Share

Kabanata 3

Author: Georgina Lee
last update Huling Na-update: 2025-07-22 16:54:44

—2 Years Later—

"I told you I don't want to eat soup vegetables!" Sigaw ni Zendaya kasabay ng pagtilapon ng mangkok na naglalaman ng mainit na sabaw at tumama sa kamay ni Cyan.

Mariin siyang napapikit dahil sa hapdi. Nang nagmulat siya ng mga mata ay nakatitig lang sa kanya si Zendaya. No remorse could be seen in her eyes. No apology from her either. Bagkus ay mukhang proud pa ito sa nagawa nito sa kanya.

Two years...

It's been two years since she married Zach pero sa loob ng dalawang taon, walang nagbago sa trato ng mag-ama sa kanya gaya noong una silang magkita. Zendaya still doesn't like her habang si Zach, nanatiling malamig ang trato sa kanya. Pero nanatili siya. Nanatili siya dahil iyon ang kailangan. Kailangan kahit na pagod na pagod na siya.

Sinubukan niyang sumuway noon sa kagustuhan ng kanyang ama pero nang araw ding iyon ay ipinadampot ni Don Sebastian ang kanyang mga magulang para ipakulong. Napag-alaman din niyang bukod sa pera ng Don na naipatalo nito noon, dumagdag pa pala ang utang nito habang kasal si Zach at Chloe noon dahil lulong parin ito sa sugal kaya ganun nalang sila kung gipitin ng lolo ni Zach.

Kung siya lang ang masusunod, hahayaan niyang makulong ang kanyang ama para magtanda! Pero nagmakaawa ang kanyang ina na tulungan sila. Hindi naman siya ganun kasama para talikuran ang mga taong nagbigay buhay sa kanya.

"What happened here?" Malamig na boses ni Zach ang umalingawngaw sa kanyang pandinig.

"It's her fault, Daddy! Pinilit niya akong kumain ng vegetables soup kahit na ayaw ko," sumbong ni Zendaya sa daddy nito.

Hindi siya nagsalita at pinili nalang linisan ang kalat sa sahig pati na ang basag na bowl. Kagagaling lang ni Zendaya sa lagnat nito kaya naman naghanda siya ng masustansyang pagkain para makabawi ng lakas ang bata. Pero hindi na siya nagpaliwanag pa. Hindi niya rin ito pinangaralan sa harapan ni Zach dahil magtatalo lamang sila.

Asawa siya nito sa papel at tumatayong ina ni Zendaya sa nakalipas na dalawang taon but she wasn't treated the way she should be dahil para sa dalawa, wala siyang karapatan sa bahay na iyon. She's nothing but an unwanted substitute.

Nang makabalik siya sa hapag ay nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Zach bago lumingon sa kanya. "Dalawang taon ka na dito sa bahay and still hindi mo parin alam kung paano alagaan ng tama ang anak ko. Wala ka na talagang ginawang tama sa pamamahay na ito," malamig na turan ng lalaki bago umupo sa hapag.

"I'm sorry," tanging nasabi niya at sinimulan ng pagsilbihan ang dalawa.

Kahit na may katulong sila sa bahay, personal niyang inaasikaso ang dalawa dahil ayon pa kay Zach, iyon ang gawain ni Chloe noong nabubuhay pa ito at dahil siya ang pumalit sa pwesto ng kanyang kapatid, lahat ng gawain nito ay dapat siya rin ang gumawa.

Literal na nagbago ang buhay niya magmula ng magpakasal siya kay Zach. Iniwan niya ang pagmomodelo at naging full-time house wife sa pamilyang hindi ayaw naman sa kanya. Sa tuwing tumitingin siya sa salamin, hindi na niya kilala pa ang sarili niya.

Napapitlag siya nang tumayo na ang mag-ama. Agad niyang inayos ang kanyang sarili bago sumunod sa mga ito pero agad na lumingon sa kanya si Zendaya at pinaningkitan pa siya ng mga mata.

"You're not going with us today. Darating si Tita Laureen at silang dalawa ni Daddy ang maghahatid sakin sa school."

Napalunok siya para mawala ang bikig sa kanyang lalamunan. All those two years that she was married, laging naroon si Laureen sa tabi ng mag-ama. She was her late sister's best friend but now she turned into Zach's mistress.

Hindi paman siya nakakasagot, umalingawngaw na sa buong salas ang malambing na boses ni Laureen habang tinatawag ang pangalan ng kanyang pamangkin.

"Zendaya..."

Agad na nagningning ang mga mata ni Zendaya at patakbong yumakap sa babae. "I miss you Tita Laureen. Did you buy me a pasalubong?"

Matamis namang ngumiti ang babae. "Of course! Ikaw pa ba," anito at ibinigay ang isang paperbag kay Zendaya bago ibinaling ang atensyon kay Zach.

"Hey, I'm sorry kung natagalan ang balik ko?" Malambing nitong sambit at agad na umangkla ang braso ni Zach. Hindi rin nakaligtas kay Cyan ang mapang-uyam nitong tingin nang magawi ang mga mata nito sa kinatatayuan niya.

"It's okay as long as nag-enjoy ka sa bakasyon mo," tugon naman ng kanyang asawa at hinalikan pa sa ulo si Laureen.

Iniwas niya ang kanyang tingin sa dalawa lalo pa't nakaramdam siya ng panghahapdi ng kanyang mga mata. Ang dating pagtingin niya kay Zach noong kabataan niya ay namumbalik nang magkasama na sila sa iisang bahay. Hindi lang pala nanumbalik, mas lumalim pa sa kabila ng lamig ng pakikitungo nito sa kanya.

Halos ayaw nitong mapalapit sa kanya. Kung iwasan siya nito ay para bang may nakakahawa siyang sakit. Dati ay naitanong na niya sa lalaki kung bakit ayaw na ayaw nito sa kanya. Kung tutuusin, wala naman siyang kasalanan dahil hindi naman niya ginusto ang kasalan na naganap sa pagitan nila pero walang naging matinong sagot si Zach mula sa kanya.

"Siguro nextime dapat magkasama na tayong tatlo. Gusto mo ba yun, Zendaya?" Baling ni Laureen sa bata.

Agad na nagliwanag ang mga mata nito. "Of course!"

Kaya gustong-gusto niya si Tita Laureen ay dahil alam nito kung paano siya pasayahin. Ibang-iba silang dalawa ng Tita Cyan niya. She's strict kaya ayaw niya dito. Hindi tulad ng Tita Laureen niya na hinayaan siya kung ano ang nais niyang gawin at ibinibigay ang lahat ng gusto niya just like her mommy.

"Let's go. Malalate na si Zendaya sa school," aya ni Zach kay Laureen.

Agad na humawak sa kamay ni Laureen si Zendaya at nanatili namang nakaabrisyete ang babae sa braso ni Zach. Masayang lumabas ng mansion ang tatlo na para bang isang perpektong pamilya habang siya, nagmistulang palamuti lang sa isang tabi.

Huminga siya ng malalim para mawala ang bigat na nararamdaman niya. Nais niyang pagtawanan ang sarili niya. Parati naman na ito ang nakikita niya sa halos araw-araw pero bakit tila hindi parin siya nasasanay hanggang ngayon?

"Sigurado ka bang okay lang talaga kay Cyan itong relasyon natin, Zach? Paano kung isang araw bigla nalang siyang magalit at gumawa ng paraan para sirain ako," may bahid ng takot na sambit ni Laureen.

Mula sa daan, ibinaling ni Zach ang kanyang tingin sa babae. She's always like this everytime she went to his house. Isang masuyong ngiti ang sumilay sa kanyang labi.

"Don't worry. Walang gagawin na hindi maganda si Cyan, Laureen," puno ng kasiguraduhan niyang wika.

Sa loob ng dalawang taon, wala siyang narinig na reklamo kay Cyan tungkol sa relasyon nilang dalawa ni Laureen. Ang madalas lang nilang pagtalunan ay ang tungkol sa anak niya.

Cyan is strict while he and Laureen wanted to spoil Zendaya. Lumaki siya noon sa puder ng lolo niya kung saan kontrolado nito ang lahat. Kung may nais man siyang gawin na hindi nito nais ay pagagalitan lamang siya at parurusahan.

Iyon ang bagay na ayaw niyang maranasan ni Zendaya. He wanted her to be free unlike him. At sa bagay na iyon, nagkakasundo silang dalawa ni Laureen.

Gustong-gusto rin naman ng anak niya si Laureen at kung hindi lang dahil sa kanyang lolo, matagal ng wala si Cyan sa buhay nila. Laureen is a much better option to become Zendaya's mother. Mas panatag siya kapag ito ang kasama niya…

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Virginia07
ang ganda kaya. Bastos ka lang
goodnovel comment avatar
Nhing Nhing
boring naman
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 352

    TBBNHW 57Huling dumating si Zeus sa restaurant na napili ng dalawa. Kasalukuyan ng umoorder sina Psyche at Sean nang maupo siya sa bakanteng upuan na nasa harapan ng babae."Gusto mo ba ng seafoods, Psyche?" Masuyong tanong ni Sean."Hindi siya mahilig sa seafoods!" Masungit niyang singit.Napatingin ang dalawa sa kanya. Agad siyang inirapan ni Psyche bago nito ibinaling ang tingin kay Sean. "Okay lang. Gusto king subukan na kumain ng seafoods ngayon.""Sigurado ka ba?" May bahid pang pag-aalalang tanong ni Sean.Isang masuyong ngiti ang sumilay sa labi ni Psyche bago ito sumagot. "Of course."Napatango-tango naman si Sean at tinawag na ang waiter. Habang umuorder si Sean, nakipagsukatan ng tingin si Zeus kay Psyche. Tila balewala naman sa babae ang galit na ipinapakita niya. She's even acting like she's enjoying this!"Ikaw pare, anong order mo?" Tanong ni Sean sa kanya.He wanted to snapped at him. Nayayamot siya sa kakatawag nito sa kanya ng pare na para bang close silang dalawa.

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 351

    TBBNHW 56Nagpalipat-lipat ang tingin ni Psyche kay Sean at Zeus. Nang makita niyang mukhang walang plano si Zeus na tanggapin ang pakikipagkamay ni Sean ay palihim niyang siniko si Zeus.Salubong naman ang mga kilay nitong lumingon sa kanya. "What?" Zeus mouthed.Pinandilatan niya ito ng mga mata at sinenyasan na tanggapin ang kamay ni Sean. Nang nagmatigas parin si Zeus ay palihim na niya itong kinurot at saka palang nito tinanggap ang kamay ni Sean. But even when he accepted his hand, bakas parin ang disgusto sa mukha ng lalaki."Since your friend is here, bakit hindi nalang natin siya isabay?" Nakangiting suhestyon ni Sean.Mas lalo pang kumulimlim ang tingin ni Zeus sa kanya. "Where are you two going?""Ah, kakain kami sa labas, pare. Ano? Sama ka?" Pagkakaibigan nitong aya."Ah, hindi siya sasama sa atin, Sean. May lakad pa kasi itong si Zeus," aniya bago binalingan si Zeus. "Diba?" "Ganun ba? Sayang naman," sagot ni Sean.Kahit na mukha itong nanghihinayang, he knew too well n

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 350

    TBBNHW 55"Ano?!" Hindi makapaniwala niyang sambit.Isang mahinang tawa ang umalingawngaw sa kanyang pandinig. Agad siyang nakaramdam ng inis. Noon paman, palaging sinasabi ni Zeus sa kanya na sobrang cute niya noong una silang nagkita. Yun pala all this time, mukha siyang kalabasa sa paningin nito?Dammit!Sa labis na inis na nararamdaman niya, pinatayan niya ng tawag si Zeus. Ang kapal ng mukha nito! Sa dami-dami ng pwedeng ihambing sa kanya, kalabasa pa talaga?!Tatawa-tawa naman si Zeus nang marinig niya ang busy tone sa kabilang linya. Sigurado siyang namumula na sa inis si Psyche ng mga oras na iyon. At nasa ganung kalagayan siya nang makarinig siya ng katok mula sa labas."Come in," aniya habang pinaglalaruan sa kanyang mga kamay ang cellphone na hawak niya.Ilang sandali pa'y lumitaw mula sa may pinto ang kanyang secretary. Nang tingnan niya ay may dala itong paperbag na may lamang pagkain. Nangunot naman ang kanyang noo. Sa pagkakakatanda niya, hindi naman siya nag-utos na m

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 348

    TBBNHW 54Kaswal lang na pumasok sa kanyang boutique si Psyche. She put up a very serious expression na naging dahilan kung bakit wala ni isa sa mga empleyado niya ang nangulit sa kanya kahit na si Lydia.She spent her time entirely inside the office. Kahit na sabihin niyang dapat niyang iwan kung anuman ang problema niya sa bahay, but she still can't help to think about it.Zeus is really, really annoying!"Miss Psyche, eto na po ang kape ninyo," ani Lydia at maingat na inilapag sa kanyang mesa ang isang tasa na may lamang black coffee."Thanks," mahina niyang bigkas.Ilang sandali pa'y nagtataka siyang nag-angat ng tingin nang mapansin niyang hindi parin lumalabas ng opisina niya si Lydia."May problema ba, Lydia?""Ahm, itatanong ko lang po sana kung okay lang kayo noong nagpunta tayo ng club?"Tipid siyang ngumiti bago umiling. "You don't have to worry about it. Maayos naman akong nakauwi."Unti-unti ng napangiti si Lydia sa kanyang narinig. Masyado siyang nag-alala noong nakaraan

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 347

    TBBNHW 53Matapos na makuha ni Psyche ang mga gamit na dadalhin niya sa opisina, bumaba na siya ng silid at nagtungo sa parking lot. Bahagya pa siyang nagulat nang makita ang Ferrari na ginamit niya noong gabi na nagpunta siya sa club. Kung hindi siya nagkakamali, she went home with Zeus."Pinakuha ko yan kahapon sa club," ani Zeus na kararating lang sa likuran niya.Napatikhim naman siya bago nagsalita. "Thank you.""You're welcome," anito bago napasulyap sa kanyang mga sasakyan."Today’s color coding. Sakin ka na sumakay.""Sayo ako sasakay?" Pag-uulit niya.Sandali naman itong natigilan bago napangisi. "I mean sa kotse ko na ikaw sumakay. But if you want to ride me, wala akong problema doon. We haven't tried that position—""Shut up!" She hissed.Mahina itong natawa. "Kidding. Pero pwede ring totohanin natin."Isang irap ang naging tugon niya dito. "I'm not coming with you. Magbobook nalang ako ng taxi.""Oh, c'mon Psyche. Iniiwasan mo ba ako? Are you affected of what happened to u

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 346

    TBBNHW 52"Are you sure na walang lalabas na kahit ano?" Tanong ni Zeus sa kausap niya sa kabilang linya."Don't worry, Balmaceda. I got it all covered," sagot ng kausap niya.Nakahinga siya ng maluwag sa kanyang narinig. Mabuti nalang at agad na naagapan ng team ni Xerxes ang nangyari kagabi dahil kung hindi, tatlo na silang pagpipyestahan ng media ngayong araw.Napahilot siya sa kanyang sentido. Hindi niya aakalain na ganito kapasaway si Psyche. He knew she's stubborn when drunk but kissing a top actor infront of everyone when she herself was also related in the entertainment industry and came from one of the elite families in the country, it will surely be a big scoop!Maya-maya pa'y tumunog na ang kanyang cellphone sa ikalawang pagkakataon. And this time, a name that ge doesn't want to see appeared on the screen of his phone.Tristan...Buntong hininga niyang pinindot ang answer button para kausapin ang lalaki."You created a commotion in the club last night, Balmaceda," seryoso n

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status