Share

Kabanata 2

Author: Georgina Lee
last update Huling Na-update: 2025-07-22 16:54:16

"What did you say?" Kunot noong tanong ni Zach sa kanyang abuelo.

"Marry the other daughter of Roberto Natividad, Zach."

Walang buhay siyang natawa. Hindi siya sigurado kung nasa maayos na pag-iisip pa ba ang lolo Sebastian niya. Imagine, kakalibing niya lang kay Chloe tapos balak na agad siya nitong ipakasal sa ibang babae at what's more worse is sa kapatid pa talaga ng yumao niyang asawa?!

"You must be insane, Lolo! Hindi ako makakapayag sa sinabi ninyo!" Galit niyang kontra.

Wala pa sa isipan niya ang mag-asawang muli. Abala siya sa business ng pamilya nila at idagdag pa ang anak niya. Getting married is would be the last thing in his mind but his crazy grandfather is setting him up again for the second time around!

Nang mamatay ang mga magulang niya sa aksidente noong limang taong gulang pa lamang siya, si Don Sebastian na ang sumalo sa kanila ng nakababata niyang kapatid. Ito ang nagpalaki sa kanila kaya naman habang lumalaki sila, kontrolado nito ang lahat sa buhay nila.

"Why not? Hindi ba't si Cyan Natividad naman talaga ang dapat na mapapangasawa mo noon? Naudlot lang dahil tumakas siya. And now fate has brought her back here to fulfill the thing that she had run away from before."

Naiyukom ni Zach ang kanyang mga palad. Kung nataon lang na kasing edad niya ang matanda, kanina pa niya ito nasuntok!

"Wala akong pakialam kung siya dapat ang mapapangasawa ko. I won't marry her o kahit na sino paman ang babaeng nais mo!" Galit niyang asik at tinalikuran na ang matandang Don.

Subalit nakailang hakbang palang siya, agad siyang natigil nang magsalita ito.

"Kung hindi ka magpapakasal sa anak ni Roberto, then I'm afraid to say na babawiin ko ang lahat ng kontrol mo sa Samaniego Empire. At lahat ng dapat na mamanahin ninyo ng kapatid mo ay ibibigay ko sa charity. Wala kayong makukuha kahit isang kusing mula sakin, Zach."

Dahan-dahan siyang napalingon sa matandang lalaki at pinukol ito ng isang nakamamatay na tingin. All his life wala siyang ibang ginawa kundi mag-aral at patunayan sa lalaki na karapat-dapat siyang maging tagapagmana ng Samaniego Empire. Hindi niya lubos akalain na kaya nitong balewalain ang effort niya para palaguin ang real estate business nila dahil lang ayaw niyang sumunod sa gusto nito.

Umangat ang sulok ng labi ng Don ng makita ang reaksyon niya.

"I guess I already know the answer base sa ekspresyon mo."

Padabog siyang lumabas ng opisina. Bahagya pa siyang natigilan nang makita si Zendaya na nasa tapat ng pinto. Base sa ekspresyon nito, mukhang narinig nito ang pinag-usapan nila ng kanyang lolo. Akmang hahawakan niya ito nang dumating si Laureen, ang best friend ng yumao niyang asawa at ninang ni Zendaya.

"Pasensya ka na, Zach. Nakaligtaan ko kung saan nagpunta si Zendaya," anito sa mahinang boses.

Umiling naman siya. Hindi naman resposibilidad ni Laureen na bantayan ang anak niya pero narito parin ang babae dahil alam nitong nagluluksa sila ni Zendaya. Kahit papaano ay napanatag naman siya sa presensya nito. Dahil kay Laureen, hindi masyadong nalulungkot ang anak niya.

"You don't have to say sorry. Wala ka namang kasalanan. And... Thank you for being here for my daughter."

"Wala kang dapat na ipagpasalamat. Chloe is like a sister to me," nakangiti nitong sagot at inilahad na ang kamay kay Zendaya. "Halika na. Sa garden muna tayo. Busy pa ang Daddy Zach mo."

Agad namang sumama si Zendaya kay Laureen. Nang makarating sila sa garden ay mabilis na nagtanong si Zendaya sa kanyang ninang tungkol sa narinig niya. Laking pasasalamat niya at agad naman nitong ipinaliwag sa kanya ang lahat.

"Ibig sabihin bad girl ang sister ni Mommy Chloe?" Humihikbi niyang tanong.

Malungkot na tumango ang Tita Laureen niya. "I'm sorry, baby. Kung may magagawa lang sana ako para pigilan ang lahat. Pero walang powers si Tita. But still, you don't have worry. Hindi naman kita pababayaan. Basta ang gawin mo, makikinig ka lang kay Tita para safe ka," malumanay nitong sambit sabay yakap sa kanya.

Napapikit naman siya at sunod-sunod na tumango. Mabuti nalang at kahit wala na ang mommy niya, kasama naman niya ang kanyang Tita Laureen...

Nang sumunod na araw, bumisita si Cyan sa bahay nina Zach at Chloe sa utos ng kanyang ama. Sa bungad palang ng mansion, nagsusumigaw na sa karangyaan ang lahat. Daig pa nito ang isang palasyo sa ganda at lawak.

Pagdating niya sa salas kung saan siya iginiya ng kasambahay ay siya namang pagbaba ng kanyang pamangkin na si Zendaya sa may hagdan. Alanganin siyang ngumiti sa bata lalo pa't iyon ang unang beses na magkakaharap sila at magkakausap.

"Hello, Zendaya. I'm your Tita—"

"Why are you here?"

Napakurap-kurap siya at natigilan. Noong nakaraang araw sa semeteryo hindi naman ganito si Zendaya. Pati ang tingin nito sa kanya ngayon ay may kakaiba din.

"N—nandito ako para bisitahin ka."

Kahit na bata lang ang kaharap niya, hindi niya maiwasang mautal. Siguro dahil nagulat siya sa inasta nito. Mahinhin ang kakambal niya kaya hindi niya lubos akalain na ganito kataray si Zendaya.

"And then what? Dito ka na titira sa bahay namin? Aagawin mo sakin ang Daddy ko? Papalitan mo ang Mommy Chloe ko dahil gusto mo ang yaman na meron si Daddy?!"

Nanlaki ang kanyang mga mata. Kahit kailan ay wala siyang interes sa yaman ng kahit na sino. Mas sanay siyang magbanat ng buto para makamit ang anumang nais niya.

Gayunpaman ay pilit siyang ngumiti. Bata lang si Zendaya. Baka alam na nito ang tungkol sa kasal nila ni Zach at namis-interpret nito ang lahat.

"What are you talking about, Zendaya? Hindi ako—"

"Stop lying, you desperate gold digger!" Singhal nito sa kanya.

Napanting ang tenga niya sa narinig. Kailanman ay wala pa siyang hinayaang kahit na sino na alipustahin siya.

"I came here to check on you because I know your grieving dahil nawalan ka ng nanay. But I can't tolerate that attitude of yours calling me names! Hindi mo ako kilala and it's not the proper way of talking to someone older than you. Matuto kang rumespeto, Zendaya," malamig niyang sambit.

Agad na namula ang mga mata ni Zendaya at nagsimulang umiyak. Nagulat naman siya sa ginawa nito. Akmang lalapitan niya ang bata nang isang kamay ang mariin na humawak sa kanyang braso at kinaladkad siya palabas ng mansion.

"You don't have the right to make my daughter cry, Miss Natividad!" Ani ng isang malamig na boses at marahas siyang binitawan.

Nang mag-angat siya ng tingin, napagtanto niyang si Zach ang kaharap niya. Galit na galit ang ekspresyon nito habang nakatitig sa kanya.

Huminga siya ng malalim bago umayos ng tayo. "Hindi ko pinaiyak ang anak mo, Mr.Samaniego. Tinuruan ko lang siya ng tamang asal," mahinahon niyang wika.

Sarkastiko namang natawa ang lalaki. "At sino ka para pangaralan ang anak ko? You don't have the right to discipline her. And why are you here by the way? Hindi ka na ba makapaghintay na makasal tayo bago ka man lang tumuntong dito? Are you that excited na palitan ang kapatid mo?"

Umawang ang kanyang mga labi. Zach didn't change at all. He's still cold but now he's also rude and arrogant! Subalit bago paman siya makapagsalita ay inunahan na siya nito.

"Wag kang mag-alala, matutuloy ang kasal natin kahit na ayaw ko sayo but right now, go home and leave my house Miss Natividad. Ayokong makita ang pagmumukha mo dito!”

Matapos siya nitong pagsalitaan ng hindi maganda ay iniwan na siya ng lalaki. Walang buhay naman siyang natawa. Sila ba ang magiging kasama niya sa susunod na mga araw o buwan? Sa trato palang ng mga ito sa kanya ngayon, mukhang hindi magiging madali ang buhay niya kapag nakasal na sila…

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Celia Daño
mahirap talaga Ang broken family anak Ang epektado pwede nman cguro lambutan mo muli Ang puso Elena alang alang sa kinabukasan ng anak mo pwede ka din cguro magpatawad at magbigay ng another chance KY jake btry mo ulit alang alang sa anak mo
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 352

    TBBNHW 57Huling dumating si Zeus sa restaurant na napili ng dalawa. Kasalukuyan ng umoorder sina Psyche at Sean nang maupo siya sa bakanteng upuan na nasa harapan ng babae."Gusto mo ba ng seafoods, Psyche?" Masuyong tanong ni Sean."Hindi siya mahilig sa seafoods!" Masungit niyang singit.Napatingin ang dalawa sa kanya. Agad siyang inirapan ni Psyche bago nito ibinaling ang tingin kay Sean. "Okay lang. Gusto king subukan na kumain ng seafoods ngayon.""Sigurado ka ba?" May bahid pang pag-aalalang tanong ni Sean.Isang masuyong ngiti ang sumilay sa labi ni Psyche bago ito sumagot. "Of course."Napatango-tango naman si Sean at tinawag na ang waiter. Habang umuorder si Sean, nakipagsukatan ng tingin si Zeus kay Psyche. Tila balewala naman sa babae ang galit na ipinapakita niya. She's even acting like she's enjoying this!"Ikaw pare, anong order mo?" Tanong ni Sean sa kanya.He wanted to snapped at him. Nayayamot siya sa kakatawag nito sa kanya ng pare na para bang close silang dalawa.

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 351

    TBBNHW 56Nagpalipat-lipat ang tingin ni Psyche kay Sean at Zeus. Nang makita niyang mukhang walang plano si Zeus na tanggapin ang pakikipagkamay ni Sean ay palihim niyang siniko si Zeus.Salubong naman ang mga kilay nitong lumingon sa kanya. "What?" Zeus mouthed.Pinandilatan niya ito ng mga mata at sinenyasan na tanggapin ang kamay ni Sean. Nang nagmatigas parin si Zeus ay palihim na niya itong kinurot at saka palang nito tinanggap ang kamay ni Sean. But even when he accepted his hand, bakas parin ang disgusto sa mukha ng lalaki."Since your friend is here, bakit hindi nalang natin siya isabay?" Nakangiting suhestyon ni Sean.Mas lalo pang kumulimlim ang tingin ni Zeus sa kanya. "Where are you two going?""Ah, kakain kami sa labas, pare. Ano? Sama ka?" Pagkakaibigan nitong aya."Ah, hindi siya sasama sa atin, Sean. May lakad pa kasi itong si Zeus," aniya bago binalingan si Zeus. "Diba?" "Ganun ba? Sayang naman," sagot ni Sean.Kahit na mukha itong nanghihinayang, he knew too well n

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 350

    TBBNHW 55"Ano?!" Hindi makapaniwala niyang sambit.Isang mahinang tawa ang umalingawngaw sa kanyang pandinig. Agad siyang nakaramdam ng inis. Noon paman, palaging sinasabi ni Zeus sa kanya na sobrang cute niya noong una silang nagkita. Yun pala all this time, mukha siyang kalabasa sa paningin nito?Dammit!Sa labis na inis na nararamdaman niya, pinatayan niya ng tawag si Zeus. Ang kapal ng mukha nito! Sa dami-dami ng pwedeng ihambing sa kanya, kalabasa pa talaga?!Tatawa-tawa naman si Zeus nang marinig niya ang busy tone sa kabilang linya. Sigurado siyang namumula na sa inis si Psyche ng mga oras na iyon. At nasa ganung kalagayan siya nang makarinig siya ng katok mula sa labas."Come in," aniya habang pinaglalaruan sa kanyang mga kamay ang cellphone na hawak niya.Ilang sandali pa'y lumitaw mula sa may pinto ang kanyang secretary. Nang tingnan niya ay may dala itong paperbag na may lamang pagkain. Nangunot naman ang kanyang noo. Sa pagkakakatanda niya, hindi naman siya nag-utos na m

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 348

    TBBNHW 54Kaswal lang na pumasok sa kanyang boutique si Psyche. She put up a very serious expression na naging dahilan kung bakit wala ni isa sa mga empleyado niya ang nangulit sa kanya kahit na si Lydia.She spent her time entirely inside the office. Kahit na sabihin niyang dapat niyang iwan kung anuman ang problema niya sa bahay, but she still can't help to think about it.Zeus is really, really annoying!"Miss Psyche, eto na po ang kape ninyo," ani Lydia at maingat na inilapag sa kanyang mesa ang isang tasa na may lamang black coffee."Thanks," mahina niyang bigkas.Ilang sandali pa'y nagtataka siyang nag-angat ng tingin nang mapansin niyang hindi parin lumalabas ng opisina niya si Lydia."May problema ba, Lydia?""Ahm, itatanong ko lang po sana kung okay lang kayo noong nagpunta tayo ng club?"Tipid siyang ngumiti bago umiling. "You don't have to worry about it. Maayos naman akong nakauwi."Unti-unti ng napangiti si Lydia sa kanyang narinig. Masyado siyang nag-alala noong nakaraan

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 347

    TBBNHW 53Matapos na makuha ni Psyche ang mga gamit na dadalhin niya sa opisina, bumaba na siya ng silid at nagtungo sa parking lot. Bahagya pa siyang nagulat nang makita ang Ferrari na ginamit niya noong gabi na nagpunta siya sa club. Kung hindi siya nagkakamali, she went home with Zeus."Pinakuha ko yan kahapon sa club," ani Zeus na kararating lang sa likuran niya.Napatikhim naman siya bago nagsalita. "Thank you.""You're welcome," anito bago napasulyap sa kanyang mga sasakyan."Today’s color coding. Sakin ka na sumakay.""Sayo ako sasakay?" Pag-uulit niya.Sandali naman itong natigilan bago napangisi. "I mean sa kotse ko na ikaw sumakay. But if you want to ride me, wala akong problema doon. We haven't tried that position—""Shut up!" She hissed.Mahina itong natawa. "Kidding. Pero pwede ring totohanin natin."Isang irap ang naging tugon niya dito. "I'm not coming with you. Magbobook nalang ako ng taxi.""Oh, c'mon Psyche. Iniiwasan mo ba ako? Are you affected of what happened to u

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 346

    TBBNHW 52"Are you sure na walang lalabas na kahit ano?" Tanong ni Zeus sa kausap niya sa kabilang linya."Don't worry, Balmaceda. I got it all covered," sagot ng kausap niya.Nakahinga siya ng maluwag sa kanyang narinig. Mabuti nalang at agad na naagapan ng team ni Xerxes ang nangyari kagabi dahil kung hindi, tatlo na silang pagpipyestahan ng media ngayong araw.Napahilot siya sa kanyang sentido. Hindi niya aakalain na ganito kapasaway si Psyche. He knew she's stubborn when drunk but kissing a top actor infront of everyone when she herself was also related in the entertainment industry and came from one of the elite families in the country, it will surely be a big scoop!Maya-maya pa'y tumunog na ang kanyang cellphone sa ikalawang pagkakataon. And this time, a name that ge doesn't want to see appeared on the screen of his phone.Tristan...Buntong hininga niyang pinindot ang answer button para kausapin ang lalaki."You created a commotion in the club last night, Balmaceda," seryoso n

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status