Share

Chapter 49

"Si Ma'am Georgina at ang mga kapatid niya." sagot ni Tita Daisy. Tumitig pa ito sa akin para tingnan kung ano ang magiging reaksyon ko pero diritso lang ang tingin na pinukol ko sa kanilang tatlo.

Hindi na ako nagulat dahil alam ko na mula kay Ethan. Sinabi niya na sa akin na si Georgina at ang dalawang kapatid niya sa ama ang may pakana ng lahat.

Kumuha ng upuan ang isa sa mga tauhan at pinaupo ako sa harapan nilang tatlo habang si Ethan ay nakatayo at nakaalalay lang sa tabi ko.

"Gusto niyang masira ang relasyon niyo ni Sir Ethan." Pagpapatuloy ni tita Daisy. "High school pa lang daw siya may gusto na siya kay Sir Ethan kaso hindi siya pinapansin kaya lalo siyang nacha-challenge."

"Palagi niyang sinasabi kapag nalalasing siya dito na gagawin niya ang lahat makuha lang si Sir Ethan." Dagdag ni Rose. "Walang nakakalapit na ibang babae kay Sir kapag nandito siya dahil takot sila kay Ma'am Georgina dahil painangangalandakan niyang siya ang nobya ni Sir at malapit na silang ikasal."

N
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Fannie Doloricon
p unlock po, ty
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status