice.“Where are you going, Rafael?! You’re leaving again?! It’s our anniversary today!” she cried, clutching the edge of his sleeve like it could make him stay.He didn’t even flinch. “I have something important to take care of,” he said flatly, adjusting his cufflinks as if her words were nothing but noise.Mother let out a shaky laugh, the kind that hurt to hear. “So that’s it? Another important errand? Am I really that worthless to you?”Father finally turned, his eyes cold. “Stop it, Lucia. You’re only making a fool of yourself.” His voice was calm. “You’re pathetic.”The silence that followed was heavier than my mother’s sobs. I was just only twenty-one, old enough to understand that my family was about to fall apart.I followed my father that night, keeping my distance as he drove across the city. He stopped at a small apa
Mirella stepped into one of the city’s most exclusive bars, the same place her boss, Eleanora, used to frequent. The neon lights bathed her in red and gold, matching the deep crimson of her dress. Her makeup was flawless, her posture was regal. Kung titingnan mo siya ngayon, mahirap paniwalaang dati siyang si Mirella, ang simpleng babaeng walang pakialam sa ayos, walang kumpiyansa, at walang boses. Ngayon, dala niya ang mukha ni Eleanora Zobel ang mukhang may kapangyarihan, at alam niyang kaya niyang gamitin iyon sa kahit sino.“Eleanora! Long time no see!” Nakangiting bungad ni Sabrina. Sa kabutihang-palad, kilala niya ito. Isa siya sa mga taong madalas kasama ni Eleanora tuwing gabi ng kalayaan at kalasingan.“Hey, Sabrina. What’s up?” malambing na sagot ni Mirella habang sinenyasan ang bartender. “One cocktail, please. The strongest one you have.”Tumawa si Sabrina at umupo sa tabi niya, habang pinagmamasdan ang mga ilaw na kumikislap sa dance floor. “Ayos lang naman! Pero grabe,
Mabilis na ipinatawag ang security at agad din dinakip ang ginang. “Don’t let her come near here or near my wife ever again,” utos ni Cassian. Pilit na pumipigil ang ginang, nag-aalburuto. “Bitawan niyo ako! Ano ba! Bigyan niyo na ako ng pera! Pera ang kailangan ko!” “Wait—” saglit na pag-aawat ni Cassian habang kinukuha ang pitaka. Kinuha niya ang sampung libong piso, at binalibag ang pera sa mukha ng ginang. Agad naman itong pinulot ng ginang. Ngumisi muna ang tiyahin bago umalis. “Babalikan ko kayo. Hindi pa ako tapos sa inyo—lalo na sayong babae ka! Hanggang hindi mo naibibigay ang gusto ko!” banta ng tiyahin. Tahimik na tumingin si Mirella sa sahig nang marinig iyon, pilit na itinatago ang pag-alimpungat. Hindi niya gustong makita ni Cassian kung gaano siya naapektuhan ng mga panunukso ng tiyahin. Mahalagang kamag-anak man iyon, alam niyang hangga’t may buhay ang kanyang tiyahin, pera lang ang habol nito. Hindi niya inasahan na mas gugustuhin pa nitong mamatay kaysa magpakit
Tulala pa rin si Mirella sa kaniyang opisina, titig sa kawalan, habang muling bumabalik sa isip niya ang bawat sandali ng nangyari kagabi. Ang init ng halik, ang pang angkin sa kanya, ang bigat ng hininga ni Cassian, at ang paraan nitong biglang tumigil na parang may natuklasang hindi nito kayang tanggapin. ‘Bakit siya huminto? Dahil ba virgin pa ako? Ano naman kung gano’n? Oh, fuck!’ Napabangon siya mula sa kinauupuan, halos mapahawak sa sentido. Ramdam niya ang bigat ng pagkalito at inis sa sarili. Alam niyang may dahilan kung bakit ganoon ang naging reaksyon ni Cassian. Sa pagkakaalam niya, ang babaeng ginagampanan niyang papel—si Eleanora—ay malayo sa pagiging inosente. Siya mismo, bilang dating assistant nito, ang nakasaksi kung paano ito magpakasasa sa gabi-gabing paglabas, sa mga bar, sa mga lalaking dumarating at nawawala sa buhay nito na parang mga laruan kung ituring niya. Kaya paano nga ba siya mag-aalinlangan kung iyon ang alam ng asawa sa kaniya ngayon? At higit







