Share

CHAPTER 10: SAVE CORRA

CORRA DWEINS

Hayst napaka boredddd! My ghad! Ako lang yata yung walang ginagawa shemayyy!

Si Tiger busy may ginagawang something tapos kinakalikot.Si Astrion busy den sa paglilinis ng baril niya ta pag papagwapo eh mukha namang taeng expired.Si Core naman doing her usual habit at yun ay natulog.

Wala din dito si Camuri at ewan ko kung siya lumipad ngayon.Lagi ko kaseng napapansin mula pa noong pagdating namin dito may sinasarili siya ng lakad at ewan kung ano yun.Kahit gusto ko malaman pero baka di pa ako nakakahakbang may baril na na tatama sa ulo.She hates pakialamera eh kaya better na tumahimik at hayaan siya.

"Guys, labas muna ako baka may ipabibili kayo?" bored na tanong ko sa kanila.

"Okay na sakin ang kahit anong snacks." Sagot ni Tiger.

"Bili ka din ng beer." Si Astrion

"Ikaw Core?" Tanong ko kay Core

"Mag-ingat ka." She coldly said

It made me froze for a moment.Okay na sana eh! But damn that tone! Mag-uri talaga sila ni Camuri tss.

Palabas na ako ng hide-out at sumakay ako sa kotse at pinaandar ito.Palabas na ako ng highway noon at inayos ko ang mirror ng sasakyan.I play the radio on at nagsoundtrip muna ako.

Nasa highway na ako ng may namataan akong sumusunod sakin.Dalawang sasakyan na itim.

At nagpagtanto ko na itong sasakyan palang ginamit ko ay ninakaw lang namin noong isang araw.

"FUCK! " I cursed.

Tatawag sana ako sa hide-out ng di ko makapa ang phone.Nakalimutan ko ito sa hide-out!

I cursed and cursed ng paulit-ulit.Di ako pwede mahuli! Ba't ngayon pa?! Antanga mo Corra! Ang tanga-tangaaa!

Pinagitnaan ako ng dalawang sasakayan at bigla akong inipit.Hindi ko na nagawang takpan ang mukha ko noon dahil sa kaba pagkat ang lahat ay biglaan.Bigla rin akong may narinig na sirena ng pulis. 

Fuck! Please help me.Hindi ako pwedeng mahuli!

Bigla kong binilisan ang pagmamaneho at mabilis din silang humabol.Nakipaghabulan ako sa mga autoridad.I tried my best para matakasan sila pero napakahirap.

"This is North Hales National Police, ikaw na may plaka ng NH2341 inuutusan ka naming ihinto ang pagmamaneho mo." Rinig kong sabi ng sumusunod ng pulis sakin gamit ang mega phone.

Gusto kong maiyak, magwala at patayin silang lahat pero ni isang armas ay wala akong dala ngayon.

Wala akong maisip na plano sa kaba.Naging blanko ang isip ko at nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho.

Camuri, help me!

CAMURI SENAI

Bigla nalang akong kinabahan at I think something happened kaya agad ako umalis pagkatapos kong patayin ang target ko.

Agad akong nagpunta sa hide-out baka may nangyari roon pagkat may kutob ako meron.

Pagkapasok ko sa loob kung ay agad kong tiningnan at chineck sila at lahat sila nandun except for Corra.

"Where's Corra? " I asked in a cold tone.

"Lumabas." Si core ang sumagot.

"San punta? " Tanong ko ulit.

"Bumili." Sagot uli ni Core.

Nagpalit-palit lang ang tingin nila Tiger at Astrion samin.

I cursed in silent and hoping na sana walang nangyari kay Corra.

"Bakit Camuri?" Si Tiger.

"Tiger, itrack mo si Corra ngayon na!" utos ko.

Alam kong tulad ko ang kinakabahan din sila pero sana ay mali ang kutob ko.Kahit ngayon lang sana mali ang kutob ko.

Kutob na hindi pa pumapalya kahit kailan.

SONORE ASANO

  

"Approaching na ang target." Sabi ni Rodney sa kabilang linya.

"Copy." I replied at sinilip ko ito sa sniper ko.

Nasa rooftop ako ngayon habang kasama ang pinakamamahal kong sniper, Si Lobaev.

May namataan agad akong kotse na mabilis ang takbo na nasa highway na hinahabol ng mga pulis.

Izinoom-in ko ito at nakita ko kung sino ang nagmamaneho.Isang babae ito at umiiyak na ito at kita ko sa mukha ang takot niya.

Nasend na sakin ang information niya.

She's Corra Dweins, isa sa mga espiyang taga South.Expert ito sa mga baril at mga bomba pero sa nakikita ko ngayon it's not the face of an expert.

"Abort the mission." Sabi ko.

"Huh?! Pero bakit?! " Naguguluhang tanong nila sa kabilang linya.

"Change Plan." Sagot ko saka ako tumayo at nawala sa linya.

CORRA DWEINS

Bigla nalang tumigil sa paghabol sakin ang mga pulis.Nakita kong tumigil ang mga ito, lumiko at umalis.

Bakit sila tumigil? Something is fishy and something is not right dito.

May napansin akong itim na motorsiklo.Akala ko ay nakabuntot sakin at isa itong pulis pero bigla itong nag-over take.

Napaparanoid lang siguro ako so, I continued driving.Hindi na ako tumuloy sa mall dun kase dapat ako pumunta bago ang nakakakabang ganap kanina.

Hindi ako pwedeng tumuloy sa hide-out baka masundan nila ako.

San ako pupunta?!

Naabutan ko ulit yung motorsiklo at kasabayan ko na ito nang may hinagis ito sa bintana ng kotse na nakabukas.

Akala ko ay bomba kaya bigla akong napagewang-gewang pero pagtingin ko ay isa itong earpiece.

Napatingin ako sa nagmamaneho ng motorsiklo.Binilisan na nito ang pagmamaneho hanggang mawala ito sa paningin ko.Kinuha ko ang earpiece at sinuot.

"Corra." Si Camuri!

"Camuri!!!! Oh my God!" Sigaw ko sa tuwa.

"Don't shout! Stupid." Nagpout ako."Wag kang didiretso sa hide-out.They're after you.Do you copy?"

"Y-Yeah, yun din plano ko pero di ko alam saan pupunta." Nagpalingon-lingon ako sa labas.

"Stay still at wag kang malikot jan 'coz they see you, mapapansin nila ang kilos mo, tinitingnan ka nila." Sabi uli niya.

I tried myself to stay focus and sa daan lang ang tingin.

"Ikaw ba yung nagmotor kanina?" I asked.

"Nope, It was Core." Sagot niya.

Eh? Talaga? Marunong siya magmotor?

"S-Saan ako pupunta?." Tanong ko.

"Don't worry, I'll guide you.Lumiko ka pagdating mo sa kantong yun.kita mo?" Tanong niya.

"O-Oo..." I answered.

"Dun ka bumaba." Sabi niya sa kabilang linya.

"T-Tapos? Yun na? Yun lang?." Tanong ko.

"Nakikita mo yang kotse na blue at red sa likod mo? " tanong niya saka ko ito sinilip sa sidemirror.

"Yeah." Sagot ko.

"Take them down." She said what?!

T-Take them? Down? P-pero P-pano?

"Naka-drugs ka ba, Camuri?! Gagawa ako ng eksena?! Gusto mo bang mahuli ako ng mga pulis dito?! Ano take them down ka jan?! Ano babanggain ko yung kotse nila? Kita mong sira na tong kotse! Baliw ka ba ha?! Take them down mo mukha mo! " sigaw ko in frustration.

Ano ako? Baliw? Take them down daw?!

"Tss idiot yung nakasakay ang ibig kong sabihin, hindi yung kotse." Sagot niya.

Narinig ko siyang bumuntong-hininga.

"Ha?! Yung nakasakay?! Pano ko sila pababagsakin eh nagmamaneho ako?! Gusto mo ko ma deads?! Yoko pa madeads!" sigaw ko ulit at narinig ko siyang nagpakawala ng malalim ng buntong-hininga.

"Seryoso ka? May utak ka ba? Seriously paano ka gumagawa ng bomba sa utak mong yan?" This time si Tiger ang naririnig ko.

So, naririnig nila kami all along?! Pero aba't gago to ah!

"What Camuri is saying is patumbahin mo sila pagdating mo sa eskinita para walang makakita!" he said and nagets ko na.

Ahhh yun pala yun? Heheheh

"Hweheheh Di niyo naman sinabi agad na ganun pala! Sorreh ha? Tao lang!? Tsss sorry na mga perfect." Inis kong sabi.

Then I heard their laughing.Damn! Nakakahiyaaa! Bobang Corra!

I continue driving at sinunod ang sinabi ni Camuri.Pinasok ko sa eskinitang yung ang kotse at nagpark dun.Bumaba ako't umakto na may kausap.

Bigla akong may naramdamang nakatutok sa likuran ko.

"One wrong move, Miss.It will be your end." Sabi ng isang lalaki sa likuran ko habang nakatutok ang baril sa batok ko.

Tinaas ko ang mga kamay ko.

"Nasaan ang mga kasamahan mo?."

He asked.

"Nasa langit naglalaro ng tong-its.Sasali ka?" Balang kong sagot.

"I'm not playing with you.You'll answer my question or else you'll die." Inis na sabi niya.

Chareng! Pang pelikula lang?! 

Napatingin ako sa kanya na kinagulat niya.

OMOOOOO! He's Handsome! Punyemas na buhay to oh?! 

Bakit nasa Norte kang kumag ka?! Kung nasa South kapa sana eh nilandi na kita?!

Shet! Para siyang Automic Bomb! Sabog na sabog sa kagwapuhan hihihihi.Landi ko.

"Wait! Bago moko patayin.May itatanong ako!" Saka ko tinaas ang kamay ko.

"Ano?! " inis na tanong niya.

"Single ka pa ba?" I seriously asked.

"What?! " Gulat ito.

"Walang ulitan sa bingi!" Nagcrossed-arms ako.

"Still single." He replied.

Wahhhh Party party mga eggcell ko! Single pa si fafa!

"Pede malaman name mo, Fafa ESTE! K-Kuya? " Tapos nagbeautiful eyes ko.

Lord? Love life na ba to?! Waaaahhhh kennnatttt! Landi ko poreber HAKHAK.

Nang biglang may pumasok sa eksena.Isang red na kotse ang umeksena samin.Tumigil ito sa mismong harap namin at bumaba dun ang isa ring lalaki na naka mask.

"Nagsalita na ba? " He asked Fafa na nasa likod ko.

"Hindi pa eh! Tuluyan ko na kaya to?!" inis na tanong niya.Hmpt! Atat!

"Tss." Halabyo ka sana Fafa eh! 

"Corra, take them down." Si Camuri nasa earpiece and para yung signal sakin saka ko sinipa sa sikmura ang lalaki sa likod ko at inagaw ang baril niya.Hinablot ko siya at ginawang hostage.

Wala akong sinabi habang hawak ko sa leeg ang lalaki.Hindi kase ako yung tipo ng taong mala-bida sa pelikula na magpapakawala ng matinding linya.

Tinapunan ko ng tingin ang lalaking nakasakay sa pulang kotse kanina.Buti naman at nagets niya agad.He slowly put his gun down.

Pinatulog ko ang hostage ko gamit ang malakas suntok gamit ang siko sa may likod nito.

Kukunin sana ng lalaking kaharap ko ang baril niya pero agad kong binaril ang baril niya at tumilapon yun.

Tinutok ko sa kanya ang baril na hawak ko.

"Checkmate." I smirk.

DERRICK RIACHELL

Napatitig ako sa babaeng kaharap ko ngayon.Nakatutok ang baril niya sakin.Nakita kong knock-out si Michale gusto ko sanang tumawa kanina pero hindi pwede, mamaya ko nalang sa aasarin pag natapos na to.

"Bakit kayo nandito sa Norte?! What do you need?!" Tanong ko.

"Nasa Norte ka din diba? Tinanong ba kita kung bakit ka andito?!" Sagot niya

Damn you, Woman!

"Okay fine! Kill me!" Saad ko.

She is still not moving.

Bigla siyang umiyak.Eh?!

"Who would have thought?! Dito lang pala kita makikita." She said while crying.

"Tama nga ang Presidente." Eh? What is she talking about?!

"Woy! Anong drama mo?" Tanong ko na naguguluhan.

"It's me ! Di mo ba ako nakikilala?!" Eh? Baliw na ba siya?

Pano ko siya makikilala eh taga South siya?!

Paunti-unti siyang lumapit sakin.

"Stop right there! "I ordered but she didn't stop.

"Look at me! Look at meee! Pilitin mokong alalahanin!!! "Umiiyak parin siya.

Seriously? I don't even know her!

"Ako to! " Sabay hawak sa mukha ko.

"Ang tatapos sa buhay mo." Eh?! 

Napakabilis nang pangyayari.Bigla niya sinipa ang berdie ko sabay suntok sa mukha ko at isang upper-cut ang pinakawalan niya.

"Tss Uto-uto." That's what I heard then everything went black.

Buti narin yun para hindi maramdaman yung sakit sa bandang gitna ko.

BUT DAMN! 

Mission Failed!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status