Share

CHAPTER 8: THE SPY

SONORE ASANO

Nasa headquarters kaming apat ngayon at nagmemeeting kasama ng iba pang matataas na opisyal.

May hologram sa gitna ng mesa at pinapakita dun ang nangyari sa Central System kagabi.Isang virus at isang logo ng Tigre ang nasa hologram.

"May naghack ng Central System kagabi at nilagyan ito ng virus.Narestore na ang system kanina at natrace na ang hacker pero hindi ito nahuli.We think that they are spy from the South base sa mga kinuha nila sa system.Mga Confidential Informations at mga importanteng files ang ninakaw nila mula sa system at sisend ito sa South." Paliwanag ng nagsasalita sa harapan habang kinokontrol ang hologram.

"Natrack na ang mga ito at hinabol ng mga pulis at intelligence.Hindi lang isa ang spy na nandito kundi lima base sa mga taong laman ng kotse na hinabol ng aming team na bigla ring nawala." Pinindot niya ang remote ng hologram at lumipat ito sabay pakita ng mga CCTV Footages.Hindi klaro ang mga mukha ng mga espiya sa kuha ng CCTV.

"This is the CCTV Footage we got from the hotel kung saan pinaghihinalaang nanatili ang mga espiya.Walang makapagbigay ng mukha ng espiya sa loob ng building."Nagplay ang footage at nakuhanan doon ang limang taong nakabalot ng mask ang mukha ang palabas sa isang kwarto.

"Sinubukan din naming kunin ang iba pang CCTV footage pero misteryosong nawala ang mga ito.Ganun din sa mga CCTV ng mga poste ng kalsada at iba pang establishimentong pedeng nahagip sila pero wala ni isang footage kaming nakuha.May virus din ang system ng hotel at kapareho ito ng virus na nilagay sa Central System na may logo ng Tigre.Walang pagkakakilanlan ang mga espiya pero alam na ang mga kasarian ng mga ito."

"Humingi narin kami ng mga statements sa mga saksi pero ni isa sa kanila ay walang nagsalita.Natakot ang mga ito ng malaman nila na espiya ito mula sa South."

Isang lalaking blonde at isang lalaking itim ang buhok ang nasa unahan, at may tatlong  babae sa likod.

Yung panghuling babae she caught my attention.Para kasing siya yun, Si Spider Girl.

Possible kayang siya yun? Hmmm napapaisip ako.

Oo! Possible nga! Come to think of it! Mula sa unang pagkikita namin hanggang sa pagkarate niya kay Rodney sa Club.She's no ordinary person, baka alien talaga siya mula sa North Pole ng Pluto.

Yung ginawa niya hindi ginagawa yun ng pangkaraniwang babae!

But I have no evidence so, I need to find some proof.Hanggang walang proof hindi mapapatunayan ang hinala ko.

Oh! She's my neighbor! Tama! If wala siya doon sa kabila it simply means tana ang hula ko.

Pero pano kung nagcheck out na pala siya? Iike coincidence? Damn! I'm going crazy!

"Sonore..." 

Pupuntahan ko yun mamaya pagkatapos ng meeting.

"Sonore, are you listening?!"

Hmmm What if siya yun?

"AGENT SONORE ASANO!" biglang may sumigaw ng pangalan ko kaya napatayo ako sa gulat.

"YES SIR" Ako

Napa-iling nalang ang Superior ko.

Pakeneng Shet!

Narinig kong pigil na natawa ang tatlong ugok sa tabi ko.Tiningnan ko sila ng masama at sinubukang magfucos.

Damn! Yung babaeng yun kase!

Napatitig ako sa hologram at sinusubukang i-absorb ang nangyayari.

Damn! My head hurts!

Pero mas masakit parin kung walang ulo buti nalang dalawa ulo ko.

Pinaliwanag na sa aming apat ang magiging misyon namin.

We are going to hunt the hunters.We will turn this table upside down and they will be caught.

Magtago na sila ng maigi dahil bukas at di na sila sisikatan ng araw BWA HA HA HA HA

Medyo over yun. -_-

Parang timang yung tawa sa dulo.

Hindi na ako nagkachance pa na pumunta sa hotel ni Spider Girl dahil kailangan na naming umalis papuntang Ace City, kung saan huling namataan ang mga espiya.

Hindi naman siguro siya ang espiya diba? At isa pa, nag-iisa lang siya dun sa kwarto niya.

Baliw lang siguro siya kaya niya nagawa yung mga bagay na yon.Depressed siguro sa buhay saka walang nagmamahal.Naku kelangan niya ng doctor para jan.

Nag iisa lang ba talaga?

Oo, sa puso ko yieee tangina kinilig ako dun lol.

Yawa corny! Kadiri! Yoko na mag-isipppp!

Napasabunot ako sa ulo ko habang iniisip yun at hindi pala yun nakaligtas sa yun paningin ng tatlong uwak na nasa tabi ko.

"Dre, iba na yan! Signs na yan ng pagka-ulol." Iling iling na sabi ni Rodney.

"Pftt Hanep yung standing ovation mo kanina bro!" natatawang sabi ni Michale.

"Let me guess, ginugulo ka ni Spider Girl noh?" asar ni Derrick habang nagtaas baba ang kilay nito.

"W-Wala noh! A-Anong ginugulo ka diyan?! " takte! Bat ako nautal?!

"Oooh! Oo nga pala guys! Speaking of Spider Girl! Nameet ko siya kagabi! And guess what?!." Si Rodney.

"Ano? " excited na tanong ni Derrick at Michale.

"Si Spider Girl at yung babaeng kumarate sakin sa club at iisa!!" Natatawang sagot ni Rodney. 

"Small world isn't it?" Pahabol niya.

"WHAT?! " reaksyon ni Derrick at Michale.

"Pffttt you mean yung kumarate sayo twice?" Natatawang pagpapaalala ko sa kanya.

"Yeah, ang bumasag ng pagkatao ko." Si Rodney sabay emote.

"Ulol! Ano ka?! Bataan? Babasagin?!" bulalas ko.

OA neto! Sarap sapukin.

ASTRION MONACCE

Nasa hide-out kami ni Core ngayon sa Ace City.

Nagspread out kaming lima noong bagong salta palang kami dito sa Norte para mag ikot-ikot at obserbahan ang bawat syudad.Bawat isa sa amin ay may hide-out kung saan-saan.

Takte! Naalala ko na naman yung pinag-gagagawa ko!

FLASHBACK

"Ate, kuya palimos po.Pangkain lang po ng mga kapatid ko." Eto ako nanlilimos sa kalye at umaarteng gutom.

"Mama may barya ka po? Ibibigay ko lang po kay Manong na nanlilimos." Tanong ng bata sa mama niya.

Syempre! Todo out fit ako bilang manlilimos! Ako na yata ang pinakagwapong taong grasa.

Madumi, mabaho at makalat na buhok? CHECK!

Madungis ngunit gwapo paren! CHECK NA CHECK!

"Anak, di natin kaano-ano yan! Tingnan mo itsura oh! Napakapanget! Baka mamaya monster yan! Kainin ka! Nakuuu!" Luhhh makasabing panget to! Hiyang hiya ang matangos na ilong ko sayo!  

"Pero Mama kawawa naman siya oh! Wala pa daw siyang kain.Segi na po, pleaseee?! " sabay beautiful eyes sa mama niya.

Tama yan bata! Maging mabait ka, wag kang gagaya sa mama mong hukluban!

"Wala akong barya, Anak eh. Balikan nalang natin siya mamaya, okay?" Tss sinabihan pa akong panget tapos wala pala siyang barya! 

Biglang lumapit yung bata sa akin at binigyan ako ng kendi.

"Hi po, Manong! Kendi po muna ibibigay ko ha? Wala daw barya si Mama eh.Eto po oh." Nakangiti ito ng matamis at maamo sakin.

"S-Salamat b-bata..." Natulala ako sa kanya.

Agad itong tumakbo pabalik sa mama niya at kumaway pa ito sakin bago umalis.

Parang biglang tumigil ang mundo ko at parang nag-iba ang paligid ko na parang may bumalik na hindi ko maalala.

Biglang may boses akong naririnig at memoryang bumabalik.Hindi ko mahagilap at maklaro ng buo ang nasa alaala ko.

Isang blurr na pangyayari pero ang boses ng bata ay klarong-klaro saken.Puno ang sakit na parang binobomba ang ulo ko sa boses na yon na parang may hindi magandang nangyari na hindi ko maalala.

"Kuya! Kendi? Gusto mo?"

"Kuya, sayo na tong pagkain oh."

"Hi Kuya Asti!"

"Talaga kuya? Tutulungan mo kami ni Ate ko?"

"Kuya wagggg!"

"Wag pooo! Parang awa niyo na!"

"Kuya masakit! K-Kuya masakit! Tama na po pakiusap!"

"Tama na pooooo! Parang awa niyo naaaa."

Boses ng bata na umiiyak at nagmamaka-awa.

Kanino? Sakin?

Sino siya?! Sino siya?!!!! Bakit di ko maalala!

Napasabunot ako sa ulo ko at pinukpok ito ng ilang beses.Parang umiikot ang mundo ko at lahat ng sa paligid ko.

May hindi ba ako natatandaan? Sino ba ako?! Sino ang batang yon?! 

Ano bang nangyari noon bago ako mawalan ng alaala?!

Ano ba ang nangyari bago ako naaksidente?!!!

Bakit may boses ng bata?!

Puno ng tanong ang aking utak ng biglang may tumapik sa likod ko.

"Oi! Ays ka lang?" Sabi ng tumapik sakin at ng lingunin ko ito ay nakita ko si Camuri.

"C-Camuri, ikaw pala.Ano lang siguro gutom lang ako libre mo ako ng pagkain." Ngumiti ako na parang walang nangyari.

Sa gilid ng sidewalk lang kami kumain ni Camuri.Binilhan niya ako ng isang ready to eat na pagkain at bumili rin siya ng kanya.I was actually fascinated by her di dahil sa ganda niya but I love how she eat confidently with me kahit ganito yung itsura ko she doesn't mind at all.

Napangiti ako habang pinapanood ko siyang kumakain.She looks like a child to me na masayang kumakain ng pagkain.I'm older than her pero mas nauna siyang nakagraduate kesa sakin lmao.

Yeah, I'm older than her but my papers says I'm younger.Bago ako nag-aral at pumasok sa military school something happened to me pero hindi ko maalala, I just woke up one day then I am suddenly Astrion Monacce.

Napansin ko nalang ang mga taong nakatingin sa aming dalawa.

"Wow! Look! The girl is so kind giving the homeless man a food." rinig kong bulong ng babae sa kasama niya.

"She's awesome." rinig kong bulong sa kabila.

Then suddenly people start giving me money and coins.Some gave me food and some just stop and takes a picture of us but here's Camuri eating like nothing is happening.

"I'm kinda embarrassed here." bulong ko kay Camuri.

"Mission is mission, Captain." then I saw her smile but it was like a snap parang ilang segundo lang then it was gone.

She's surely scary sometime Lol.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status