LOGINSulyap lang ang ibinigay ni Linus sa tumatawag na cellphone.
"Si Mara," maikling saad niya.
Pagpindot niya ng answer, agad na sumabog ang hagulgol ng bata sa kabilang linya. "Daddy, Cecily’s gone! She doesn’t want to be with me! I hate her! I don’t wanna see her anymore!"
Patuloy ang pag-iyak ni Mara. Sa murang edad, hindi niya batid kung gaano katalim ang mga binitawan niyang salita kay Cecily; ang tang
Nang magising si Cecily, naabutan niya ang kanyang guro na nakatitig sa bintana, habang may mga luhang tahimik na pumapatak sa mga mata nito."Professor, anong problema? May masama po ba sa pakiramdam niyo?" nag-aalalang tanong ni Cecily habang naghahandang tawagin ang doktor.Mabilis na pinunasan ni Professor Alonso ang kanyang mga mata at pinigilan si Cecily. "Ayos lang ako, huwag kang mag-alala... wala ito..."Ramdam ni Cecily na hindi totoo ang sinasabi ng guro, pero dahil ayaw nitong magsalita, hindi na siya nagpilit pa. Tatlong araw na nanatili sa ospital ang matanda, at sa loob ng mga araw na iyon ay hindi umalis si Cecily sa tabi nito. Dahil sa pag-aalaga ni Cecily, mabilis na bumuti ang pakiramdam at disposisyon ni Professor Alonso.Gayunpaman, madalas mapansin ni Cecily na tulala ang guro, tila may malalim na iniisip o inaalala.Sa araw ng paglabas nito sa ospital, nakiusap si Cecily
Sulyap lang ang ibinigay ni Linus sa tumatawag na cellphone."Si Mara," maikling saad niya.Pagpindot niya ng answer, agad na sumabog ang hagulgol ng bata sa kabilang linya. "Daddy, Cecily’s gone! She doesn’t want to be with me! I hate her! I don’t wanna see her anymore!"Patuloy ang pag-iyak ni Mara. Sa murang edad, hindi niya batid kung gaano katalim ang mga binitawan niyang salita kay Cecily; ang tanging alam niya, iniwan siya nito at nag-iisa na naman siya.Nang marinig ni Siera ang pait sa boses ng anak, agad itong nagpakita ng matinding pighati. "Dahil ba sa akin kaya ganyan ang trato ni Cecily kay Mara? Kasalanan ko 'to... marahil hindi na lang sana ako bumalik."Nangilid ang luha sa mga mata ni Siera. Ang dati niyang masayang mukha ay napalitan ng mapanuro at nakakaawang hitsura ng pagsisisi. Marahang tinapik ni Linus ang balikat ni Siera para p
Nang makita ni Mara ang mga mata ni Cecily, inakala ng bata na humupa na ang galit nito. Agad na sumunggab ang maliit na bata sa mga bisig ni Cecily at mahigpit na yumakap sa kanyang leeg."Miss na miss na po kita..."Madalas man itong mag-Ingles, nagta-Tagalog ito kapag kausap siya. Tanda na kahit hindi man ganun kahalata, may malambot na parte siya sa puso nito. Hindi ito madalas magsalita ng Tagalog dahil sa nabubulol ito na kanyang ikinahihiya.Amoy gatas pa ang bata, at ang malambing nitong boses ay tila haplos na nagpalambot sa puso ni Cecily. Sa sandaling iyon, nagpasya siyang aalagaan muna si Mara hangga't hindi pa pinal ang divorce nila ni Linus. Pero hindi na niya muling kukunsintehin ang bata gaya ng dati. Mahal niya si Mara, pero hindi na niya uubusin ang sarili para sa isang pag-ibig na walang katugunan."Miss ka rin ni Auntie, Mara," mahinahong sabi ni Cecily habang nakatingin sa mga ma
Huminto si Cecily at dahan-dahang lumingon kay Siera.Hindi siya ang tipo ng babae na mahilig makialam sa buhay ng may buhay, lalo na sa usaping pag-ibig. Pero marahil dahil alam niya ang pakiramdam ng ikasal sa isang lalaking ang puso ay nasa iba, hindi niya napigilang maawa sa babaeng kasalukuyang asawa ng ex ni Siera, ang babaeng pilit na itinatago sa dilim."Miss Jung," tawag ni Cecily. "Naisip mo ba na may inosenteng biktima sa pag-iibigan ninyo ng ex-husband mo?"Sa halip na magalit o mahiya, isang mapanuyang ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Siera. Punong-puno ng garbo at pagmamalaki ang kanyang mga mata."Inosente?" Humakbang siya papalapit, tila sinusukat ang pasensya ni Cecily. "Nang pakasalan niya ang lalaking iyon, kapangyarihan at katayuan ang hinabol niya. Sa loob ng maraming taon, lahat ng luho niya ay galing sa akin, isang limos na ibinigay ko para sa kanya. Hindi siy
Maagang nagising si Cecily kinabukasan. Pagbaba niya sa lobby, agad siyang nilapitan ng property manager para iulat ang kinalabasan ng kaguluhan kagabi."Miss Whitman, humihingi po kami ng paumanhin. Isang malaking pagkakamali lang po ang nangyari. Ang lalaki po kagabi ay ang ex-husband ng may-ari ng unit 1703 sa itaas. Lasing po siya at nagkamali ng palapag, kaya po kayo ang naabala.""Ex-husband ni Siera?"Napatigil si Cecily. Sandaling naglakbay ang isip niya sa eksenang nakita niya kagabi, ang dalawang pigura na magkayakap sa gitna ng kadiliman ng gabi. Kung ganoon, paano ito nagkamali ng palapag?"Opo," patuloy ng manager. "Dadalhin na sana namin siya sa presinto, pero tinawagan niya si Miss Jung. Agad naman itong bumaba at sinundo ang lalaki. Sabi niya, nagkaroon lang daw sila ng kaunting sagutan kaya naglasing ang ex-husband niya. Huwag po kayong mag-alala, hindi na ito mauulit."
Matapos maligo, gumaan nang bahagya ang pakiramdam ni Cecily. Pagtingin niya sa labas ng bintana, napansin niyang nagsisimula nang bumagsak ang ulan. Malakas ang pagtama nito sa bintana hudyat na anumang oras ay lalakas ang pagbugso nito.Gumawa siya ng mainit na cocoa, nagtalukbong ng kumot, at naupo sa balcony. Lalong lumalakas ang pagbagsak ng ulan; ang mga malinaw na patak ay tila malakas na tumatama sa ilalim ng mga ilaw sa kalsada bago tuluyang maglaho sa agos ng ilog.Sa mga sandaling ito, lalong minamahal ni Cecily ang kanyang bagong buhay nang mag-isa. Ang tanging tanong na lang ay kung kailan tatapusin ni Linus kanilang relasyon at tuluyan nang pipirma sa kanilang divorce. Maraming ari-arian ang kailangang hatiin, kaya siguradong matatagalan. Hindi naman pera ang inaalala ni Cecily dahil kahit walang nararamdaman si Linus sa kanya, palaging bukas-palad ang lalaki pagdating sa pananalapi. Ang tanging tunay niyang inaalala ay ang kan
Pinindot ni Cecily ang doorbell, at hindi nagtagal ay bumukas ang pinto.Bumungad sa kanya si Siera na nakasuot ng brown wool dress. Ang kulot at mahaba nitong buhok na nakalaylay sa likuran ay nagbibigay dito ng aura na parehong mapang-akit at sopistikado.
Nang marinig ang iyak mula sa kabilang kwarto, mabilis na tinungo ni Linus ang silid ng mga bata. Pagbukas niya ng pinto, bumungad sa kanya si Mara na nakaupo sa carpet, humahagulgol at tila pasan ang buong mundo."Anong nangyari?"Lumapit siya at binuhat ang anak.
Napatitig si Cecily sa kanyang cellphone sa hindi malamang dahilan. Hindi niya pa pala nabubura ang mga larawan ni Mara at Linus.Marahil ay dahil sa isang pamilya sa kabilang mesa kaya bigla niyang namiss ang presensya ng dalawa.Bago pa siya makahiwa ng
Hindi agad nagbago ang takbo ng araw ni Linus matapos niyang mabasa ang divorce papers.Kung may isang bagay na kilala sa kanya, iyon ay ang kakayahan niyang huwag magpakita ng reaksyon. Sa loob ng maraming taon sa negosyo, natutunan niyang huwag magpadala sa emosyon, hindi sa harap ng board, hindi







