LOGIN
(Present)
Takbo Takbo Takbo Mabilis na kumilos ang mga paa ko at nagtatakbo, nananalangin na sana pagdating ko ay wala pa siya, ngunit pagpasok na pagpasok ko palang sa tahanan namin siya agad ang sumalubong sakin. "K-keizer, nasasaktan ako." Hirap kong sabi rito. Takot akong tumingin sa kanyang galit na mga mata. Mukhang kanina pa siya nakauwi, at kamalas-malasan lang dahil minuto siyang nauna sa akin. Dahil dito, nalaman niya na umalis ako ng bahay ng walang paalam. "Argh!" Napadaing ako sa higpit ng pagkakawak niya mukha ko, pakiramdam ko ay mababasag ang bungo sa higpit nito. "K-keizer, ano ba n-nasasaktan ako!" pilit kong pinapakalma ang sarili ko kahit na nasasaktan nako. "Bakit ba ang kulit mo? Ha! Sinabi kong magpapaalam ka pag aalis ka! Mahirap bang gawin 'yon?" Galit na tanong niya at mas lalo pang diniinan ang pagkakahawak sa mukha ko. Tatlong taon na kaming kasal, pero kahit ganito ang ginagawa niya sa akin, hindi umaabot sa punto na malala ang pananakit niya. Hindi siya tulad ng iba. Ni minsan ay hindi niya ako kinulong sa kwarto o kaya hindi pinakain ng ilang araw. Sa tatlong taon naming pagsasama ay ang pagiging istrikto at ganitong bagay lang ang natatanggap kong pananakit mula sa kanya. Pero kahit ganoon pa man, nasasaktan pa rin ako. "Fix yourself and go to your room. Pag balik ko dito sa bahay at wala ka, hindi lang yan ang aabutin mo sakin." May pagbabantang saad niya bago tuluyang lumabas ng bahay. Dali-dali akong tumayo at pumunta sa kusina. Nakita ko pa si Manang Nil na naglilinis sa lababo, pero hindi ko siya pinansin. Agad akong dumeretso sa refrigerator at kumuha ng mga pagkain, gulay at prutas na makita ko lalo na ang saging dahil alam kong paborito niya iyon, at agad na nilagay sa supot. Pagkatapos ay pumunta ako sa kwarto at nanguha ng pera. Pagbaba ko, naabutan ko si Manang sa sala. "Hija, hindi ka ba natatakot sa asawa mo? Baka maabutan kang wala dito at saktan ka nanaman." Alalang saad ng ginang. "Kailangan ko talagang umalis Manang, importante lang ho. Mauuna na po ako," saad ko at dali-daling lumabas ng bahay. Nagtatakbo ako palabas ng village. Paglabas ko, agad akong pumara ng taxi. "Manong, sa Pharmacy ho," sabi ko sa driver. Napasandal na lang ako sa bintana ng sasakyan, pero bago pa kami makalayo, may nakita akong isang pamilyar na sasakyan. Hindi ko na ito pinansin dahil pagod na pagod talaga ako. "Nandito na po tayo Ma'am," sabi ng driver. Kaya naman agad akong nagbayad at lumabas ng taxi. Pumunta ako sa loob ng pharmacy at bumili ng gamot ko dahil hilong-hilo na ako. At kung pupunta pa ako ng grocery, wala na akong oras. Kaya naman dito na rin ako bumili ng gatas at dali-daling pumunta sa apartment ko. "Manang Sol, tao po," katok ko rito. Agad namang bumukas ang pinto. "Oh! Sarie, pasok ka," saad niya kaya naman dali-dali akong pumasok. "Asan po si Keefer?" "Nandoon sa kwarto. Napaka-kulit nga e, kaya ayun, naka-tulog," natatawa niyang kwento. "Ito po Manang Sol, bayad po iyan at may dagdag narin po. Tapos ito po ang mga pagkain, gulay at prutas, Pupuntahan ko lang po si Keefer." Aniya ko at pumunta sa kwarto. Halos mapawi lahat ng pagod at hirap na nararamdaman ko ng makita ko kung gaano kahimbing ang tulog ng anak ko. "Ang anak ko, hindi man lang hinintay si Mama." Maingat kong pinunasan ang pawis niya at binuhat siya mula sa pagkakahiga sa crib. "Bakit natulog ka agad? Minsan na nga lang umuwi si Mama, tutulugan mo pa," kunwaring nagtatampong sabi ko kahit hindi naman niya ako naririnig. "Wag kang maalala. Kaunting tiis nalang, mahal ko. Makakasama mo na si Mama. Hintay lang ha," hinalikan ko siya sa noo. Ramdam ko ang sunod-sunod na pagtulo ng luha ko kaya *BLAGG!* Napa-igtig ako ng marinig ang makas na kalabog sa pinto. Paglingon ko ay para akong nakakita ng isang demonyo galit na galit sa sobrang pula. "K-keizer." (Past) Sarie POV "Ano bang nakain mo at nagsusuka ka?!" Inis na tanong ni Keizer habang nakahawak sa likod ko. Nasa harap ako ng bowl at sumusuka. "Hindi ko rin alam, may sira na ata ang pagkain kanina. K-kasi iba ang panglasa ko," pagsisinungaling ko at lumabas ng banyo sa kusina. "Oh. Magmumog ka, uminom ka rin ng gamot." Napasiil ako ng labi ng maalala ang kabilin bilinan ng doktor ko. "H-ha? Hindi na kailangan ng gamot. Ayos na ako. Iinom na lang ako ng tubig para mawala ang sakit ng tiyan ko," pilit na sagot ko at pumunta sa lababo para magmumog. "Ipapacheck ko na lang kay Manang Nil yung pagkain para hindi na maulit," mahinahong saad niya at lumabas ng kusina. Nakahinga naman ako ng maluwag at napahawak sa tiyan ko. Hindi man lang siya na alarma saman talang isa siyang doctor. Tss. Agad akong pumuntang kwarto namin ng makaramdam ako ng antok. Nahiga ako sa kama ko. Oo, kama ko. Dalawa ang kama namin dito sa kwarto namin, magkahiwalay kami. Dalawang buwan palang kaming kasal at dahil doon, mailap pa kami sa isa't isa. Nung kinasal kami, syempre pinilit nila kaming mag-honeymoon kahit labag sa kalooban naming dalawa. "Sarie, andyan ka ba?" Rinig ko ang pagbukas-sara ng pinto. "Gumising ka dyan. Parating na sila Mommy at Daddy, kasama rin ang parents mo," saad niya at lumabas ng kwarto. Kahit na tinatamad ako, wala akong nagawa kung hindi mag-ayos ng sarili. Minuto ang nagdaan ng makarating sa bahay ang manugang at magulang ko. Agad na lumapit sakin ang mommy ni Keizer, at yumakap sakin. "Ano, kamusta hija? Wala ka bang ibang nararamdaman?" Excited na tanong ng Mommy ni Keizer. Pilit naman akong ngumiti sa kanya kahit na sasaktan ako sa higpit ng braso niya "H-ho?" Takang tanong ko. Baka sinabi na ni Keizer. "I mean, hindi ka ba nakakaramdam ng pagkahilo o pagsusuka o iba pa?" Tanong pa nito. "Kakasuka niya lang kanina, Mom--" singit ni Keizer. "Oh! My! God--" "Wag ka hong OA. May sira lang yung pagkain kaya ganoon," pigil niya sa ina niya kaya naman napalingon ako sa kanya. "M-may sira yung pagkain kanina?" Kinakabahang tanong ko. "Hmm.. may sira na kaya siguro sumakit yung tiyan mo" Ani nya, nakaramdam naman ako ng kaba. "May problema ba anak?" Biglang tanong ni Mama. Pilit akong ngumiti sa kanya at yumakap. "Wala po Ma," Sagot ko at nag-umpisa na lang kumain kahit wala akong gana. Minuto lang rin ang tinagal nila sa bahay, mukang nag-interview lang talaga sila saming mag asawa dahil nag paalam na rin silang umuwi ng matapos sila. "Mag-iingat kayo Ma, Pa. Kayo rin po Tita, Tito," paalala ko sa kanila ng matapos kaming mag-tanghalian. "Kayo rin hija, Babalik kami pag may time," ngiting sabi ni Tita Keirin at umakap kay Tito Zeemor. "Kung may problema ka tawagan mo lang kami ng Papa mo," paalala ni Mama. "Opo," sagot ko at humalik sa pisnge nila. Ganon rin ang ginawa ko sa parents ni Keizer. Kahit si Keizer ay humalik rin sa pisnge nila bago sila umalis. "Puno ang duty ko kaya baka sa opisina na ako matulog. Kung aalis ka, mag-text ka sa akin o kaya magpaalam ka kay Manang Nil" Mahinahong saad niya pero damdam ko parin ang panglalamig ng boses niya. "S-sige, maiingat ka," sagot ko at inabot ang lab coat niya. Hindi na siya nagsalita at tuluyan nang umalis ng bahay. Nagmadali rin akong magbihis at pupunta akong hospital. Natatakot ako baka anong mangyari sa batang nasa sinapupunan ko.AGIE "Ate, are you good?" tanong ko kay Ate Hiraya nang magising siya. "Yah, I'm good," saad niya at umupo mula sa pagkakahiga. "Is your kuya Khairro home?" tanong niya―umuling naman ako. "Thats good." saad niya at napasandal na lang sa head board. "Ate, hindi niyo pa rin po ba sasabihin kay kuya na nahanap na si Ligaya?" tanong ko na ikinatahimik niya. "…I will, pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya—I'm still in shock after what happened." "I see, I understand ate," saad ko. Maya-maya pa ay may kumatok mula sa labas ng pinto. Nang bumukas iyon ay si Kuya Jack ang nakita namin na kasama si Kuya Jill. "She's in Manila now—you can see her anytime you want—just inform us," Saad niya. Kita ko naman kung paano muling nanubig ang mga mata ni Ate Hiraya ng marinig ang sinabi ni Kuya Jack. "Oh god...I can't believe this is finally happening. I hope this isn't a dream, Agatha," saad niya. Marahan kong hinawakan ang kamay niya at hinaplos iyon. "No, ate. This is
THE SECOND CHANCE WE DESERVED "Keiler, ano bang ginagawa mo?" kinakabahang tanong ko sa kanya bago ko inilibot ang paningin ko—nang hindi ko makita si Navia ay napunta muli ang tingin ko sa kanya. "Tumayo ka nga." "No, I'm kneeling in front of you and asking you to marry me. Hindi ako tatayo dito hanggat hindi Oo ang sagot mo," sagot niya na ikinalaki ng mata ko. "Nahihibang ka na ba? Sa tingin mo ba sasagot ako sa proposal mo? Ni wala ngang tayo," inis kong sagot sa kanya. "That's why I'm proposing right now," pagdadahilan niya. "If you're worried about Navia, I've already talked to her." Sunod sunod na lang ang naging pagiling ko dahil sa sagot niya. "L-Let's just talk privately, please," ani ko at dali-daling pumasok sa loob ng hacienda. I don't think I can talk about such a thing like this in front of our family. "Agatha," pigil niya sakin ng makapasok kami sa living room. "Keiler, hindi ganon kadali ang gusto mo, okay? Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa'yo pero—"
MARRY ME."Who told you that I'm sleeping with her, hmm?" bulong niya sa tenga ko dahilan para mag tayuan ang balahibo ko."A…a…an…" hindi ko magawang sagot sa kanya dahil para akong na-hypnotized sa boses niya."Come with me," saad niya at bigla akong hinatak palabas ng kwarto ko."Keiler, wait! Wala pa akong damit!" pigil ko sa kanya pero parang wala siyang narinig at patuloy pa rin sa paghatak sa akin hanggang makarating kami sa kwarto niya."A-Ano...anong gagawin natin dito?" kinakabahang tanong ko sa kanya nang makapasok kami sa kwarto niya.Mas lalong nagtayuan ang balahibo ko ng marinig ko ang pagsara niya ng pinto."Keiler..." tawag ko sa pangalan niya ng harapin ko siya. Pero imbes na sagutin ako ay muli niya akong hinatak papalapit sa kanya at siniil ako ng halik.Para namang manlalambot ang katawan ko habang pinapakiramdaman ang bawat galaw ng labi niya."K-Keiler...stop..." pigil ko sa kanya at marahan siyang itinulak palayo sa akin. "Please lang, mali tong ginagawa natin,
YOU "A-Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko sa kanya. "Come here," aniya at hinawakan ang kamay ko at marahan akong hinatak papuntang dalampasigan. "Nathan is someone else's son. Hindi ko alam kung sino ang ama niya dahil hindi naman sinabi ni Navia sakin," kwento niya habang patuloy pa rin kami sa paglalakad. "Paanong nangyari yon? Hindi bat daddy ang tawag sayo ng bata?" muling tanong ko sa kanya. "Yah, ako ang tumayong ama niya. Out of guilt I took the responsibility to be her child's father. Pero kinalaunan ay napamahal na rin ako sa bata." Hindi ko naman siya nagawang sagutin dahil sa sobrang gulat. "So legally ikaw ang ama ng bata?" "No, walang process na nangyari, I insist, but she resists," aniya.'So hindi siya ang ama ng bata sa dugo o sa papel, but that won't change the fact that they've still been together for the past few years.' "Pero kayo pa rin..." ani ko at nag-iwas ng tingin sa kanya. "Hm hm, I tried to have a normal relationship with her after w
HI, FIVE CHAPTERS DAPAT ANG IPUPUBLISH KO TONIGHT. BUT THEN I DIDN'T NOTICE NA NAKA AUTHOR NOTES PALA YUNG CHAPTER 152 KAYA FREE SIYA KUNG MAKIKITA NIYO MAN, SO NEED KO PO MUNANG IWAIT MA EDIT YUN PARA MATANGGAL YUNG AUTHORS NOTES PARA MA SURE KO NA WALANG ABERYA IF EVER MAG PUPUBLISH AKO NG NEW CHAPTER, KUNG MAAPPROVE SIYA TODAY THEN MAKAKA PAG UPDATE AKO TOMORROW. HUHUU SEE YAHH.
POSSESSIVE "Did you forget that she has a crustacean allergy? Her skin will swell the moment you put her in water," saad niya na kinagulat ng dalawa. Kahit ako rin ay nagulat rin dahil nakalimutan ko na may ganoon akong kondisyon sa katawan. "Ahm," basag ko sa katahimikan. "Ayos lang siguro, wala namang crab at shellfish sa tubig," sagot ko rito. "Yes, but there's a fisherman harvesting mussels there," saad niya at tinuro ang mabatong gilid sa dagat—hindi kalayuan samin. "It's better if you're not going to swim," ika niya bago kami talikuran. "Psh, why is he so masungit! Hmp!" rinig kong sabi ni Kian. "Hayaan mo na, tama naman yung sinabi niya―we're only going to put your ate Agatha in danger if we force her to go in water," sagot ni Keefer sa binata. "Wag niyo na lang iyon pansinin, bumalik na lang tayo sa cottage para kumain, mamaya na kayo maligo," aya ko sa kanilang dalawa at naglakad pabalik ng cottage. "Ano pa lang balita kay Ruby? Ayos lang ba daw si Karson?" t






![ALTERS [Book 2]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
