Share

Chapter 2

Author: MsAgaserJ
last update Last Updated: 2025-06-11 21:32:58

3 YEARS AGO

Sarie POV

"Ano bang nakain mo at nagsusuka ka?!" Inis na tanong ni Keizer habang nakahawak sa likod ko. Nasa harap ako ng bowl at sumusuka.

"Hindi ko rin alam, may sira na ata ang pagkain kanina. K-kasi iba ang panglasa ko," pagsisinungaling ko at lumabas ng banyo sa kusina.

"Oh. Magmumog ka, uminom ka rin ng gamot." Napasiil ako ng labi ng maalala ang kabilin bilinan ng doktor ko.

"H-ha? Hindi na kailangan ng gamot. Ayos na ako. Iinom na lang ako ng tubig para mawala ang sakit ng tiyan ko," pilit na sagot ko at pumunta sa lababo para magmumog.

"Ipapacheck ko na lang kay Manang Nil yung pagkain para hindi na maulit," mahinahong saad niya at lumabas ng kusina.

Nakahinga naman ako ng maluwag at napahawak sa tiyan ko. Hindi man lang siya na alarma saman talang isa siyang doctor. Tss.

Agad akong pumuntang kwarto namin ng makaramdam ako ng antok. Nahiga ako sa kama ko. Oo, kama ko. Dalawa ang kama namin dito sa kwarto namin, magkahiwalay kami. Dalawang buwan palang kaming kasal at dahil doon, mailap pa kami sa isa't isa. Nung kinasal kami, syempre pinilit nila kaming mag-honeymoon kahit labag sa kalooban naming dalawa.

"Sarie, andyan ka ba?" Rinig ko ang pagbukas-sara ng pinto.

"Gumising ka dyan. Parating na sila Mommy at Daddy, kasama rin ang parents mo," saad niya at lumabas ng kwarto. Kahit na tinatamad ako, wala akong nagawa kung hindi mag-ayos ng sarili.

Minuto ang nagdaan ng makarating sa bahay ang manugang at magulang ko. Agad na lumapit sakin ang mommy ni Keizer, at yumakap sakin.

"Ano, kamusta hija? Wala ka bang ibang nararamdaman?" Excited na tanong ng Mommy ni Keizer. Pilit naman akong ngumiti sa kanya kahit na sasaktan ako sa higpit ng braso niya

"H-ho?" Takang tanong ko. Baka sinabi na ni Keizer.

"I mean, hindi ka ba nakakaramdam ng pagkahilo o pagsusuka o iba pa?" Tanong pa nito.

"Kakasuka niya lang kanina, Mom--" singit ni Keizer.

"Oh! My! God--"

"Wag ka hong OA. May sira lang yung pagkain kaya ganoon," pigil niya sa ina niya kaya naman napalingon ako sa kanya.

"M-may sira yung pagkain kanina?" Kinakabahang tanong ko.

"Hmm.. may sira na kaya siguro sumakit yung tiyan mo" Ani nya, nakaramdam naman ako ng kaba.

"May problema ba anak?" Biglang tanong ni Mama. Pilit akong ngumiti sa kanya at yumakap.

"Wala po Ma," Sagot ko at nag-umpisa na lang kumain kahit wala akong gana. Minuto lang rin ang tinagal nila sa bahay, mukang nag-interview lang talaga sila saming mag asawa dahil nag paalam na rin silang umuwi ng matapos sila.

"Mag-iingat kayo Ma, Pa. Kayo rin po Tita, Tito," paalala ko sa kanila ng matapos kaming mag-tanghalian.

"Kayo rin hija, Babalik kami pag may time," ngiting sabi ni Tita Keirin at umakap kay Tito Zeemor.

"Kung may problema ka tawagan mo lang kami ng Papa mo," paalala ni Mama.

"Opo," sagot ko at humalik sa pisnge nila. Ganon rin ang ginawa ko sa parents ni Keizer. Kahit si Keizer ay humalik rin sa pisnge nila bago sila umalis.

"Puno ang duty ko kaya baka sa opisina na ako matulog. Kung aalis ka, mag-text ka sa akin o kaya magpaalam ka kay Manang Nil" Mahinahong saad niya pero damdam ko parin ang panglalamig ng boses niya.

"S-sige, maiingat ka," sagot ko at inabot ang lab coat niya. Hindi na siya nagsalita at tuluyan nang umalis ng bahay.

Nagmadali rin akong magbihis at pupunta akong hospital. Natatakot ako baka anong mangyari sa batang nasa sinapupunan ko.

"D-doctora, kamusta po ang baby ko?" Nanginginig ang mga kamay ko matapos magtanong sa doctor.

"Well, ayos naman siya. Wala namang naging epekto sa kanya ang nakain mong pagkain. I'll just give a prescription for your vitamins for daily use and make sure you drink them on time, oky? And also make sure that the food you're eating is still edible. Alam mo namang nakakasama sa bata ang mga unhealthy food. And mas maganda iwasan mo ang magkasakit dahil mahirap na. Pero reresetahan parin kita ng ibang gamot for that in case you got sick, which is a medicine for pregnant women. Mas maganda kung maiinom mo ng maaga," paliwanag ni Dra. Hiraya.

"Doktora, pwede favor?" Naiilang na tanong ko sa kanya. Baka kasi hindi siya pumayag.

"Ah, sure. Ano ba iyon?"

"Pwede ba pong w-wag ng makarating kay Keizer na pumunta ako rito? Pwede po bang wag niyo ng sabihin?"

"Okay... sure. Kung ayaw mong makarating ito kay Doc. Keizer, mag-ingat ka lang paglabas mo dahil kakapunta lang niya dito sa OB. Nanguha siya ng mga pangalan ng pasyente. Baka nasa tabi lang ng kwarto, malapit dito sa OB," paalala niya. Kaya naman nagpasalamat ako. Para tuloy akong holdaper, Nilabas ko muna ang ulo ko sa pinto at tinignan ang paligid baka kasi makita niya ako. Nang malinaw na wala akong nakitang Keezer, nagmamadali akong lumabas ng OB at pumuntang pharmacy ng hospital, best friend ko na ata tong pharmacy, napapadalas na ang dalaw ko dito.

"Ito miss," abot ko sa reseta ko. Habang naghihintay, hindi ako makapakali baka makita niya ako dito. Kaya naman ng inabot sa akin ng babae dito sa parmacy ang binili ko, dali-dali akong lumabas at pumara ng taxi.

9:30 PM na pero hindi pa rin ako makatulog. Kaya naman nag-movie marathon na lang ako at kumain ng vegetable salad. Habang patagal ng patagal, hindi ko na napansin na lumalakas ang tawa ko dahil sa pinapanood ko. Nagulat ako ng bumukas ang pinto at pumasok si Keizer. Hindi ko narinig ang pagpasok ng sasakyan niya dahil siguro sa kakatawa ko.

Agad siyang dumeretso sa gawi ko kaya naman nakaramdam ako ng kaba dahil salubong ang mga kilay niya. Nagulat ako ng hablutin niya ang braso ko at pilit akong pinapatayo.

"Anong ginawa mo sa hospital kanina?" Tanong niya. Halatang nagpipigil lang siya ng galit.

"N-nagpa-check up lang ako. Kasi sumakit yung tiyan ko," kabadong sagot ko.

"At bakit naman sa OB ka pumunta ha!?" Sigaw niya kaya naman napapikit ako. Ipit kong kinagat ang labi ko dahil hindi ko alam kung anong palusot ang sasabihin ko sa kanya.

"A-ano kasi a-ano...ahmm na ano kasi nung nagtatanong ako sa ibang n-nurse, ang s-sama ng tingin nila sa akin. Kaya a-ano n-natakot ako tapos napunta ako sa O-OB kaya doon ako nagtanong," humihikbing saad ko. Totoo lang ay totoo talaga ang sinabi ko. Kaya nagkandaligaw-ligaw ako kakahanap ng OB. Mas maganda na rin na hindi ako nagtanong kung saan ang OB baka makarating kay Keizer na pumunta ako roon.

"A-alam ko naman k-kung bakit ganon s-sila makatingin sakin. K-kasi maraming may ayaw sakin na i-ikasal sayo. Buti na lang at mabait si Dra. Hiraya," dagdag ko pa.

Napaupo ako sa sofa ng bitawan niya ako sa braso at dumeretso siya sa hagdan paakyat ng kwarto. Napayakap na lang ako sa sarili ko. Pinalipas ko muna ang ilang minuto at huminto na ako sa pag-iyak kaya naman napagdisisyonan kong matulog dahil masama ang magpuyat.

Nang makarating ako sa kwarto ay wala siya sa kama niya. Panigurado akong nasa CR siya at naliligo. Sumampa ako sa kama ko at nahiga syaka nagtalukbong ako sa kumot.

Sa totoo lang ay gusto kong tumabi matulog kay Keizer. Malapit nakong matapos sa first sem ng pag bubuntis ko kaya naman halo halo ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay may dinadala akong mabigat. Minsan ay pinipigilan ko lang talagang mag palambing kay Keizer. Marami akong pinipigilan mahirap ng mahalata niya.

31 palang siya habang ako 22 pa lang marami pa siya gustong gawin kaya hanggat maari ayaw niya pa, saman talang ang dahilan nga ng pagpapakasal naming dalawa ay magkaroon ng anak.

May balak naman akong sabihin sa kanya...hindi ko lang talaga alam kung pano.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hiding My Sons From My Heartless Husband    SIDE 4 Chapter 199- VOWS

    VOWS"It's really common to bleed during the first trimester, so there's really nothing to worry about since it's a slight bleeding," saad ng oby ko habang abalang nakatingin sa monitor. Nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig ang sinabi niya. Agad akong dinala ni Wesley sa hospital nang sinabi niyang dinudugo ako. Parehas naming hindi alam ang gagawin kaya parehas kaming nag-panic. Nakahinga lang kami ng maluwag nang malaman namin ayos lang si baby. "Huwag mong kalimutan ang mga gamot na nireseta sayo. Hindi naman maselan ang pagbubuntis mo pero doble ingat pa rin lang," sabi sakin ng doktor. "Opo," sagot ko rito. "Are you really sure that our baby is fine? Maybe you should double-check again," saad ni Wesley sa doctor."I already double-checked, mister," tamad na sagot ng doktor kay Wesley dahil paulit-ulit niya na itong kinukulit kanina pa. "The baby is still small, but can you see this?" tanong niya at itinuro ang maliit na bilog sa monitor. "That's your baby, healthy an

  • Hiding My Sons From My Heartless Husband    SIDE 4 Chapter 198- THE LOVE

    THE LOVE"Does it hurt over here? Should I not move? Is it too much?" sunod sunod na tanong ni Wesley.Hindi ko alam kung maiinis ako sa kanya dahil paulit-ulit na iyon ang tanong niya tuwing gagalaw siya sa ibabaw ko."I told you, I'm fine―just keep moving, please," pagmamakaawa ko sa kanya, pero parang nag-aalinglangan pa rin siyang gumalaw."I'm just scared that if I move too much, it will hurt our baby," sagot niya. Napabuga na lang ako sa hangin."The baby is still a fetus or maybe blood, so it won't feel anything yet. And...and even if your thing is that long, it won't reach our baby, okay?" pangaalo ko sa kanya."But—""Wesley.""Okay, okay," aniya at sinumulang gumalaw ulit, pero ilang sigundo pa lang ay huminto ulit siya."What?" inis na tanong ko."Why don't we switch positions, ha?""Again?!""I mean, you look uncomfortable, and I can't help but—""Wesley, I will tell you if I feel uncomfortable, okay! And I don't feel uncomfortable right now, so keep moving!""Okay, okay.

  • Hiding My Sons From My Heartless Husband    SIDE 4 Chapter 197- ON DUTY

    ON DUTY"Mag-iingat ka dito ha? At ayokong labas ka ng labas, naiintindihan mo ba?" ani ni Ate Scarlett habang abala ito sa pag-aayos ng gamit niya. "Opo, Ate," ang tanging nasagot ko rito. "Nakausap ko rin ang teacher mo kahapon. Mag asynchronous ka na lang daw para mas madali mong mahabol yung mga naiwan mong activity last quarter," saad niya. "Mag papadala ako sa ikalawa para may panggastos dito." "A-Ano ate, wag na siguro. May binibigay namang pera sakin si Wesley," tanggi ko sa kanya. Sa totoo lang ay iyong perang binigay sakin ni Wesley ay ilang beses kong tinanggihan pero sadyang mapilit siya kaya naman tinanggap ko na lang. "Aba! Dapat lang! Bubuntisin ka niya tapos hindi siya magbibigay ng pangtustos sayo? Ano bang akala niya? Na kesyo hindi ka pa nanganganak ay wala na siyang responsibilidad sayo? Dapat lang talaga na magbigay siya dahil dinadala mo ang anak niya at―" "Ate, ate, ayos na, okay? Nag aabot naman siya ng pera para sa panggastos ko araw araw. Alam ko namang

  • Hiding My Sons From My Heartless Husband    SIDE 4 Chapter 196- ACCEPTANCE

    ACCEPTANCE"Ha? Tama ba yung narinig ko? Buntis ka!?" galit na tanong ni Ate Scarlett.Hindi na ako nagulat sa reaksyon niya dahil inaasahan ko na talagang magagalit siya pag nalaman niya. Pero ramdam ko pa rin ang takot at kaba kaya hindi ako nakasagot."Seraphina naman! Dalawang buwan! Dalawang buwan lang akong nawala! Dalawang buwan lang kitang iniwan pero bakit nagkaganito ka?" umiiyak niyang saad kaya nagsimulang mangilid ang luha ko."I-I'm sorry, Ate—""Hindi ko kailangan ng sorry mo! Gusto kong malaman kung bakit! Saan ba ako nagkamali? Saan kami nagkulang? Alam kong hindi ko mabigay lahat ng luho at gusto mo, pero, Seraphina! Alam kong naibigay namin lahat ng pangangailangan mo! Pinapakain ka namin! Pinag-aaral! Pero bakit ganito mo kami susuklian? Bakit?!" galit niyang saad na kinatahimik ko.'Tama siya...bakit nga ba...'"Excuse me, but Seraphina is not the only one to blame here. I—""Isa ka pa!" sigaw niya kay Wesley at muling hinatak ang kwelyo ng damit nito. "I will ma

  • Hiding My Sons From My Heartless Husband    SIDE 4 Chapter 195- UNEXPECTED EVENTS

    UNEXPECTED EVENTS"Hmm, well, based on your test lab result, everything seems fine. The best thing you can do now is to have a proper sleep and rest," saad ng doctor.Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam nang lungkot sa hindi malamang dahilan.'Lungkot? Bakit naman ako malulungkot? Hindi ba dapat ay masaya ako dahil ordinaryong sakit lang to? '"Ito ang mga listahan ng mga gamot na kailangan mong bilihin. Ipabili mo na lang sa asawa mo," aniya at inabot kay Wesley ang papel."P-Po!? H-Hindi! Hindi ko siya!―""Thank you. I will get this for her," saad ni Wesley sa doctor."If you don't have any questions, I will take my leave then," paalam ng doktor bago lumabas ng kwarto.Ramdam ko ang pamumula ng mukha dahil pa rin sa sinabi nito.'Paano niya naman nasabi na asawa ko si Wesley! '"Should I buy this medicine for you...." si Wesley at pinakita sakin ang papel na binigay ng doktor. "...my wife?""H-Ha! W-What...what are you saying?!""Pff, you should see yourself in the mirror righ

  • Hiding My Sons From My Heartless Husband    SIDE 4 Chapter 194- ESPECIAL

    ESPECIAL "Anong ibig sabihin nito, Sep?" seryosong tanong ni Ate Scarlett sakin. Hindi ko naman siya magawang sagutin dahil pinangungunahan ako ng takot. "Alam mo ba kung bakit nandidito ako ngayon?" muling tanong niya. "Tumawag sakin yung hospital kung saan naka-confine si lola―ang sabi nila ay hindi na nila ma-contact kaya ako ang tinawagan nila," saad niya na kinagulat ko. Walang nasabi sakin ang doktor kanina ng pumunta kami sa hospital. Marahil ay nakalimutan nila. "Ang malala pa doon ay kung bakit nila ako kailangan tawagan. Ang sabi nila ay isasagawa daw nila ang operasyon kay lola ngayong umaga!" galit niyang sigaw at tumayo mula sa pagkakaupo. "Sep! Ang sabi mo ay ayos lang si lola kaya panatag ang loob ko! Pero bakit ganito! Bakit kailangan mong itago sakin na ganito ang sitwasyon niyo ha!?" galit niyang tanong sakin. "A-Ate...kasi..." "Siguradohin mo na bibigyan mo ako ng maayos na dahilan, Seraphina! Kung hindi malilintikan ka talaga sakin!" ika niya at napunta ang t

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status