“ANONG nangyayari dito?!” rinig niyang boses ng kaniyang biyenan ngunit hindi niya iyon inintindi. Mas nananaig ang sakit at awa sa sarili na pinaparamdam sa kaniya ng kaniyang asawa.
“B-Buntis?” sumulyap siya sa tiyan ng babae.Gusto niyang matawa. Ayaw niyang maniwala na magagawa sa kaniya iyon ni Herbert. Umiling siya dito ng ilang beses ngunit malungkot lamng siyang sinuklian nito ng tingin. Natulala siya saglit bago nanginginig sa pag iyak na lumapit dito at lumuhod. Binalewala ang mga salitang narinig. Sa isip niya ay tatanggapin niya iyon. Kung totoo man. Huwag lang iwanan ng kaniyang asawa.
“P-Please, Herbert. Wag ito…gagawin ko ang lahat. Wag mo lang akong hiwalayan. Parang awa mo na. Mahal na mahal kita.”
Ni hindi niya na maaninag ang mukha ng lalaki at kahit pa ang emosyon sa mukha nito. Nabubulag na siya sa sakit at sa mga luhang wala ng tigil sa pag apaw sa mga mata niya.
“Eleanor?! Tumayo ka nga diyan! Anong kadramahan ito?!” sigaw ng biyenan niya pa ngunit mas kumapit lamang siya sa binti ng asawa. Yumakap siya doon habang umiiyak at nagmamakaawa. Natigil nga lamang nang magsalita muli ang lalaki.“Tama na, Eleanor. Hindi na kita mahal. Si Clarisse na ang mahal ko. Tigilan mo na ito. I'm sorry.”
Umalis siya matapos marinig iyon. Mabibigat ang hakbang na lumabas siya ng gate ng mga Jimenez kahit na umaambon at lumalakas pa iyon. Hindi siya tinawag ng asawa o kahit ng kaniyang biyenan. Hindi na rin naman siya umasa pa.
Lumakad siya sa gilid ng kalsada na walang saplot ang mga paa at nababasa sa ilalim ng pagbuhos ng ulan. Nahihilo siya sa sakit ng dibdib niya. Nagpapaulit ulit and mga narinig niyang masasakit na salita mula sa asawa niya. Pinepeste ang tainga niya at mas dinidiin ang hiwa sa puso niya.
Tumingin siya sa kalsada at sa mga parating na sasakyan. Sa isip niya, baka bumalik ang asawa niya sa kaniya kapag pisikal siyan masasaktan? Baka maisip nitong mahal siya nito at hindi si Clarisse kapag naghihingalo na siya? Na maaaring magsisisi ito at maiisip ang mga pangako nito na binitawan sa araw ng kasal nila noon kapag may mangyaring masama sa kaniya?
Sa iisiping iyon ay humakbang siya ng isa, dalawa, tatlo papagitna. Hindi na gumagana ng tama ang isip niya. Wala ng pakealam sa kung anong mangyari sa kaniya. Kasabay nang malakas na pagtunog ng preno ng sasakyang papalapit ay ang pagkawala ng kaniyang malay.
NAGISING si Eleanor at nakita ang sarili sa puti at malinis na kwarto. Saglit pa siyang natulala. Naalala niya ang nangyaring pag uusap nila ng kaniyang asawa at ng kabit nito, at ang ginawa niyang walang pagdadalawang isip na pagpapakamatay.Napapikit siya para pigilan ang butil ng luha. Naaawa siya sa sarili at natatangahan.
Naimulat nga lamang niya ang mga mata nang marinig ang pagbukas ng pintuan. Dumapo ang tingin niya doon. Pumasok ang isang may katandang babae na nananatili parin ang ganda bagamat may edad na, kasunod ang isang mas batang lalaki na tantsa niya ay kasing edad ng asawa niya o higit pa. May pinag uusapan ang mga ito ngunit natigilan lang nang makita siyang mulat na ang mga mata.
Mabilis na lumapit sa kaniya ang ginang na may ngiti sa labi at pag alaala.
“Hi, sweetheart. How are you? May masakit paba sayo?” nilingon nito ang lalaki sa likuran at inutusan. “Noah, call the doctor.”
Sumulyap pa muna sa kaniya ang malalalim at malalamig na mga mata ng lalaki bago ito tumango sa matandang babae at lumabas.
“The doctor said you're safe now. Pero nag aalala parin ako sayo. Mataas ang lagnat mo kanina.” Ani ng matanda at hinawakan siya sa kamay. “I'm sorry hija. Muntikan kana naming mabangga kanina.”
Tinitigan ni Eleanor ang may sinseridad na mga mata ng matanda bago siya umiwas at inilayo ang mga kamay. Ayaw niyang makita at mabasa nito ang kalungkutan niya.
“O-Okay lang po. Kasalanan ko din iyon.” Nilunok niya ang bukol sa lalamunan upang hindi muling umiyak. “Salamat sa pagdala sakin dito ngunit aalis na po ako.” Dugtong niya bago ibinaba ang mga paa para tumayo.
“Huh?” Gulantang ang matanda. Agad siya nitong pinigilan sa pagtayo bago pa makaalis. Ayaw niya namang maging bastos kaya hindi niya ito maitulak.
“I'm sorry hija, but I won't allow you to just leave yet.” Matigas at madiing sabi ng babae sa kaniya bago muling bumukas ang pintuan. Pumasok ang isang doctor, nurse at ang lalaking kasama ng matandang babae kanina. Sabay sabay na napatingin ang tatlo sa kaniya.
Mahina siyang itinulak ng matanda para mahiga muli bago inilahad sa doctor na natawa naman sa nakita. Wala na siyang nagawa kundi manatili.
Tanging tango na lamang ang sinagot niya sa doctor sa mga katungan nito. Wala siyang maintindihan dahil nililipad ang isip niya.
“I guess right, you still haven't eating anything kaya nahimatay ka kasabay pa ng lagnag mo.” Ani ng matandang babae matapos makaalis ng doctor.
Pwede na raw siyang umuwi ngunit nang marinig naman iyon ay parang ayaw niya ng kumilos papaalis ng kama. Wala siyang lakas ng loob harapin ang katotohanan at bumalik. Ayaw niyang makita ang asawa niya at ang kabit nito. Bukod doon ayaw niyang makarinig na naman ng masasakit na salita dahil baka hindi niya na kayanin pa.
“Hija, do you want to eat anything? We have fruits here but if you want something, we can order it. But it must be healthy.”
Nanatili lang ang mata niya sa gilid, blanko at walang gana sa lahat.
Narinig niya ang buntong hininga ng matanda. Bago ang baritonong boses ng lalaki.
“Let's go, grandma. Sobra sobra na ang ginawa mo sa kaniya kahit wala naman talaga tayong responsibilidad sa kaniya. If she can't see your gratitude, then it's her bad. Let's just go. You need to go home now and I am already late on my meeting. Maraming oras na ang naubos natin dito” Prankang rinig niya mula doon.
“Noah, I don't like your words and tone!” The old woman hissed.
Bumuntong hininga si Eleanor at pinahid ang mata bago pumihit papaharap sa mga ito at bumangon. Aalalayan sana siya ng matanda nang umiling siya at bahagyang ngumiti.
“P-Pasensiya na po kayo uh…babayaran ko na lang po ang pinagbayad niyo dito…” lumunok siya at napatungo nang makita ang mga mata ng lalaki. Nahihiya siya sa dalawa. “Salamat po…pasensiya na talaga hindi ko lang talaga uh…” paputol putol niyang sabi hanggang sa yakapin siya ng matanda. Ikinagulat niya iyon at siguradong kitang kita iyon sa mukha niya.
“It's okay hija, just cry.”
Tila kulbit iyon para kusang bumuhos ang tinatago niyang sakit. Umiyak siya at humagulgol sa balikat ng matandang babae. Sa wakas ay may naramdaman siyang karamay. Hinayaan naman siya ng matandang umiyak nang umiyak hanggang sa makatulog na lamang siyang muli.
Nilingon ng matanda ang tinuturing nitong apo na si Noah na nasa likuran parin at nakasandal sa pader. Tumango ito at tinulungan siyang ihiga si Eleanor ng maayos. Hinaplos ng matanda ang mukha ni Eleanor, na mayroong magang magang mga mata dahil sa kakaiyak. Hindi man niya alam ang nangyari kay Eleanor, ramdam niya at kitang kita niya naman ang pinagdaanan nitong sakit na gumuguhit sa mukha at mga mata nito. She's feel pity for her.
“Don’t you think, she looks like my Elizabeth?”
Ngumiwi si Noah habang magka krus ang mga braso. Nakatutok din ang mata sa natutulog na si Eleanor.
“Here we go again. Ilang beses ko na bang narinig iyan?” Iniwas nito ang tingin sa babae at ipinako sa matandang natatawa. “Grandma, hindi kamukha ng inyong namayapang anak ang bawat babaeng makikita niyo.”
Umirap ang matanda sa kaniya bago pinisil ang kamay ni Eleanor.
“Ngunit iba ang pakiramdam ko sa batang ito, Noah. Parang may lukso ng dugo.”
Umiling na lamang si Noah dahil sa kabaitan ng kaniyang lola.
“I don't think so. Baka manggantso iyan, grandma. Nakita mo ba kung paano siya tumawid kanina kahit na kita niya namang padating ang sasakyan natin?”
Tinaliman ng tingin ng matanda ang lalaki dahil sa narinig.
“Stop being heartless, Noah!”
Napanguso na lamang ang isa.
Binalingan muli ng matanda si Eleanor. “Wala siya sarili noon. Mukhang may pinagdadaanan siya at siguro'y hindi na nakayanang labanan ang emosyon. And I know that well. I've been through that kind of pain too, once. Noong mamatay ang anak ko at asawa.”Pinahid niya ang luha na lumandas sa pisnge ni Eleanor kahit pa natutulog, bago tinignan ang apo.
“And so, if she needs someone to lean on, I'm very willing to open my arms for her. Who else should be with her aside from me?”
Umiling si Noah para pigilan ito. “Grandma, just let her go. Wala kang responsibilidad sa kaniya. Pinatawag ko na rin naman ang asawa niya. That's enough, okay?”
Nagtagal ang tingin ng matanda sa apo bago binalikan si Eleanor.
“So, may asawa na siya? Pero bakit nandoon siya kanina at tila basang sisiw? Bakit hinayaan ng asawa niyang mag isa siya?”
Napahinga ng malalim si Noah bago ipinako ang tingin kay Eleanor.
“Who knows? Maybe her husband is stupid. Well, he really is.” Tiim bagang sagot ni Noah. “That assh*le. I knew he's good for nothing." Bulong niya pa.
“Who? Kilala mo?” muling lingon ng matanda.
Napabuntong hininga si Noah. “You won't believe it, grandma. It's the first son of the Jimenez. Si Herbert Jimenez.”
Kumibot ang kilay ng matanda bago napatinging muli sa babae. Akala ni Noah ay guguhit ang pandidiri at galit sa mga mata ng matanda para sa babae matapos malaman kung sino ito ngunit ikinagulat na lamang niya ang sunod niyang narinig.
Ngumiti ng maliit ang matanda sa kaniya bago nagsalitang muli. “Sundan mo siya kung ganoon. At kapag kailangan niya ng tulong, dalhin mo sakin.”
“THANK YOU.” Ani Caroline kay Herbert nang ihatid siya nito pabalik sa kumpaniya. Ngumiti lamang ang isa sa kaniya bago siya muling pinagbuksan ng pintuan. “Wala kana bang gagawin dito?” dagdag niyang tanong sa lalaki na bahagyang natigilan pa bago umiling. Ngiting-ngiti ito sa kaniya na kanina niya pa kinaiiritahan.“Iyong meeting lang talaga ang dahilan kung bakit ako pumunta dito. Uh…tomorrow! Sa site na ang diretso ko.” He said while sounded like he was expecting something on her reaction. As if he was expecting her to come too. Ngumiti si Caroline bago tumango. “I'll probably too. Let's just see there then?”Hindi na magkamayaw ang ngiti ni Herbert. Tumango ito sa kaniya. She nodded once for finality before she started walking towards the building. Ang labi niyang may pilit na ngiti ay unti unting bumaba at naging flat line. Hindi na siya lumingon pa sa lalaki dahil masama na ang timpla ng mukha niya at hindi niya na din kaya pang umarte sa harapan nito. Masyadong naubos ang pa
MULING sinulyapan ni Caroline si Noah habang naroon sila sa meeting room. Kasalukuyang mayroong dicussion sa ilan pang detalye para sa collaboration project with Pascua.Mula pa kanina ay hindi niya pa nakitang muling tumingin sa kaniya si Noah. Ni umimik sa kaniya ay hindi na rin nito ginawa. She tried to strike a conversation with him ngunit sa huli ay hindi niya rin magawa dahil halatang focus ang lalaki sa trabaho.At kung hindi siya tinatapunan ng tingin ni Noah, si Herbert naman na nasa harapan niya, ay walang tigil ang paninitig sa kaniya. Mukhang malakas ang loob nitong tignan siya ng ganoon dahil wala ang asawa nito. She was playing her pen on her finger habang nakatitig sa harapan. Ngunit kahit nakapokus doon ang mga mata niya ay naroon naman ang atensiyon niya sa lalaking nasa harapan na hindi parin siya tinitigilan sa mga tingin nito.What's wrong with him? Sa isip niya. Natigil ang paglalaro niya sa pen nang maalala ang ginawa niya sa lalaki sa loob ng elevator. Bahagya
DALAWANG araw ang nakalipas matapos ang huling pamamaalam kay Lola Lucy ay naging tahimik ang pamamahay sa pagkawala nito. Ramdam ni Caroline ang kakulangan sa paligid. Lola Lucy brought a huge emptiness to everyone. Lahat ng mga kaibigan at kakilala ay halatang nabigla at nalungkot sa pagkawala nito. Maging ang mga kasambahay ay ramdam niya ang paghihinagpis.Mabuting tao ang matanda kaya hindi na nagtaka pa si Caroline sa iniwan nitong kalungkutan sa puso ng mga kakilala, lalo na sa mga kamag anak at kadugo nito. Dumating pa nga galing ibang bansa ang mga kamag anak nito. Nakakalungkot nga lamang na ang magiging dahilan ng pagdating ng mga ito at pagsasama sama ay ang pagkawala ng matanda. Maging ang mga taong tinulungan ng matanda ay labis ang pinakitang hinagpis nang nakiramay sa burol at libing nito. Noon lamang nalaman ni Caroline na marami itong mga tinulungang makapagtapos sa pag aaral, mga taong may labis na kapansanan at sakit na walang perang pangpagamot ngunit dahil sa tu
TILA kay bilis ng pangyayari. Nakita na lamang ni Caroline ang sarili na nasa harapan ng kabaong ni Lola Lucy na pinaglalamayan ng mga mahal nito sa buhay. She still couldn't comprehend the fact that the old lady is already dead. Tila naririnig niya parin ang mga salita nito noong huli nilang pag uusap. At nakikita niya parin ang mga ngiti nito. Heart attack ang ikinamatay ni Lola Lucy at namayapa ito habang mahimbing na natutulog. Wala itong iniindang sakit noon kaya naman nagulat talaga sila sa biglaang pagpanaw nito. Tuloy ay hindi ni Caroline mapigilang makaramdam ng pagsisisi dahil hindi niya sinulit ang huling sandaling nakasama niya at nakausap ang matanda. Kung alam niya lang ay mas hinabaan niya pa sana ang pakikipag usap sa matanda. Kung alam niya lamang na iyon na ang huli ay pasasalamatan niya ito ng paulit ulit sa lahat ng mga bagay na naitulong nito sa kaniya. Pinunasan niya ang pisnge nang may butil na luha na naman ang tumulo mula sa mga mata niya. Nasasaktan si
PINAGLALARUAN ni Caroline ang alak sa basong hawak habang nakatingin sa mga bituin sa maaliwalas na kalangitan. Hindi siya makatulog sa gabing iyon dahil sa mga nangyari sa pageant. Lumilipad nag isipan niya sa mga nasaksihan kasabay nang pagsasayaw ng mahaba niyang buhok dahil sa malamig na hangin ng gabi. Isinaayos niya ang roba niyang suot sa ibabaw ng kaniyang night dress bago idinampi ang labi sa baso ng alak na iniinom.Alam niya sa sarili niyang hindi siya nakokonsensiya ngunit hindi niya naman maikakailang nakakaramdam siya ng konting awa kay Trina lalo pa at nalaman niyang pinalayas na ito sa kanilang mansion ng sarili ding ina. Hindi niya mapigilang ikumpara ang sarili sa nangyari kay Trina, sa gabing kung kailan siya wala ring pakundangang itinaboy ng dati niyang biyenan na tila asong kalye lamang. Ngunit sa huli ay nakikita niya rin ang pinagkaiba nilang dalawa ni Trina. Mas matindi pa ang nangyari sa kaniya kaysa sa sinapit ng babae kahit na wala siyang ginawa sa pamilya
NaATANGGAL na ang video sa internet ngunit masyado na iyong kumalat para mabura pa ang lahat. Sira na ang imahe ni Trina sa publiko at natanggal na rin siya ng tuluyan sa pageant. Ngunit hindi lamang siya ang nakakatikim ng negative comments, dahil maging ang ina niyang si Suzanna ay bina-bash na rin dahil sa nalamang nagbabayad ito upang mapanalo lang ang anak sa pageant. Naungkat pa ang noong mga issue din patungkol parin kay Suzanna at sa mga pandarayang ginawa nito upang manalo sa mga pageant na sinalihan. Nagbigay pa ng mga kumento ang mga dati nitong nakalaban kaya lalo siyang nadiin.“I can't believe this!” sigaw ni Suzzana sa gigil matapos sampalin si Trina. Pagkauwing pagkauwi nila ni Herbert ay kasunod na dumating ang ina niya at kapatid. Pagkakita pa lamang ni Suzanna kay Trina ay nanggigigil siya nitong hinablot at pinagsasampal. Natigil nga lamang nang pumagitna na si Herbert. Sa gilid naman ay naroon lamang si Shiela na hindi malamang kung anong gagawin sa sitwasyon. Na