Share

CHAPTER FORTY EIGHT

Hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala si Santina sa mga nangyari. Dalawang araw na ang nakakalipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Laking pasalamat niya na antukin ang anak sa biyahe kaya hindi nito nakita ang pinaggagagawa ni Hellios kay Ivan. Iniwanan niya ang lalaki at sumama sa asawa niya para wala nang gulo.

Naaawa rin siya kinahinatnan ng itsura ni Ivan ng iwanan niya ito, Putok ang labi at puno ng dugo ang puting polo shirt nito. Wala siyang kontak sa labas ng bahay nila dahil pagkatapos niyang tumakas ay hindi na siya pinahawak pa ng kahit na anong cellphone ni Hellios. Hindi rin siya kinikibo ng lalaki. Tanging ang anak lang nila ang kinakausap nito palagi.

Alam niyang galit ito sa kanya dahil binalak niyang ilayo ulit dito si Brio. Pero pareho lang sila ng nararamdaman dahil galit din siya dito. Sinaktan at pinagbantaan nito ang kaibigan niya. Hindi niya ito kayang patawarin kaagad.

 

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status