Share

Kabanata 4

Author: Georgina Lee
last update Huling Na-update: 2025-07-22 16:55:23

Kasalukuyang nagbabasa ng libro si Cyan nang makatanggap siya ng tawag mula sa academy ni Zendaya at sinabing napaaway ito kaya naman agad-agad siyang nagtungo sa paaralan ng bata.

Pagdating niya doon ay nakita niya si Zendaya na nakaupo sa isa sa mga silya ng guidance counselor. Sa katapat na upuan naman ay isang batang babae na umiiyak at bahagya pang magulo ang buhok.

"Ano pong nangyari, Ma'am Letty?" Tanong niya sa school teacher.

"Mrs.Samaniego, napaaway po si Zendaya sa isa sa mga kaklase niya dahil pinagbibintangan niya na ito ang kumuha ng chocolate na regalo ng ninang niya," paliwanag ng guro.

Napasulyap siya sa kanyang pamangkin. Mataray itong nakaupo at humalukipkip pa. Ibinaling niya ang atensyon sa batang babae na nakaaway ng anak ni Zach.

"Totoo ba na kinuha mo ang chocolates ni Zendaya?" Tanong niya sa malumanay na tono.

Dahan-dahan itong nag-angat ng tingin sa kanya. Saka lang niya napansin na may maliit itong kalmot sa pisngi. Marahan na umiling ang batang babae bago nagsalita.

"Hindi po. Hindi po ako ang nagnakaw. Promise to God wala po akong kasalanan—"

"Ikaw ang naabutan kong nakatingin sa paperbag ko and I'm really sure na ikaw talaga ang nagnakaw. You're poor kasi! Palibhasa wala kayong pera para pambili! Kung hindi dahil sa scholarship mo, you won't be even here! At kapag hindi ka pa umamin sa kasalanan mo, I will call my Daddy so you will be kicked out in this academy!"

Marahas siyang napalingon kay Zendaya. She knew how spoiled she is pero hindi niya aakalaing ganito pala kalala ang ugali ng anak ni Zach.

"Enough Zendaya," may diin niyang bigkas.

"But it's true! She's poor kaya siya nagnakaw! Bakit siya ang kakampihan mo?! You should be on my side kaya ka nandito diba?! That girl should be kick out of this school! Hindi nababagay ang mga poor dito!"

"Zendaya!" Muli niyang saway sa bata.

Agad na namuo ang mga luha sa mga mata ni Zendaya at padabog na umalis ng guidance office. Nahihiya naman siyang tumingin sa dalawang guro na naroon.

"Pasensya na po kayo sa inaasta ni Zendaya. Pagsasabihan ko po siya na iiwasan na ang pakikipag-away. I will also settle with the parents about what my daughter did to her classmate," tukoy niya sa sugat nito sa pisngi.

Agad namang umiling si Ma'am Letty. "Wag niyo na pong alalahanin ang tungkol diyan, Mrs.Samaniego. Tinawagan ko lang po talaga kayo para ipaalam na napaaway ang anak ninyo. But we're already planning to settle everything. We will make this student apologize towards Zendaya. Kung nais po ng asawa ninyo na irevoke ang scholarship ng estudyante ay wala pong magiging problema."

Nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis na umiling. "Hindi na po. Pinaghirapan po nila ang scholarship na meron sila kaya nakapasok sila dito sa academy," mariin niyang tanggi.

Isa ang pamilyang Samaniego sa may malaking kontribusyon sa academy kaya ganun nalang kung itrato ng mga guro ang pamangkin niya. Idagdag mo pa ang pagkunsinti nina Laureen at Zach sa bata kaya mas naging matigas pa ang ulo nito.

Matapos makausap ang guro at estudyanteng inaway ni Zendaya, lumabas na siya ng guidance office at hinanap ang bata. Makalipas ang ilang minuto, natagpuan niya ito sa isa sa mga benches pero ang ikinagulat niya, naroon na si Laureen kasama nito.

Nang makita siya ng babae ay agad itong tumayo at sinalubong siya ng sampal at dahil nagulat siya, hindi siya nakaiwas sa ginawa ng babae. Sapo niya ang nasaktan niyang pisngi nang lingunin niya ito.

"How dare you make Zendaya cry?! Pinahiya mo pa talaga siya sa harapan ng kaklase at teacher niya! Are you really that stupid, Cyan? Hindi ka ba talaga marunong mag-alaga ng bata? Kung ganyan naman pala, why don't you quit being Zach's wife and leave the two of them alone!" Singhal nito sa kanya.

Sarkastiko naman siyang natawa. "And then what? Para ikaw na ang papalit sa pwesto ko? Yun naman ang gusto mo hindi ba? Well, I'm sorry Laureen, but I'm planning to make you a mistress for the rest of your life!"

Dahil may kalakasan ang boses niya, napalingon na ang ilan sa kanila. Nanlaki naman ang mga mata ni Laureen dahil sa pagkapahiya, gayunpaman, pinanatili niya ang taray ng kanyang mukha.

"Hindi yan ang issue dito, Cyan. Ang pinag-uusapan natin ay ang tungkol kay Zendaya!"

Napasulyap siya kay Zendaya bago itinuon ang atensyon kay Laureen. "I am just being rational, Laureen. Hiningi ko ang CCTV footage ng classroom and that child didn't do anything wrong. Si Zendaya ang naunang mang-away kahit na hindi naman nagnakaw ang batang yun sa tsokolate niya."

Kita niya ang pamumutla ng mukha ni Zendaya. Agad itong lumapit kay Laureen at nagtago sa likuran ng babae.

Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili niya. "Let's go back to the guidance office, Zendaya. You have to apologize to the kid whom you messed with."

"Are you insane?!" Hindi makapaniwalang sambit ni Laureen.

"What's insane about it? Tinuturuan ko lang ang anak ng kapatid ko. Taliwas sa ginagawa mo na nilalason ang utak niya!" May diin niyang bigkas.

Agad na umusbong ang galit sa mga mata ni Laureen at balak na naman siyang sampalin sa pangalawang beses pero sa pagkakataong iyon, nasalo niya ang kamay nito at ito naman ang sinampal niya bilang ganti.

Noon ay wala siyang hinayaang kahit na sinong tumapak sa pagkatao niya. She had enough of Laureen. Dalawang taon niya itong tiniis dahil lang sa gustong-gusto ito ng anak ni Zach at wala siyang magawa para paalisin ito sa buhay ng mag-ama.

"You slapped me?" Hindi makapaniwala nitong tanong.

"Obvious ba? Sa oras na sinaktan mo pa ako ulit, ibibigay ko na talaga sayo ang hinahanap mo!" Galit niyang asik.

Subalit ang hindi niya inaasahan ay bigla nalang siyang itinulak ni Zendaya palayo. "Bad ka! You hurt Tita Laureen! Isusumbong kita kay Daddy!" Galit na galit nitong asik habang hilam sa luha ang mga mata.

Isang nakamamatay na tingin ang ipinukol ni Laureen kay Cyan. "Nakita mo na ang ginawa mo? No wonder kung bakit hanggang ngayon, hindi mo parin nakukuha ang loob niya. Wala ka namang alam sa lahat. Why don't you just do what you did ten years ago? Runaway, Cyan. Kung noon kay Chloe mo iniwan ang resposibilidad mo, this time, leave it to me dahil mas kaya kong maging ina at asawa kay Zach kaysa sayo!”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nanc y Obias
Nku ano ba nmn ya cyan wala kna bang na titirang hiya sa sarili mo respituhin muna sarili bago ibang tao kausapin mo lolo ni zack at mag work ka hayaan muna cla mag ama gusto nya ki larureen na yun hayaan mo cla mg ama makatuksan sa to toong pagka tao iwasan muna rin cla mag ama
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 257

    Kumumlimlim ang tingin ni Roberto kay Zach dahil sa sinabi nito. Alam niyang may hindi pagkakaintindihan ang mga ito kaya pansamantalang naghiwalay. Pero hindi naman siya nagtanong kung ano ang dahilan at nag-away ang dalawa. But he didn't expected that it was because of cheating!"You cheated on my daughter?" Malamig niyang tanong.Napayuko naman si Zach. "Opo, Pa. Pero noon po yun. Alam ko pong kababawan pero galit po ako kay Cyan noon dahil naipakasal siya sa akin. I don't want a marriage with her before dahil narin kapatid siya ng namatay kong asawa at kakalibing palang ni Chloe. Pero pinagsisihan ko na po ang bagay na iyon at hindi ko na po uulitin kahit kailan."Ilang sandaling nakatitig si Roberto kay Zach. Hindi parin niya matanggap na nagtaksil ito sa anak niya. Masama man ang ugali niya, pero kahit kailan, hindi siya tumingin sa ibang babae. Tanging si Isabela lang ang minahal niya at nag-iisang babae sa paningin niya. Wala ng iba pa."Inamin ko po'to sa inyo ngayon dahil ay

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 256

    "Ikukuha ko muna kayo ng tubig," ani Isabela nang makabawi siya.Nagising silang mag-asawa dahil sa ingay at kaluskos na narinig nila sa labas kanina pero hindi sila lumabas agad lalo pa at nakita nilang maraming panauhin ang nasa labas na hindi nila kilala.Nang makaalis si Isabela sa salas ay marahan na umupo sa kaharap na sofa si Roberto "Anong nangyari sa inyong dalawa?" Nagtataka niyang tanong.Napasulyap si Lito kay Zach bago nakayukong nagsalita. "May humahabol po sa amin, Sir Roberto."Nangunot ang kanyang noo. "Humahabol? Bakit kayo hinahabol?""Ang totoo niyan, Sir, hindi po talaga namin alam. Bigla nalang silang dumating sa bahay namin. Pinatakbo kami ng pamangkin namin palayo para hindi nila kami maabutan," nanginginig ang boses na sagot ni Elsa."Pamangkin? Do you mean Jacob?"Nag-angat ng tingin si Lito kay Zach. "K—kilala niyo po si Jacob?" Nangunot naman ang noo ni Zach habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Mang Lito. "Yeah. Yung pamangkin ninyong si Elmer, hindi ba't

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 255

    "Wag kang magsinungaling. Kilala kita! Ikaw ang kasama ni Jacob at may-ari ng bahay kung saan siya tumuloy.""J—jacob?" Kunot noo niyang tanong."Bakit? Hindi mo kilala ang taong inampon mo?" Sarkastiko nitong wika."H—hindi ko po talaga alam ang mga sinasabi ninyo, Sir," halos maiyak na niyang wika.Nanginginig naman sa takot sa isang sulok si Elsa habang pinagmamasdan ang asawa niya na ngayon ay tinututukan ng baril ng hindi niya kilalang lalaki. "Díyos ko po. Ano ba itong gulong napasok namin," humihikbi niyang usal.Napatitig siya sa bag na hawak niya. Gaano ba talaga kahalaga ang laman ng bag at talagang nais itong makuha mula sa kanila ng mga hindi niya kilalang tao. Kung ibibigay ba niya ang bag, maililigtas ba ang buhay ng asawa niya?Mariin na napapikit si Lito nang maramdaman niya ang pagdiin ng baril nito sa batok niya. "Napakarami mong satsat. Sabihin mo sa akin kung nasaan siya o baka gusto mong pasabugin ko itong bungo mo!""Wala po talaga akong alam, Sir."Huminga ng m

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 254

    Nagulat ang mag-asawa sa pinagsasabi ni Elmer. Naririnig din nila ang ingay na nagmumula sa kanilang munting bahay habang nasa gitna na sila ng damuhan may kalayuan sa tinitirhan nila."Ano ba talagang nangyayari, Elmer? Saka bakit kailangan naming puntahan si Ma'am Cyan? Sino ba ang mga may-ari ng sasakyan na dumating?" Umiiyak na tanong ni Elsa.Malakas ang kabog ng kanyang dibdib habang kasama si Lito at Elmer. Hindi niya maintindihan pero pakiramdam niya may nakaambang panganib sa buhay nila.Humugot ng hangin si Elmer bago mahigpit na hinawakan ang ginang. "Malaki po ang pasasalamat ko na kinupkop niyo ako, Tiya, Tiyo. Kung sakali man na hindi na tayo magkita ulit, tandaan niyo pong sa panahon na nakasama ko kayo, napamahal na po ako sa inyo."Sa pagkakataong iyon ay niyakap na siya ng mahigpit ng mag-asawa. Subalit kahit gaano pa niya kagustong manatili sa tabi ng mga ito, natatanaw niyang hahabulin na sila ng mga tauhan ni Laureen at Orlando."Wala na po tayong panahon, Tiya, T

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 253

    Kanina pa nakahiga si Elmer sa higaan subalit hindi parin siya dinadalaw ng antok. Hindi niya inaasahan na makikita niyang muli ang asawa ng yumaong si Chloe at ang mas nakakagulat pa, si Cyan na ang asawa nito ngayon.Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga bago napatingin sa kanyang bag kung saan laman ang mga dokumento at mismong USB kung saan nakalagay ang mga ebidensya na itinabi ni Dr.Jansen. Balak niya sanang ibigay iyon kay Cyan at sabihin sa babae ang totoo para makalaya na siya. Nais niyang humingi ng tulong sa babae para mabigyan narin ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid nito pero natakot siya nang makita niya si Zach.Bago pumanaw si Dr.Jansen, malinaw niyang narinig na ang nais ni Laureen ay ang mismong asawa ni Chloe na si Zach. Nang minsan ding magawi siya sa siyudad, nakita niyang nagtagumpay si Laureen sa nais nito dahil masaya naman ang dalawa. Ang hindi lang niya inaasahan ay pinakasalan pala ni Zach ang kambal ni Chloe."Bakit gising ka pa, Elmer?"

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 252

    "Gising pa pala kayo, Dad?" Puna ni Laureen nang makita ang kanyang ama na nakaupo sa isa sa mga sofa sa salas habang umiinom ng alak.Isang kalmadong ngiti ang sumilay sa labi ng lalaki. "Hmm, kausap ko kani-kanina lang ang isa sa mga tauhan ko na naghahanap kay Jacob. And guess what? Nahanap na nila ang pinagtataguan ng lintik na lalaking iyon!"Agad na nakakuha ng kanyang atensyon ang sinabi nito. "Talaga Dad? So? Does it mean na mapapatahimik na natin siya ng tuluyan?" Excited niyang tanong."Of course. Tonight, that Jacob Illustre will die at wala na tayong poproblemahin pa!" Nakangiti nitong tugon."That's a very good news. I guess we deserve a celebration!" Aniya at kumuha ng isa pang baso at nilagyan iyon ng alak.The two of them made a toast with a smile on their lips for the triumph that they will have tonight."Thank you, Dad. I don't know what I will do without you," puno ng emosyon niyang wika."You are my daughter Laureen, kaya gagawin ko talaga ang lahat para sumaya ka.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status