Share

CHAPTER 11: NOTHING TO LOSE

CAMURI SENAI

It was 3 am and I am still here naka-upo habang tanaw ang buong syudad.Ninanamnam ang kagandahan nito at ang katahimikan kasama ng simoy ng hangin sa taas nitong gusali.The City was calm and such a mood.

Nasa rooftop ako ngayon habang kasama ko tong ugok na pinatulog ko kanina.

FLASHBACK

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto patungo sa rooftop.May hawak akong baril habang dahan-dahang humahakbang.Naging maliksi at mabilis ang kilos ko ngunit walang tunog.

Pagkabukas ng pinto ay nakita ko ang isang lalaking pinaka-una sa listahan ng ayaw kong makita pero heto ako ngayon, ako mismo ang lumalapit sa kanya.

Nakasilip siya sa sniper niya at bigla siyang nagsalita.

"Huh? Pero bakit?!" Tanong niya sa kausap niya sa earpiece.

Binato ko sa kanya ang baril ko at tinamaan siya sa batok sabay takbo papunta sa kanya sabay suntok sa mukha dahilan para makatulog siya.

Sleep well, Mr.Confident.

END OF FLASHBACK

Nakatanaw lang ako buong syudad habang may malalim na iniisip.Naglalaro ang isip ko at tumatakbo ang oras kasabay noon ay aking buntong hininga at ang aking mata ay gumagala ang tingin sa bawat gusali sa syudad.

City lights and street lights looking so perfect and calm.Suddenly, I saw snow falling down before my eyes, a snow tiny snow flakes.Sunod noon ay sunod-sunod nang nahulog ang snow sa kalangitan na malayang sumasayaw sa simoy ng malamig na hangin.

Naramdaman kong nagigising na siya kaya bumaba ako't lumapit sa kanya.

"Cold Morning, Sunshine." I coldly said.

He groaned it pain dahil sa pagkakabato ko siguro ng baril kanina.Hindi siya makagalaw pagkat nakatali siya, tinali ko siya kanina habang tulog siya.

"Damn you, Spy!" He shouted.

"Iisipin ko nalang na compliment yun mula dito sa Norte." I said.

SONORE ASANO

Nagising akong masakit ang batok.Kinapa ko ito saglit at bigla rin akong nakaramdam ng sakit sa mukha ko.Kinapa ko ang labi ko at may putok ito at may dugo.

Damn! What happened?!

Minulat ko ang mga mata ko at may nakita akong babae.Nakatayo ito sa dulo rooftop habang nakamask ito at nakapikit ang mga mata nito.

Bigla siyang bumaba at naglakad palapit sakin.

"Good Morning, Sunshine." She greeted in a cold tone.

"Damn you, Spy!" I shouted.

"Iisipin ko nalang na compliment yun mula dito sa Norte." She coldly said.

Hindi ko na pinilit pang makawala sa pagkakatali dahil alam kong impossible yun.Napatingin ako sa pagkakatali niya sa lubid sakin and I can say it's impressive! While I'm trying to breakfree lalo lang sumisikit yung tali saken kaya better not to move.

Damn! Kababaeng tao ang galing tumali! I wonder ilang lalake na napikot nito?

"Ano bang pinaglalaban ng Norte? " bigla niyang tanong.

Medyo nabigla ako sa tanong niya.

I look at her and answered. "Ang pag-isahin ang dalawang bansa at kapayapaan." 

"Yun lang ba?" She asked while looking away.

"Ano bang pinaglalaban niyong taga South?" Tanong ko.

"Gusto namin ng kalayaan pero heto kami tinutulungan ang kumukulong samin." She looked above.

"Gusto namin ng kapayapaan pero heto kami tumutulong para gumawa ng kaguluhan.Ironic isn't it? We want freedom and peace yet kami mismo ang gumagawa ng paraan para di makamit yun." She coldly looked at me while saying those words.Every word was full of pain.

Why?

"Kase duwag kayo." Pakshit! Bakit yun lumabas sa bibig ko?!

"You're right! duwag kami." She replied.

"Makikipagtulungan ako sayo, Taga Norte." She looked at me."Ayaw ko nang tulungan ang presidente namin."

"Why would I trust you?! You are a spy!" I said. "Pano ko paniniwalaan ang taong kalaban ko at mismo ng bansang pinaglilingkuran ko?." dagdag ko pa.

"I was never your enemy but not your friend either." She replied na nagpakunot ng noo ko.

"Noon pa ay tumutulong na ako sa Norte.I know you know me." she said.

What?! Naguguluhan ako.

"The Government here knew me as Winter." What?!

Siya si Winter?

Si Winter ang tagasend ng mga importanteng impormasyon dito sa Norte mula sa South.Siya ang tumutulong sa gobyerno pero biglang natigil ito dalawang taon na ang nakakaraan at hindi namin alam ang dahilan pagkat maski ang totoong pagkatao nito ay di namin kilala.Inakala namin ay nahuli ito at pinatay na nila.

Totoo ba talaga to?!

"How can you prove that?" I asked. 

"I knew winter, ako ang laging tumatanggap ng mga impormasyong pinapadala niya. How will you prove to me that your are Winter?" tanong ko.

"129785E0R2ON3O8S." She replied and with that natahimik ako."Eronos."

Siya nga si Winter.That was the code to enter but I still don't know kung paniniwalaan ko siya.

Eronos ang tawag ni Winter sakin sa mga exchange messages namin.I really thought that time na she was a man.

"Paano ka napunta dito? How did you get past the border when it was on a high security?" I asked.

Kinalagan niya ako at inibot sakin ang isang kutsilyo ng may disenyong hindi ko magets.I'm a fan with knife but this one is surely rare, I think nag iisa lamang ito.

"No time to answer that.I gotta go." Saka siya tumalon mula sa rooftop na kinagulat ko."See you soon, Eronos."

HOLY CRAP?! 

Napadungaw ako sa baba at nakita ko may pinindot siya sa magkabilang bewang niya at may lumabas dun na maliit na parang lubid.Tumama ito sa dulo ng rooftop at kumapit.

Paunti-unti siyang bumababa at pagkababa niya ay pinindot uli niya ito at bumalik ng mabilis ang lubid sa kanya at naglakad na parang walang nangyari.

Marami akong tanong at gustong malaman sa kanya pero hindi ko na siya nakita pa sa baba noong bumaba ako.Hindi maalis ang mga sinabi niya sakin.Dang that woman!

Nilisan ko na ang lugar at nagpunta sa Headquaters.Naabutan ko dun ang tatlo at pagkakita nila sakin ay napatayo sila.

"Thank God!" Tinaas ni Michale ang kamay niya.

"Dre buhay ka!" Si Rodney.

"Amennn!" Si Derrick habang taas ang dalawa niyang kamay na nakatingala.

"Dre anyare sayo? Nawala ka kanina 'kala namin nasa headquaters kana kaya dumiretso na kami dito." Tanong ni Rodney.

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba ang nangyari.Bukod kase sa alam kong pagtatawanan ako ng tatlong kumag na to nandito rin ang matataas na opisyal.

Ewan ko ba kung bakit nagdadalawang isip ako.Siguro kase ramdam ko may isang traydor sa paligid ko, it can be one of the officials.

Damn!

"Wala naman, may hinabol akong snatcher kanina eh." Sabay kamot sa ulo ko.Potangenang rason yan Sonore!

"Eh?" sabay-sabay nilang sabi.

Narinig naming tumikhim ang isa sa mga matataas na opisyal.Sumenyas si Rodney sakin at pinapaupo ako.Umupo ako at nagsimula na silang magplano para mahuli ang mga espiya.

Nang biglang gumulo ang hologram.Naging kulay blue at green ito habang may mga napadaming numero ang tumatakbo dito at biglang lumitaw ang isang imahe ng tigre.

"It's them again! Hinack nila ang system! Trace the hacker!" Rinig kong utos ng di ko alam kung sino dahil nakafocus ako sa hologram na nagooff at on tapos lalabas ang tigre na imahe.

Tiger? Bakit Tiger? Favorite animal? Siya kaya to? Damn! Gulong-gulo ako ngayon!

Biglang may boses na lumabas sa hologram.Base sa naririnig ng lahat ay hindi ito ang tunay niyang boses, gumagamit siya ng voice changer.

"Your security is crap." Tumatawa ito sabay lumabas sa hologram ang...

"Laughing at your security since 2019."

Nakikita kong nagkukumahog ang IT Specialist at programmers para matraced ang hacker.

Parang nagsoslow motion ang lahat sa paligid ko at naririnig ko ang pagtap nila ng keyboard habang nagtatype at nagdedecode sila.

Sinabihan kami na hulihin ang mga espiyang yun ano man ang mangyari.

Ang location ng hacker ay di pa tukoy ngunit sa Ace City nawala ng biglaan ang signal nito kaya inatas sa amin na magtungo roon agad.

Sana ay magiging madali na ang lahat pero shet! Madulas pa sila sa tamod ko lintik yan!

We already know Corra but hindi pa ang mga kasamahan nito.Kilala ko si Winter but not her ability.I'm suspecting bawat isa sa kanila may function at ability sa kung ano man ang balak nila sa Norte gawin.

Hindi kami maaaring magpahinga hangga't hindi pa nahuhuli ang mga yun.They may harm innocent lives at 'cause damages.

Shet! Sumasakit ulo ko sa kanila! Lalo na kay Winter, Damn! Bakit siya biglang nagpakita after two years?! Ano ang balak niya?!

Agad akong nagtungo sa isang silid.Mula sa labas ay sumaludo ako at mula sa loob ay nagbukas ang pinto.Sinabi ko kay Senior Head Chief Gregorie Dewalt ang lahat at ang pag uusap namin ni Winter.Pagkatapos ay sinabi niya sa akin na wala muna akong ilalabas ba inpormasyon sa General tungkol rito.Sinabi niyang siya na ang bahala sa General pagkat ito ang trabaho niya.

Malaki ang tiwala ko kay Head Chief, siya rin ang nagtrain samin noon at alam kong di niya ako bibiguin.Dahil sa sinabi niya ay lumuwag ng konti ang aking dibdib.

Bumalik ako sa team at nakita kong kalmado lang ang mga ito ay umupo na rin ako sa upuan.

"Pakshit!" Biglang mura ni Michale habang nakatitig ito sa cellphone niya.

"Tangina kayo! Mamatay kayoooo!" sigaw nito.

Napalapit at napatingin kami sa celphone niya.

Takte! Mobile legends.

Sinapul namin siya nang tag-iisang batok kaya napakamot ito sa ulo sabay sabi ng cellphone niya na, "Defeat!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status