Share

CHAPTER 2: COLD WAR

SONORE ASANO

Location: North and South Hales Borders

Nakapwesto na ang team namin para magbantay kung sakaling magkagulo. Nakapwesto ang dalawa sa ibabaw ng puno, ang dalawa naman ay nakadapa sa damuhan at ang dalawang iba pa ay naka camouflage.Bali anim kami lahat.Hindi pa kasali yung kasamang mga sundalo,Police at bodyguards ng Presidente.

Nasa tuktok ako ng puno, nakatayo at nakasandal habang nakatutok ang dala ko sniper sa pwesto ng kalaban.

“Maging alerto kayo, di natin alam ang takbo ng utak nila.” Utos ni Captain Senberg na nasa kabilang linya ng earpiece na suot samen.

Sumenyas ako kay Owl na nasa baba at nakadapa na pumarito sa pwesto ko.

“Bakit? Di mo ba narinig yung utos? “inis na tanong niya habang nakatingala saken.

“Rinig ko, di ako bingi! Pahinging ngang yosi!” saka ko nilahad ang kamay ko.

“Ano ka ba, Lead! (Sonore’s Codename and position sa team.) Baka marinig tayo ni Captain!” kinakabahang sabi ni Owl tss duwag talaga.

Takot siya sa hilaw na captain na yon? Tss baho lang naman malakas don di ngayon magaling sa combat lagi kong natatalo sa training kahit baril di marunong humawak.

“I already hear everything! You Idiots! “ singhal ni Captain Senberg. “Focus on your mission! I think I heard it wrong when they said you are the best team in this country!“ and I heard him curse in the line blah blah blah.

Tss di naman talaga siya ang captain dito tss apakayabang niya magsalita samin.

Napromote lang yung hinayupak kase binayaran ng tatay yong nasa taas kala mo sino makahusga.

Classmate ko ni Senberg nung highschool at nakasama ko sa training sa academy ng agents.Di siya pumasa sa academy kaya lumipat ito sa pagsusundalo.May kaya ang pamilya nito at may posisyon ang ama sa kasundaluhan.Lagi akong centro ng pang-aasar at pangbubully nitong gago nung highschool kung wala siguro ang barkada malamang di ako tinigilan ng hayop.

Tumingin na lamang ako sa paligid at doon binaling ang aking inis sabay hithit ng yosi saking kamay.

Habang bumubuga ng usok ang aking bibig ay ngumunguya naman ako ng bubblegum na mint.

Lumibot ang aking mata sa paligid at nakiramdam sa aura nito.

Napatingin ako sa paligid at napadako ang tingin ko sa boundary.Isang napakataas at makapal na pader na naghahati sa North at South. Pinapalibutan ng pader na yun ang buong South Hales.Walang nakakaalam kung ano ang nangyayari sa loob nito.

Para itong hawla na puno ng ibong nakakulong.Sa impormasyon na nakuha namin kay Winter, isang nagpakilala na agent na taga South na tumutulong magbigay ng mga mahahalagang impormasyon, ang South ay isang nakakatakot na lugar pagkat walang kalayaan ang mahihirap na tao.Ngunit sa kasamaang palad two years ago biglang tumigil ang pagpapadala nito ng impormasyon sa Norte and hinala namin ay nahuli ito at pinatay dahil sa pagtulong nito sa Norte.

Hindi na ito kailanman nagparamdam o nagpakilala man lang.Hindi alam ang buong pagkakilanlan nito, ang alam lang namin ay ang codename nito at password na siyang magpapatunay na siya ito.

Dito lang sa parte na to walang pader ngunit may napakalaking pintuang bakal kung saan napagkasunduang ng dalawang Presidente na magkita upang pag-usapan ang issue ng Hales at nang tapusin na ito.

Nais ng Presidente namin na tapusin na ang hidwaan sa nahating bansa upang maging isa ito. Bumukas ang malaking pintong bakal ngunit wala kaming maaninag sa loob pagkat napakadilim doon.

Isa itong minahan ng ginto dati noong hindi pa naghati ang Hales.Nagkokonekta ito sa dalawang bansa.Minahan nito ng ginto noon at nung sumabog ang unang gyera at nahati ang North at South ay sinarado nila ito.

“Owl, may nakikita ka ba sa loob? Ano nakikita mo?” tanong ni Captain Senberg sa kabilang linya.

“Affirmative, Captain.May apat na tao sa loob, Captain.Yung lang ang nakikita ko.” Sagot ni Owl.

Name: Michale Riach

Codename: Owl

Nagkaganito si Owl, dahil sa isang chemical na aksidenteng natarak sa kanya noong bata pa siya.Isang dakilang scientist ang ama nito at isang imbentor, isang imbensyon nito ang aksidenteng natarak kay Owl na naging dahilan ng kanyang abilidad ngayon.

We are not what you think we are. Hindi kami sundalo at hindi rin kami pulis. Agents kami na nautusan na magbantay.

We are more skilled than Police and soldiers.We have double training at we've been into dark silent wars.

We are assigned to this assignment pagkat sabi ng heneral ay ang team namin ang pinakamagaling.

Siya nagsabi noon 'ah! Anyways, I think so too tsk tsk tsk.

“Captain, andito na po sila.” Si Owl ulet. Ilang minuto pa ang dumaan bago dumating ang Pinuno ng South Hales.

Sa wakas makikita ko narin siya.Nakita ko na siya noon ngunit hindi sa ganito kalapit.Matunog ang pangalan niya dahil sa mga crimen na involved ito ngunit hindi napapatunayan at walang evidence.

Ang Presidente ng South Hales, Douglas Esquire.

Lumitaw mula sa dilim ang sampung kalalakihang by pair na nagmamartsa na naka black suits.Lahat ito ay mga mga kapang itim sa balikat at may sumbrero na itim at mahaba.Tumigil ito at humarap sa isa’t isa at umatras ng tatlong hakbang.

Pulido ang galaw nito at sabay lahat.Tuwid itong nakaharap sa isa't isa at tuwid ding tumayo.

Naalala ko ang sinabi ni Winter noon lahat ng security guards ng Presidente ay may pin sa batok.Ginamit ko ang aking sniper upang silipin ito.

Nakita kong may pin nga ang mga ito sa batok ito ang nagsisilbing warning pag gumalaw sila ito ang tutusok sa kanila.

Pero hanep 'ah men in black? Naksss.

Mula rin sa dilim ay lumitaw ang isang lalaking nakasuot ng bussiness attire na naglalakad sa gitna ng men in black.

“Andito na sila” Si Owl.

Hindi sila lumagpas sa boundary, nakatayo lang ang Presidente ng South sa kabila.

Bumaba ang Presidente ng North sa kotse niya at lumapit sa boundary kasama ang sampung bodyguards.Nagbow silang lahat sa isa’t isa. Ngunit bakit parang may mali.

“Captain Senberg, parang may mali rito.” Ako.

“Alam ko, bantayan niyo silang mabuti.” Sagot nito sa kabila.

“Sonore.” Si Owl yun.

Tumango lang ako pagkat alam ko na ang ibig sabihin nun.Nararamdaman niya rin ang nararamdaman ko.

Wait! What?

P*TANG*NA SAGWAAAA!

Parang iba meaning. Woy mga pre! Huwag madumi isip! Yung misyon ang ibig ko sabihin. Balik tayo! Kaso walang tayo, wala nga ring kayo eh! Nag-uusap na ang dalawang Pinuno.

“Primo, I’m glad na dumating ka…” makahulugang sabi ng Presidente ng South na si Douglas Esquire.

“President Esquire, I am here to talk about Hales, gusto kong maging isa ito.” Diretsahang sabi ng Presidente ng North, Si Primosinne Ransam.

“Why so formal, My dear old friend? “ nakangising sabi ni President Douglas.”Masyado ka atang atat? Bakit kase dito mo pa sa gubat naisipang makipagkita sa akin eh ikaw lang naman ang unggoy sating dalawa.Pormal na pormal ka samantalang dito tayo sa gubat nagkita.Wala man lang long table at kumportableng upuan.” Si President Esquire.

Pfttt muntik na akong matawa dun ah.

“Mr.Esquire, Past is past at hindi tayo magkaibigan.kahit noon pa.I want to make a deal with you para sa ikakabuti ng lahat.” Kalmadong sabi ng Presidente ng Norte.

“Ohhh deal? Anong deal? Ibibigay mo na ba ang Norte sa akin? “ painosente nitong at biglang nakangisi.”Primo, di mo man lang ba kukumustahin ang dati mong kaibigan? Pano tayo magdedeal kung tayo mismo ay di pa ayos?”.

This man has guts.

“I’m here para makipag-ayos, Douglas.” Sagot ni President Primo.

“Oh, really? Pano kung di ako makipag-ayos? “ nanghahamon ang tono nito.”Alam mo ang kailangan ko,Primo. Ang Norte “

“Kailangan natin to maayos, Douglas. Para sa ikakabuti ng lahat at para maayos na rin ang hidwaan ng dalawang panig.” Kalmado lang si President Primo.

“Maayos lang to pag ibibigay mo saken ang Norte.” Si President Douglas.”Well, let’s see, Primo.let’s see what you’ve got.” Sabi ng Presidente ng South.

Bumalik sa mga kotse ang dalawang pinuno. Lumabas ang abogado ng bawat panig na may dalang papeles, naglakad ito papunta sa boundary at nagpalitan ng papeles.Bumalik sila sa kanilang mga pinaglilingkuran at inabot ang kanya-kanyang papeles.

“Vulture, nagpalitan na ng papeles ang bawat panig,Mag ingat kayo.Tuso ang mga yan!” kalmadong sabi ni Senberg.

“Roger that, Captain” sagot ko.

Sumilip ako sa sniper ko upang tingnan ng mas malapitan ang nangyayari. May kakaiba talaga eh. Di ako mapakali.

“Vulture.” Si Owl.

“Oh, baket? “ tanong ko.

“Tumatawa ang Presidente ng South” huh? Ano daw?

“Tumatawa siya habang binabasa ang papeles mula satin, para siyang nakakita ng pinaka-nakakatawang joke sa buong buhay niya.” Seryosong sabi ni Owl.

Napahigpit ang kapit ko sa sniper ko. Hindi nila sineseryoso ang lahat!Pinaglalaruan nila kami! Bigla nalang umalis ang kotse ng presidente at mga senador ganun din sa kabilang panig.

“Captain, anong nangyari?! “ Si Owl

Maging ako ay naguguluhan sa lahat pagkat parang kaming tanga na iniwan sa ere.

“Umalis na kayo jan, tapos na ang misyon, Di sila pumayag sa alok ng ating Presidente.Return to base.” Seryoso ang tono nito.

Anong nangyari?!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status