Pinanatili ko na lamang nakapikit ang mata ko habang patuloy si Danie sa pag-aayos ng buhok ko. Mas napabilis ang gawain niya dahil ginamit niya ang kapangyarihan niya para pagalawin ang mga panglagay ng kolorete sa mukha. Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang pagtigil niya kaya iminulat ko ang mga mata ko. Napatitig ako sa aking repleksyon sa salamin. Nagkaroon ng kulay ang maputla kong mukha at ang buhok ko ay maayos na nakalugay at kulot ang dulo.
“Ang ganda mo talaga Fajra, kamukhang-kamukha mo ang iyong ina,” wika ni Danie pagtapos ipatong ang korona sa aking ulo. Napangiti nalang ako sa kanya at tumayo mula sa pagkakaupo. Tinulungan niya rin akong ayusin ang damit ko tapos ay inayusan na rin niya ng mabilis ang kanyang sarili. Pinanood ko lamang siyang magpahid ng tinatawag na makeup sa mukha niya.
Salamat sa tinatawag na makeup galing sa mundo ng mga mortal at mas napadali ang pag-aayos. Ayon kay Danie, noon daw ay kailangan pa nilang maghalo at maghanap ng iba’t-ibang sangkap para maging kolorete sa mukha pero nang matuklasan ang bagay na ito galing sa mga mortal ay naging madali ang pag-aayos lalo na sa mga kababaihan.
Sa totoo lang, maraming mga bagay ang nakuha at napakinabangan namin mula sa mundo ng mga mortal tulad ng mga kasangkapan, pagkain at mga kagamitan. Sa pagdaan ng mga taon, pati rin ang mundo naming ay nakiki-ayon sa agos ng pagbabago. Ilang mapagkakatiwalaang bampira ang sumusuong sa delikadong mundo ng mga mortal upang magsaliksik, at sa pagbalik, dala na nila ang ibang mga kaalaman, kagamitan at kung ano pa.
Galing sa mundo ng mga tao ang mga kasulatan na aking napag-aralan tulad ng kung paano mamuhay sa kanila, kung paano nagsimula ang kanilang mundo, ano ang pag-aaral nila sa lahi naming at mga lenggawahe tulad ng Ingles, Español at iba pa. Mabilis lang para sa isang kagaya kong mataas na bampira ang mag-aral at magkabisa ng mga iyon dahil parte iyon ng kakayahan ko at isa sa aking dapat pag-aralan.
Matapos ng pagbabalik tanaw ko sa ilang bagay ay muli kong tinignan ang repleksyon ko sa salamin pagtapos ay naglakad palapit sa kama ko kung saan nakapwesto si Dan. Tinaasan ko agad siya ng kilay nang makitang sinusuri niya ang itsura ko.
“Maganda ba?” tanong ko. Gamit ang tinatamad niyang anyo ay tumango siya bilang pagsagot. Agad akong napairap dahil do’n.
Naupo ako sa tabi niya habang hinihintay namin ang oras ng pagbaba. Ngayong gabi ang takdang araw ng selebrasyon ng ika sampung taon ng pag-upo ko sa trono bilang reyna ng mga bampira. Mga maharlika mula sa iba’t-ibang lahi ang dadalo ngayong gabi bilang pagtitibay na rin sa samahan ng mundo namin sa iba pa. Habang sa bawat bayan naman na aming nasasakupan ay ay selebrasyon din na kasalukuyang ginaganap, simula pa kanina. Sa ganitong paraan ay mapapabatid namin ang pasasalamat sa pagtitiwala sa akin at sa pagsunod sa mga alituntunin na ipinapatupad.
Nakarinig kami ng katok sa pinto kaya si Dan na ang nagmabuting lumapit doon at buksan.
Bumungad sa paningin ko ang apat na kawal at ang pinunong taga pagsilbi rito sa kastilyo.
“Mahal na reyna, inaasahan na ang inyong presensiya sa baba,” sabi niya. Nanatili sila sa labas at naghintay. Tinignan ko si Danie na tapos na ring mag-ayos. Ngumiti siya sa akin at lumapit.
“Tara na mahal na reyna,” aya niya. Nginitian ko siya at tumayo na sa pwesto ko.
Kapag may ibang nasa paligid ay tinatawag niya ako sa karaniwang tawag ng iba sa akin na ‘Mahal na reyna’ para na rin daw maiwasan ang usapin, at kapag kami nalang dalawa o kasama si Dan ay sa pangalan nila ako tinatawag.
Naglakad kami palapit kay Dan na nakatayo sa may pintuan. Pinauna na namin ang mga kawal at tagapagsilbi bago ko kinawakan ang braso nilang dalawa at sinama sa paghalo sa hangin.
Wala pang ilang segundo ay nasa harap na kami ng malaking pintuan ng bulwagan na pinaggaganapan ng kasiyahan. Masiyado kasing malayo kung lalakarin namin dahil nasa unang palapag iyon at nasa ika-apat na palapag ang aking silid.
Nang makita ng mga kawal ang presensiya namin ay agad silang yumuko upang magbigay galang. Si Danie at Dan ay tumayo sa magkabilang gilid ko. Si Dan ay tumingin sa akin at bahagya akong tinaasan ng kilay bago inalok ang kanyang kamay. Si Danie naman na nasa kaliwa ko ay binigyan ako ng isang matamis na ngiti bago marahang tumango.
Inayos ko ang akin tindig at inabot ang naghihintay na kamay ni Dan. Unti-unting bumukas ang pintuan sa harap namin at agad na sumalubong ang malamyos na tugtog sa paligid.
“Magbigay galang sa pagdating ng ating Mahal na reyna, Fajra Hannele Zavynthrei! Ang ika-sampung reyna ng lahi ng mga bampira!” anunsyo ng pinunong kawal na nasa gilid ng malaking pintuan. Malakas na pinatunog ng iba pang kawal na nakahilera sa harapan ang kanilang mga tambuli hudyat upang maglakad na kami.
Hindi ako ngumiti. Nanatiling blangko ang ekspresyon ko habang naglalakad sa gitna ng magarbong pulang tela na tumatakip sa dinadaanan ko. Ang lahat ng nandito ay nakamasid sa akin. Hindi ko na ninais na balingan sila ng tingin dahil kapag nangyari ‘yon ay agad kong mababasa ang nasa isip nila at alam kong ang ilan doon ay hindi ko magugustuhan. Alam kong hindi maaalis sa kanilang isipan na ako’y husgahan at dahil kilala ko ang sarili ko at ang mga posibilidad kong gawin ay pinigilan ko na gawin iyon.
Nang marating ko ang harap ay inalalayanan akong umakyat ni Dan sa iilang baitang na hagdan upang makarating sa trono ko na nasa taas nito.
Pagkadating ko roon ay humarap ako sa lahat. Humina ang tugtugin hudyat para ako’y magsalita.
“Sa sampung taong nagdaan ay hindi ko inaasahan na ang bumagsak na mundo namin noon ay muling naibangon at mas napagtibay pa. Ang lahi naming halos maubos ay muling naisalba, at ang lahat ng iyon ay ipinagpapasalamat ko dahil kung hindi dahil sa tulong ninyo ay hindi mangyayari. Maraming salamat sa pagdalo ngayon gabi at sama-sama nating ipagdiwang ang ika sampung taon ko sa trono at ang ika sampung taon ng muling pagbangon ng aming mundo. Muli, maraming salamat at sama-sama tayong magdiwang at magsaya,” mahabang salita ko at pasasalamat. Ang lahat ay pumalakpak dahil doon at itinaas ang hawak nilang mga alak. Kinuha ko ang iniabot sa akin ni Dan na baso ng alak at ininom iyon.
Iyon ang naging hudyat ng pagsisimula ng kasiyahan. Muling bumalik ang masayang tugtugin at ang magkakaibang lahi ay nagkaisa sa pagsasaya.
“Mahal na reyna, pagbati mula sa mga lahi ng mga werewolf.” Napabaling ako ng tingin sa may harapan nang lumapit ang grupo ng mga maharlikang werewolf. Pinapangunahan ito ni Dyke, ang Alpha, at ang apat sa may mataas na posisyon sa kanila. Ang apat na kasama niya ay nakayuko bilang pagbibigay galang habang si Dyke ay nakangiti sa akin.
“Salamat sa inyong pagdalo.” Pasasalamat ko at tumayo mula sa aking pwesto. Ibinigay ko kay Dan ang hawak kong kopita at bumaba. Bahagya pa akong nakatingala kay Dyke na ngayon ay kaharap ko na. Tunay ngang makikisig at malalaki ang pangangatawan ng mga werewolf lalo na ang kaharap ko pa ay ang kanilang Alpha.
Inialok ni Dyke ang kamay niya sa akin at malugod na tinanggap ko iyon. Unti-unti niya iyong inilapit sa kanyang labi at marahang hinalikan.
“Iba ang iyong ningning ngayong gabi aking reyna. Ikaw pa rin ang namumukod-tanging kaya akong pahangain sa pisikal na kaanyuan palang.” Basa ko sa mensaheng nasa isip niya na gusto niyang iparating sa akin. Alam niya ang ganito kong kakayahan kaya sigurado akong sinadya niya na iyon ang mabasa ko.
Hindi lingid sa kaalaman ko ang pagtangi niya sa akin. Noon pa lamang ay palagi niya iyong sinasabi sa akin pero hindi ko sineseryoso. Katulad ni Dan ay matagal ko na ring kaibigan at kakilala si Dyke, kaya akala ko ay biro lamang iyon.
“Kinagagalak kong muli kang makita, mahal na reyna,” sabi niya at unti-unting binitawan ang kamay ko.
“Kinagagalak ko rin ang inyong pagdalo sa selebrasyon ngayong gabi,” sagot ko at bahagyang ngumiti sa kanya.
“Kahit kailan ay hindi magdadalawang isip ang lahi naming na tanggapin ang kahit anong alok lalo na kung galing sa’yo. Ang hinihintay na lang namin ay ang pagtanggap mo ng alok kong pakikipag-isang dibdib,” sabi niya dahilan para mapatawa ako. Nahawa na rin siya sa pagtawang ginawa ko at napakamot sa batok niya.
Natatandaan ko, ilang beses na niyang sinubukan akong alukin ng kasal kahit noong hindi pa ako ang reyna at kahit na ang bata ko pa noon. Akala ko noon ay biro lang pero nang tumagal ay seryoso pala siya. Ngunit hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya kaya kahit anong alok niya at kahit malaki ang magiging kapalit no’n sa aming mundo ay hindi ako pumapayag.
Kagaya ng sabi ko kay Dan kahapon, hihintayin ko muna at susubukan kung sino man ang nilalang na nakalaan para sa akin, at saka lamang ako hahantong sa desisyon ng pagpapakasal sa iba at pagsira ng koneksyon ko sa nakatanda sa kanya kung magiging katanggap-tanggap na ang dahilan. Isa akong reyna kaya dapat ang desisyong palagi kong bibitawan ay hindi lamang para sa akin, kung hindi para sa sinasakupan ko.
“Bakit? Handa ka na bang isuko sa akin ang dugo at buhay mo?” pagsakay ko sa biro niya.
“Isama mo pa pati ang katawan ko!” sagot naman niya na mas lalong ikinatawa ko. Kung si Dan ay seryosong tipo na kaibigan, si Dyke naman ang palabiro. Malaki man ang agwat ng edad namin, magkaiba man ang uri at kahit parehong pinuno ay nagkasundo pa rin. Hindi naman mukhang matanda si Dyke dahil katulad naming mga bampira ay humihinto sa pagtanda ang pisikal nilang anyo.
“Magtigil ka na nga, malay mo, rito mo pala makikilala ang magiging bagong kapareha mo.” Nilingon ko ang mga nagsasayang nilalang sa paligid at ginaya naman ni Dyke ang ginawa ko.
“Sa tingin ko nga ay nandito siya,” sagot niya.
“Oo, malay mo—”
“Kasi ikaw pa rin ang nais kong maging kabiyakan, aking reyna,” pagputol niya sa sasabihin ko. Tinaasan ko siya ng kilay at bahagyang itinaas ang kamay ko hanggang sa unti-unti iyong mabalot ng itim na usok.
“Kung ganoon, tara na at isuko mo na sa akin ang kaluluwa mo.” Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko at inilapit sa kanya kaya gayon nalang ang panlalaki ng mata niya at paghakbang paatras.
“Mahal na reyna.” Agad na pinaglaho ko ang itim na usok na bumabalot sa kamay ko at ibinaba iyon. Hinarap ko ang tumawag sa akin. Si Arthur Venderheel pala iyon kasama ang kanang kamay niyang si Delaila at dalawa pang bampira, isang babae na hindi ko kilala at ang lalaki ay hindi maikakailang anak ni Arthur dahil kawangis niya ito, iba lamang ang kulay ng mata.
“Magandang gabi, mahal na reyna. Gusto ko lang pormal na ipakilala ang anak ko,” panimula niya. Humakbang papalapit sa akin ang anak niya at yumuko bilang pagbibigay galang. Hindi ko naman naiwasan na suriin ang kabuuan niya. Bakas sa suot niya ang karangyaan, ang buhok niyang itim na itim ay halatang pinagtuunan ng pansin na ayusin. Mayroon din siyang matangos na ilong, manipis na labi at mayroon siyang kulay tyokolateng pares ng mata.
“I’m very pleased to meet you, our Queen. My name is Adam Venderheel, and you can always count on me,” pakilala niya. Hindi na ako nagtaka nang Ingles ang lenggaweheng ginamit niya. Alam kong gusto niya lang ipakita na mataas ang pinag-aralan niya.
Bahagya ko siyang tinanungan at hindi na nag-abala na magpakilala pa dahil alam ko namang alam niya kung sino ako.
“Ngayon lang nakauwi ang anak ko mula sa matagal na pananatili sa mga borders dahil siya ang inatasan kong magbantay doon. Isa siyang mataas na bampira, at ang pinuno ng ating sandatahang lakas na may kakaibang kakayahan,” pagmamalaki ni Arthur sa anak niya na hindi naman nakatawag ng pansin ko.
“Is that it? Well then, thank you for the hard-work Adam. I will note your name so I’ll be able to give you a higher position or even a reward,” I blankly said. Ngumiti naman siya sa akin at bahagyang yumuko ulit.
“Ilang taon ang ginugol niya upang mapanatiling ligtas ang ating mundo, pero nitong nagdaang araw lang ay muli ko na siyang pinauwi para sa susunod na importanteng gaganapan niya.” Agad na napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
“Mahal na reyna, siya ang napili ng konseho na susunod na uupo sa posisyon at magiging inyong hari," dagdag niya dahilan para maiyukom ko ang kamao ko.
“P-paano mo nalaman ang aking pangalan? At saka sino ka ba sa inaakala mo?!” galit na wika kong muli. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko. May kakayahan ba siyang basahin ang isip ng isang tao?! Sinamaan ko siya ng tingin, ngunit hindi ko inasahan na bigla siyang lumuha sa harap ko. Sunod-sunod na pumatak ang mga iyon at kitang-kita ko ang iba’t-ibang emosyon sa kanyang mata na hindi ko alam kung para saan at bakit. Napasinghap ako nang bigla siyang lumapit sa akin at kinulong ako sa kanyang yakap. “Maraming salamat sa pagbabalik, mahal ko… Maraming salamat sa paglaban. Mahal na mahal k-kita. Antagal ka naming hinintay ng mga anak natin. Sa wakas, nandito ka nang muli…” Napaawang ang aking labi dahil sa sinabi niyang iyon. Ang lungkot, sakit, at saya ay maririnig sa kanyang boses. Hindi ko alam kung bakit, pero nang marinig ko pa lang ang boses niya ay para bang naging kakaiba ang bilis ng tibok ng puso ko, kung kaya’t nang maramdaman
FAJRAKadiliman. Puro kadiliman ang nakikita ko. Hindi ko alam kung ilaw oras, araw, buwan, o taon na ako rito dahil hindi ko na kalkulado. Para bang walang katapusan ang kadiliman na ito dahil kahit anong lakad at takbo ang gawin ko ay hindi ko alam kung nasaan ang daan palabas, o kung paano makakaalis dito. Hindi ko alam kung paano ako nakapasok dito dahil sa pagmulat ng mga mata ko ay nandito na ako sa lugar na ito, at hindi ko rin alam kung isa ba itong panaginip o ilusyon dahil hindi ako nakakaramdam ng kahit ano sa lugar na ito, at basta na lamang naglilibot.Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa lugar na ito, ngunit isang araw, bigla na lamang sa pagmulat ng mga mata ko ay natagpuan ko ang sarili ko sa kapaligiran na puno ng mga puno. Mag-isa lang ako at hindi ko alam kung nasaan ako. Ang tanging alam ko lang at ang nasa isip ko ay ang kaalaman sa pangalan ko, at kung anong nilalang ako. Isa akong imortal—isa akong Demon at a
Cyrus, Hindi ko alam kung matagal na bang wala sa hulog ang pag-iiwan ng sulat, ngunit sa pangalawang pagkakataon ay gagawin ko ito. Habang isinusulat ko ito ay kasalukuyan kang kasama nina Dan sa pag-iikot sa mga hangganan ng mundo, at wala akong ibang kasama dahil nanghingi ako sa kanila ng mga pagkain upang maging rason para maiwan nila akong mag-isa kahit na saglit. Cyrus, hindi ako mapapagod na magpasalamat sa iyo dahil sa pagmamahal mo. Ikaw ang nagmulat sa akin ng totoong kahulugan ng pagmamahal at saya. Sa kabila ng bigat ng responsibilidad ko sa aming mundo, sa tabi mo ay naramdaman ko ang kalayaan. Hindi ko inakala na sa mahabang panahon ay hinahanap ko rin pala iyon, kung kaya’t maraming salamat. Minahal at tinanggap mo kung sino ako, pati ang nangyari sa iyo sa nakaraan dahil sa akin. Mahal na mahal kita. Kahit kailan ay hindi ako magsisisi na sinunod ko ang puso ko. Sa tabi mo, naging masaya ko, ngu
Ang pagtulong sa kapwa, lalo na sa oras ng pangangailangan ay palagi kong ginagawa. Hindi ako napapagod na tumulong dahil alam ko, at naranasan ko ang hirap ng buhay. Kahit gipit ako o nagmamadali, hindi ako nagdadalawang isip na tumulong. Ano lang naman ba ang pagaanin ang sitwasyon ng nangangailangan? Lahat naman tayo ay may hinaharap sa buhay, at ang isang paraan upang mapagaan iyon kahit kaunti ay ang pagtulong. Nagiging masaya ako at lumuluwag sa kalooban kong makita ang pagngiti nila sa akin at pasasalamat. Hindi ko kailangan ng kahit anong material na bagay bilang kabayaran. Makita ko lang na masaya sila sa aking ginawa ay kuntento na ako. Sa nagdaang mga buwan, para bang kay bilis ng mga pangyayari. Nagsimulang magkaroon ng kulay ang boring kong buhay mula nang matagpuan ko ang isang babae sa may tabing ilog noon. Hindi ako nagdalawang isip na tulungan siya at kupkupin kahit sa kabila ng katotohanan na hindi ko siya kilala. Walang nakakakilala sa kanya,
CYRUS “Hijo, maaari mo ba akong ihatid sa tabing ilog? Masyado lang marami ang dala ko at nananakit na ang aking likod sa pagbuhat.” Napatigil ako sa paglalakad nang bigla may magsalita sa aking likuran. Boses iyon ng isang matanda, kung kaya’t agad ko siyang nilingon, at nabigla nang makita ngang naroon siya. Nilingap ko ang paningin ko sa paligid upang tignan kung saan siya posibleng nagmula dahil malalim na ang gabi at sa pagdaan ko naman dito kanina ay wala siya, ngunit dahil hindi ko alam at wala akong ideya ay muli ko siyang hinarap at ngitian. Siguro ay masyado lang akong tutok sa paglalakad kanina at hindi siya napansin. Pagod na pagod na kasi ako dahil tatlo ang trabaho ko ngayong araw, at pagtapos ay wala naman nang masakyan kung kaya’t hanggang sa kalagitnaan lang ng daan pauwing lugar namin ang naabutan ko. Halos nakisabay nga lang ako. Pagtapos kong ihatid si Gov kanina sa Munisipyo ay kung saan-saan naman pumunta si Ms. Sof
“Hindi ko nais na umalis…” Napahigpit ang hawak ni Cyrus sa aking kamay. Napangiti ako sa kanya at pinisil pabalik ang kanyang kamay. “Hindi ko nais na iwan ka sa ganitong sitwasyon, ngunit dahil hindi natin alam ang mangyayari ay kailangan ko pa rin itong gawin. Tutol ako sa paglayo lalo na’t ganito ang kinalalagyan mo, ngunit kailangan kong sumunod para sa ikabubuti ng lahat, lalo na para sa inyo ng mga anak natin,” dugtong niya. “Naiintindihan ko. Huwag kang mag-alala dahil sa pagbabalik ninyo ay makakasama mo na kami. At isa pa, nandito sina Ina at ang iba upang bantayan at tulungan ako. Nakakasigurado akong palagi silang magsasabi sa iyo ng mga magaganap,” paninigurado ko sa kanya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Cyrus bago yumakap sa akin. Kaagad naman akong gumanti ng yakap sa kanya at ipinikit ang aking mga mata. “Panghahawakan ko ang ipinangako mo sa aking hindi mo ako iiwan. Naniniwala at nagtitiwala akong malalampasan natin ito,
“Cyrus, maaari bang pumunta tayo sa hardin?” tanong ko sa kanya na kasalukuyang nasa likuran ko at sinusuklayan ang mahaba kong buhok. Napatigil siya sa kanyang ginagawa, kung kaya’t kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang lumingon sa kanya. Nakakunot ang noo niya sa akin at mukhang hinihintay na sabihin ko ang rason ko para sa kahilingan ko na ito. “Gusto kong masaksihan ang paglubog ng araw, at sa hardin natin matatanaw iyon,” dugtong ko. Napatango naman siya sa akin at napangiti, bago tinapos ang kanyang ginagawa at tumayo na. Kaaalis lang ng mga kasamahan namin upang maghanda sa magaganap bukas, kung kaya’t kaming dalawa na lang ang naiwan sa aming silid. Buong araw nila akong binantay, at ngayong malapit nang sumapit ang paglubog ng araw ay nagpaalam na muna, ngunit mga babalik din mamaya. Nang sumapit ang ika-sampung araw bago ang takdang kabilugan ng buwan ay parati silang nasa silid namin ni Cyrus at nakabantay, lalo na sina Helena, Danie, at ang akin
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko nang marinig ang mga nag-uusap sa paligid ko. Agad na nakilala ko ang boses nina Ina, Danie, Helena at ni Cyrus na nangingibabaw roon. Ako ang pinag-uusapan nila at bakas ang pag-aalala sa mga boses nila. Gusto kong pumagitna sa pag-uusap nila upang siguraduhin na maayos lang ang lagay ko—na hindi sila dapat mag-alala sa amin ng mga anak ko dahil maayos ang lagay namin, ngunit dahil masyado pa akong nanghihina ay simpleng pagmulat lang ng mata at paglingon sa kanila ang nagawa ko. Nakatayo si Cyrus at kasalukuyang nakaharap sa bintana. Katabi niya sina Dan at Dyke na tahimik lang, habang sina Ina, Danie at Helena ay nasa may sopa. “C-Cyrus…” tawag ko sa kanya. Alam kong kahit sa mahinang boses ay naririnig nila ako, at hindi nga ako nagkamali nang lahat sila ay napabaling sa akin. Nagmamadaling lumapit sa akin si Cyrus at naupo sa aking tabi, bago ako tinulungang makabangon at niyakap nang mahigpit. Ipinikit ko ang aking mga mat
Simula nang dalhin ko ang aming mga anak ni Cyrus ay hindi ako naaalis sa malalim na pagtulog sa gabi kahit gaano pa karami ang iniisip, ngunit sa pagkakataong ito ay para bang may pilit na hinihila ako upang gumising, kung kaya’t unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Rinig ko ang pagkatok na nagmumula sa bintana at para bang kahit walang naririnig na boses ay may tumatawag sa akin. Dahan-dahan kong inalis ang braso ni Cyrus na nakapulupot sa akin at agad na pinalitan iyon ng unan. Sinigurado ko ring gamitan iyon ng aking kapangyarihan upang mas akalain ni Cyrus na ako pa rin ang kanyang yakap. Palagi kasi siyang nagigising kapag umaalis ako sa tabi niya kung kaya’t hindi ko na nais na maistorbo siya ngayon. Mahaba ang naging araw niya dahil naglibot siya sa lahat ng bayan, at pagtapos ay pinagluto ako noong hapon, at nang sumapit naman ang gabi ay nag-ensayo. Kaagad na bumaba ako ng kama at lumapit sa bintana. Sa paghawi ko ng makapal na kurtina ay napakunot ang a