Share

Episode 38

“Salamat sa araw na ito Julian, kahit papaano’y nakalimutan ko ang tungkol sa nangyari sa akin.” Narito na kami sa tapat ng bahay namin, alam nila papa na kasama ko si Julian kaya nang magsabi ako na medyo malalate ako ng uwi ay hindi na sila tumutol pa.

Sa tagal ng panahon na nanilbihan ang ama ko sa mga Kordal ay kabisado na nito kung sino ang dapat at hindi dapat na pagkatiwalaan, nasabi naman niya sa akin ang tungkol doon.

“Walang anuman ‘yon, kapag kailangan mo ng makakausap ay tawagan mo lang ako.”

Nakakagulat man ngunit napangiti pa rin ako sa tinuran na iyon ni Julian. “Sige, sabi mo ‘yan ha.”

“Hmp. Isa pa’y ako naman ang dahilan kung bakit nangyari ito sa ‘yo.”

“Hala, parang makokonsensya pa ata ako ha, bakit ikaw ba ang nanakit sa akin? Hindi naman eh, kung hindi pa nga dahil sa ‘yo ay baka mas malala pa ang nangyari sa akin,” sabi ko naman sa kaniya.

Hindi ko naman talaga siya sinisisi ang totoo pa nga niyan ay nahihiya ako sa kaniya. Simula pa lang ay ako naman
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status