Makaraan ang ilang linggo na paghahanda at pagpaplano ay dumating na kami sa pinakahihintay namin na araw. Ang unang taon na kaarawan ng aming kambal na sina Cole Ashton at Ashira Coline. Walang paglagyan ang kasiyahan ko sa araw na ito lalo na at halos kompleto ang aking pamilya maliban lamang sa aking mga magulang na nasa Genova. Tandang-tanda ko pa isang taon na ang nakakaraan nang ipanganak ko ang kambal. At ang araw na iyon ang lubos na nagpabago sa buhay ko at sa paninindigan ko. Hindi ko inakala na makakaya ko na isilang ang dalawang anghel. Wala man si Colton sa aking tabi ng mga panahon na iyon ay ipinagpapasalamat ko pa rin ang presensya nina Aldrick at Akiro. Ang dalawang prinsipe ang naging sandigan ko sa mga panahon na iyon. “Love, are you ready?” Pumulupot agad ang mga braso ni Colton sa aking beywang nang lapitan niya ako. Simula nang magising at makabalik siya sa amin ay pareho na namin sinisigurado na iparamdam at ipakita sa isa’t-isa ang aming nararamdaman. “Yes, t
Ilang araw na kami na nakabalik dito sa bahay namin sa Batangas matapos ang unang kaarawan ng kambal. Masaya ako na naging matagumpay ang araw na iyon. Gusto ko isipin na ito na ang simula ng maayos at tahimik na buhay para sa amin lahat. Unti-unti na namin na pinupulot ang mga piraso ng pagkatao at buhay namin na nasira ng mga pangyayari. Hindi magiging madali ang lahat pero positibo kami na mangyayari iyon sa mga susunod na araw. Nakakatuwa na muli rin na nanumbalik ang pagkakaibigan nina Colton at Kane. Muli sila na nabigyan ng pagkakataon na maayos ang pagkakaibigan na nagkaro’n ng lamat nang dahil sa hindi pagkakaunawaan. At bukod pa ro’n ay natutuwa ako sa maganda na simula na nangyayari sa pagitan nina Samantha at Kane. Minsan hindi mo talaga alam kung sino ang itinakda para sa’yo. Pero naniniwala ako na sa mundo na ito ay mayro'n talaga na inilaan para mahalin tayo. Dahil maayos na rin ang lahat ay nakatakda na rin kami na bumalik sa Genova. Ito ang kasunduan namin ni Akiro
Dalawang linggo na ang nakakalipas buhat nang umalis si Aldrick. And it was a bitter sweet farewell. It was hard but it was necessary. Magkasabay na rin na bumalik ng Genova sina Prinsipe Akiro at Prinsipe Aldrick. At masaya ako sa muli na panunumbalik ng kanilang pagkakaibigan. Pareho na maayos ang takbo ng kumpanya namin ni Colton, ang DU at ang RD. Naging matagumpay rin ang collaboration project ng dalawang kumpanya kahit na hindi namin ito natutukan dahil sa mga nangyari sa amin. Pasalamat na lamang din kami ni Colton na pareho na maaasahan sina Miguel at Vincent. Sila rin ngayon ang punong-abala sa dalawang kumpanya. Sa kabila ng mga masasama na nangyari sa buhay namin ni Colton there are still a lot to be thankful for. At isa na roon ang mga kaibigan na mayro’n kami. Our friendship was tested beyond what we could comprehend, pero lahat kami ay tumindig sa hamon na iyon at napagtagumpayan namin ang mga pagsubok. At masasabi ko na mas naging pulido ang pagsasamahan namin. Sina S
Nang pumasok ang sasakyan sa malawak na lupain sa palasyo ng mga Altamirano ay naramdaman ko ang pagsinghap ni Colton. Sinulyapan ko siya at seryoso lamang ang kan'yang anyo. At nang huminto ang kotse sa tapat ng isang malaking pintuan kung saan nakahilera ang ilan sa mga guwardiya at bantay sa palasyo ay rumehistro na ang kaba sa kan’yang mukha. “Everything is going to be alright, love. It’s just my family, and there is nothing to worry about. And for all it’s worth, mas masungit pa si Akiro kaysa sa mga magulang ko.” Pinisil ko pa ang kamay niya upang bigyan siya ng suporta. Pinagbukas kami ng pintuan ng isa sa mga bantay na naroon. Nauna na bumaba si Colton na buhat-buhat si Cole kasunod naman ako na karga naman si Ashira. Nakababa na rin si Nathan buhat sa nauna na sasakyan sa amin. Nang makalabas kami ng sasakyan ay sabay-sabay na yumukod ang mga tauhan sa amin. Umakyat kami sa ilang baitang na hagdanan bago tuluyan na naabot ang pinaka pintuan ng palasyo kung saan nakatayo na
Kinakabahan man si Colton MIjares sa pagharap sa seryoso at nakakunot ang noo na hari ng mga Altamirano ay kailangan niya na tibayan ang kan’yang loob. Wala siyang iba na nais sa mga oras na ito kung hindi ang mapatunayan ang kan’yang pagmamahal sa prinsesa sa mga magulang nito. “What is this all about, pa? Why are you doing this?” halata sa boses ng prinsesa ang pagkadismaya sa ama na hari. Nananatili naman na tahimik ang reyna ng mga Altamirano at pinagmamasdan lamang ang mga nangyayari sa kan’yang harapan. Tanggap naman ng reyna ang nobyo ng anak pero iba ang hari. At kung ano man ang desisyon ng hari ay iyon ang masusunod. “Quiet, princess. Hindi ka na nga dapat pa na narito, but being the stubborn princess that you are, ay kailangan mo pa talaga na makisali. Now you choose, ang patuloy ka na makikisabat sa usapan na hindi ka kasali o ngayon pa lang ay lalabas ka na ng silid na ito?” “No. I won’t allow you!” matigas na sagot ni Atasha sa ama. Lalo naman na naguguluhan si Colto
Lulugo-lugo at matamlay na lumabas ng main hall si Colton Mijares. Hindi niya nakamit ang pakay niya sa palasyo ng mga Altamirano. Hindi niya nakuha ang inaasahan na basbas at pagtanggap sa kan’ya ng mga magulang ni Prinsesa Atasha. He failed and he cannot accept that fact. Sa isipan niya ay kailangan niya na makuha ang loob ng hari at reyna. Ayaw ni Colton na isa na naman ito sa maging hadlang sa kanila ng prinsesa, at gagawin niya ang lahat makuha lamang ang pagtitiwala ng mga magulang ni Atasha. Galit na galit at salubong ang kilay ni Prinsesa Atasha nang lumabas ng main hall habang hawak-kamay ang kasintahan na si Colton Mijares. Nagpupuyos ang puso niya sa inis para sa kan'yang ama na hari. Hindi niya alam kung ano nangyari at bigla na nag-iba ang ihip ng hangin para sa ama. Hindi niya alam kung bakit na muli na pilit na ipinapasok ng ama si Prinsipe Aldrick sa kanilang usapan. At hindi niya iyon nagugustuhan. Nahihiya ang prinsesa kay Colton. Hindi niya alam kung paano ipapali
Nakakunot ang noo ng bilyonaryo na si Colton Mijares habang walang-imik at malalim ang iniisip. Kasalukuyan siya na nasa sasakyan kasama ang tauhan ng kapatid niya na prinsipe. Sinundo siya ni Elon kanina sa palasyo ng mga Altamirano upang dalahin sa palasyo ng mga Laureus. Ayaw pa sana na umalis ni Colton at iwan ang kan'yang mag-iina ngunit alam niya na kailangan niya muna na puntahan ang kapatid na prinsipe at ang ina na reyna. Nais niya rin na bigyan ng pagkakataon muna si Atasha at ang ama nito upang makapag-usap at makapag-ayos. Ayaw niya na siya pa ang maging dahilan ng hindi pagkakaunawaan ng mag-ama. Hanggang ngayon ay malalim pa rin na iniisip ni Colton ang kan’yang magiging mga susunod na hakbang upang mapagkatiwalaan siya ng mga magulang ng prinsesa. “Colton.” tawag sa kan’ya ni Elon Taas-kilay niya na binalingan ang tauhan, “Nais mo ba na magdiretso sa palasyo o dumiretso muna sa reyna?” “Nasaan si Aldrick?” balik-tanong niya kay Elon. “Nasa palasyo ang prinsipe.
Pagkatapos ng pag-uusap ng magkapatid kanina ay nagbibiyahe na sila ngayon upang bisitahin ang ina nila na reyna. Parehas na tahimik ang magkapatid habang nasa sasakyan. Ito ang unang pagkakataon na mabibisita ni Colton ang kan’yang ina buhat nang kusa ito na sumuko kay Prinsipe Akiro at nakulong. Marami na ang nangyari sa mga nakalipas na araw matapos iyon at hindi alam ni Colton kung alam na ba ni Reyna Isabel ang ilan pa na kaganapan sa buhay nila. “She knows what happened to you, Colton. She knows everything that happened.” Ang mga salita na iyon ni Aldrick ang sumagot sa mga tanong niya sa kan’yang isipan. Sumulyap siya sa kapatid na seryoso na nakamasid lamang din sa kan’ya. “Hindi mo na dapat pa na sinabi ang mga bagay na iyon. HIndi na dapat pa niya na nalaman tutal ay nalagpasan na natin iyon.” “I need to let her know that you almost lost your life saving me. She needs to know how good of a son and a brother you are to me. Nang bumalik ako sa Pilipinas para sa plano na iyo